Ang Bayani ng Tirad Pass (On...

By MariaBaybayin

90.7K 3.5K 1K

Highest Rank Acheived : #1 in Wsawards2018 #1 in Goyo #1 in Gregoriodelpilar #3 in #TimeTravel #5 in #Phil... More

Panimula
Unang Kabanata
Ikalawang Kabanata
Ikatlong Kabanata
Ika-Apat na Kabanata
Ika-Limang Kabanata
Ika-Anim na Kabanata
Ika-Pitong Kabanata
Ika-Walong Kabanata
Ika-Siyam na Kabanata
Ika-Labing Isang Kabanata
Ika-Labing Dalawang Kabanata
Ika-Labing Tatlong Kabanata
Ika-Labing Apat na Kabanata
Ika- Labing Limang Kabanata
Ika-Labing Anim na Kabanata
Ika-Labing Pitong Kabanata
Ika-Labing Walong Kanabata
Ika-Labing Siyam na Kabanata
Ika-Bente na Kabanta
Ika-Bente Unong Kabanata
Ika-Bente Dos na Kabanata
Ika-Bente Tres na Kabanata
Ika-Bente Kwatro na Kabanata
Ika-Bente Cinco na Kabanata
Ika-Bente Sais na Kabanata
SPECIAL CHAPTER PARA SA AKING MAHAL NA HENERAL
Ika-Bente Syete na Kabanata
Ika-Bente Otso na Kabanata
Ika-Bente Nuwebe na Kabanata
Ika-Tatlompu na Kabanata
Ika-Tatlompu't isang Kabanata
Ika-Tatlumpu't Dalawang Kabanata
Ika-Tatlumpu't tatlong Kabanata
Ika-tatlumpu't Apat na Kabanata
Ika-Tatlumpu't Limang Kabanata

Ika-Sampung Kabanata

2.4K 101 28
By MariaBaybayin





"Para sayo, Binibini.," tugon ni Gregorio habang inaabot ang isang namumulaklak na rosas sakin.. Naglalakad kami ngaun papasok sa isang hardin. Ngayon lang ako nakakita ng ganito kagandang hardin, meron itong malalagong mga gumamela sa paligid.. Makikita mo rin ang ibat ibang kulay ng paru parung nagliliparan dito..


"Salamat sa Rosas na ito, Goyo, Ito ang unang beses kong makatanggap ng isang rosas galing sa isang Ginoo.." sambit ko. Napangiti naman ito dahil sa aking sinabi.. Saglit naman kaming nagkatitigan. Ngumiti nalamang ako ulit at nagpatuloy sa paglalakad.


"Masaya ako na tinugunan mo ang aking panyaya, Binibini.. Sa katunayan ay noong isang araw pa sana kita nais na dalhin dito.. Ngunit natsempo na sumama ang iyong pakiramdam.. Labis ko itong pinagalala, kaya naman nagdala ako agad ng halamang gamot para sa ganun ay agad kang gumaling.." Tugon naman ni Goyo..


Habang naglalakad kami ay akmang madadapa na sana ako dahil sa pagkatisod sa batong natapakan ko. Ngunit agad naman akong nakabig ni Goyo sa bewang, dahilan para mapaharap ako rito at mapahawak ako sa kanyang dibdib, muling nagtama ang aming paningin at hindi na yoon maalis sa isat isa.. Halos hindi ako makahinga sa kaba na aking nararamdaman.. Nagmistula naman na parang may karerahan ng kabayo sa loob ng aking puso sa lakas at bilis ng kabog nito..


Dug dug Dug dug Dug dug


Sa pagkakataong iyon ay napansin kong unti unti ng lumalapit ang mukha ni Goyo sa aking mukha., Papadampi na ang labi nia saking labi kaya naman napapikit nalamang ako sa bilis ng mga pangyayari.. ANG FIRST KISS KO!!!

5...............


4..........


3......


2....


1..





"Hindiiiiiiiiiiiiiii--------"





"Kristina!?, Gumising ka. Tila binabangungot ka ata, ano ba ang iyong napanaginipan.." tugon ni Rosario habang pilit naman ako nitong ginising.. Iminulat ko ang aking mata at agad naman akong napabangon, kasabay noon ay ang pagtingin ko sa paligid.

So, panaginip lang yun? Hala, pero bakit parang totoo..? Yung mga hawak niya sakin ? Bakit parang pakiramdam ko, totoong hawak niya talaga ko? My goodness.. Ano to? Pinagnanasaan ko na ba si Goyo? Hindi ko naman siya iniisip bago ako matulog ah.. Bakit of all people, siya pa talaga napanaginipan ko?

Nang mapagtantong panaginip lamang pala ang lahat l, napahilamos nalang ako saking mukha at muling napatingin kay Rosario.

"Kristina, Ayo ka lamang ba?" tugon muli ni Rosario habang ngayon ay papunta na siya sa kanyang aparador upang kumuha ng kanyang gamit.

Natauhan ako sa pagsambit ni Rosario sa pangalan ko.. "ahhh---Wala, may napanaginipan lamang akong palaka.. Hahalikan na sana niya ko kaya napasigaw ako ng hindii... HAHAHA!! Ayoko ngang maging palaka no.." tugon ko naman kay Rosario.. Sa huling movie na napanood ko, noong mahalikannng isang palaka ang babae, naging palaka rin ito.. Taliwas sa isa paring movie na napanood ko na naging Prinsipe naman ang isang palaka dahil sa paghalik ng isang babae saknya.

Napatingin si Rosario sa akin at napatabingi ulo. "Isang palaka?" Sunod ay napahalakhak ito sa sinabi ko.. "At bakit naman sa dami ng iyong pwedeng mapanaginipan ay talagang palaka pa? May iniisip ka bang palaka bago ka matulog kagabi?." Natatawa paring tugon ni Rosario. Napakibit balikat nalang ako sa mga tanong niyang iyon. Napaisip rin ako kung ano ba ang mga huling bagay na inisip o naisip ko kagabi para mapanaginipan ko ang lalaking iyon.

Pano ko nga ba siya napanaginipan? Eh hindi ko nga siya iniisip, Ni hindi nga siya sumagi sa isip ko kagabe. Jusko. Napasampal nalang ako saking noo at napasabunot saking buhok..

Naglakad muli papalapit sakin si Rosario. Bahagya itong humalukipkip habang ang isang kamay naman ay nakahawak sa kanyang baba na tila nagiisip. "Alam mo kasi Kristina, May nakapagsabi sa akin, na kaya napapanaginipan ng isang tao ang isang bagay, ay marahil iniisip mo ang bagay o tao na ito bago ka matulog. Maari din na kung sakaling, hindi man ikaw ang nag-iisip rito, nakakatiyak na siya naman ang nag iisip sayo, kaya ito naligaw sa panaginip mo." pahabol na tugon ni Rosario.. Napaisip naman ako sa sinabing iyon ni Rosario.

Talaga ba? So you mean, iniisip ako ni Goyo kagabe kaya nadalaw siya sa panaginip ko.. NOOOOO!! Hindi siguro, tsaka as if naman magkakagusto sakin ung Heneral na un.. Asa pa ko... Este asa pala siya..

"Hay Kristina, mabuti pa at bumangon ka na riyan. Maya maya ay aalis na rin tayo papuntang Plaza Santo Tomas. Maligo ka na rin at baka mapanaginipan mo pang muli ang palakang sinasabi mo kung hihiga ka pa dyan ulit." wika ni Rosario. Lumakad na siya papalabas at sinenyasan akong sumunod narin bago pa man niya isarado ang pinto.

Bumangon na ko pagtapos noon at kumuha na ng damit para maligo.. Ilang minuto rin akong nagbabad sa banera o mas kilalang tawag na bathtub na gawa sa kahoy. Habang nakalubog dito, patuloy padin ang pagtakbo sa isip ng halikang naganap sa panaginip ko.  Napahawak ako saking labi napakagat sa labi.

"Bakit parang totoo? Bakit parang ramdam ko talaga?" bulong ko sa sarili. "Ugh.." gigil kong ungol. Sa huling pagkakataon ay lumubog ako sa tubig bago umahon. Nang matapos ay agad din akong nag ayos upang maabutan pa sila Rosario sa kanilang pag-aalmusal.


***


"Magandang Umaga Kristina," Maganang pagbati ni Crisanta. "Kumusta ang iyong tulog? Nabangit sakin ni Rosario na binangongot ka raw ng isang palaka." natatawa naman niyang pahabol..

Napairap nalang ako at umupo sa hapag.. "Sa totoo lang, hindi ko rin maintindihan kung bakit ako nagkaroon ng panaginip sa palaka yon." Asar ko namang tugon..

Kung alam niyo lang na hindi naman literal na palaka ang napanaginipan ko.. Si Goyo yun.. Si Goyooo!!!

"Hindi kaya yoon na ang iyong prinsipe, Kristina? Nasabi mong isa itong palaka na may pagnanais na halikan ka, hindi ba? Narinig mo na ba ang storya ng isang babae at isang palaka? Nang halikan ng babae ang isang palaka ay naging isa itong gwapong prinsipe.. Hindi kaya yoon na ang prinsipe mo.. Sayang naman kung hindi mo manlang siya binigyan ng pagkakataon mahalikan ka kahit sa panaginip lang" tugon naman Crisanta habang kinikilig..


Alam ko ang tinutukoy mo, Yung Frog Prince.. pero hindi nga kasi sinabi literal na palaka to.. Eto talaga si Crisanta andaming alam. Prinsipe ba kamo? Haha.. Siguro nga. Prinsipe ng mga babaero..

***

"Maaari na ba tayong umalis?" Tanong ni Rosario. Pagkatapos naming kumain ay napagpasyahan na naming umalis ng maaga ng sa ganun ay maaga rin kaming makabalik ng dormitoryo.. Kasalukuyan na kaming papasakay ng kalesa nang may dumating na di inaasahan.

"Crisanta!" wika niya. Napatingin kaming tatlo sa pinangalingan ng tinig na iyon at nakita namin si Crisanto na noo'y kabababa lamang lulan ng puting karawahe.

Sumilay naman ang isang malaking ngiti sa mukha ng kapatid niyang si Crisanta na tila ikinagitla ang di inaasahan niyang pagbisita. "Kuyaa!" usal niya sabay takbo at yakap saglit sa kanyang kapatid. "Nagagalak akong makita ka. Subalit, bakit ka andito? Wala ka bang lakad?" Tugon naman ni Crisanta..

"Wala naman kapatid ko, nais lang sana kitang dalawin kaya naman naisipan kong dumaan. Mukhang may lakad kayo, saan ba kayo paparoon?" Tanong ni Crisanto..

"Pupunta kaming Plaza Santo Tomas ngayon, Kuya.. Naisipan naman naming maglakad lakad sa plaza dahil nababagot narin kami sa loob ng dormitoryo. Nais mo bang sumama sa amin?" tanong ni Crisanta.

Natuwa naman si Crisanto sa pag-imbita ng kanyang kapatid. "Maaari ba? Baka naman lakad niyo lamang iyang magkakaibigan, ayoko namang makagulo pa." Tumingin naman si Crisanto sa aming dalawa ni Rosario. Naghihitay din siya na kasagutan kung papayag ba kami ni Rosario sa kanyang pagsama.

Tumango lang ako, sunod ko namang narinig na sumambit si Rosario.. "Ayos lang naman samin kung ika'y sasama, Di naman alintana.." walang emosyong sagot nito, sabay nauna nang sumakay sa kalesa..


Anong problema nun? Nawala nanaman sa mood. Parang kanina lang ang saya niya, ngayon poker face nanaman. Moody talaga to si Rosario eh no? Kanina lang, walang humpay ang tawanan nila ni Crisanta, tapos ngaun, di mo mawari kung badtrip siya.. May PMS ba to..


Nagkatinginan kami ni Crisanto matapos ang sagot na iyon ni Rosario. Nagkangitian na lamang kami at ihihingi ng tawad ang mood na ipinakita ni Rosario, ngunit d ko na nagawa ng maunahan niya ko mag salita. "Magandang Umaga sayo, Binibini," bati niya..

"Magandang umaga rin sainyo, Ginoo.. Nagagalak akong makita kang muli.." magalang ko namang tugon.

Sandaling naputol ang usapan namin ni Crisanto ng biglang magsalita si Crisanta. "Nako Kristina, mukhang di ka na kakasya sa kalesang ito." wika ni Crisanta. "Mas mainam siguro kung sasabay ka nalamang sa kuya ko, siguradong kasya ka doon." habol pa nito sabay taas ng dalawang kilay na nagbibigay hudyat sa kanyang kapatid..


"Ano? Pero, maluwag pa----" ani ko naman.

Naputol naman ang sasabhn ko ng magsalita si Crisanto. "Nais mo bang sa akin nalamang sumabay..? Mukhang ayaw ka ng pasakayin sa kalesang iyan ng aking kapatid. Hay sadyang pilya talaga.." sambit ni Crisanto. Nakita ko naman na nanood lang samin si Crisanta habang may kilig sa kanyang mukha..

Napalingon naman ako kalesang tinutukoy ni Crisanto. "Pasensiya ka na talaga Kristina, pangdalawahan lamang daw kasi talaga ito, hindi ba mang Domeng?" muling sambit ni Crisanta.

Nilakihan ng mata ni Crisanta si Mang Domeng kaya naman wala nang nagawa ang kutsero kung di ang sumang ayon nalang dito. Wala na akong nagawa kaya naman sumunod nalang ako kay Crisanto patungo sa kanyang puting karawahe.

"Siya nga pala Maria, Kasama ko nga pala ang aking matalik na kaibigan, Nais ko siyang ipakilala sa iyo." tugon nito at binuksan na ang pinto ng karawahe.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig ng makita kung sino ang kaibigang tinutukoy ni Crisanto. Nanlaki ang mata ko kasabay naman ng kanyang pag ngisi.. "Magandang araw sayo Binibining Kristina, Nagagalak akong malaman na ayos na ang iyong pakiramdam ngayon"


..... si GOYO ang bestfriend niya?!


What the? Ano to? Inaasar ba talaga ko ng tadhana. Sa dami ng pwedeng maging kaibigan ni Crisanto.. Si Goyo pa talagaaa??? Aissshhh !! Ugh!! Lord naman ehhh,, Napaka Awkward..

"Magandang araw din.." walang emosyon ko namang bati.

Tila ipinagtaka naman ni Crisanto ang bungad na bati ni Goyo, "Magkakilala kayong dalawa?" Tanong naman nito. Tumango nalang ako bilang sagot at pagtapo noon ay sumakay na kami sa karawahe..

Bale ganito itsura namin.. Nakaharap ako kay Goyo tapos nasa tabi ko naman si Crisanto.. Imagine nio kung gaano ka-awkward para sa part ko..

Tahimik lang ako buong byahe habang si Goyo at Crisanto naman, sarap na sarap sa pagkukwentuhan. Hindi ko naman maiwasang masulyap kay Goyo at maalala yung nangyari sa panaginip ko kagabe.

... at unti-unting dumampi ang nga labi ni Goyo sakin..

Napailing ako at napahawak muli sa ulo ko. Napansin naman ni Crisanto ang pananahimik ko pati narin ang pag sapuyo ko saking noo.  "Ayos ka lamang ba Maria?" Tanong ni Crisanto. Napalingon naman ako kaagad sa sinabi nito. "O-Oo, ayos lang ako.." Ngumiti ako at ibinalik ulit ang tingin sa bintana.

Nacucurious talaga ko eh pano kaya nakilala ni Crisanto tong si Goyo, Lumingon muli ako kay Crisanto at nagtanong, "Paano mo nakilala si Gregorio?" Pabulong kong tugon kay Crisanto habang napatingin ng saglit kay Goyo..

"Kami ay magkaibigan simula ng mag aral ako sa Ateneo," sagot nito. Ahh, So Atenista pala tong dalawang to.. Napatango tango nalamang ako at nanahimik muli.

Napansin ko naman nakatingin sakin ni Goyo.. Shiiit bakit ba nakatingin toooo !!! Jusko naman .. Sana makarating na kami sa Plaza Santo Tomas na yun.. Naiilang na talaga kooo.. Lupa! Kainin mo na kooo!!!

"Siya nga pala, Gregorio, ikaw ba'y may kasintahan na?" rinig kong tanong ni Crisanto kay Goyo.

Nako Crisanto.. Madamiii!!! Lalo na sa mga karatig bayan.. Di mo daw mabibilang.. Marami na din daw napaiyak yan, Tugon ng aking utak..

"Wala sa ngayon, ngunit meron akong napupusuan.. Yoon nga lang, ang Binibining ito ay naiiba sa lahat ng aking nakilala. Hindi ito kaagad nakukuha sa mga tamis ngiti lamang.." tugon ni Goyo sabay sulyap sakin...

"Kung ganun ay sino naman iyang napaka swerteng babaeng iyon Goyo..? Mukhang ikay nakakuha na ng iyong katapat" Sambit ni Crisanto..

Napaka swerte?? Baka napakamalas kamo.. Siguradong iiyak lang din ang babaeng iyon dahil saknya..

"Ikaw Kristina? May kasintahan ka na ba? Hmmm.. sa tingin ko nama'y wala padin." Tugon ni Goyo.. Gulat akong napalingon sakanya.. at bakit naman niya ko tinatanong. Bakit ba siya interesado? ano naman ang paki-alam niya?

"Wala akong kasintahan, Heneral." matapang kong tugon. Gusto ko sana siyang tarayan, pero ayoko naman makita ni Crisanto ang pagkabuysit ki sa lalaking ito dahil mas magiging mausisa lang siya..

Napangiti naman ito ng saglit, "Kung gayon ay maaari ba kitang maligawan, Binibini.." tugon nia..

Para akong hinaunting ng mga tugon niaaa ..

"Kung gayon ay maaari ba kitang maligawan, Binibini.."

"Kung gayon ay maaari ba kitang maligawan, Binibini.."

"Kung gayon ay maaari ba kitang maligawan, Binibini.."



Dear Talaarawan,

Totoo ba ang narinig kong sinabi ni Goyo? Nais nia akong ligawan..? Nahihibang na ata ang lalaking iyon.. pero bakit may kilig akong nadama.. Weird..

-Kristina..




Now Playing
Pasulyap sulyap - Tootsie Guevarra

Continue Reading

You'll Also Like

Socorro By Binibining Mia

Historical Fiction

1.1M 70.5K 27
De Avila Series #1 "Wattys 2022 Grand Prize Winner" Known as the most stubborn and troublemaker daughter of the De Avila family, nothing stops Socorr...
892K 34.9K 37
Ano ang gagawin mo pag may na-meet ka na time traveling na Katipunero? (Completed-with special chapters) ( Katipunero Duology Book 1) Photo by Maria...
3.2M 167K 37
"I'm sorry, I love you." Married to a man who hates her family to death, Agnes Romero Salazar is in vain as she discovered her husband's secret affai...
153K 5.6K 58
Description: Nang dahil sa kanyang kawalang respeto at kalupitan sa pagpaslang ng kanyang biktima ay naparusahan siya ng isang mahiwagang nilalang at...