The Mind Reader Hunk(Complete...

By Wild_Amber

502K 16.5K 915

MICHAEL JEB HERNANDEZ(GSB-12) 'The real tarzan in the city.' By:Wild Amber More

Teaser
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30

Chapter 12

14.4K 503 36
By Wild_Amber

KARARATING lang nila Vixen sa bahay nila Alex ni Jeb ng bigla siyang hinawakan ni Jasmine sa kamay. Agad siya nitong inakay papasok ng bahay nila Ellah na asawa ni Alex. Kaya wala siyang nagawa kundi ang magpaakay sa pinsan.

"Ngayon sabihin mo sa amin ang lahat." Ani Jasmine sa kanya na kinakunot ng noo niya. "About what?" Taka niyang tanong.

"Kung ano ang namamagitan sa inyo ni Jeb." Sagot nito sa tanong niya. Agad naman siyang napatango ng makuha ang ibig sabihin ni Jasmine. Pero, wala naman silang relasyon ng binata. "Yeah! Kaya nga hindi kayo naghalikan at nagyakapan habang magkatabing natulog kanina." Mapang uyam na anang isa niyang isip. Sa isiping iyon bigla niyang nakagat ang pang-ibabang labi at hindi makatingin sa dalawa.

"Wala naman kaming relasyon." Mahina nitong aniya na sapat na para marinig ni Jasmine at Ellah.

"Hindi ako naniniwala. Si Jeb pa, kagaya rin yan ng mga pinsan at kaibigan niya." Ani Jasmine sa kanya. Naguguluhan naman siya sa tinuran ng pinsan niya dahil wala naman talaga silang relasyon ni Jeb at isa pa ilang araw pa nga lang sila magkasama sa iisang bahay e. Kaya paano sila magkaroon agad ng relasyon.

"Alam mo ba kung anong ugali ang magkakapareho ang asawa namin at ang mga kaibigan nila?" Nakangiti namang tanong sa kanya ni Ellah. Mabilis naman siyang umiling. "I don't know?" Kibit balikat nitong aniya.

"Hindi uso sa kanila ang ligawan. Sa amin nga ng asawa ko araw lang ang binilang ko when he kissed me. At doon na nagsimula ang relasyon namin. Walang ligawan dahil hindi sila marunong manligaw e. But it's okay. Dahil ang importante ay mahal ko si Alex at mahal niya ako." Ani Ellah na ngumiti. Halata sa mukha nito ang kasiyahan.

"Tama si Ellah, cous," pagsang ayun naman dito ni Jasmine. "Si Axel nga hindi man lang umabot ng 24 hour ng tangayin niya ang pagkainosente ko. Kaya nabuo si Asher Jade. Pero, hindi ko pinagsisihan na nangyari iyon. Nagkahiwalay man kami pero hindi ibig sabihin ay dahil sinaktan niya ako, nagkalayo kami dahil sinubok kami ng tadhana kung hanggang kailan masusubok ang pagmamahalan namin. Ang see, magkasama na kami ngayon at ang anak namin." Si Jasmine na halata ang saya sa mga mata niya.

Sa tinuran ng dalawa ay hindi niya maiwasang umasa na sana ganun din si Jeb. Pero, alam niyang masamang umasa. Kaya mabilis niyang ipinilig ang ulo.

"Hindi naman siguro ganun si Jeb. I mean, hindi naman ibig sabihin na magkakaibigan sila ay pareho na sila ng mga ugali. At isa pa kanina lang ako natulog sa kwarto niya dahil sinamahan ko siya doon. Hindi daw kasi siya makatulog." Kagat labi nitong aniya. Nagkatinginan naman ng dalawa.

"Gusto mong isa-isahin kung tanongin ang girlfriend ng mga kaibigan nila?" Paghahamon sa kanya ni Jasmine.

"About what?" Boses na kinalingon nila. "Hey! Come here sis. Ayaw kasi maniwala ng isang ito na hindi uso ang panliligaw sa magkakaibigan." Ani Jasmine. Agad naman lumapit sa kanila ang bagong dating.

"Hi! Ako si Erica kung nakakalimutan mo, pinsan ko ang asawa ng dalawang ito," nakangiti nitong pakilala kay Vixen na agad naman nakipagbeso-beso dito. "By the way, anong pinag-uusapan niyo?" Ang nakangiti paring tanong ni Erica ng makaupo siya.

"Sinasabi namin sa kanya na hindi uso ang panliligaw sa mga asawa natin at sa mga kaibigan nila." Sagot ni Jasmine.

"That's true. Dahil yang asawa ko matapang yan, walang sinasanto. Pero, hindi naman marunong manligaw. Bigla akong inungasan niyan. Nakipagdeal sa akin tapus no choices naman ako kundi pumayag sa gusto niya. At alam mo bang bigla na lang niya akong inari na parang girlfriend niya. Samantalang hindi naman nanligaw. Over protective rin siya. Kung pwede lang siguro niya patayin ng isang pitik ang mga lalaking nakatingin sa akin ay ginawa na niya. Pero, kahit na ganun siya ay minahal ko parin siya at sa paglipas ng mga araw ay mas lalo ko pa siyang minahal ng subra." Ani Erica na nakangiti rin.

Kagat labi naman siyang napatingin sa tatlo. Hindi naman kasi niya kilala si Jeb kaya hindi niya alam kung ano ang sasabihin. At ayaw rin niyang mag-assume.

"Bakit nagbibinata na ba si Jeb?" Maya ay tanong ni Erica sa kanila. "Maybe sis. Dahil pinatulog nga niya sa kwarto niya si Vixen e." Sagot agad ni Ellah.

"No way," tila gulat na ani Erica. Tumango naman si Jasmine at nagsasabi ang mga mata niya na yung ang totoo. "Kung ganun wag mo sabihin sa amin na hindi ka hinalikan ng pinsan ko?" Nanunuksong tanong sa kanya ni Erica.

Dahil sa tanong nito sa kanya ay bigla siyang pinamulhan ng mukha. Kaya natawa ang mga kasama niya. "So, hinalikan ka nga niya." Pangungumpirma naman sa kanya ni Jasmine. Kagat labi naman siyang tumango habang namumula ang mukha niya.

"Y-yeah! He kissed me. And I kiss him back." Anito sabay yuko para itago ang pamumula ng mukha niya dahil sa hiya. Dahil sa narinig nila mula sa kanya ay biglang napahagikhik ang tatlo.

"Wag kana mahiya. Dahil pinagdaanan narin namin yan." Ani Ellah. Kaya napaangat naman siya ng mukha. "Yeah! Pero ngayon pa lang sinasabi ko na sayo. Dapat handa ang sarili mo kapag meron mga babaeng lumapit kay Jeb." Ani Erica.

"Sinabi mo pa sis. Lapitin ang mga yan ng babae. At akala mo kung sino sila. Feeling nila mga mga asawa yun pala ni pangalan nga hindi nila alam. Dahil natry ko yan noon, akala ko takaga kasintahan ni Axel. Yun pala hindi, gawa-gawa lang nung babae." Ang iiling-iling namang ani Jasmine.

"Actually meron ngang ganun. Her name is Tina. Nakita ko siya nung pumunta siya sa bahay ni Jeb din I ignore her. Pinakaladkad siya ni Jeb sa mga security guards palabas ng subdivision. Tapus hindi pa pala doon natapus kasi nag-apply siya sa company ni Jeb at ang sabi niya ay recommended siya ni Jeb. But the truth is not," anitong bahagyang huminga.

"Kaya galit na galit si Jeb kanina sa mga employees niya." Pagkwekwento nito. "Anong ginawa ni Jeb sa kanya?" Curious na tanong ni Jasmine sa kanya. Maging si Ellah at Erica ay tila naghihintay naman sa magiging sagot niya.

"He kick her out." Sagot nito.

"Good. Baka maghasik pa yun ng lagim doon." Tila nakahingang ani Erica. "Yeah! Naiinis nga ako sa pagmumukha niya. Ang arte tapus nag-apply lang siya doon para makasama daw si Jeb. Gusto ko nga siyang ingudngud e. Kaso wala naman akong karapatan para gawin yun." Anitong halata ang iritasyon sa mukha niya ng maalala si Tina.

"We feel you. Ganyan na ganyan ang pakiramdam namin noon. Gusto mong magselos pero di mo magawa. Dahil hindi mo naman alam kung girlfriend ka ba o ano. Pero kung siya ang makapagdamot sayo wagas. Over possessive." Kumento ni Erica na sinang ayunan naman ni Ellah at Jasmine.

"My God. Yung bang feeling ko kulang na lang ilabas niya ang dalawang dibdib niya maakit lang niya si Jeb. But thanks God hindi yun nangyari." Anito sabay paikot niya ng mga mata. Kaya biglang natawa ang mga kasama niya sa kanya.

HALOS hating gabi na ng makabalik sina Jeb sa bahay niya. Hindi kasi natapus-tapus ang pang-aasar nila sa kanya. At kung pwede nga lang niya isa-isahin ang mga ito ibitin ng patiwarik ay ginawa na niya. Dahil kanina pa niya gustong makasama si Vixen pero hindi siya makalapit dito.

"Hey!"

Agad naman napatingin sa kanya si Vixen sabay ngiti nito. "Hey!"

"Anong sinabi sayo nila Jasmine?" Hindi niya maiwasang maitanong sa dalaga. Hundred percent kasi siyang sure na meron sinabi ang mga ito kay Vixen lalo pa at kasama nila ang pinsan niyang si Erica. Agad naman siyang tiningnan ni Vixen sa mga mata ngunit hindi niya mabasa ang nilalaman ng isip nito. Kaya natatakot tuloy siyang baka meron sinabi ang mga itong hindi maganda tungkol sa kanya. Sa isiping iyon ay bigla siyang napabuntong hininga. Ano pa nga ba ang inaasahan niya e kilalang kilala na siya ng mga ito.

"Um. Wala naman. Nagtanung lang sila kung totoong natulog ako sa kwarto mo." Kagat labi nitong sagot. Tila nakahinga naman ng maluwag si Jeb.

"Ganun ba." Anito sabay yapus niya sa baywang ni Vixen at pinakatitigan niya ang mukha ng dalaga. "Bakit may dapat ba akong malaman?" Ani Vixen.

"Wala. Baka lang kasi meron silang sinabi sayo tapus bigla ka nalang lumipat sa kabilang bahay." Napakamot nitong aniya.

Hindi naman maintindihan ni Vixen kung ano ang iniisip ni Jeb. "Aakyat muna ako sa room ko." Maya ay anito kay Jeb. Bigla naman nabahala ang mukha ng binata sa isiping iniiwasan siya nito. "Maliligo lang ako, pakiramdam ko kasi ang lagkit ng katawan ko." Dagdag nito ng makita niya ang reaksyon ng binta.

Agad naman isiniksik ni Jeb ang mukha niya sa leeg ni Vixen. "Mabango ka naman." Anitong kinapula ng mukha ni Vixen.

"J-jeb."

Agad natawa si Jeb ng makita niyang nagpapadyak si Vixen na nakapuot habang namumula ang pisngi nito. "You look beautiful while your blushing." Nakangiti nitong aniya sabay haplos niya sa mukha ni Vixen.

"Whatever Jeb. Basta maliligo muna ako." Anito sabay layo sa binata. "Okay!" Hinayaan naman ito ni Jeb. Ayaw niyang asarin ito baka bigla pa siyang iwanan nito at lumipat sa bahay nila Axel.

Habang paakyat si Vixen sa hagdan ay nakamata dito si Jeb. At mawala sa paningin niya ang dalaga ay dali-dali niyang kinuha ang tawagan sa bulsa niya.

"Hello. Anong balita?" Tanong niya agad ng sumagot ang nasa kabilang linya.

"Humihinga parin si Mayor Roxas, boss. Hindi natuluyan samantalang nag-agaw buhay na siya. Hindi mamatay-matay ang tarantado. Pero, nasa hodpital parin siya hanggang ngayon." Anang kausap niya. "Sige. Bantayan niyo. Hindi natin sigurado kung ano ang plano nila. Baka pakana lang nila ang pagkaaksedente niya." Anito.

"Sige boss. Gagawa na lang kami ng paraan kung paano kami makakapasok sa loob kung saan siya nakaratay ngayon. Baka nga tama kayo at nagdrama lang silang naaksedente siya. Alam naman natin ang mga politicians na minsan mga best actors or actress. Gagawain nila ang lahat mapaniwala lang nila ang karamihan na kaawa-awa sila. Hindi natin alam pangsariling interest lang pala ang ginagawa nila." Saad nito sa kanya.

"I know. Kaya dapat maging alesto kayo sa maaring mangyari." Anito sa kausap na agad naman tumalima.

Matapus niyang makipag-usap ay saka siya umakyat patungo sa silid niya. Nagpasya rin siyang maligo kaya agad siyang pumasok sa loob ng banyo. At habang nasa loob siya ng banyo ay nag-iisip niya ng maidadahilan kay Vixen para makatabi niya ulit ito sa pagtulog.

"Damn Jeb. Nababaliw kana." Anitong natatawa.


SAMANTALA habang umiinom ng alak si Tina ay nagpupuyos ito sa galit. Naiinis siya at nasira ang lahat ng plano niya. Kaya ng umalis siya kanina sa kumpanyang pag-aari ni Jeb ay dumeritso agad siya sa apartment niya.

"Dahil sayong babae ka kaya nasira ang mga plano ko." Galit nitong aniya. "Humanda ka at may araw karin sa akin. I swear. Gagawin ko ang lahat makuha ko lang ang gusto ko." Kausap nito ang kawalan sabay inom na naman nito ng alak.

Matagal na niyang pinag-aralan ang bawat planong gagawin niya. Ngunit kung kailan nagsisimula na siyang isakatuparan ito saka naman meron umepal sa daan niya. Actually wala naman talagang nangyari sa kanila Jeb. Ang isa sa mga kaibigan niya ang nakatalik noon ng binata. At dahil hindi naman daw natatandaan ni Jeb ang pangalan at mukha ng mga babaeng naikama niya ay yun ang sinamantala niya. Pero nagkamali atah siya ng pagkakakilala kay Jeb. Dahil ibang-ibang ito sa mga information na nakuha niya.

"Grrr. Anong gagawin ko ngayon?" Anito sabay sabunot ng sariling buhok. "Hindi ito pweding mangyari. Kundi kakatayin ako ni uncle ng buhay." Kausap niya ang sarili. Tila nalilito na siya kung ano ang dapat niyang gawin.

Maya't maya ay bigla siyang napangiti ng biglang umilaw ang nasa tuktuk ng ulo niya. Tila doon nasagot ang mga katanungan sa isip niya. Kaya mabilis niyang nilagok ang laman ng basong hawak niya.

TBC.

--->Pasensya na ngayon lang ulit ako nakaupdate dito. I'm just a little bet busy guys. Hope you understand. Love you all and God Bless.

Belated happy birthday nga pala kay wafa Joan Camba Ramos. I wish you more birthday to come and more blessings. I hope your always in a good health wafa. Love you and hope to see you soon.



Continue Reading

You'll Also Like

21.7M 705K 46
Ingrid is being stalked by a mysterious stranger. She thinks he's a psycho and is deeply afraid of him. However, her curiosity got the better of her...
739K 22.1K 28
Lysander Kurt Monte Silva-Certified playboy. "Someday you will love me. And you can't say no for me again."
234K 5.9K 24
Para kay Celestine Hope lahat ng lalaki ay pare-pareho lang, mga manloloko at babaero. Napatunayan nya iyon nang lokohin sya ng fiancé nyang si Nico...