" Tell me something that will make my day " malambing na wika ni Jema sa katabi niyang babaeng nakahiga sa kama niya ngayon
" want to be my date ?" napatingin si Jema sa katabi na ang tingin ay nasa ceiling, nang mapansin ni Deanna na nakatingin si Jema ay bumaling siya rito
Hindi makapg salita si Jema kasi First time ni Deanna na mag tanong tungkol sa Date simula ng maging sila wala tlaga silang formal date na pinupuntahan kahit monthsary nila hindi nila magawang e celebrate,
" Not really a Question but I demand you to be my date " seryosong sabi n Deanna
" san tayo pupunta? " tanong ni Jema
" sa lugar na tayo lang ang may alam " kanta pa ni Deanna
Kaya nasuntok siya ni Jema sa balikat
" Seryoso ako " nakasimangot na wika ni Jema
" Seryoso din naman ako " tanggol ni Deanna sa sarili
" Nan ttrip ka ehh " at inirapan si Deanna
" basta wear sometthing formal Bib, yung mapapanganga ako pag nakita kita, wag yung sexy baka sumakit puson ko ehh at hindi pa matuloy date natin " natatawang sabi niya
Nang marinig yun ni Jema ay pinaghahampas naman niya ito ng unan
" Ang utak mo na naman kung ano ano pumapasok " inis na wika sa kasintahan
Natatawang bumangon nasa pagkakahiga si Deanna
" Oh san ka pupunta " masungit na tanong ni Jema
" Magpprepare pa ako sa date natin " sagot ni Deanna
" Seryoso ka tkaga? "
" Seryoso naman talaga ako pagdating sayo Bib ehh , Sige na mamaya sunduin kita " sabay halik sa noo ni Jema
bago lumabas ng kwarto
---
Pagabi na ng sinundo ni Deanna si Jem, nakasuot si Deanna ng white pants at blue polo shirt na fit naman sa kanya habang si Jema naman ay nakasuot ng spaghetti straps evening dress na color white
" so? " sabay pakita sa suot niyang damit sa kasintahan
" sabi ko naman sayo wag sexy ehh kainis ka " waring naiinis sa sabi ni Deanna
" ito yung formal na damit na naiwan ko dito, yung iba kasi dinala ko na sa laguna " dahilan ni Jema
" wait me here " at may kinuha sa kotse nito
Buti may dala siyang blazer at pinasuot it kay Jema
" ayan okay na mas maganda na yan " ng malagay na niya ang dalang blazer sa kwatawan ng kasintahan
" selosa, halika na nga " wika naman ni Jema st pumasok na loob ng kotse
---
Umabot sila ng isang oras sa kalye bago lumiko papasok si Deanna sa isang daan, may nakita pa ito na parang check point
" Ma'am Deanna kayo po pla " bati ng guard sa kanya
" Good evening po Manong, " ganti namang bati ni Deanna sa gwardiya
" sandali kunin ko lang po tong nakaharang Ma'am " sabay kuha ng nakaharang na bagay sa git na, dumiretso na si Deanna papasok matapos makapag pasalamat
" Bib ano meron dito? " takang tanong ni Jema
"Relax malapit na tayo " sabi naman ni Deanna
ilang minuto lang ay huminto na ang kotseng sinasakyan nila, unang bumaba si Deanna at pinagbuksan si Jema ng pintuan sa passenger seat
" Bib ang dilim naman dito walang ka ilaw ilaw " puna ni Jema ng makababa na ito sa kotse, naglakad pa papunta sa unahan
Nang biglang may ilaw na bumukas, at tumambad sa mata ni Jema ang isang napakagandang simbahan
" Lets go " hinawakan siya sa kamay ni Deanna at naglakad papunta sa kinaroroonan ng simbahang nakita nila
Nandito na sila sa harapan ng nakasiradong simbahang
" Bib sa simbahan na ito kinasal yung parents ko, at dito rin sa simbahan na ito ako na promise na kung sino yung taong unang dadalhin ko at ipapakilala sa kanya ay sya na ang makakasama ko habang buhay " kwento ni Deanna na hindi inaalis ang tingin sa unahan
Napalingon sa kanya si Jema, hindi niya alam kung bat unlimited ang kabang naramdaman niya ngayon
" Ibig sabhin nun Bib, pagpinakilala na kita sa kanya, wala ka ng kawala hindi mo na akong pwedeng hiwalayan " at tiningnan si Jema
Gustong magsalita ni Jema pero hindi siya makapag bitiw ng kahit anong salita sa sobrang kaba, naghintay si Deanna ng sagot pero nakatingin lang sa kanya ang babae,
" pag pumasok na tayo sa loob wala ng atrasan Bib hahayaan kitang mag isip, bibigyan kita ng sapat na panahon na makapag decide, alam kong masyadong maaga pa para dito, pwede naman tayo bumalik kung kelan handa kna " naiintindihang wika ni Deanna
Tatalikod na sana siya nang sa wakas ay nakapagsalita na si Jema
" Hindi na ako makapaghintay na makilala siya Bib " salitang nagpabaling kay Deanna sa kanya
" S-Sigurado kba? baka nabibigla ka lang" tanong pa ni Deanna
" Hindi ako sigurado kung tama tong gagawin ko, ang alam ko lang na sigurado ako ay yung nararamdman ko sayo, na Mahal kita " seryosong wika ni Jema
Ngumiti si Deanna sa narinig niyang sabi ni Jema, hinalikan niya muna ito sa noo bago inakay papasok ng simbahan
Pagkapasok sa loob ay bumungad sa kanila ang isang napaka eleganteng simbahan, dahan dahang naglakad si Jema sa gitna habang nililibot ang tingin sa buong simbahan, nang binalik niya ang tingin kay Deanna ay nakita niya itong may hawak na malaking box
" Bib? " kunot noong tawag niya dito
" Happy Monthsary Bib , sorry kung na miss ko yung 5th.. lagi ko namang nakakalimutang i- celebrate, pero ano naman yung isang numero kung araw araw naman kasama kita, daig ko pa nanalo sa lotto " nakangiting wika ni Deanna
Magkahawak kamay silang naglakad papuntang altar, at habang naglalakad ay hindi mapigilang alayan ni Deanna ng kanta si Jema
My whole world changed from the moment I met you
And it would never be the same
Felt like I knew that I'd always love you
From the moment I heard your name
Everything was perfect, I knew this love is worth it
Our own miracle in the makin'
'Til this world stops turning
I'll still be here waiting and waiting to make that vow that
I'll...
I'll be by your side, 'til the day I die
I'll be waiting 'til I hear you say I Do
Something old, something new
Something borrowed, something blue
I'll be waiting 'til I hear you say I Do
Nang makarating na sila sa harapan ng altar ay pinaharap ni Deanna si Jema sa kanya, binuksan niya ang box na dala niya at kinuha ang isang neklace na may pendant na letter D
" Jessica Margarett Galanza, I want you to wear this necklace as a sign of my love and loyalty to you, I will always be there for you, and love you without the end " at sinuot ang necklace sa leeg ni Jema
hinawakan ng huli ang necklace na suot niya na may pendant na Letter D na initial ng name ni Deanna, Jema's turn kinuha niya sa box ang isang necklace na may pendant na letter J
" Deanna Izabella Wong, I want you to wear this necklace as a sign of my love and loyalty to you, thank you for taking the risk and asked me out tonight Bib, I am you, you are me. I love you " at isinuot ang necklace sa leeg ni Deanna na may pendant na letter J na initial naman ng name ni Jema
Nang matapos sinuot ni Jema ang necklace sa leeg ni Deanna ay bumuhos na ang luha nito, sobrang saya ng naramdaman niya ngayon, nasa harapan sila ng altar ngayon at ginagawa ang bagay na ito na hindi niya alam na posible pa lang mangyari tapos kasama niya pa ang babaeng sobrang mahal niya
" you may now kiss me Bib " naluluha na ring wika ni Deanna
Agad namang hinapit ni Jema ang batok ni Deanna at hinalikan ito sa labi
Everything was perfect, I knew this love is worth it
Our own miracle in the makin'
'Til this world stops turning
I'll still be here waiting and waiting to make that vow