BOOK 2: Confession of a Gangs...

Von vixenfobia

647K 10.6K 968

SERIES 2 || Running away is not the answer. ©2014 Mehr

Confession of a Gangster
Confession 01: Starting My Peaceful Life
Confession 02: Hello Life in Peace. Damn.
Confession 03: Who's Doomed? You.
Confession 04: Oz Bezarius; the Wrecker
Confession 05: Alice in Arendelle Forest
Confession 06: Stalking Confusions
Confession 07: The Blue Eyed and The Council
Confession 08: Wizard Tailing The Goblin
Confession 09: The Gods Playing in G Co.
Confession 10: This J is so New
Confession 11: Concealing Scars
Confession 12: Curse Under the Rain
Confession 13: Unexpected Visitors
Confession 14: A Taste of Hell
Confession 15: First Step
Confession 16: Cinderella Was Gone
Confession 17: Apomorphine Shot
Confession 18: The Nightmare
Confession 19: Do the Moves
Confession 20: Pissed to Meet You
Confession 21: Underground Society
Confession 22: Puzzlement
Confession 23: Savage Chameleon 1
Confession 24: Savage Chameleon 2
Confession 25: Losing Sanity
Confession 26: Angel and Her Wings 1
Confession 27: Angel and Her Wings 2
Confession 28: Possession
Confession 29: Leon Ford
Confession 30: Inside Yoshima Mansion
Confession 31: Conspiracy
Confession 32: Mind Maze
Confession 33: Toss Coin
Private Confession: Love. Lust. Claimed.
Confession 34: Could It Be?
Confession 35: Twisted Chains
Confession 36: Touch of Blood
Confession 37: Most Painful Truth
Confession 38: Queen vs. King vs. Knight
Confession 39: Queen Alice
Confession 40: Unconscious Consciousness
Confession 42: No Air
Confession 43: Rage of the Blue Claws
Confession 44: Broken Strings
Confession 45: Chain of Fate
Confession 46: Scythe of Ferox
Confession 47: Cinderella's Fangs
Confession 48: An Epilogue
Confession 49: Be Mine, Alice
Confession 50: It's All About Us
Epilogue: The Last Confession
Onee-chan's Last Death Note

Confession 41: She Died

6.5K 137 28
Von vixenfobia

Confession 41: She Died

 

“Alice! Alice! Ano, tapos na ba? Ayos na ba ang pakiramdam mo?” Napalingon ako sa pinto nang marinig ang sigaw ni mama sa labas kasabay ng sunud-sunod na pagkatok.

“I’m done,” mahina at walang lakas kong sagot.

Muli akong nagmumog at hinilamusan ang mukha ko. Huminga ako ng malalim saka pinagmasdan ang sariling repleksyon sa kaharap na salamin. Bigla na lamang akong nakaramdam ng hilo at paghilab ng tiyan matapos kong mapagmasdan ang mga nakahapag na pagkain sa lamesa. Hindi naman ako maselan sa pagkain at sanay na rin naman ako sa hospital foods dahil sa loob halos isang buwan na pagbabantay kay Aldous ay naging pangalawang tirahan ko na ito. Sa loob ng isang buwan, ito ang unang beses na nakaramdam ako ng pagkaumay sa pagkain. Ganito siguro ang napapala kapag nagpapalipas ng kain. Nakalimutan ko kasing maghapunan kaya itong si mama ay ipinaghanda sana ako ng midnight snacks kaya nga lang ay hindi maayos ang timpla ng katawan ko ngayon.

Lumabas na lang ako ng banyo noong maramdaman kong ayos na ulit ang tiyan ko. Naabutan ko si mama na nakahalukipkip at nakasandal sa pader habang kunot-noong nakatingin sa sahig. Mukhang malalim ang iniisip at hindi niya napansing nasa tabi na niya ako. Ano kayang problema?

“Ma.” Napapitlag naman ito at gulat na napatingin sakin. Nagtatakang napatitig ako sakanya pero agad din namang naalis ang gulat na itsura nito. Agad niya akong inalalayan dahil hirap pa ring maglakad ang binti ko.

“Ayos na ba ang pakiramdam mo?” Tumango lang ako sa tanong nito. She carefully guide me hanggang sa makaupo ako sa couch kung saan ay katapat ko rin si papa na mahimbing na natutulog. Sinabihan na ‘yan ni mama na umuwi muna sa mansion at doon magpahinga pero ayaw makinig. Kaya ‘yan, kahit na hindi siya magkasya sa couch ay pinilit niya pa rin para lang makatulog.

“Hindi siguro maayos ang timpla ng katawan ko ngayon kaya humilab ang tiyan ko.” Sagot ko kay mama na nakatayo sa likuran ko at marahang hinihimas ang buhok ko.

“Kailangan mo na rin kasing magpahinga,” mahinang sagot ni mama. Napatingala ako sakanya pero abala lang ito sa paghimas sa buhok ko. “Kamusta na pala kayo ni Oz? Matagal ko na siyang hindi nakikita ah. Saka hindi yata siya dumadalaw dito? Hindi mo ba sinabi?” Hindi ko alam kung paano sasagutin ang sunud-sunod na tanong ni mama. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon niya kapag sinabi ko sakanyang bigla na lang naglahong parang bula ang lalaking ‘yon. Hindi ko alam kung dapat ba akong magsabi ng totoo o mas magandang magsinungaling na lang.

Bumuntong hininga ako. “Mas magandang kakaunti lang ang nakakaalam ng tungkol dito, ma.” I simply answered. Tumango lang naman ito kasama ang tipid na ngiti. Safe play? Mas maayos na siguro ang ganyang sagot.

“Eh kayo ni Spade, kamusta? Magkasama kayong umalis kanina pero ikaw lang ang bumalik.” Muling tanong ni mama.

 

Muli ko na namang naalala ang nangyari kanina. Nagkasagutan kami bago siya umalis. Hinatid naman niya ako pabalik sa kwarto pero agad ring umalis kaya hindi na siya naabutan nina mama at papa. Hindi rin siya pumasok kaya hindi siya nakita nina Charm at Aldous. I rejected him kaya alam kong kahit paaano ay disappointed siya sakin at hindi ko alam kung paano ko siya haharapin sa mga susunod na araw dahil doon.

“Hinatid niya ako dito sa kwarto bago siya umalis pero wala pa kayo kaya hindi niyo nakita.”

 

“Ah. Buti na lang laging nandiyan si Spade ‘no?” I wanted to roll my eyes so bad pero pinigilan ko ang sarili ko. Seriously? Ano bang mayroon dito kay mama at panay Oz at Spade yata ang bukambibig? Tss.

“Ma.”

 

“Nani? May mali ba akong sinabi?” (What?) inosenteng tanong nito. Napaismid na lang ako habang mahinang tawa naman ang narinig ako sakanya. “Kasi ngayong wala si Oz sa tabi mo, paano ka na lang? At least, you should be grateful Spade is here.” Dugtong niya pa. Kung alam lang ni mama kung gaano ako nababaon sa lupa dahil sa mga sinasabi niya ngayon sakin.

“I’m grateful he’s always here and I’m very much thankful dahil kusa niyang ginagawa ang lahat.”

 

“Alice…” Napaharap naman ako kay mama dahil sa biglaang pagseseryoso ng boses nito at hindi ko maiwasang kabahan habang nakatitig sa walang emosyong mukha niya. Hindi naman siya ganyan kanina. Paano niya nagawang baguhin ng ganoon kadali ang ekspresyon niya?  Geez. This woman really is something. Kahit na nanay ko siya, hindi pa rin ako masanay-sanay na bigla na lang siya nawawalan ng emosyon. How cold-faced mother she is.

“Naze?” (Why?)

“I’m your mother. Tell me what really is happening. Dumaan ako sa ganyang stage kaya alam ko kapag may itinatago ang isang tao.” Napaiwas ako ng tingin kay mama. I gulped harshly. Para bang bigla kong nalunok ang dila ko sa sinabi niya at hindi ako makahagilap ng mga tamang salitang dapat sabihin. Yeah, I forgot. She’s a former gangster- a gang leader to be specific kaya malakas siyang makiramdam. “Okay. I know you’re old enough to handle things, but please, be careful. Stick with Spade if needed-”

 

“Ma.”

 

“No! Hindi ito dahil sa matagal ko ng kilala ang pamilya niya at hindi rin ito dahil sa ipinagtutulakan kita kay Spade, but at least, I know Spade can be trusted.” She paused. Hinawakan nito ang mga kamay ko ng mahigpit. “Malaki ka na para makialam pa ako sa mga desisyon mo pero piliin mo ang mga dapat pagkatiwalaan. Hindi lahat ng iniisip mong kakampi ay tutulungan ka. Alam mo naman ang nangyari noon sakin diba?” I nodded. Naalala ko na naman ang kwento nila tungkol kay tito Toffer. Ang sitwasyon nila noon.

“Si tito Toffer,” bulong ko.

Mama nodded at tinapik ng marahan ang kaliwa kong pisngi. “Oz or Spade, your heart will decide.”

 

“Ma, naman! Bigla ka na lang napupunta sa love life ko. Tss.” Nagkunwaring naiinis pa ako dahil sa pagsegwey niya.

“Biro lang. Basta mag-iingat ka lalo na at Queen of Underground Society ka na. Kung ano man ang plano mo sa biglaang pagtake-over sa U. Soc. hindi ko na pakikialaman at uusisain.” Tumango-tango lang ako bilang sagot. “Pahinga ka na. Masyado ng late-” Nahinto si mama sa pagsasalita nang malakas na magring ang cellphone na nasa ibabaw ng side table ng hospital bed ni Aldous. Nilapitan niya ito saka inabot sakin.

“Hello?” Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Number ni Spade ang tumatawag pero iba ang nagsalita sa kabilang linya. “Sh*t! Ma! Aalis lang ako sandali. Susunduin ko lang si Spade!” Nagpapanic kong sabi habang sinusuot ang jacket.

“Bakit? Saan ka pupunta? Gabi na- Alice! Alice!” Naririnig ko pang sumisigaw si mama pero hindi ko na siya pinansin. Kahit na iika-ika pa ako at napapangiwi kapag napapalakas ang paghakbang, wala na akong pakialam. Napaaway si Spade sa isang bar. Sh*t naman. Naglasing ba ang lalaking ‘yon? Dahil ba sa nangyari kanina? Puny*ta! Paano na lang kapag pinagtulungan siya ng mga tao doon? Hindi ko mapapatawad ang kahit na sino man sa loob ng bar na ‘yon kapag binugbog nila ang pasaway na lalaking ‘yon! Aish!

Mabilis akong sumakay sa taxi at sinabi ang lugar na pupuntahan ko. I tried to contact Spade pero hindi na ito sinasagot. Nakailang beses rin ako ng dial hanggang sa nag-out of reach na. Kinakabahan tuloy ako dahil mag-isa lang siya. Ilang sandali pa ng makarating ako sa sinabing bar pero mga bouncer na lang at ang manager ang naabutan ko.

“Boss, saan po dinala ‘yong mga napaaway dito sa bar?” hinihingal kong tanong.

Hinarap naman ako ng manager at kunot-noong tiningnan. “Kakilala mo? Ayon! Pinadampot ko na sa mga pulis. Mga pasaway na kabataan nga naman oh!” inis na paliwanag nito na napapailing pa. Tinalikuran na niya ako matapos ituro sakin ang police station na pinagdalhan kay Spade.

***

 

“Excuse me, nasaan si Spade Montelava?”

 

“Girlfriend ka ba niya? Ayon! Pasaway na mga kabataan talaga ‘to oh. Dis oras na ng gabi puro gulo pa ang hanap.” Napapailing pa na sabi ng pulis. Iniwan ko na lang siya doon dahil baka kung ano pa ang mga pangaral na sabihin sakin.

Mabilis ko namang nahanap ang selda na kinalalagyan ni Spade. Dalawa lang silang lalaki sa loob na halatang ginagamit lang para sa mga ganitong gulo. Nakaupo ito malapit sa rehas, nakasandal sa dingding at nakayuko sa kanyang mga tuhod. Sa porma niya pa lang alam kong nakainom siya. Napadapo ang tingin ko sa kamao nitong may bahid pa ng dugo. Napangiwi ako ng makita ang sugat dito. Hindi ko alam kung saan niya ginamit ang kamao niya para masugat ng ganyan. Dahan-dahan akong lumapit sa pwesto niya at naupo sa harap nito.

“Spade…” mahinang tawag ko sa pangalan niya. Gumalaw ang ulo nito na tila naalimpungatan at pikit-mata pang tumunghay. May cut siya sa labi at mukhang magpapasa na rin ang kaliwang pisngi. Putok ang kaliwang kilay, magulo ang buhok at gusut-gusot ang suot na puting polo. Umalis siya sa hospital na maayos at ganito ko siya maaabutan? This is crazy. Inilibot ko ang tingin sa selda bago ibalik sakanya ang tingin.

“A-Alice? Anong g-ginagawa mo rito?” Bakas ang gulat sa mukha nito nang tuluyan ng maidilat ang mga mata niya. Napatayo pa ito kaya tumayo na rin ako mula sa pagkakaupo.

“Aayusin ko lang ‘to para makauwi na tayo. Sandali lang,” kalmado kong sagot.

“S-Sige. Uwi na tayo.” Napakunot ako ng noo sa kinikilos niya. Para siyang kinabahan at patingin-tingin sa likuran niya pati sa labas ng police station. Tumango na lang ako at iniwan siya doon para makausap na ang police chief.

“Oh my God! Where the hell is Oz?! Bakit niyo siya ikinulong dito?!”

 

Nabato ako sa kinatatayuan ko nang marinig ang sigaw ng isang pamilyar na boses ng babae sa likuran ko. Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig kong pangalan.

Oz…

I gulp harshly, holding my breath. Dahan-dahan akong lumingon sa likuran ko kung nasaan ang selda ni Spade. Magkatitigan sila ngayon ni Aoi at kapwa tikom ang mga bibig. Nagsusukatan at nagpapalitan sila ng masamang tingin. Nanuyo yata bigla ang lalamunan ko nang maaninag ang lalaking naglalakad sa loob ng selda. Huminto ito sa tabi ni Spade katapat ni Aoi. Walang emosyon, malamig ang mga mata, may cut sa labi pati na rin sa ilalim ng kaliwang mata at gusot ang suot na asul na t-shirt na may kaunting patak pa ng dugo. Bumaba ang tingin ko sa kamao nito, tulad ni Spade ay may sugat rin siya.

Oz, anong nangyari sayo? Bakit sa ganitong paraan pa natin kailangan magkita muli? Ano bang nangyayari?

Mabibigat na hakbang akong lumapit sa pwesto nilang tatlo. Mukha namang naramdaman nila ang presensya ko at sabay-sabay na napatingin sakin. Gulat at pagkabahala ang rumehistro sa mukha ni Spade, inis sa mukha ni Aoi pero hindi ko sila kailangan dahil isang tao lang ang gusto kong makita ngayon. Iisang tao lang ang nakikita ko ngayon. Nagkasalubong ang mga mata namin pero wala akong makitang emosyon doon. Malamig ito at blangko. His eyes were unlike Oz’s I knew.

Gusto kong maiyak habang tinititigan siya. Hindi naman kami ganito bago siya mawala. Hindi siya ganyan tumingin sakin. He should act arrogant, possessive and bossy now. He should be lalo na at alam niyang si Spade ang ipinunta ko dito at hindi siya. Dapat binubungangaan na niya ako ngayon dahil nasa labas pa ako ng dis oras ng gabi. He should throwing tantrums because I was with other man. He should be running into my arms now and not with other’s. He should be pero bakit iba ang nangyayari ngayon sa inaasahan ko? Hindi niya ba ako namiss? Kasi ako, miss na miss ko na siya. Bigla siyang nawala ng walang paalam. Iniwan niya ako na walang sinasabing dahilan at ngayong nagkita na ulit kami, bakit tikom lang ang bibig niya at hindi nagpapaliwanag? Maiintindihan ko naman basta ipaintindi niya. At ipaintindi niya rin sakin kung bakit sila ni Aoi ang magkasama ngayon.

Pero sa mga tingin niya ngayon… parang hindi kami magkakilala. Ito ang pares ng mga matang nakita ko noong una naming pagkikita. Ito ‘yon. Those pair of eyes when we were just a complete strangers to each other.

“Alice…” Naramdaman ko ang hawak ni Spade sa kaliwang braso ko pero hindi ako natinag. Hindi ko magawang alisin ang tingin sa mga mata niya. Namiss ko ang mga matang ito. Miss na miss ko. Gusto kong banggitin ang pangalan niya pero parang may kung anong nakabara sa lalamunan ko at hindi ko magawa. Nanlalabo na rin ang paningin ko.

“Let’s go, Oz. Ayos na ang lahat. Chief! Pakibuksan na nga ito dali!” Sigaw ni Aoi sa tabi ko.

Binuksan na ang selda at sabay silang lumabas ni Spade pero hindi siya sakin lumapit… kun'di kay Aoi. Hindi ko naiintindihan kung ano ba talaga ‘tong nangyayari. Para akong naculture shock at natatanga ako sa mga ginagawa nila sa harapan ko.

“Mauna na kami.” Paalam ni Aoi pero naroroon pa rin ang pagkairita sa boses nito. Mabilis niyang hinatak paalis si Oz hawak ng mahigpit ang kamay nito. I stared at his back, waiting for him to looked back at me but he never did. He didn’t turn back. I waited enough. I am the one who’s always waiting.

“Alice, let’s go. Ihahatid na kita sa mansion.” Sinimulan akong hatakin ni Spade paalis ngunit parang namagnet ang mga paa ko sa semento at hindi ko magawang humakbang. “Alice, tara na. Umalis na sila kaya tara na.”

 

Pinagmasdan ko ang likod nina Aoi at Oz habang papalabas sila ng police station. Sinundan ko sila ng tingin hanggang sa tuluyan na silang mawala sa paningin ko. Magkahawak sila ng kamay? Hinalikan niya si Aoi sa labi bago sila sumakay sa sasakyan? Bakit? Ano ba ako dito? Audience nilang dalawa? Tangna masakit ah!

“Wag mo silang tingnan,” rinig kong bulong ni Spade habang tinatakpan niya ang mga mata ko.

Hindi ko na kinaya at tuluyan ng bumagsak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Niyakap niya ako at hindi ko na naiwasan ang mapahagulgol. Masakit. Masakit na masakit. Wala akong alam sa mga nangyayari at nagmukha akong tanga sa harapan nila. Iniwan niya ako ng walang paalam, umalis siya ng walang dahilan at ngayong nagkita kami pero parang wala naman siyang pakialam. Tangna masakit talaga. Ipinagpalit niya ako ng wala manlang akong kaalam-alam. Kung hindi pa kami nagkita ngayon aasa at mag-aantay pa rin pala ako sa wala. Para akong nawala sa katinuan sa nakita kong ginawa nila. Dapat ako ‘yon eh. Sakin ang mga matang ‘yon at ako lang dapat ang nagmamay-ari ng mga labing ‘yon pero letse dahil ibinigay niya na pala sa iba! Kusang nablangko ang utak ko at nanlambot ang katawan ko sa mga nangyayari. Hindi ko alam. Wala akong alam.

“Shh… tama na.”

 

“S-Spade... b-bakit?”

 

“Tama na ha? Tama na-”

 

“A-Argh! Ang sakit, Spade!” Napabitaw ako sa yakap niya at hinawakan ang tiyan ko. Sobrang sakit!

“Sir! Ano pong nangyayari?!"

"Damn Alice! You're bleeding!"

 

Pagpapanic sa paligid at ang sigaw ni Spade sa pangalan ko ang huli kong narinig bago ako tuluyang takasan ng malay.

- - -

 Next update will be on Saturday afternoon.

Weiterlesen

Das wird dir gefallen

510K 11.7K 49
She is a mafia boss who only wants to revenge for ruining her family.
She's the Boss Von Zy

Jugendliteratur

2.2M 40.6K 64
Andrew is the student council president. Athena is the rule-breaker. Araw-araw nag-aaway. Araw-araw sinisita siya ni Andrew pero ganun pa rin. Lumala...
56.6M 1.2M 127
Mikazuki convinces Bullet to meet his birth parents after being taken away by the former leader of the most powerful mafia group, Black Organization...
752K 12.5K 38
Gianna Princess Thrice Williams,isang sophomore college student na bumalik ng Pilipinas para hanapin ang hustisya sa pagkamatay ng pamilya nya,But wh...