Principal: "Welcome to Phil. Beach Islands ohh baba na kayo may palaro tayo maya konte." bumaba na kami lahat at nabusy na pumili ng kanya-kanyang pwesto.
Lucy: "Wooow ang Gandaaa." habang umiikot-ikot siya.
Lea: "Huy mahilo ka." sabay hawak kay lucy.
Anne: "HAHAHAHA sis tara magbihis na tayo para swim-swim tayo after." pagyaya niya kay lucy.
Lucy: "Sure sis tara hihi." sagot niya.
Nakarating kami sa cottage sa may taas ng malaking bato. At duon na rin kami nagbihis.
Lea: "Bro tumalikod ka baka nakakalimutan mo babae pa rin katawan ko." babala niya sakin.
John: "Hahaha anong makikita ko dyan??" pabiro ko sa kanya sabay talikod ko.
Lea: "Sira ulo ka talaga." binatukan niya ako.
John: "Aray naman!! joke lang peace tayo bro." pagsorry ko sa kanya.
Lea: "Alam mo johhn natatakot ako ngayon araw na toh." sambit niya.
John: "Bakit naman? dahil ba hindi ka marunong lumangoy?" tanong ko.
Lea: "Hindi noh, nanaginip kase ako sa isang para-iso daw ako namatay ikaw ba john nanaginip ka ba?" tanong niya sakin.
John: "Ah alam mo pag panaginip daw kabaliktaran ang ibig sabihin niyan wag kang maniwala panaginip lang yun." sagot ko sa kanya.
Anne point of view.
Nagbibihis kami nun ni lucy sa isang cr ng pambabae.
Lucy: "Kainggit ka naman sis :( may boobs ka tapos may pwet ka pa sakaling ako pader." pagdodown niya sa sarili.
Anne: "Grabe ka naman makadown sa sarili mo tsaka bakit ganyan suot mo mukha kang pupunta ka ng antartica." pagtingin ko sa kanya.
Lucy: "But." sagot niya.
Anne: "Tantanan mo ako sa but na yan bubutbutin talaga kita hubarin mo yan. Oohh i see napano ba tong mga scars mo sa likod? gamitinin mo toh tankini para macover yan oh di ba mas sexy ka dito." papuri ko sa kanya.
Lucy: "Ayy nakakahiya naman itsura ko dito sis huhuhu." namumula ang pisngi niya.
Anne: "Yan ang sexy mo sis labas na." tinulak ko siya palabas at sumunod na din ako.
Paglabas namin ay sumalubong na samin si lea at john, at napatigil ako ng makita ko si john.
Anne mindset: "Wow may abs pala siya grabeee." napakagat ako sa labi ko.
Nagswimming kaming apat sa dagat kahit na tirik pa ang araw.
Lucy: "Hihi ang itim mo na lea hahaha nakalimutan mo ata magsunblock." sigaw neto kay lea.
Lea: "Sh#t hindi nga haist wag na nga hahaha." winiwisikan niya ng tubig si lucy.
Lucy: "Stop lea hahaha hindi ako makadilat haha." winiwisikan niya din si lea.
John: "Anne alam mo ang..." naputol kong sambit sakin.
Anne: "Sexy and hot ko? yun ba yun?" tamang hula ko.
John: "Oo so much :) ang ganda mo talaga anne." held her hand at winisikan ko siya ng tubig.
Anne: "Magiistart na yung game ohh tara na." umahon nako at nahuli ko siyang nakatitig saken.
Anne: "Papatawarin kita kapag naipanalo mo ang laro hindi nako magagalet sayo okay ba sayo yun?" pakikipagdeal ko sa kanya.
John: "Oo ba challenge accepted!" pakikipag agree niya sakin.
Principal: "Hahatiin naten sa apat na team ang laro, ang nahuling makatapos tanggal sa laro. Sa first part tug of war, second part naman ay palosebo, at sa last game ay volleyball. Okay bunutan na ng teams." isa-isa kaming bumunot ng papel at sabay-sabay namin binuksan eto sa harapan namin.
Lucy: "Red team sis."
Anne: "Red team din ako."
Lea: "Blue team kaw bro?"
John: "Blue din."
Principal: "Let the game starteeeeeeeeeed! red team versus green team!" sigaw niya.
Naging patas ang laban sa tug of war parehas ng lakas ang magkabilang panig.
Lucy: "Waaah sis ikaw na bahala alam kong kaya mo yan!!" dumulas ang kamay ni lucy at natumba siya.
Anne: "Kaya ko yan!! hmmm arrrggghhh!!!" hinila ko ang tali ayon sa totoong lakas ko.
Principal: "Green team eliminateeeeeed! blue team versus yellow team!" sigaw niya ulit.
Lea: "Bro hila pa!! hmmm!!" sigaw niya kay john.
John: "Hindi kame papatalo!! waaaaaahhhh!!" biglang siyang natakot at binitawan ang tali.
Nakita ko sa mga nanunuod ang pagsulpot ng clinic doctor na nakamasid sakin at nginitian ako. Subalit bigla siyang nawala na parang bula.
Lea: "Wtf bro?! tae na panalo na tayo anong ginawa mo!?" pinagalitan niya si john.
Principal: "Yellow team wiiiiinnnsss!! last chance green team versus blue team!" nanalo dito ang blue team at nagpatuloy na ang laro sa pangalawang stage.
Principal: "Palosebo ang susunod na laro, pumili kayo ng isang kaklase niyo na ilalaban. Ang huling team na makapagawa ng pagsubok ang tatanggalin sa laro." paliwanag niya.
Lucy: "Sis afraid of heights ako huhuhu." pagyakap niya sakin.
Anne: "Wag ka na umiyak kaya kong umakyat dyan ka lang." pagboboluntaryo ko.
Lea: "Bro leave it to me sa probinsya gawain namen toh hehe." pagmamalaki niya kay john.
Principal: "Readddy get settt goooo!!" sigaw niya na halos mamaaos na.
Naunang makatapos ang blue team sumunod ang red team at huling nakatapos ay ang green team.
Principal: "Green team eliminateeed!! Okay final game na tayo ang volleyball ang unang makascore ng 20 ang gaganapin champion ng laro na toh at ang reward ay ang pagsakay sa banana boat at luxury yatch." pagsasabi niya ng reward.
Principal: "Simulaaan na ang laroooo!!!" pagpito niya ng malakas.
Anne: "Hindi ako papatalo sayo john kaya humanda ka na!" babala ko sa kanya.
John: "Gagalingan ko din kame mananalo dito!" sigaw niya sa pagserve ko sa bola.
Lea: "Let's fightinggg!!" pagcheer ni lea sa team nila.
Lucy: "Red team spike!!" sigaw nila mula sa team namin.
Naging mainit ang laban namin at wala samin ang nagpatinag ng galing. Sa huli ang score ay nagpang abot sa labing siyam parehas sa dalawang panig. Nagserve ng bola ay si lucy at pinatama niya eto kay john.
John: "Ang pinagbabawal na teknik!! Spikeeeennn!!" malakas niyang inispike ang bola papunta samin at mabilis ko etong nablock.
Anne: "Ngayon na lucy!!" sigaw ko sa kanya.
Lucy: "Haaa!!" toink tinulak lang ni lucy papasok sa kabilang net ang bola.
Principal: "Red team wins!!!! Wooooooohhh!!!" at nagsigawan na ang lahat.
Anne: "Paano yan panalo kame. :)" pag ngiti kong sambit kay john.
John: "Congratulations." at kinamayan niya ako.
Anne: "Wag ka na malungkot pinapatawad na kita bati na tayo." pagpapatawad ko sa kanya at niyakap niya ako.
John point of view.
Naligo kami at nagpalit na ng damit, nilapitan ako ni lea mula sa balcony ng aming lugar.
Lea: "Congrats saka sorry din kanina alam ko naman ginawa mo din lahat para manalo." pag-abot niya sakin ng alak na bumubula sa lamig.
John: "Wala yun ang totoo kase gusto ko talaga manalo sila anne. Gusto niya kase makasakay ng yacht sa buong buhay niya." kwento ko habang umiinom ng alak.
Lea: "Naiintindihan ko bro tama lang yung ginawa mo." sabay humangin ng malakas at nabasag yung bintana sa loob.
John: "Ako na bro." tumakbo ako sa loob para tignan yung nabasag.
Lea point of view.
Lea: "Tama ba tong nakita ko haist kailangan ko silang pigilan." nakita kong na may ibang nakasakay sa yate at nakatali ang mga kamay ng crew at kapitan neto.
Mabilis akong nagpunta at sumakay sa yate.
John: "Lea nilinis ko na yung nabasag na bintana.. Lea?? nasan ka na?" paghahanap niya sakin.
End of Chapter 37.1: One Last Breathe
~ Sino kaya ang nakita ni Lea mula sa yate??? makasunod kaya agad si John?? Abangan 🤭