The Mind Reader Hunk(Complete...

By Wild_Amber

502K 16.5K 915

MICHAEL JEB HERNANDEZ(GSB-12) 'The real tarzan in the city.' By:Wild Amber More

Teaser
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30

Chapter 15

14.2K 486 25
By Wild_Amber

MATAPUS kumain nila Vixen ay agad nitong sinamahan ang binata sa silid nito. Dahil wala pa itong tulog at baka kung hindi naman niya ito sasamahang matulog ay hindi na naman matutulog.

"What?" Natatawang tanong ni Jeb sa dalaga. "Okay." Bigla rin itong sumuko sa dalaga ng pamaywangan siya nito sabay arko ng kilay nito.

"Maglinis ka muna ng katawan mo, baka bigla kang bangungutin ng pinatay mo." Utos niya sa binata. Agad naman itong sumaludo sa dalaga. Muli niyang ibinalik sa secret drawer niya ang dala niyang baril kanina.

"Yan lang ba ang baril mo dito sa loob ng bahay mo?" Hindi mapigilang naitanong ng dalaga sa kanya. "Mmmm. Meron pa akong ibang baril na nakatago." Anito sabay kamot ng ulo. Agad naman tumango si Vixen.

Ng maibalik niya sa loob ng drawer ang revolver ay agad rin niya itong isinara saka niya hinubad ang suot niyang jacket. Matapus niyang mahubad ang suot na jacket ay sinunod naman nito ang suot niyang damit. Ng makita ng dalaga ang katawan ng binata ay lihim siyang napalunok.

Tahimik namang naghuhubad ang binata. Ngunit sa kaloob-looban niya ay natatawa ng lihim sa kalukuhan niya. Sinasadya kasi niyang maghubad na nakikita ni Vixen. Ng mahubad niya ang suot na t-shirt ay sinunod naman niya ang suot niyang feated jeans.

Halos hindi na huminga si Vixen ng tuluyang mahubad ni Jeb ang suot nitong pantalon. Gusto niyang umiwas dito ng tingin ngunit hindi niya magawa dahil tila napako na doon ang mga mata niya. Kaya ang ginawa niya ay bigla niyang kinurot ang sarili sabay ngiwi niya.

"Ehmm. Bilisan mong maglinis ng katawan ng makapagpabinga ka agad." Anito na agad sumampa sa kama ni Jeb. Nangingiti namang pumasok sa loob ng banyo si Jeb habang nakasuot ito ng boxer shorts.

Habang nasa loob ng banyo si Jeb ay naririnig ito ni Vixen na kumakanta. Napailing na lang siya dahil mukhang sinadya ni Jeb na wag isara ang pinto ng banyo.

Matapus maglinis ni Jeb ng katawan ay nakatapis ito ng towel na lumabas ng banyo. Agad itong pumasok sa lalagyan ng mga damit niya at nagsuot ng boxer shorts.

"Masasakal ko talaga ang lalaking ito." Piping ani Vixen ng makita niya si Jeb na papalapit sa kama habang nakasuot lang ito ng boxer shorts. Mabilis itong sumampa sa kama at nahiga. "Seriously. Matutulog kang nakaganyan lang." Anito. At hindi sinasadya ay biglang napunta ang mga mata niya sa gitnang bahagi ng mga hita ni Jeb. Tila nasisiyahan naman ang binata at kumportable lang itong nakahiga sabay unan niya sa dalawang mga kamay.

"Wala naman masama sa suot ko. Ganito talaga ako matulog noon pa." Aniya kay Vixen. "Ewan ko sayo. Matulog kana nga." Bigla itong nahiga at mabilis na tumalikod sa binata para itago ang pamumula ng mukha niya.

"Baby. Hindi mo ba namimiss ang parents mo?" Maya ay seryusong tanong ni Jeb sa kanya. "I missed them. At gustong-gusto ko na silang makita. Pero, sabi niyo hindi ako safe kaya kailangan kung magstay dito." Malungkot niyang aniya.

"Pwede mo naman silang makita. Ipapasundo ko sila sa inyo." Ani Jeb. At dahil sa narinig ni Vixen ay agad siyang humarap sa binata. "Sigurado ka, hindi ka nagbibiro?" Tanong niya sa binata.

"Yes. I'm serious. Ipapasundo ko sila doon ng makita mo sila." Nakangiti nitong aniya. Kaya sa tuwa ni Vixen ay agad niyang hinalikan si Jeb. Napangiti naman ang binata ng makita niya ang kasiyahan sa mukha ni Vixen. "Thank you, Jeb." Ani Vixen na agad yumakap sa binata.

"Anything for you baby. Basta magsabi ka lang at handa kung ibigay sayo sa abot ng aking makakaya." Anito. Kaya natouch naman dito ang dalaga.

"Parte na ba ito ng panliligaw na sinasabi mo?" Maya ay tanong niya kay Jeb. "Pwede na rin," sagot niya sabay kindat sa dalaga. "Bakit, nakakapoints na ba ako?" Pabiro nitong tanong.

"Sira." Tanging nasabi na lang ni Vixen. Kaya agad itong hinapit ng binata sa baywang kaya bigla itong pumaibabaw sa kanya. "Jebbbb!"

"I want to kiss you baby." Anito. Unti-unti namang inabot ng dalaga ang labi niya. Ng lumapat ang labi ng dalaga sa labi niya ay agad niyang ipinulupot ang dalawang kamay sa baywang ni Vixen at pinalalim niya ang palitan nila ng halik.

"Hmmmp."

Agad na kumawala ang munting ungol sa mga labi ni Vixen ng bahagyang pisilin ng binata ang pang-upo niya. At ng maghiwalay ang mga labi nila ay kapwa nila habol ang hangin.

"Next time kana maglandi, matulog ka muna." Maya ay anito kay Jeb na natawa. "Pwede bang mamaya na matulog at lalandiin muna kita." Ani Jeb.

"Hindi pwede. Matulog ka muna." Nagdudumilat nitong aniya sabay pitik niya sa ilong ni Jeb ng mahina. "Wag kang makulit. Kung ayaw mong basteden kita." Pagbabanta nito. Kaya agad naman siyang pinahiga ni Jeb sa tabi niya sabay halik niya sa buhok ni Vixen.

"Sige. Matutulog na ako, baby." Mabilis nitong aniya na kinatawa ni Vixen ng lihim. Agad na ipinikit ni Jeb ang mga mata niya habang ang isa niyang kamay ay nasa baywang ni Vixen. Ang isa naman niyang kamay ay ginawa niyang unan ng dalaga.

"Madali ka lang naman palang kausap, mister." Kausap niya ang isip habang nakamata sa binata. "I like you." Ani Jeb na nakapikit parin ang mga mata. "I like you, too." Mahina nitong sagot. Kaya mabilis na nagdilat ng mga mata ang binata.

"Pikit mo yang mga mata mo." Saway niya agad dito. Napasimangot naman itong nakinig sa kanya. Kaya lihim siyang natatawa. "God. You like me too. Gusto kung magsisigaw sa tuwa ngayon." Mahina nitong aniya kaya agad tinampal ni Vixen ng mahina ang pisngi niya.

"Mutulog kana. Sige ka, doon ako matutulog sa kabilang kwarto." Pananakot niya kay Jeb. Mahigpit naman itong yumakap sa dalaga at hindi na nagsalita muli.

SAMANTALA habang nakaupo si Tina sa isang coffee shop ay may biglang lumapit sa kanyang lalaki. Agad naupo ang lalaki sa upoang nasa harap ng kinauupoan niya. Kaya bigla itong tinaasan ni Tina ng kilay.

"Sino ka para makiupo dito sa mesa ko. Umalis ka nga at maghanap ka ng ibang mesa." Mataray niyang aniya sa lalaki. Tila hindi naman siya narinig ng lalaki.

"Meron akong trabahong gustong ialok sayo." Anang lalaki sa kanya. "At ano namang trabaho?" Nakataas parin ang kilay niyang tanong sa lalaki.

Agad naman naglabas ng isang larawan ang lalaki. "Alam kung kilala muna ang babaeng ito," sabay lapag nito ng larawan sa harapan ni Tina. Napakunot naman ang noo niyang tumingin sa mukha ng lalaki.

"Kapag naiharap mo ang babaeng iyan sa boss ko ay babayaran ka niya ng malaki." Paliwanag nito. "Magkano naman ang ibabayad niya sa akin?" Tanong niya sa lalaki.

"Hindi baba sa isang million." Mabilis na sagot ng lalaki. Napaupo naman ng tuwid si Tina dahil sa narinig. "Isang million." Anito sa isip. Alam niyang malaking halaga na ang perang iyon at mahihirapan siyang kitain ang ganun kalaking pera.

"Tanggapin muna. At makakaganti kana rin sa babaeng iyan sa pamamahiya niya sayo. At kikita ka pa ng malaking halaga." Anang isip niya.

"Saan ko makikita ang boss mo?" Tanong niya. "Sasamahan kita sa kanya kung gusto mo siyang makilala." Anang lalaki.

"Ngayon na ba?" Ani Tina. "Sure." At agad na tumayo ang lalaki. Kaya agad rin tumayo si Tina sabay bitbit niya ng bag at sumunod sa di kilalang lalaki.

"Ngayon ka sa akin. Tingnan natin kung hindi pa ako makakaganti sayo." Kausap niya ang isip habang nangingiti ng lihim.

Agad na pinagbuksan ng lalaki si Tina ng sasakyan at taas noo naman itong pumasok sa loob ng sasakyan. "Nice car." Anito sa isip sabay ngiti.

NANG magising si Jeb ay maingat siyang umalis sa kama na hindi nagigising si Vixen. Payapa itong natutulog kaya hinayaan na muna niya ito. Agad niyang hinanap ang tawagan niya at meron siyang tinawagan.

"Bro, busy ka ba?" Agad niyang aniya sa tinawagan. "Bakit?" Sagot naman nito sa kanya.

"May ipapakiusap sana ako sayo." Anito. "Ano yun?" Mabilis na tanong nito sa kanya.

"Ipapasundo ko sana sayo ang parents ni Vixen, mas safe kasi silang magbyahe kung chopper ang sasakyan nila. At alam kung kaya mong magdrive ng chopper kaya ikaw ang tinawagan ko, busy kasi si Monte Silva." Paliwanag niya sa kausap.

"Busy manisid ang mandaragat na yun," natatawang anang kausap niya. Maging siya ay natawa rin. "Sige, susunduin ko na lang sila. Wala naman akong ginagawa ngayon. Hihiramin ko na lang yung chopper ni lolo." Saad nito sa kanya.

"Thanks bro." Pasalamat naman niya agad dito. "Nhaaaa. Para saan ang pagiging magkadugo natin." Napailing na lang siya sa tinuran nito.

"Sige, tatawagan lang kita mamaya. Magpapaalam muna ako sa asawa ko." Anang kausap niya bago nawala sa kabilang linya.

Matapus niya makausap ang pinsang si JB ay naiiling na lang itong natatawa. 'Asawa, hindi pa nga sila kasal asawa na." Anito sa isip. Maya't maya ay si Mark naman ang sinunod niyang tinawagan sa tawagan.

"Anong maipaglilingkod ko sayo Hernandez?" Tanong agad nito sa kanya. "Magpapadilever ako sayo ng pagkain dito sa bahay para sa dinner. Ipapasundo ko kasi ang parents ni Vixen sa probinsya." Sagot naman niya.

"Ano yan, seryusohan na ba bro?" Natatawang tanong sa kanya ni Mark. "Sa tingin mo?" Natatawa rin niyang balik tanong kay Mark.

"Gago, then good for you." Ani Mark na kinailing niya. "Sige, ipapahatid ko lang dyan mamaya ang padinner mo." Anito.

"Damihan mo ang ipadilever mo, baka bigla silang magsidatingan dito." Ang tinutukoy niya ay ang mga pinsan at mga kaibigan nila. "Sige. Sige. Walang problema, basta magbayad ka lang." Anang kausap niyang kinatawa niya.

"Sige, ipapadala ko lang dyan ang cheque." Anito bago siya nagpaalam kay Mark.

Ng maibaba niya ang tawagan ay muli siyang bumalik sa kwarto niya kung saan natutulog parin si Vixen. Kaya maingat siyang lumapit dito at dahan-dahan niyang hinawi ang ilang hibla ng buhok ni Vixen na tumabing sa mukha nito. Tila naramdaman naman siya ng dalaga at agad itong gumalaw at dahan-dahang nagmulat ng mga mata.

"Hey! K-kanina ka pa gising?" Namamaus nitong tanong kay Jeb. "Not really. Bago lang." Sagot niya sabay haplos niya sa mukha ni Vixen. Tila naglalambing naman ito at agad niyang itinaas ang dalawang kamay. Kaya agad na yumakap dito si Jeb. Agad naman itong nagsumiksik sa dibdib ng binata na napangiti.

Nasa ganun silang tagpo ng tumunog ang tawagan ni Jeb. Agad naman niya itong kinuha sa bulsa niya at sinagot. "Bro, mamayang hapon ko sila susunduin. Nahiram ko na rin ang chopper ni lolo." Anang tumawag sa kanya.

"Sige bro, thank you." Anito bago pinatay ang tawagan. "Yung pinsan kung si JB. Pinakiusapan ko kasing sunduin niya ang parents mo sa probinsya." Paliwanag niya agad sa dalaga.

"Okay lang ba sa kanya? Ilang oras din ang byahe papunta doon at pabalik dito." Kunot noo niyang aniya sa binata.

"Madali lang naman siya. Private chopper kasi ang gagamitin niya." Sagot nito. "Huh! Marunong siyang magdrive ng chopper?" Gulat niyang tanong.

"Um. Oo, malawak kasi ang hacienda nila sa Mindanao. Kaya kinailangan niyang pag-aralan ang pagpapalipad ng chopper." Tatango-tango naman ito.

Maya't maya ay kagat labi niyang pinakatitigan ang binata. Kaya nagtataka naman itong binasa ang tumatakbo sa isip ng dalaga. "What?" Tanong niya ng hindi niya mabasa ang iniisip ng dalaga.

"You look hot when you hold the revolver. Sa halip na matakot ako ay naexcite tuloy akong malaman kung papaano mo gamitin ang revolver sa kalaban mo." Anito habang hinahaplos ng isa niyang kamay ang dibdib ni Jeb. Napailing naman ang nakangiting binata.

"Mmm. Pwede bang next time ay turuan mo ako ng martial arts. Para matuto naman akong ipagtanggol ang sarili ko." Paglalambing niya sa binata.

"Okay. Mabuti na rin na matuto ka ng walang basta-bastang makapanakit sayo." Pagsang ayun nito. Napangiti naman si Vixen ng marinig niyang hahayaan siya ng binatang matuto ng martial arts.

Matagal na niya gustong matutunan ang martial arts. Pero, hindi niya magawa dahil natatakot siya noon. Pero, ngayon ay tila nawala ang takot niya. Alam naman kasi niyang hindi siya pababayaan ng binata. Kaya mahigpit siyang yumakap dito at naramdaman naman niya ang paghalik ng binata sa ulo niya.

TBC.

Continue Reading

You'll Also Like

216K 8.3K 31
Waiting For A Girl Like You Edward Colin Samañego AMBERS CLAN SERIES 4 Written By:WILD AMBER
6.7M 244K 52
deceret (n.) latin word for "body to body" When Philodemus Elton Treveron's parents were slayed, the only thing that brings him closer to finding the...
243K 7.4K 48
Nick & Van Even if we ended up apart, at least, for a while... you were mine.
6.9M 140K 51
PUBLISHED UNDER POP FICTION (SUMMIT BOOKS) The Neighbors Series #2 Highest Rank: #1 in General Fiction ** Meet the rich, gorgeous, hot and sexy Sapph...