BOOK 2: Confession of a Gangs...

By vixenfobia

647K 10.6K 968

SERIES 2 || Running away is not the answer. ©2014 More

Confession of a Gangster
Confession 01: Starting My Peaceful Life
Confession 02: Hello Life in Peace. Damn.
Confession 03: Who's Doomed? You.
Confession 04: Oz Bezarius; the Wrecker
Confession 05: Alice in Arendelle Forest
Confession 06: Stalking Confusions
Confession 07: The Blue Eyed and The Council
Confession 08: Wizard Tailing The Goblin
Confession 09: The Gods Playing in G Co.
Confession 10: This J is so New
Confession 11: Concealing Scars
Confession 12: Curse Under the Rain
Confession 13: Unexpected Visitors
Confession 14: A Taste of Hell
Confession 15: First Step
Confession 16: Cinderella Was Gone
Confession 17: Apomorphine Shot
Confession 18: The Nightmare
Confession 19: Do the Moves
Confession 20: Pissed to Meet You
Confession 21: Underground Society
Confession 22: Puzzlement
Confession 23: Savage Chameleon 1
Confession 24: Savage Chameleon 2
Confession 25: Losing Sanity
Confession 26: Angel and Her Wings 1
Confession 27: Angel and Her Wings 2
Confession 28: Possession
Confession 29: Leon Ford
Confession 30: Inside Yoshima Mansion
Confession 31: Conspiracy
Confession 32: Mind Maze
Confession 33: Toss Coin
Private Confession: Love. Lust. Claimed.
Confession 34: Could It Be?
Confession 35: Twisted Chains
Confession 36: Touch of Blood
Confession 37: Most Painful Truth
Confession 38: Queen vs. King vs. Knight
Confession 39: Queen Alice
Confession 40: Unconscious Consciousness
Confession 41: She Died
Confession 43: Rage of the Blue Claws
Confession 44: Broken Strings
Confession 45: Chain of Fate
Confession 46: Scythe of Ferox
Confession 47: Cinderella's Fangs
Confession 48: An Epilogue
Confession 49: Be Mine, Alice
Confession 50: It's All About Us
Epilogue: The Last Confession
Onee-chan's Last Death Note

Confession 42: No Air

6.4K 144 32
By vixenfobia

Confession 42: No Air

Para akong patay na tulala sa puting kisame. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Parang gusto kong maiyak but there’s no more tears to fall. Naubos na yata ang tubig sa katawan ko. And I don’t even know kung ano pa ba ang rason ng kagustuhan kong umiyak. Hindi ko na alam. Sarado na ang isip ko. My mind was simply at mess.

 

“Fortunately, the baby is fine. You need a complete rest first hanggang sa makabawi ng lakas ang katawan mo at hangga’t maaari ay umiwas ka sa mga makakapagbigay ng stress sayo.” Rinig kong paliwanag ng doctor pero parang lumalabas lang naman sa kabilang tainga ko lahat ng sinasabi niya. Tulala lang ako sa kawalan dahil pagod na ang buong sistema ko sa pag-iyak at sa pag-iisip tungkol sa kundisyon kong dalawang linggo ko na palang dinadala. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa sa ibinalita niya dahil mas nai-stress ako sa mga sinasabi niya ngayon.

“Your girlfriend is currently suffering from emotional distress that cause her bleeding. Be extra careful with your girl’s condition, hijo. Bibigyan ko na lang muna siya ng vitamins na kailangan niya. Excuse me.” Narinig ko ang pagbukas-sara ng pinto saka ako nilapitan ni Spade. That doctor even think that this guy is the father of this child. Sino nga namang mag-iisip na hindi kung siya palagi ang nasa tabi ko? Sa totoo lang, mas ayos na rin ‘yon kaysa malaman nilang nilayasan na ako ng totoong ama ng batang dinadala ko.

“Hindi mo rin alam ang tungkol dito?” mahinang tanong ni Spade nang maupo ito sa gilid ng kama ko. Blangko ko siyang tiningnan kaya napahinga lang ito ng malalim. “Ano ng balak mong gawin sa bata?” Hinimas niya ang pisngi ko at hinawi ang iilang piraso ng buhok na nakaharang dito. “Mugto na ang mga mata mo kakaiyak,” malambing na bigkas niya. Muli na namang nag-init ang gilid ng mga mata ko ng marinig ang boses nito. Matapos ng pagtanggi ko sa nararamdaman niya, he’s still here at inaalagaan ako.

“Wag mo munang sabihin ito kahit kanino even to my parents,” walang lakas na pakiusap ko. Tiningnan lang ako nito at hindi nagsalita. “Natatakot ako, Spade.”

 

“Maiintidihan naman ‘yan nina tita-”

 

“No!” Napaiyak na lang ako. “Hindi ako natatakot sa kung anong sasabihin at gagawin nina mama kapag nalaman nila ito. I’m afraid for the child, Spade. Wala siyang ama at hindi normal ang buhay na ginagalawan ng kanyang ina. Delikado para sakanya.”

 

“Shh… tama na ang iyak.” Pinunasan niya ang mga luha sa gilid ng mata ko at marahang hinimas ang kaliwa kong pisngi. “You forgot, nandito pa ako, Alice.” A hint of sincerity is evident in his voice.

Sincerity.

Ito ang biglang nawala sa pagkatao ng kilala kong Oz Bezarius. Last night, nang magkita kami ulit, lahat ng emosyong nakikita ko sakanya noon ay nabura. Para siyang walang buhay habang nakatingin sakin. The transparent Oz became a total opaque. Parang may matibay na kongkretong nakaharang sa pagitan naming dalawa. Hindi ko siya mabasa. Hindi na siya tulad ng dati.

“Hindi ko maintindihan, Spade. Bakit nangyari ‘yon? Bakit ganoon?” Pinunasan ko ang luha ko at tiningnan si Spade sa mata. Lumikot ang mga mata ng lalaking kausap ko at halata sa itsura nito na may gusto siyang sabihin pero bakas rin ang pag-aalangan. “S-Spade…” kinakabahang tawag ko sakanya. Mayroon siyang alam na ayaw niyang sabihin sakin, ganoon ba?

“Kasi Alice, ano eh…” hindi niya maituloy ang sasabihin hanggang sa napaiwas na ito ng tingin sakin.

“Bakit Spade?”

 

Bumuntong hininga ito at seryoso akong hinarap. “Aoi,” he paused. Anong mayroon sa babaeng ‘yon para masali sa usapan? “She is Oz’s ex-girlfriend.” Dugtong nito. Nanlaki naman ang mga mata ko sa narinig at natigilan. Parang huminto ang pagtibok ng puso ko sa sinabi niya. Ex-girlfriend ni Oz si Aoi? That was damn crazy! At ano ‘yong nakita ko kagabi? Dahil ba sa nagkabalikan na sila? Ganoon ba ‘yon? Kaya ba iniwan niya na lang ako bigla?! Tangna lang!

Umikot ako sa kabilang side ng kama para makaiwas sa tingin ni Spade. Hindi ko na napigilan at muli na namang tumulo ang mga luha ko. Pagod na pagod na ang mga mata ko. Pakiramdam ko nga ay naiiyak ko na lahat ng tubig sa katawan ko pero ito at patuloy pa rin sa pagtulo ang mga luhang ‘to. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko para mapigilan ang pagtakas ng hikbi ko. Hindi ko na kaya.

“M-May hindi pa ba ako alam, Spade? Bukod sa sinabi mo, m-mayroon pa ba?” mahina at pahagulgol na tanong ko. Naramdaman ko ang paghimas nito sa kanan kong balikat.

“Ayoko ng magsinungaling kaya oo, mayroon ka pang hindi alam.”

 

“Then t-tell me now.”

 

“No. Hindi muna ngayon. You had enough and I know you can’t digest it all. Magpahinga ka na, Alice. Tama na ang kakaiyak, masama ‘yan para sa baby.” Pinilit niya akong patahanin at pinilit ko rin namang itigil na ang pag-iyak ko but my damn eyes were too stubborn dahil patuloy pa rin ang pagtulo ng mga luha ko. Kahit anong punas ko, mamaya may babagsak na naman.

“Anong gagawin ko, Spade? I was supposed to be happy knowing I’m going to have a child in no time pero bakit hindi ko maramdaman ‘yong saya? Hindi ako makapaghanap ng dahilan para maging masaya para sa batang ito!”

 

“Tama na, Alice. Hindi ka dapat nagsasalita ng ganyan. Listen to me...” Iniharap ako nito sakanya hawak ang magkabilang balikat ko. “Nandito pa ako, ha? Ako muna ang mag-aalaga sainyo ng baby na dinadala mo.” He then leaned and kissed my forehead. “For now, give yourself and your baby a rest. Trust me, everything will be fine.”

 

***

 

“Nakainom ka na ba ng vitamins mo?” bulong ni Spade sakin habang inaayos nito ang bag ko na kanina niya pa bitbit. Tumango lang ako dito at binigyan siya ng ngiti. “Very good,” masayang sabi nito saka ginulo ang buhok ko. Pabirong hinampas ko naman ang kamay nito na tinawanan niya lang kaya napairap ako. Palagi siyang ganyan tuwing tatanungin ako kung nakainom na ba ako ng vitamins. But seriously, I don’t find it annoying. Feeling ko nga nilalambing niya ako kapag ginagawa niya sakin ‘yon at sa hindi malamang dahilan ay natutuwa naman ako. Ewan. Kung maikoconsider ‘yon as paglilihi, baka ‘yun na nga ‘yon.

Dumiretso kami sa garden kung saan naisipan nina mama at papa na magbreakfast. Oo nga pala, two days ago ay nakauwi na kami dito sa mansion dahil maayos na rin ang lagay ni Aldous. Actually, papasok na nga ulit kami ngayon sa Steins kaya sinundo ako nitong Spade bodyguard ko. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin sinasabi sa pamilya ko ang totoong kalagayan ko. Wala pa akong lakas ng loob. Hindi ko kasi alam kung paano ipapaliwanag sakanila kapag nagtanong na sila tungkol sa ama ng dinadala ko. Ilang buwan na lang din naman at bakasyon na kaya titiisin ko na lang. Baka sa mga panahon na ‘yon ay nakapag-isip na ako ng tamang salita na pwedeng idahilan sa mga magulang ko.

Huminto kami sa tapat ni papa na nakaupo habang nagbabasa ng dyaryo. Si mama naman ay nagdidilig ng mga halaman niya. Kinalabit ko si papa at agad naman nitong binaba ang hawak niya saka ako hinarap.

“Oh, papasok na kayo?” Tumango ako. “Eh kumain ba kayo ng almusal niyo?” Tumango ulit ako. Napangiti ako ng bigla itong ngumuso na parang nagpapacute na bata. Puro kasi tango ang sinasagot ko sakanya kaya nagtatampo na naman siya.

“Kumain na po kami sa kusina. Alis na kami ha? Late na kasi.”

 

“Oh sige. Ingatan mo ‘tong anak ko, Spade.”

 

Napakamot naman sa batok si Spade at nahihiyang tumango kay papa. “Ako na pong bahala kay Alice, tito.”

 

“Wifey! Aalis na daw itong mga bata!” Sigaw ni papa kaya napahinto si mama sa pagdidilig niya. Humarap ito samin at tumango. Ganyan lang siya kasimple magbid ng goodbye, unlike papa na kung anu-ano pang sinasabi.

“Tara na.” Aya sakin ni Spade.

Hinalikan ko muna ng mabilis si papa sa cheeks saka sumunod kay Spade palabas ng gate kung saan nakaparada ang dala niyang sasakyan. Napag-usapan na kasi namin ‘tong hatid-sundo niya ako sa bahay at school dahil nga sa kundisyon ng katawan ko. Sinabi ko nga na wag na siyang mag-abala dahil kaya ko pa naman magmaneho kay Jaguar but he insisted. Kung matigas ang ulo ko, mas matigas ang kanya so I lost. Inayos nito ang seatbelt ko saka inilagay ang bag namin sa backseat.

“What if makasalubong natin silang dalawa? Handa ka ba?” tanong ni Spade na hindi nakatingin sakin. Nagtatagis ang mga panga nito at ganoon rin kahigpit ang hawak niya sa manibela. His knuckles were almost white na para bang gustong manuntok, taliwas sa kalmadong boses niya. Napayuko na lang ako at hindi sumagot. Alam ko naman kasi sa sarili ko ang sagot… hindi ako handa. Hindi ko sila kayang makita.

Katahimikan ang bumalot saming dalawa. Ilang segundo pa ang lumipas at narinig ko ang buntong hininga nito. He started the engine at hindi kami nag-usap buong byahe. I know he really is pissed pero anong magagawa ko? Hindi ko pa talaga kaya. Sa tingin ko ay hindi magtatagal at mapapagod rin sakin si Spade.

Hindi siya nagsalita hanggang sa makarating na kami sa parking lot ng Steins Gate University. Lumabas ito ng sasakyan at kinuha ang bag namin sa backseat. Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa makarating ito sa side ko. Inalis ko na ang seatbelt at lumabas na rin ng sasakyan. Pinagmasdan ko ang matigas na ekspresyon nito. Para akong maiiyak sa nakikita ko ngayon. Walang sapat na dahilan pero naiiyak ako. Damn so sensitive, Alice! Gusto kong pagalitan ang sarili ko dahil sa inaasal ko ngayon. Ganito ba talaga kapag buntis? Hindi naman ako iyakin at hindi rin ako sensitive sa maliliit na bagay pero ‘yon ang nangyayari ngayon. Napayuko ako at wala sa loob na napahawak sa tiyan. I bit my lower lip para hindi ako maiyak.

“Sh*t! May masakit ba sayo, Alice?!” Nabitawan ni Spade ang hawak niyang bag saka hinawakan ang kamay kong nakahawak sa tiyan ko. Tumunghay ako at nakita ang pag-aalala at pagpapanic sa mukha nito. Bigla naman akong nakunsensya dahil sa walang kwentang dahilan ko ng pag-iyak. Hindi siya ang ama ng batang ito pero siya ang nakukunsume at naaabala dahil sa kundisyon ko.

“W-Wala,” mahina kong sagot. Hinawi nito ang buhok na tumabing sa mukha ko saka ako marahang hinalikan sa noo. Nakaramdam naman ako ng ginhawa at saya sa loob ko dahil sa ginawa niya.

“Sorry. Sorry, hindi na mauulit. Sabihin mo sakin kapag may masakit sayo ha?” Hindi ko na napigilan ang mapangiti dahil sa tono niya. Masyadong malambing na para akong binibeybi. Tumango ako dito bilang sagot. Pinulot na ulit niya ang mga bag na nabitawan niya kanina saka ako hinapit sa baywang.

“You two really looked good together.”

 

Napahinto kami ni Spade sa paglalakad at tiningnan ang nagsalita. Nakaramdam ako ng kakaibang galit sa loob ko kaya agad na nagsalubong ang kilay ko ng makita ang mukha niya. Nakangisi ito at nakataas ang kilay. Ngunit mas naramdaman ko ang galit sa loob ko ng iangkla niya ang braso niya sa braso ni Oz na tahimik na nakatayo sa tabi niya. Tulad noong una naming pagkikita, tulad noong nagkita kami sa police station, ganoon pa rin ang mga mata niya. Walang buhay at malamig. Hindi ko nga alam kung marunong pa ba siyang ngumiti. Nakaramdaman ako ng magkahalong galit at lungkot sa loob ko pero hindi ko na ipinahalata. Masyado na silang nasisiyahang makita akong nasasaktan. Tama na ang isang gabing umiyak ako sa harapan nila. Tama na ang isang gabing nakita nila akong magmukhang tanga. Tama na.

Humigpit ang hawak ni Spade sa baywang ko. Alam kong alam niya ang nararamdaman ko lalo na at ganito pa ang kundisyon ng katawan ko. Alam kong gusto na niyang umalis kami rito, ganoon rin naman ang gusto ko pero hindi ako papayag na umalis na naman sa harapan ng dalawang ito na hindi manlang nakakapagsalita. Kung tutuusin, kaya ko pang lumaban. Malakas ang kapit ng anak ko, nalagpasan niya ang emotional distress ng nanay niya. Kahit isang suntok lang sana sa babaeng ito, kuntento na ako.

I rolled my eyes at Aoi and grinned. Hinapit ko ang baywang ni Spade para mas lalo kaming magkadikit. Napansin ko ang pagtigas ng mukha ni Oz pero hindi naman ito nagsalita. I stared at him, same intensity as looked at me.

“Marami ngang nagsabing bagay kami at hindi maling desisyong sagutin si Spade.” Ngisi ko. Nakita ko ang gulat sa mukha ni Aoi pero agad rin itong napalitan ng ngisi.

“Congrats! Kami rin ni Oz eh, kasasagot ko lang sakanya.” Pagyayabang nito. Napairap na lang ako sa hangin dahil sa kayabangan niya.

“Really?!” Kunwaring nagulat at naamaze pa ako. Narinig ko ang pigil na tawa ni Spade sa tabi ko kaya hindi ko naiwasang mapangiti. “Congrats ha, pero wala kasi akong pakialam.” I flashed her my fake sugar-dusted smile and turned to Spade. “Let’s go?” Tumango naman ito habang ngiting-ngiti na halatang pinipigilan lang ang matawa. Nilagpasan na namin si Aoi na lukot sa inis ang mukha pero agad ring napawi ang ngiti ko ng mahagip ng tingin si Oz. Kung masakit na makitang magkasama sila, mas masakit ang marinig na sila na nga talaga. At ang nakakainis pa doon ay wala siyang pakialam at wala siyang alam sa sakit na nararamdaman ko. Ni hindi niya nga alam na dinadala ko na ang anak niya. Kung hindi ko lang siya mahal, hindi ko bubuhayin ang batang ito.

Dumiretso na kami ni Spade sa elevator ng building dahil ayaw niya naman akong paghagdanin. Sinabi ko nan gang exercise ko rin ‘yon pero matigas talaga ang ulo niya at gusto niya siya ang masunod. Sino baa ng buntis saming dalawa? Pero wala rin naman akong balak na kontrahin siya, siguro siya rin kasi ang pinaglilihian ko.

Inangkla ko ang kanang braso ko sa kaliwang braso niya at mahinang hinatak ito. Yumuko naman siya saka ako naglean sa tainga niya para bumulong. “Gusto ko ng ice cream.” Gulat akong tiningnan nito saka tumingin sa suot niyang wristwatch.

“No, Alice. Ang aga-aga pa. Alas syete pa lang,” pabulong na sagot rin nito dahil may iba kaming kasama sa elevator. Ngumuso naman ako saka humawak sa tiyan ko. Darn. Bigla talaga akong nagcrave sa ice cream.

He sighed as sign of defeat. “Okay, paglabas natin dito. Ihahatid muna kita sa room, ha?” Tumango naman ako bilang sagot. Ginulo na naman nito ang buhok ko habang ngiting-ngiti saka umakbay sakin.

“Akala ko ba sila ni Oz? Bakit si Spade ngayon ang nakaakbay sakanya?”

 

“Baka break na. Si Oz rin ‘yong haponesa ang kasama kanina. Nakita ko sila sa main gate.”

 

“Oo. Magkaakbay pa nga ‘yong dalawa eh.”

 

“Sabi ko na nga ba at magkakasawaan din ‘yan. Casanova kaya si Oz.”

Nakaramdam ako ng inis at sakit sa mga sinasabi ng mga estudyanteng kasama namin ngayon. Hindi ko alam kung bakit kailangan nilang magbulungan pa kung ganyan din naman kalakas. Seriously? Halata namang pinariringgan nila ako. Napakaimpokrita at insensitive nila. Kung makapagchismis parang wala dito ang pinag-uusapan nila.

Napahigpit ang hawak ni Spade sa balikat ko kaya naman tiningala ko ito. Madilim ang mukha niya at alam kong nagagalit siya sa mga naririnig niya ngayon pero hindi ito ang lugar para manggulo. Hinawakan ko ang kamay nitong nakahawak sa balikat ko dahilan para mapatingin siya sakin. Umiling-iling ako para sabihin sakanyang hayaan na lang ang mga sinasabi nila. Huminga ito ng malalim at umiwas ng tingin.

Ilang sandali pa at nasa 5th floor na kami kung saan ang first subject. Nabaling samin ang tingin ng mga blockmate naming naroroon na. Pagtataka at gulat ang makikita sa mga mukha nila. Siguro dahil sa biglaang pagbabalik ko at pangalawa ay dahil sa hindi si Oz ang nakaakbay sakin ngayon. Inisip ko na lang na wala akong nakita at dumiretso sa upuan ko. Napalingon ako sa upuang nasa pagitan namin ni Spade which is Oz’s. Hindi ko talaga maiwasang malungkot tuwing maiisip ang nangyari samin.

“Anong flavor?” Napatunghay ako kay Spade ng magsalita ito. Alam kong napansin niya ang pagtitig ko sa upuan ni Oz kaya inagaw niya ang atensyon ko.

Tipid ko siyang nginitian bago magsalita. “Double dutch!” Pinilit kong maging masaya ang tono ko kahit pilit lang. Tumayo na ito sa upuan niya at naglakad palabas. Yumuko ako sa armchair ko at nanahimik. Nagsisimula ng magbulungan ang mga blockmate ko. Tulad ng mga estudyante sa elevator, ganoon din ang mga sinasabi nila. Pasensya na lang sila dahil ako si Alice Lax Grey at hindi nila ako makikitang apektado sa mga sinasabi nila. I had enough.

***

 

It’s really awkward na magkatabi kami ngayon ni Oz sa klase. Magkatabi kami ngayon ng ama ng anak na dinadala ko. Dalawang subject ang magkasunod ngayong umaga kaya apat na oras ko din siyang kasama. Dati naman hindi big deal sakin ang ganito pero dahil sa sitwasyon namin, kanina ko pa hinihiling na sana magdismiss na ang professor namin. Apat na oras na katahimikan ang namagitan saming dalawa at ‘yon na yata ang pinakamatagal na oras sa buong buhay ko. Hindi sapat ang apat na oras sa isang buwang pagkawala niya pero hindi na ako tulad noong nakaraang gabi. Wala na ang pagkasabik na nararamdaman ko. Tanging galit at pagkairita na lang ang naiwan. Ni hindi ko nga tinangkang lingunin manlang siya kahit na naiintriga ako sa reaksyon niya.

Mariin akong pumikit at isinara ang binder ko. Niligpit ko na sa bag ang mga gamit ko at mabilis na tumayo. Nilagpasan ko ng tingin si Oz at tinitigan ng mariin si Spade na nagtatakang nakatitig sakin. Sinenyasan ko itong tumayo na kaya mabilis niya na ring inayos ang gamit niya saka ako nilapitan.

“Gutom na ako.” Pasimple pa akong humawak sa tiyan ko na agad naman niyang naintindihan.

“Ice cream na naman?” natatawang sabi nito. Sinamaan ko siya ng tingin kaya inakbayan niya ako. “Oo na. Tara na at magdouble dutch!” malawak akong ngumiti at hindi sinasadyang mahagip ng tingin si Oz na kasalukuyan rin pa lang nakatitig samin. Nagtatagis ang bagang nito pero agad rin namang nag-iwas ng tingin. I mentally cussed saka naglakad palayo. Ito na ang simula ng pagliit ng mundo namin.

- - -

I need air! So, who's boat is sailing now? #OzAliceShip #SpadeAliceShip I'm itching to post my finished drafts as fast as I could but of course, life needs suspense. So see yah, gangstas! :)

Continue Reading

You'll Also Like

84K 2.6K 41
Paaralang hindi ordinaryo. Iba't ibang ugali, hindi natin alam kung totoo ang mga nakakasama natin. Maraming mukha ang nakatago sa maskara. Paaralang...
She's the Boss By Zy

Teen Fiction

2.2M 40.6K 64
Andrew is the student council president. Athena is the rule-breaker. Araw-araw nag-aaway. Araw-araw sinisita siya ni Andrew pero ganun pa rin. Lumala...
1K 167 21
Dreams are not meant to happen in reality. Iniisip ng iba na kabaliktaran ito ng mangyayari sa hinaharap. May iba ring nagsasabi na isa itong pangita...
2.7K 245 48
⤷ᴏᴍᴀʏɢʜᴀᴅ ɴᴀ ᴡʀᴏɴɢ sᴇɴᴅ ᴀᴋᴏ sᴇɴᴅ ʜᴇʟᴘ! ↺ɪɴ ᴡʜɪᴄʜ ᴛʜᴇ ɢɪʀʟ ᴅɪᴅ ɴᴏᴛ ᴋɴᴏᴡ ᴛʜᴀᴛ sʜᴇ sᴇɴᴅ ɪᴛ ᴛᴏ ᴛʜᴇ ᴡʀᴏɴɢ ᴘᴇʀsᴏɴ. | "?" 𝑾𝒉𝒂𝒕? 𝑺𝒆𝒓𝒊𝒆𝒔 #1 | sᴛᴀᴛᴜs...