Ang Bayani ng Tirad Pass (On...

By MariaBaybayin

91.5K 3.5K 1K

Highest Rank Acheived : #1 in Wsawards2018 #1 in Goyo #1 in Gregoriodelpilar #3 in #TimeTravel #5 in #Phil... More

Panimula
Unang Kabanata
Ikalawang Kabanata
Ikatlong Kabanata
Ika-Apat na Kabanata
Ika-Limang Kabanata
Ika-Anim na Kabanata
Ika-Pitong Kabanata
Ika-Walong Kabanata
Ika-Siyam na Kabanata
Ika-Sampung Kabanata
Ika-Labing Isang Kabanata
Ika-Labing Dalawang Kabanata
Ika-Labing Tatlong Kabanata
Ika-Labing Apat na Kabanata
Ika- Labing Limang Kabanata
Ika-Labing Anim na Kabanata
Ika-Labing Pitong Kabanata
Ika-Labing Walong Kanabata
Ika-Bente na Kabanta
Ika-Bente Unong Kabanata
Ika-Bente Dos na Kabanata
Ika-Bente Tres na Kabanata
Ika-Bente Kwatro na Kabanata
Ika-Bente Cinco na Kabanata
Ika-Bente Sais na Kabanata
SPECIAL CHAPTER PARA SA AKING MAHAL NA HENERAL
Ika-Bente Syete na Kabanata
Ika-Bente Otso na Kabanata
Ika-Bente Nuwebe na Kabanata
Ika-Tatlompu na Kabanata
Ika-Tatlompu't isang Kabanata
Ika-Tatlumpu't Dalawang Kabanata
Ika-Tatlumpu't tatlong Kabanata
Ika-tatlumpu't Apat na Kabanata
Ika-Tatlumpu't Limang Kabanata

Ika-Labing Siyam na Kabanata

1.8K 78 13
By MariaBaybayin





Nasa dulong bahagi ako ng barko at nilalasap ang malamig at sariwang hangin ng lapitan ako ni Madam Dolores. "Tinang" tawag nito sakin, napalingon naman ako sa tawag niyang yoon at bungad sakin ang maganda niyang ngiti..

Nginitian ko din naman ito pabalik.. "Magandang gabi po Nay Oreng, kayo po'y naiinip na sating silid, ano po?" Sambit ko sa matanda..

Ngumiti lang ito at tinapik ang aking balikat.. "Parang ganun na nga iha, maghapon na kasi akong nag babasa ng libro, sa katunayan ay kanina padin kita hinihintay sa kwarto para sana makipag kwentuhan, ngunit mukhang mas naliligayahan ka yatang nasa ilalim ng mga tala habang pinapanood ang mga ito." Tugon niya. "Nais mo bang kwentohan kita?" Pahabol pa niya..

Napatingala narin siya sa ulap at pinagmasdan narin ang ganda ng kalangitan. Nag simula narin itong magsalaysay.. "Kaedad mo lamang ako noong nagkaroon ako ng unang pagibig Kristina, ngunit sa kasawiang palad, parang nakasulat sa tadhanang hindi kami para sa isat isa.." Napatingin naman ako sa kanya. Napansin ko naman na tila biglang nanaig ang lumungkot mula sa kanyan mga mata..

Naintriga naman ako sa storya, kaya naman nagpatuloy ako sa pagtanong.. "Ano pong nangyare Nay Oreng?"

"Tulad ng sabi ko sayo noon, isa akong taga San Alfonso, galing lamang ako sa isang mahirap na pamilya, dalawanlamang kaming magkapatid ni Cristina. Dahil sa kahirapan, napagdesisyunan kong humingi ng tulong sa Gobernadorcillo para sa aming pamilya. Nang makausap ko ang Gobernador, iminungkahe niyang tumira nalamang daw ako saknila at maging isang tagasilbi sa kanila. Bilang kapalit noon ay pag aaralin niya ko upang makatapos.. Ngunit sa di inaasahang pagkakataon, nahulog ako sa bunsong anak nilang si Diego. Si Diego ay naging malapit kong kaibigan, at di kalaunan ay napaibig na ako saknya, gayon din siya sakin."pagsasalaysay niya..

Napatango tango nalang ako.. Pero ano kayang nangyari? Bakit d sila nagkatuluyan? Naiintriga talaga ko at dahil chismosa ko, di ko nanaman napigilang magtanong..

"Ano pong nanyare Nay, bakit hindi po kayo nagkatuluyan?" usisa kong muli.  Nagbuntong hininga naman ito at ipinagpatuloy ang kanyang kwento..


"Si Diego ay itinakda na ng kanyang mga magulang sa isang babaeng miyembro ng pricipales ang pamilya bago pa man kami magkakilala. Subalit kahit pa iniibig namin ang isat isa, alam kong hindi parin kami pwede dahil komplikado ang sitwasyon para saming dalawa.. Pinilit naming ipaglaban ngunit ang tadhana na mismo ang pumigil ng mabaril si Diego dahil napagkamalang tulisan ito noong araw na napagdesisyunan naming magtanan" patuloy pa niya sabay ngiti rin sa huli..


"Napaka tragic naman po pala ng lovestory niyo Nay.." saad ko saknya ng may malungkot na reaskyon.


"May mga bagay kasi sa mundo na ibibigay lang sayo ng panandalian. Hindi kalaunan, babawiin din sayo sa huli dahil iyon ang nararapat, yun bang papasiyahin ka lamang, ipapahiram lamang pala upang turuan ka ng leksyon, pero nakatakda kabpalang saktan sa huli." Sambit ni Madam Dolores sabay tingin ng deretso sa mga mata ko. Sa totoo lang hindi ko gaano maintindhan ang sinasabi niya, may pagka talinhaga sa totoo lang..


Pinutol niya ang tinginan na iyon at nag salita ng muli.. "Halika na iha, matulog na tayo, kita mo't lumalalim na ang gabi.." sambit ng matanda at nag simula ng maglakad papalayo..


Maglalakad na din sana ko, nang bigla naman namin nakita papunta din sa lugar na iyon si Crisanto.. Ikinagulat ko naman iyon, hindi rin kasi nabanggit ni Crisanta na kasabay pala namin ang kanyang kapatid sa paguwi.


"Magandang gabi sayo, Binibing Kristina, nandirito ka pala.." Pagbati niya sakin.


Napatingin naman ako kay Madam Dolores na hinihintay ako sa di kalayuan.. Tumango lang ito na para bang naiintinhan niyang gusto kong humingi ng pahintulot saknya.. Maya maya pa ay bumalik na siya sa palalakad at umalis na..


"Magandang gabe rin saiyo, Ginoo, mukhang wala pa sa iyong diwa ang antok.." bati ko naman pabalik..


Tumawa naman ito, So tama nga ako.. Di pa siya antok kaya magpapahangin muna siya.. hay, pareho kami..


"Tama ka sa iyong hula Binibini.. haha, sa katunayan niyan ay kanina pa nga din kita hinahanp, nais kong makipagkwentuhan, nabanggit kasi sa akin ni Crisanta na hindi ka raw makakauwi sa San Antonio ngayong pasko kaya naman sa Tahanan ka muna ni Madam Dolores makikituloy " sambit naman niya..

"Makipag kwentuhan? Tungkol naman saan?" Tanong ko sa kanya..

"Tungkol sa mga bagay sana na ukol sayo.." sambit niya napatango tango naman ako.. Tungkol sakin? Ano bang interesting sakin ? Bakit ba interesado siya sa mga bagay about sakin? Eh wala naman maganda bagay tungkol sakin..


"Nais kong kilalalin pa ng lubos ang babaeng balang araw ay papakasalan ko" pahabol pa niya.

Napanganga naman ako sa sinabi niya. Seryoso ba siya.? Sa dami talaga ng babae dito sa panhon niya, ako pa tlaga ang napili niya..


"Uhm, Crisanto, hindi ko nais na saktan ka ngunit, sa tingin ko'y kailangan mong pigilan ang sarili mo sa iyong nararamdaman, dahil ang totoo niyan, hindi ako permanente dito sa mundo niyo" tugon ko kay Crisanto..


Tila huminto naman ang oras. Huminto rin si Crisanto at ang buong paligid. Humampas ang malakas na hangin, sabay sa pag pasok sa eksena ni Padre Tatang..

"Kristina," tawag niya sakin..


Nanlaki naman ang mata ko, matagal tagal ko na din siyang hindi nakita.. Halos nawala nga siya sa eksena.. Ano bang nangyare sa kanya? "Ta-tatang? Bakit ngayon lang po kayo nagpakita? Saan po ba kayo galing?" Tanong ko saknya sabay yakap dito..


Seryoso padin siya.. Nang makalas ko ang pagkakayakap sa kanya ay nagsimula na ito sa pagsasalita.. "Kailangan mong ingatan ang iyong sarili Kristina, May isa nang nakakaalam ng iyong sekreto. May nakakaalam na nangaling ka sa kasalukuyan.." napalunok ako sa sinabi ni Padre Fernando..


"Whuuuuut? Pano nangyare yun? Eh wala naman po akong pinagkukwentuhan, Tang.?" Pag aalala ko naman tanong sa pare..


Hindi niya sinagot ang mga tanong ko bagamat nag salita lamang muli. "Kailangan mong ingatan ang iyong mga salita Kristina, tandaan mo sa bibig nahuhuli ang isang isda.." sambit nito..

Napakunot naman ang noo ko.. Ano ba ang ibig niyang sabihin? Wala naman akong ibang pinag kukwentuhan tungkol sa pag time travel ko dito. So paanong may makakaaalm?

Tahimik lang ito at umiling uliling.. "Mag ingat ka nalamang sa susunod mong mga aksyon, hindi magiging madali sayo, oras na mabisto ka nila Kristina.. Maniwala ka sakin.. Walang dapat mag bago sa nakaraan.." sagot nito sakin.

"Ano po ba ang ibig niyong sabhn Tatang? Nag iingat naman po ako at wala naman po akong napag kukuwentuhan.." sambit ko pero tahimik padin.. Pagtapos ng tugon na iyon, sabay ang muling pag hampas ng malakas na hangin at bumalik sa pag galaw ang lahat..

Nakita kong bumalik na naman lahat sa normal. Kasabay ng pag balik noon ay ang pag sakit ng ulo ko at pagkahilo.. Ang mga sumunod ay hindi ka na naaalala..


***


Nagising ako na parang kong nasa loob ng isang clinika. Napabangon naman ako kaagad at inilibot ang aking mata sa paligid.. Hindi pamilyar ang lugar na ito. Dahan dahang nag bukas ang pinto kaya naman bumalik muli ako sa pag kakahiga at umaktong kunwari ay tulog pa rin..

"Maraming salamat sa pag aasekaso kay Kristina, Crisanta" wika ni Madam Dolores.. "Sige po Madre, mauuna po muna ako, mag hahanda lang po ako ng ating hapunan.." sambit ni Crisanta at lumabas na siya ng silid. Kung gayon, nandito ko sa tahanan ng mga Flores? Paano kami nakarating dito? Bakit hindi ko maaalala?

Umupo si Madam Dolores sa tabi ko at hinimas-himas ang ulonan ko.. Idinilat ko naman paunti unti ang mata at kunwari ay kakagising ko lamang..

Napatingin naman ako sa kinauupuan ni Madam Dolores at pinilit na bumangon sa higaan. Nag alala naman si Madam Dolores at nagsalita.. "Wag ka munang kumilos anak, baka hindi pa makakabuti sa iyong pakiramdam." Tugon niya.. Pinilit ko pading makabangon at kausapin siya..


"Anong pong nangyare Nay? Nasaan po tayo?" Tugon ko naman saknya. Napahawak muli ako sa ulonan ko na ngayon ay kumikirot padin.


Ok naman ako kanina ah, ano ba talagang nangyari?


"Nawalan ka ng malay iha, hindi ba't si Crisanto ang iyong huling kasama bago tayo makarating dito sa San Vicencio? Ayon kay Crisanto, Nagkukwentuhan lang naman daw kayo, nang sa di malaamang dahilan ay natulala ka daw at ang sumunod noon ay bigla ka nalang daw bumulagta at nawalan ng malay, Mahigit 2 araw ka ding walang malay iha.. Kaya naman ako'y lubos na nagalala.. Kasalukuyan nga pala tayong nasa bahay ng mga Flores ngayon.." kwento niya sakin..

Nagulat naman ako sa kwinento ni Madam Dolores.. Halos 2 araw akong walang malay? So ang ibig sabhn noon ay ngayon araw na rin ang pasko?.. Dahil 2 araw bago mag pasko ng magpasya kaming umuwi dito sa San Vicencio..

Para naman akong nabuhusan ng malamig na tubig dahil sa mga nalaman kong iyon.. Napansin ko naman tila balisa si Madam Dolores, kaya naman naisipan ko siyang tanungin tungkol dito..

"Ayos lang po ba kayo Nay? Napansin ko po kasing mukha balisa po kayo nitong mga nakaraang araw, may problema ho ba?" Tanong ko sa matanda..


Tumayo si Nay Oreng sa kanyang pag kakaupo at tumayo malapit sa bintana, "Kristina, May nais sana akong malaman ngunit sana'y maging tapat ka sa akin," sambit nito.. Kumunot naman ang noo ko at nagtaka kung ano ba ang ibig sabihin ni Madam Dolores..

"Kristina, anak? Nais ko lang sana ay magsabi ka ng katotohanan." Nakaramdam naman ako ng kaba sa pagtatanong ni Madam Dolores. Simula ng tumira ko sa Dormitoryo, hindi ko pa nagagawang magsinungaling rito. Napaisip rin naman ako kung may nagawa ba kong kasalanan o kasinungalingan para kausapin ako ni Madam Dolores ng may seryosong tono.

"Ano po ba ang------" hindi ko na natapos ang sabhn ko ng mabalot ako sa ka at takot dahil sa mga susunod na tinanong sakin ni Madam Dolores..



".......Galing ka ba sa hinaharap?" Huling sambit ni Madam Dolores nag bigay sakin ng matinding kaba.





Dear Talaarawan,

Ngayong alam na ni Madam Dolores na galing ako sa hinaharap, ano ang gagawin ko? Ano kaya ang nag hihintay na kapalaran sakin? Talaga bang malaki ang magiging epekto nito sakin?

Nangangamba,
Kristina



Hi my dear Delpilares:)
Sorry ngaun lang ako nakapag update :( mejo naging busy lang .. anyways guys.. thank you we just reached 2k reads :) nakakaoverwhelm ang supports niyo guys.. SOBRANG SALAMAT!!! Thank you sa pag tangkilik mga bebes.. Dahil sa likes, reads at votes niyo.. mas lalo ako ginaganahan sa pag susulat!!! I LOVE YOU GUYS!! ❤️❤️❤️

Read. comment and hit the bituin bebes 💕💕💕

Continue Reading

You'll Also Like

201K 6.1K 44
He build a castle for his Princess..but,she leaves him.She's gone for good. Iyon ang dahilan kung bakit nagkaroon ng sariling mundo ang Prinsipe. Be...
M By Maxine Lat

Historical Fiction

7M 298K 17
#ProjectM II This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as self-harm, physical viole...
403K 17K 40
Aksidenteng napunta sa panahon ng 1941 si Euphie Encarnacion matapos niyang sundan ang isang babae sa gitna ng ulan. At dahil nag-iisa lang siya sa...
239K 13.2K 46
Eloisa, a tomboy from the present has to travel in time to 19th century in order to save Marikit from the death caused by Maximilliano, a playboy hea...