Exquisite Saga #2: Roussanne...

By JhasMean_

1.5M 34K 907

Doctor Roussanne Shelkunova's life is simple. It's composed of a routine that she has to follow every day. Pa... More

Copyright
Author's Note
Prologue
Chapter 1: The Show Girl
Chapter 2: The Client
Chapter 3: The Buyer
Chapter 4: The Party
Chapter 5: The Confession
Chapter 6: The Car
Chapter 7: The Contract
Chapter 8: The Lawyer
Chapter 9: The Date
Chapter 10: The Call
Chapter 11: The Dilemma
Chapter 12: The Lie
Chapter 13: The Confusion
Chapter 14: The Truth
Chapter 15: The Talk
Chapter 16: The Choice
Chapter 17: The Night
Chapter 18: The Visitor
Chapter 19: The Doubt
Chapter 20: The Downfall
Chapter 21: Puzzle
Chapter 22: Rafael
Chapter 23: Advice
Chapter 24: Happy
Chapter 26: Hug
Chapter 27: Free
Chapter 28: Interested
Chapter 29: Better
Chapter 30: End
Epilogue

Chapter 25: Insecurities

33K 843 68
By JhasMean_

JhasMean: Hi, I just want to use this opportunity to remind all of you that you are beautiful. You are amazing. You matter, and you deserve all the love in this world. You deserve to love and be loved. You deserve to exist. And that someone loves you — I love you. And most importantly, I want to remind you that you are stronger, and bigger than all the challenges life throws at you.

!!!TRIGGER WARNING!!!

Chapter 25
Roussanne Shelkunova

"Seryoso nga, bakit ayaw mong tanggapin si Alastair?" Muling tanong ni Syrah. Hindi niya talaga ako tatantanan hanggang sa sagutin ko siya.
"Kasi puta ako," sabay inom ko ng tsaa. "Kasi hanggang ngayon, ganyan pa rin ang tingin ko sa sarili ko. Mababa pa rin ang tingin ko sa sarili ko. Ayokong magmahal nang iba hangga't hindi ko pa mahal ang sarili ko."

Natahimik si Syrah. Alam naman niya ang nararamdaman ko, alam niya dahil alam kong ganon din ang nararamdaman niya. Ang tanikala na kinabit sa amin ng Exquisite, nakakabit pa rin sa paa namin; and until now, we're trapped. Nakakulong sa hawla na pinaglagyan nila sa amin.
I can't let Alastair love me while I'm still chained to my demons. Sisirain ko lang siya kapag ginawa ko 'yun.

"Hindi ba pwedeng, mahalin mo siya habang tinuturuan mo ang sarili mo na mahalin ka?" She held my hand and lightly squeezed it. "Don't be too hard on yourself."
"I'm not being hard on myself. I just think that for now, this is the best for me. Gusto kong mahalin ang sarili ko at hanapin na rin ang ako na ninakaw ng Exquisite sa akin. Gusto ko muna maranasan na mag-isa, na normal ang lahat sa paligid ko. Na masaya nang ako lang. 'Yung ako lang sa moment na 'yun, 'yung hindi ako nakatali sa nakaraan ko. Gusto ko lang maranasan muna 'yon." Syrah loosen her grip from me.
"You're not going to leave, are you?"

Hindi ko siya sinagot at pinokus na lang ang atensyon sa TV.
Pinag-isipan ko naman iyon, hindi siya abrupt o impulsive lang. Ilang araw rin akong walang tulog dahil sa pag-iisip kung lalayo ba ako o hindi, and I think going away is the best for me. Iyon din ang naging payo ni Papa sa akin. That I should go away, kahit ilang taon lang.
Aayusin ko muna ang sarili ko, ang buhay ko. I want to forget about all the stress these past seven years have brought me.

"But you have to at least say goodbye to him, Roussanne." Tumango ako sa sinabi ni Syrah hbang sinusuot niya ang sapatos niya. "Lagi naman na natin siyang makikita, kahit 'yun lang ibigay mo sa tao. Yes, he hurt you, but he still deserve a goodbye."
"I know. Thank you, Sy." Niyakap ko siya tapos ay pinagbuksan ng pinto.
"Gaga ka, magkikita pa tayo bukas!"

1 week ago:

"Bye," paalam ni David. Nasa bahay kami nila Gaige at Chianti, may mga kailangan kasi kaming asikasuhin.

Napatingin ako sa oras, alas-onse na pala ng gabi.
Si Chi ay nagpapahinga na dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin humagaling ang sugat na natamo niya, habang si Gaige naman ay gumagawa ng kape para sa amin na natira dito sa office niya — Ako, si Syrah, at si Alastair. Asti left an hour ago, may pasok pa kasi siya.

"Haaaay!" Pag-iinat ni Syrah, dahilan para mapahikab din ako. "Pagod na ako. Ako'y matutulog na, ha?"
"Hindi ka ba uuwi?" Sinara ko ang folder na hawak at lumapit kay Syrah na basta na lang binato sa lamesa ang mga papeles na hawak niya.
Umiling siya. "I'm too tired. Sabi rin ni Chi na dito raw ako matulog."
Pinandilatan ko siya tapos ay bahagyang tinignan si Alastair na nakangising tinititigan ang papel na hawak. "Paano ako uuwi? Sabi mo, h'wag na akong magdala ng sasakyan kasi ikaw na ang maghahatid sa akin."
"Sorry, wala sa schedule ko." Ngisi pa niya.
"Ibigay mo na lang ang susi ng kotse mo." Lahad ko pa ng kamay ko.
"Sorry, butas 'yung apat na gulong tapos wala pang gas. Bye." Kumakaway pa siya habang palabas ng kwarto.

Padabog na inayos ko ang mga papel sa lamesa dahil kay inis kay Syrah. I'm sure p-i-n-lano niya ito para maiwan ako kasama si Alastair.

"Here's your tea," alok sa akon ng kadarating lang na si Gaige, may hawak siyang tray na may nakalagay na tasa. "How's everything?"

Sumimsim ako ng tsaa habang nag-uusap sila ni Alastair, itatanong ko na lang kay David ang mga pinapaliwanag ni Alastair dahil ayaw kong makipag-usap sa binata.
Matatapos ang lahat ng ito nang hindi ko siya kakausapin dahil iyon ang tama. Because no matter how much I love him, it's wrong to force us to be together. Kasal siya. May asawa siya. Dapat ay dumistansya kami sa isa't isa.

"Do you want me to take you home?" Alok ni Alastair habang inaayos ang gamit sa suit case niya; si Gaige ay prenteng nakaupo sa office chair niya at sumisimsim ng kape habang pinapanood kami.
Hindi ko pinansin si Alastair at binaling lang ang tingin kay Gaige. "Gaige, pwede bang ihatid mo ako? Wala akong sasakyan. O pwedeng pahiram na lang ng sasakyan?"

Ngumisi siya sa akin. Kung hindi lang siya gwapo ay baka tinapyas ko na ang nakakapanloko niyang ngisi sa labi.

"Walang gas, butas din ang gulong ng kotse. Ihahatid ka na lang ni Alastair." I tried my hardest not to scream. "It's late, Roussanne, let the gentleman take you home."
"Gentleman." Umismid ako. "Dito na lang ako matutulog."
"Nagpa-schedule ka ba? I don't accept visitors if it's not scheduled."
"I swear to God, Gaige Hendrix, I'm gonna rip that stupid smirk off your face." Masama ang tingin na ginawad ko sa kanya na tinawanan lang niya. I know. I fail at looking angry. My face is a curse. Kahit galit ay mukha pa rin akong maamo.

Kinuha ko na lang ang bag ko at lumabas na ng opisina niya. Mahigpit ang pagkakahawak ko sa shoulder bag ko habang hindi mapakaling nakatayo sa harap ng opisina ni Gaige para hintayin si Alastair, na pagkalabas naman ay may malawak na ngiti sa mukha.

"Anong nginingiti-ngiti mo?" He shrug and went off before me; sinundan ko lang siya at tinitigan ang malapad niyang likod, nakaka-tempt na yakapin siya pero pinigilan ko ang aking sarili.

No.
No.
No.

He's married.
He's off limits.
He's all I ever wanted but he's also the only person I can never have.

Nanibago ako sa pakiramdam sa loob ng sasakyan ni Alastair, it's the same car pero iba ang feeling. Bigla akong nalungkot pagkasakay ko.
He started the engine and we're both silent during the ride. Pinaikot ko na lang ang tingin ko sa kabuuan ng sasakyan na para bang may bago doon. I look stupid kaya naman ay tinuon ko na lang ang ate syon ko sa madilim na daan.

"Do you want to play some music?" Umiling ako. He just sigh because of my silence. "Roussanne, are you going to keep ignoring me?"

Muli ay hindi ko siya sinagot. Ayokong magsalita dahil tuwing nagsasalita ako sa kanya ay pinapahamak ako ng bibig ko. Nasasabi ko ang mga bagay na hindi ko dapat sinasabi sa kanya. He controls everything about me; presensya pa lang niya ay nagagawa nang kontrolin ang damdamin ko, paano pa kapag kinausap ko siya?

"Since you're not talking, ako na lang; I'm going to ask Am—" binuksan ko ang radyo at pinandilatan siya. He just sigh in defeat at tinaas pa ang isa niyang kamay sa ere.

Nanahimik siya. Tanging ang musika na nanggagaling sa radyo ang mariring sa buong kotse, at mukhang nanloloko ang universe dahil kasabay ng pagpalit ng kanina'y upbeat na kanta ay ang biglang pagpatak nang maliliit na butil ng ulan. I can't help but curse in Russian — something that rarely happens, because the last time I curse in Russian was when my dad left us.
Gusto ko na lang magwala dahil para akong sinasaksak ng bawat salita na binibigkas sa kanta.

[Indak - Up Dharma Down]

Tatakbo at gagalaw
Mag-iisip kung dapat bang bumitaw
Kulang na lang, atakihin
Ang paghinga'y nabibitin

Ang dahilang alam mo na
Kahit ano pang sabihin nila
Tayong dalawa lamang ang makakaalam
Ngunit ako ngayo'y naguguluhan

Makikinig ba ako
Sa aking isip na dati pa namang magulo?
O iindak na lamang
Sa tibok ng puso mo

Parang pinipiga ang puso ko sa sobrang kirot kasabay pa nang mga pako na pinupupok dito. Kung siguro ay hindi lang figuratively ang nararamdaman ko ngayon ay kanina pa ako pinatay nang sakit na nararamdaman ko ngayon.
Gusto kong lingunin si Alastair pero alam ko, sa oras na lingunin ko siya ay bubuhos na lang ang luha sa mata ko.

At aasahan ko na lamang na
Hindi mo aapakan ang aking mga paa
Pipikit na lamang at mag-sasayaw
Habang nanonood siya...

Paalis at pabalik
May baong yakap at suklian ng halik
Magpapaalam at mag-sisisi
Habang papiglas ka ako sayo ay tatabi

I knew that I should just stay away from Alastair, dahil masasaktan lang ako kapag nagkalapit kami; hindi dahil sa nangyari between us kundi dahil sa alam kong hindi siya pwedeng maging akin.
Kung sana lang ay walang Amanda, madali lang sa akin ang yakapin siya at tanggapin siya; pero may Amanda. May asawa siya. He will never be mine.

"Alastair," mahinang tawag ko sa kanya...

Tayong dalawa lamang ang nakakaalam
Ngunit hindi na matanto kung sino nga ba ang pagbibigyan ko
Makikinig nga ba sa isipan na alam ang wasto
Ngunit pipigilan ang pag-ibig niya na totoo

Kaya mo bang hiwalayan si Amanda para sa akin? Pwede bang piliin mo na lang ako?

"What is it?" Bakas ang lungkot sa boses niya. Nanatili akong nakatitig sa bintana at pinapanood ang maliliit na butil ng ulan na dumapo doon.
"Let's stay civil, ayoko ng problema." Kagat-labi kong saad. "Iyong tayo... let's both forget about it. Wala naman nang mangyayari. Ayoko na."

Iindak na lamang ba sa tibok ng puso mo
At aasahan ko hindi niya lamang aapakan ang aking mga paa
Pipikit na lamang at mag-sasaya
Habang nalulungkot ka
Pipikit na lamang at magsasaya
Habang nalulungkot ka

Ako'y Litong-lito
Tulungan niyo ako
Di ko na alam
Kung sino pang aking pagbibigyan

Ayoko na ng ganito
Ako ay litong-lito

Hindi siya nagsalita. Mabuti na rin iyon dahil ayokong magpaliwanag pa dahil baka sa huli ay bawiin ko rin ang mga sinabi ko.
We can't be selfish. Obvious namang nagsasama pa sila ni Amanda. Hindi pwedeng dalawa kami. Hindi rin pwedeng hilingin ko sa kanyang hiwalayan niya si Amanda, desisyon niya 'yon, and clearly, he decided to stay with her.
Tama nga siguro si Rafael, no one will accept me. I'm just a prostitute. Kahit anong pagmamahal ang meron si Alastair para sa akin, he will never chose me. Syempre ay pipiliin niya ay 'yung babaeng maipagmamalaki niya sa ibang tao, 'yung propesyunal, 'yung malinis... hindi 'yung katulad kong madumi na napagparausan na ng iba't ibang lalaki.
Noon, akala ko ay magiging masaya ako kapag may nagmahal sa akin, hindi pala; dahil parang dam na bumuhos ang insecurities sa katawan ko, lahat ng bagay na pilit kong hindi isuksok sa kokote ko, lahat nang masasakit na salitang pilit kong isinantabi... lahat ay parang ulan na bumuhos na lang bigla, at wala akong magawa para pigilan iyon; parang bigla na lang bumagyo at na-stranded ako sa isang lugar na walang masisilungan, nasa gitna ako ng daan, walang kahit isang puno sa paligid kaya naman wala akong ibang choice kundi damhin ang malamig na ulan, nang mag-isa...

"Is that really what you want?" Bigla niyang tanong. Bumabagal ang pag-ulan at humihina na ang patak nito. Tumango lang ako sa kanya bilang sa sagot, at hanggang sa makarating na kami sa bahay ko ay hindi na siya muli pang nagsalita.

Lumabas ako ng kotse niya at nakakaisang hakbang pa lang ako palayo sa sasakyan niya ay kumaripas na ng takbo ito.
Wala akong magawa, naupo na lang ako sa labas ng bahay at niyakap ang aking tuhod at tahimik na umiyak.

"ATE," bumukas ang gate at kaagad akong inalalayan ni Juliet. Nagtataka namang tinignan ko siya. Wala silang sinabi na darating sila ngayon? "Okay ka lang?"
Pinunasan ko ang mukha ko at ngumiti sa kanya. "Kailan kayo dumating?"
"Kanina lang. Biglang nagsabi si Mama na pupunta siya dito kaya sumama na rin kami." Paliwanag niya sa akin habang naglalakad kami papuntang bahay.
"Bakit daw?" Tanging kibit ang naging sagot niya sa akin.

Nasagot ang tanong ko nang pagkarating namin sa sala ng bahay ay nanginginig na lumapit sa akin si Mama at sinampal ako. Para akong nabingi sa sobrang lakas ng pagkakasampal niya sa akin, halos mamanhid ang pisngi ko.

"Ma?" Nanlalaki ang matang tawag ko sa kanya. Puno ng galit ang mata ni Mama, mugto rin ito at mukhang galing sa pag-iyak.

Kahit kailan ay hindi ako napagbuhatan ng kamay ni Mama, ni tapik ay hindi niya ginawad sa akin dahil bawat gusto niya ay sinusunod ko, naging mabuti ako kaya naman ay sobra akong naguguluhan sa pagsampal niya sa akin.
Bumalik si Mama sa sopa at kinuha ang bag niya, may kinuha siya doong isang maliit na envelope na binato niya sa akin dahilan para kumalat ang lahat ng laman non.
Mga litrato namin ni Alastair.

"Kabit ka ba?" Lumuhod ako at pinulot ang mga litrato sa lapag. Hindi lang pala iyon litrato namin ni Alastair, may ibang litrato doon si Alastair na kasama si Amanda — litrato ng kasal nila.
"Ma, I can explain..." Gumapang ako palapit kay Mama tapos ay lumuhod sa harap niya. "Hindi ko alam. Hindi ko alam na—"

Muli niya akong sinampal. Aunud-sumod hanggang sa matumba na ako sa sahig, si Papa naman ay nilayo sa akin si Mama para pakalmahin at ang mga kapatid ko ay lumapit para alalayan ako; pumiksi ako sa hawak nila at lumapit muli kay Mama.

"Mama, please, maniwala ka sa akin. Hindi ko alam." Pinagkiskis ko ang dalawa kong kamay at nakayukong humihingi ng tawad sa kanya.
"Hindi kita pinalaki para lang maging kabit!" Parang pana na diretsong tumatama sa puso ko ang salita ni Mama. "Puta ka ba para pumatol sa lalaking may asawa?!"

Tuluyan na akong humagulgol. Pinipigilan siya ni Papa sa pagsasalita pero tuloy tuloy pa rin si Mama. Kung ano anong salita ang sinabi noya, mga salitang matagal ko ng pinagsisigawan sa sarili ko.
Na kadiri ako, na marumi, na puta.
Ang sabihin 'yun sa sarili ko ay masakit, pero ang marinig ang mga katagang iyon sa Nanay ko ay triple ang sakit — hindi lang... sobrang sakit. Higit pa sa sobra. Hindi ko na maipaliwanag.

"Sorry..." Bulong ko. Paulit ulit. Pero patuloy pa rin siya sa pagsigaw sa akin. Gusto ko na lang umalis. Nabibingi ako sa bawat salita niya.

Sino? Sinong nagsabi sa kanya? Sinong nagbigay ng mga litrato? Bakit kailangang mangyari ito?
Hindi ba ako pwedeng bigyan ng kahit isang araw lang na katahimikan? Sa loob ng halos isang buwan ay puro pasakit na lang.
Naging masama ba talaga ako?
Dahil ba sa puta ako? Bayaran? Bakit? Hindi ko naman ito ginusto, ah. Bakit ganito? Ayoko na.

"Ma..." bulong ko nang muli niya akong hampasin sa mukha, buti na lang ay naagapan ni Papa ang paglayo sa kanya sa akin kaya't naging daplis lang iyon.
"Leonid, h'wag mo akong pigilan! Masyado iyang bata na 'yan! Anong klaseng babae ang—"
Pinutol ko siya at diretsong tumingin sa mga mata niya, kahit hindi ko nakikita ay alam kong walang kahit anong emosyong mababakas sa mukha ko. "Puta. Slut. Whore. Bayaran. Ganon. Ganong klaseng babae ang didikit sa isang lalaking kasal na."
"At talagang sumasagot ka pa!" Pumiksi siya kay Papa pero dahil sa lakas nito ay hindi niya magawang makawala.
"Totoo naman, Mama. Puta ako." Nakita ko ang panlalaki ng mata ni Papa at umiling — na para bang sinasbai niyang h'wag kong ituloy ang sasabihin ko. Pero para saan pa? Iyon naman ang tingin nila sa akin, bakit hindi ko na lang aminin? Totoo naman. "Para mapagamot ka dati, nakipag-sex ako sa lalaking hindi ko kilala. Sabi ko, hanggang doon na lang 'yon, pero nagkasakit naman sina Rosalind, wala tayong pangkain, tapos namomroblema rin sa pampaaral kaya naulit, hanggang sa naging regular na. Hanggang, eto... puta pa rin ako."

Kita ko ang panghihina ni Mama pati ang gulat sa mukha ng mga kapatid ko. Nanatili akong nakatitig kay Mama habang nakaluhod, ang mga kamay ko ay pirming nakapatong sa hita ko.

"Sorry, if I disappointed you. Wala lang kasi akong maisip na paraan. You were weak, my sisters were so little, I had no other choice that time. Sorry." Kahit tuloy tuloy ang agos ng luha sa mata ko ay wala akong nararamdamang sakit. Namanhid na ata ako, o baka immune na. Ganon ata. Kapag palagi mo nang nararamdaman ay sa kalaunan ay kusa nang mawawala kasi sanay ka na.
"Ate," lumapit sa akin si Juliet at inalalayan akong tumayo pero kaagad akong lumayo sa kanya. I'm too dirty to be even touched by them.
"Sorry..."

Tumakbo ako papuntang kwarto ko at ni-lock ang pinto nito. Dire-diretsong hinubad ko ang damit ko at tumungo sa banyo para maligo. I took my loofah and put soap on it tapos ay marahas na kinuskos ang balat ko.

I'm dirty.
I have to be cleaned.

Humahapdi na ang balat ko dahil sa sobrang diin ng pagkuskos ko pero hindi iyon sapat hanggang sa bitawan ko na ang pangkuskos at gamit ang aking kuko ay kinamot ko ang sarili ko, hoping that my nails will be able to take all the dirt from my body.

Puta ako.

"Ate! Ate!" Sunod sunod ang pagkatok ni Juliet sa pinto ng banyo hanggang sa dumating si Rosalind at sinabing dala niya na ang susi. "Ate!"
Hinawakan ako ni Juliet para pigilan ang pagkalmot ko sa sarili. "NO! I have to clean myself!"
"Ate, may sugat ka na..." umiiyak na si Juliet habang pinipigilan ako, basa na rin siya ng tubig. "Ate, please..."
"Ate," inabot ni Rosalind ang braso ko at doon lang ako tumigil sa pagkalmot sa sarili; binalot niya ako ng twalya at inalalayang makaalis ng shower. "Ate, sorry..."

Pinaupo nila ako sa kama at sila ang nagbihis sa akin tapos ay ginamot ang mga sugat na resulta ng kalmot ko.

"Ate, may gusto ka ba?" Tinitigan ko si Rosalind na siyang nagtanong.

Gusto kong... matahimik na lang.
Kung pwede sana ay matulog ako ngayon at h'wag na lang magising.

INIWAN ako nila Rosalind sa kwarto; sinubukan kong matulog pero hindi ako pinapatahimik ng utak ko. Parang sirang plakang paulit-ulit na lumalabas sa utak ko ang mga sinabi ni Mama.
Bumangon ako at kinuha ang roba ko at binalot iyon sa sarili.
Tahimik na lumabas ako ng bahay; naglakad lang ako sa madilim at tahimik sa daan.
Hindi ko alam kung bakit ako umalis, at kung saan ako pupunta, ang alam ko lang ay gusto kong umalis at ayaw ko na ulit bumalik. Maiintindihan naman siguro nila Syrah kung hindi ko na sila masasamahan pa sa laban namin ngayon. Ayaw ko na kasi. Pagod na pagod na ako. Gusto ko na lang magpahinga.

Nakita ko na lang ang sarili kong nakalabas na ng subdivision; may iilang jeep at mga sasakyang dumadaan sa kalye pero pansin na ang katahimikan nito. Dis-oras na rin kasi ng gabi.
Naupo ako sa gilid ng poste at niyakap ang aking tuhod at muling umiyak.

"Goodness, Roussanne..." Tumingala ako para tignan ang pamilyar na boses na iyon at kaagad ko siyang niyakap.
"Papa!"

I buried my face on my dad's chest and cry. Para akong batang inagawan ng laruan, hinamg hina ako at patuloy ang paghikbi.

"Papa, ayoko na dito." Sumbong ko, I suddenly remember my seven years old self, kung saan tuwing may umaaway sa akin ay kay Papa ako palagi nagsusumbong.
"It's going to be alright, I'm here." Hinalikan ni Papa ang tuktok ng ulo ko at inalalayan akong makasakay ng sasakyan.

Continue Reading

You'll Also Like

4.9M 319K 73
He is trouble incarnate. While she's a studious, well-mannered student, he's a delinquent who gets tangled up in all sorts of problems. They are comp...
11.5M 336K 68
X10 Series: Arthur Evangelista He dumped me at our own wedding. I left. I met HIM. And there came the SECRET. Do you want you to know about it? Let's...
112K 1.8K 19
She's Reign Caristhea Fortades. A kind-hearted with a wounded heart fragile girl who have been inlove with Evan Montemayor, the one and only jerk an...
52.5K 4.2K 15
"You're mine Pinky. Makipaghiwalay ka man sa akin ngayon pero sa akin pa rin ang balik mo.." -- Cedric Dalawang taon ng hiwalay si Pinky sa kanyang e...