Exquisite Saga #2: Roussanne...

By JhasMean_

1.5M 34K 906

Doctor Roussanne Shelkunova's life is simple. It's composed of a routine that she has to follow every day. Pa... More

Copyright
Author's Note
Prologue
Chapter 1: The Show Girl
Chapter 2: The Client
Chapter 3: The Buyer
Chapter 4: The Party
Chapter 5: The Confession
Chapter 6: The Car
Chapter 7: The Contract
Chapter 8: The Lawyer
Chapter 9: The Date
Chapter 10: The Call
Chapter 11: The Dilemma
Chapter 12: The Lie
Chapter 13: The Confusion
Chapter 14: The Truth
Chapter 15: The Talk
Chapter 16: The Choice
Chapter 17: The Night
Chapter 18: The Visitor
Chapter 19: The Doubt
Chapter 20: The Downfall
Chapter 21: Puzzle
Chapter 22: Rafael
Chapter 23: Advice
Chapter 25: Insecurities
Chapter 26: Hug
Chapter 27: Free
Chapter 28: Interested
Chapter 29: Better
Chapter 30: End
Epilogue

Chapter 24: Happy

29.9K 752 10
By JhasMean_

JhasMean:

I-pa-plug ko lang po (shamelessly) iyong isa ko pa pong on-going story; ang title po niya ay "Better that we Break" punta lang po kayo sa profile ko. Hahaha! Salamat po.

Tapos po pala, posted na po ang Chapter 1&2 ng Book3 ng Exquisite Saga written by modernbinibini. Just click the external link and enjoy reading!

THANK YOU VERY MUCH.

PS: Continuation po ito ng flashback last chapter. Thanks ulit.

Chapter 24

Roussanne Shelkunova

Three weeks ago:

Kahit nanlalambot ay pinilit kong tumayo para pumunta ng banyo. I need to clean myself. I need to cleanse myself. I have to...


"It's your fault..." Asik ko sa repleksyon ko sa salamin. Iyong pagkakasira ng kompanya ng Papa ko, na nagresulta sa pagkakasakit ni Mama. It's my entire fault.


Kinuha ko ang gunting sa cabinet at akmang susugatan ang aking mukha nang maalala ko ang mga kapatid ko. Kung hindi ako, it could've been them. Kung hindi ako, posibleng maging sila naman. I... I can't let that happen.

Napaupo na lang ako sa malamig na sahig nitong CR dahil sa pagkalito. Gusto ko na lang mawala. I wish I could just vanish and start a new life, sa lugar kung saan wala akong kilala at walang makakakilala sa akin. Kung saan pwede akong mamuhay nang walang iniintindi. Kahit isang araw lang, I want to have a normal life. Not the almost mistress Roussanne or the prostitute Roussanne; For once, I want to be just Roussanne.

Sa sobrang pag-iisip ay hindi ko namalayan na humigpit masyado ang pagkakahawak ko sa gunting, naramdaman ko na lang ang pag-agos ng dugo mula sa palad ko. Napatitig lang ako riton but I can't feel anything. Kahit kaunting skait ay wala; nanginginig na binitawan ko ang gunting at mabilis na tumayo para hugasan ang kamay kong puno nang dugo, pinaagusan ko ang tubig doon pero wala pa rin, kahit kirot ay wala akong maramdaman. I panicked, kaya naman ay kinuha ko ang alcohol at binuhos iyon sa sugat. Wala pa rin.


"Rous?" Syrah rushed to my side and immediately look for something to cover my wound. Kinuha niya iyong face towel at binalot iyon sa kamay ko; she also put the robe on me and help me get out of the bathroom. "Ano bang nangyari sa'yo?"


Hindi ako makasagot, nanatili lang akong nakasandal kay Syrah habang nakatitig sa kawalan; napansin ko na lang na bihis na ako at iyong kamay ko ay may benda na.

Syrah stayed by my side kahit na wala akong sinasabi; nanatili lang siya sa tabi ko hanggang sa makatulog ako, at pagkagising ko ay nandoon pa rin siya. Muli niya akong tinanong sa kung anong nangyari but all I did was cry. Hindi ko magawang sabihin sa kanya, dahil kapag sinabi ko ay malalaman din ni Asti at Chianti. Hindi ko kayang sabihin sa kanila ang totoo, it will break them; Ang pira-piraso naming sarili ay mas lalo lang mawawasak at baka sa huli ay maging abo na. Ayoko.


"Sy," hinawakan ko siya sa kamay bago hinatak para yakapin.

"Ano bang problema? Is it because of that Alastair? O baka naman si Rafael? Come on, kinakabahan ako sa kinikilos mo." Umiling ako at lalong hinigpitan ang yakap sa kanya.

"I just... feel sad." Tinugon ni Syrah ang yakap ko at hindi na muli nagtanong. 


Gusto pang mag-stay ni Syrah hanggang kinabukasan pero sinabihan ko siyang umalis na, I know she has work, ayokong makaabala pa; I just assured her that if I need anything, I will call her, or Asti, or Chi.

Nanood na lang ako ng movies to keep my mind distracted from everything, sa huli ay hindi non nagawang alisin sa isip ko ang mga bagay-bagay, so I decided to clean my library, binago ko ang ayos ng mga libro; kung dati ay by fiction, ginawa kong ascending order sa kung kelan ni-release ang libro; it took me all night, natapos ako nang tanghali na kinabukasan.

Nakaupo ako sa sahig ng library at nakatitig sa bagong ayos kong bookshelf.



"I don't like this," muli kong inalis ang libro at ibabalik sana sa dati nitong ayos but I stopped myself. "What am I doing?"


Binalik ko ang libro sa shelf at umakyat sa kwarto para matulog pero hindi ako makatulog, my head's too busy; I can't stop thinking about everything. I... I need to see Alastair; siya lang ang makakapagpakalma sa naguguluhan kong isip. He's my comfort.

Hindi ko na nagawa pang mag-ayos at umalis na lang para puntahan si Alastair. I need to see him; I need him right now. I need to hug him, I need him...

Nakarating ako sa opisina niya pero ang sabi ng guard ay wala na siya doon, kaya naman ay pumunta ako sa bahay niya sa Tagaytay, pero walang Alastair; I went to his favorite café, wala rin.

Nang matagpuan ko ang sarili ko na wala nang maisip na lugar kung saan siya posibleng naroon ay sinubukan kong tawagan ang number niya – I deleted it, pero tanda ko ang ilang numero noon, nalito lang ako sa huling dalawang number kaya ilang combinations ang sinubukan ko para matawagan siya.

Yakap ko ang sarili habang nasa tapat ng café at nakasandal sa sasakyan ko; hindi tumitigil ang luha sa mata ko dahil sa takot. Kailangan ko si Alastair.


"Hello," pamilyar na boses ang sumagot. "Hello?"

"Sorry, wrong number." Palusot ko at ibababa n asana ang tekepono nang pigilan ako ni Amanda.

"Roussanne, is that you?"

"S-sorry, hindi ko alam kung bakit ako tumawag. Sorry." Iyon lang at tinapos ko na ang tawag.


Nanginginig ang kamay na tinitigan ko ang telepono ko.

Roussanne, he's married. Hindi mo siya pwedeng kailanganin.

I'm on my own. 



Napapitlag ako nang tumunog ang telepono ko; number iyon ni Alastair. Tinitigan ko lang ang numero niya, baka ay si Amada iyon at sasabihan ako na h'wag nang tawagan ang asawa niya kaya naman ay hinayaan ko lang na tumunog ang cellphone ko nang paulit ulit hanggang sa pang-anim na beses ay tumigil na rin ito.

Pumasok ako sa kotse at nagmaneho sa kung saan, hindi ko alam kung saan ang pupuntahan ko, basta ay nagmaneho lang ako hanggang sa mamatayan na ako ng makina dahil sa wala na akong gas. Madilim na, hindi ko rin alam kung nasan na ako.

Pwede bang manatili na lang ako dito?

Sumandal ako sa manibela at pinikit ang mga mata ko; gusto ko na lang ay umalis.


Nagising ako sa lakas nang tunog ng telepono ko, kahit pagod pa ang mga mata ko dahil sa antok at pag-iyak ay pinili ko iyong imulat para tignan kung sino ang tumatawag.

It's Syrah...


"Hello," inaantok kong sagot. Maliwanag na sa labas, tirik na araw sa labas.

Nawala ang atensyon ko sa labas nang marinig ko ang mahinang pag-iyak ni Syrah. "Rous, where are you?"

"I... I don't know. Wait, what happened? Why are you crying?" Lumabas ako para maghanap ng masasakyan pauwi.

"You need to come here," pumapara ako ng mga sasakyan na dumadaan pero walang tumitigil sa akin. "Chianti's gone. Someone took her."


Parang nauupos na binaba ko ang kamay ko at hindi ko alam kung imagination ko lang ba o ano pero narinig ko ang pagkawasak ng paligid ko dahil sa sinabi ni Syrah.


"What do you mean?" Paglilinaw ko.

"Someone kidnapped, Chi. Nandito kami ni Asti sa bahay nila Gaige, akala naming ay pati ikaw ay nakuha kasi kanina ka pa naming tinatawagan. Nasan ka ba?"

"I'm on my way there," paalam ko at lumapit sa sasakyan na tumigil sa harap ko. "Naligaw ako at wala na akong gas, saan po ba ang punta niyo?"

"Cavite. Saan ka ba, do you want me to give you a ride?" Sagot ng lalaking nakasuot ng wayfarer, disheveled ang buhok niya, kabaliktaran ng napaka-ayos at pormal niyang suit.

"Cavite rin sana. Is it alright?" Tumango siya at binuksan ang pinto ng sasakyan. "Thank you."

"Are you going to leave your car there?"

"Yeah, wala na rin akong time na asikasuhin pa." Pinaandar na niya ang sasakyan. Saan ba ako napunta?

"Do you want me to call a tow service for you?"

Umiling ako. "Hindi na, ako na lang. Nasan ba tayo?"

Inalis niya ang wayfarer niya at napansin ko kagad ang pilat sa kilay niya. "Batangas. Do you have your phone?"

"Yeah, thanks." Binigay niya sa akin ang exact location kung saan niya ako pinasakay kanina at iyon ang sinabi ko sa tow service.


I texted Syrah na pabalik na ako ng Cavite, marami pa siyang tinanong pero sinabihan ko na lang siya namamaya ko na lang ipapaliwanag, I asked for an update about Chianti pero hanggang ngayon daw ay wala silang alam kung nasaan si Chi.

God, please let Chianti be alright.


Present Time:

Umiinom ako ng tsaa habang nanonood ng movie, nasa bahay ko ngayon si Syrah at nakikigulo; may kaunting tampo kasi ako sa kanya kaya heto siya at busy magpalakas sa akin.
The past three weeks has been... stressful. Hindi lang para sa akin, kundi pati na rin sa kanila. Pero pasalamat ko na lang talaga na kahit stressful ang week na dumaan ay magkakasama pa rin kami, it made it bareable. It made it a little easier; being with them makes everything easier.

"Nagpunta dito si Alastair," patay-malisya kong saad habang nakatingin pa rin sa TV. "Ang sabi niya ay makikipag-annul na daw siya sa asawa niya."

Lumuhod si Syrah sa tabi ko at ramdam ko ang galak niya. "Isn't that good? He chose you!"

"He's leaving his wife for me." Lumingon ako sa kanya, walang ekspresyon ang mukha ko. "I just ruined their marriage."


Alastair's decision of chosing me over his wife made me a little happy, it gave me a little bit of hope that maybe I'd have a future with him; hindi ko lang talaga kayang tanggapin na isa ako sa dahilan kung bakit masisira sila. It's selfish, I know. Dapat ay tanggapin ko na lang; pinili na ako, ano pa bang problema ko?

Pero ganon ba iyon kadali? Pipiliin ko, pipiliin niya ako, tapos masaya na?

Asawa niya si Amanda. May pinagsamahan sila, may pinangako sila sa isa't isa; may panahong si Amanda ang pinili ni Alastair, at ganon din si Amanda sa kanya. Ang I just ruined that.


"Isa pa, wala ako sa posisyon ngayon para isipin pa ang relasyon namin ni Alastair," ngumuso si Syrah at humalukipkip.

"Alam ko," sumubo siya ng banana chips bago ituloy ang sasabihin niya. "Pero 'yun na nga, you're in a tough situation right now, kailangan mo ng makakasama."

I smiled at her. "Nand'yan naman kayo."

"As much as I liked what you said, mas kailangan mo si Alastair. Akala mo ba hindi ko napapansin? You need him. He's perfect for you, you know? Kahit minsan mo lang siya ma-kwento sa amin, nakikita ko kung gaano ka kasaya sa kanya. Oo, nasaktan ka niya, may asawa siya, ginawa kang kabit..."

"Pinapagaan mo ba ang loob ko o ano?"

"Teka lang kasi, patapusin mo ako... ganito kasi 'yan, mali na sinekreto niya na may asawa siya, pero ito na nga oh, pinipili ka na niya, ikaw ang mahal niya. Ano pa bang problema? Ang Exquisite?" Nanatili akong tahimik at kagat ang labi. "H'wag mo munang isipin ang Exquisite, jusko. Be happy, Roussanne. You deserve it. We all deserve to be happy, kaya kung nad'yan na sa harap mo, sunggaban mo na. Ang tagal tagal na nating miserable, pakakawalan mo pa ba 'yung happiness mo? Ang tanga mo na kapag ginawa mo pa 'yun."

Nginisian ko si Syrah at niyakap siya sa braso. "Bakit kaya hindi mo 'yan sabihin sa sarili mo?"

"Duh, coaches don't play the game!"


**End of Chapter**

Continue Reading

You'll Also Like

2.4M 156K 53
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
19.1M 225K 36
Meg is a bitch--and she continues to be one upon knowing that Daniel only married her for his wealthy grandfather's inheritance. But when secrets fro...
4.7M 42.2K 37
PUBLISHED IN 2014 UNDER PRECIOUS PAGES CORP. ADAPTED TO TV5 WATTPAD PRESENTST IN 2015 Minsan, kahit gaano kaganda, kabait at katalino ang isang tao...
140K 856 9
For those Filipino readers who want to read stories that are included in Wattpad Paid Stories program, but don't know how to, here's a tutorial. Now...