BOOK 2: Confession of a Gangs...

By vixenfobia

647K 10.6K 968

SERIES 2 || Running away is not the answer. ©2014 More

Confession of a Gangster
Confession 01: Starting My Peaceful Life
Confession 02: Hello Life in Peace. Damn.
Confession 03: Who's Doomed? You.
Confession 04: Oz Bezarius; the Wrecker
Confession 05: Alice in Arendelle Forest
Confession 06: Stalking Confusions
Confession 07: The Blue Eyed and The Council
Confession 08: Wizard Tailing The Goblin
Confession 09: The Gods Playing in G Co.
Confession 10: This J is so New
Confession 11: Concealing Scars
Confession 12: Curse Under the Rain
Confession 13: Unexpected Visitors
Confession 14: A Taste of Hell
Confession 15: First Step
Confession 16: Cinderella Was Gone
Confession 17: Apomorphine Shot
Confession 18: The Nightmare
Confession 19: Do the Moves
Confession 20: Pissed to Meet You
Confession 21: Underground Society
Confession 22: Puzzlement
Confession 23: Savage Chameleon 1
Confession 24: Savage Chameleon 2
Confession 25: Losing Sanity
Confession 26: Angel and Her Wings 1
Confession 27: Angel and Her Wings 2
Confession 28: Possession
Confession 29: Leon Ford
Confession 30: Inside Yoshima Mansion
Confession 31: Conspiracy
Confession 32: Mind Maze
Confession 33: Toss Coin
Private Confession: Love. Lust. Claimed.
Confession 34: Could It Be?
Confession 35: Twisted Chains
Confession 36: Touch of Blood
Confession 37: Most Painful Truth
Confession 38: Queen vs. King vs. Knight
Confession 39: Queen Alice
Confession 41: She Died
Confession 42: No Air
Confession 43: Rage of the Blue Claws
Confession 44: Broken Strings
Confession 45: Chain of Fate
Confession 46: Scythe of Ferox
Confession 47: Cinderella's Fangs
Confession 48: An Epilogue
Confession 49: Be Mine, Alice
Confession 50: It's All About Us
Epilogue: The Last Confession
Onee-chan's Last Death Note

Confession 40: Unconscious Consciousness

7.1K 138 9
By vixenfobia

Confession 40: Unconscious Consciousness

 

Hindi ko maiwasang paminsan-minsan ay mapatitig sa mukha ni Spade habang nililinisan nito ang sugat sa noo ko. Oras na kasi para palitan ang gasa at sobrang lapit ngayon ng mukha niya sakin. Nararamdaman ko na nga ang pagtama ng hininga nito sa pisngi ko and what’s strange is this chill I’m feeling now. Sariwa pa ang sugat at tahi na natamo ko sa kilay matapos ng laban. Masakit pa ang katawan ko at hindi maigalaw ang isang binti. Malinaw pa ang bakas ng pagkakasakal sa leeg ko pero kahit papaano ay hindi na ako ganoong nahihirapan sa pagkilos lalo na at araw-araw ring nakabantay sakin si Spade dito sa mansion. Sina mama at papa naman ngayon ang nagbabantay sa hospital habang hindi pa sila bumabalik sa Japan at habang nagpapagaling pa ako.

“Tapos na.” Lumayo ito at ngumiti sakin. Napaiwas naman ako ng tingin ng maramdaman ang pag-init ng pisngi ko. Darn. He’s too handsome with that boyish smile of his.

Sa ilang linggo naming magkasama ni Spade ay mas naging komportable na ako sakanya. Minsan siya ang magbabantay sa hospital habang sina mama at papa naman ang magpapahinga dito sa mansion. Nabalitaan ko rin na madalas pa ring dumalaw doon si Charm at minsan na rin silang nagkita ni Spade doon. Good thing dahil hanggang ngayon ay wala pa ring nakakaalam na iba tungkol sa kalagayan ng kapatid ko. Salamat dahil may iilan pa rin akong nasasandalan ngayon bukod sa magulang ko.

“Gusto mong kumain?” Tiningnan ko lang siya at hindi nagsalita. Inayos ko ang unan at nahiga sa sofa. Nasa sala kasi ngayon. Nakita kong tapos na niya ayusin ang medicine kit na hawak niya.

“Matutulog ako.” Simpleng sagot ko. Sinamaan niya ako ng tingin pero inirapan ko lang siya. Hindi tatalab sakin ang pananakot niya.

“Kumain ka muna. Hindi ka pa nagtatanghalian,” sagot nito saka hinatak ang sleeve ng suot kong sweater patayo.

“Yah, Spade!” Saway ko pero ngumiti lang ito.

“Umupo ka lang diyan. Ipaghahanda kita ng makakain.” Hindi na ako natuloy sa pagpoprotesta nang mabilis itong tumalikod at naglakad palayo patungong kusina.

Napabuntong hininga na lang ako sa inasal niya. Nakasanayan ko na rin ang ugali ng lalaking ‘yon na umabot sa puntong pati dighay niya kilala ko na. Sa dalas ba naman naming magkasama sa araw-araw na ginawa ng Diyos. May mga oras nga na naaalala ko sakanya si Oz. Like last night when I caught light fever, siya ang nag-alaga sakin at tinawag ko raw siya sa pangalang Oz habang natutulog ako. Honestly, I felt sorry for him. Medyo naguilty ako sa nagawa ko kahit na hindi naman sadya ‘yon. Feeling ko naoffend ko siya. At mas nakararamdam ako ng guilt tuwing ganyan siya sakin kabait sakabila ng nagawa ko.

***

 

“Dahan-dahan lang sa paghakbang. Hindi naman aalis ang kwarto ni Aldous.” I hissed and rolled my eyes. Kanina niya pa ako pinapagalitan dahil ang bilis ko daw maglakad kahit na pipilay-pilay pa ako. Eh sa anong magagawa ko kung gusto ko na makarating doon? Ilang araw ko na ring hindi nadadalaw si Aldous dahil sa nangyaring laban. Hindi agad ako pinayagan ni papa na umalis ng mansion dahil sa pilay ko saka sariwa pa ang mga natamo kong sugat at pasa sa katawan.

“Ang dami mong alam.” Tinawanan lang naman ako nito.

Ilang sandali pa ay narating na namin ang kwarto ni Aldous. Inalalayan ako ni Spade sa kanang braso habang binubuksan nito ang pinto. Para namang nablangko ang utak ko sa pagtapak ko sa loob ng silid. Bumungad samin sina mama, papa at Charm na nakapalibot sa kama ni Aldous habang kinakausap sila ng doctor. Sinimulan ko ng ilakad ang sarili ko palapit sakanila kasama si Spade sa tabi ko.

Wala naman sigurong masamang nangyari sa kapatid ko diba? Pero bakit umiiyak sila? Kinakabahan tuloy ako,

“Ma.” Sabay harap ko kay mama. Napatingin naman siya sakin at agad na pinahid ang luha niya. “Pa, anong nangyari? May problema ba?” Pinilit kong wag ipahalata ang kaba sa boses ko. Nagkatinginan naman sila at sabay na bumuntong hininga.

“Alice…” mahinang tawag sakin ni papa. Biglang nag-init ang gilid ng mga mata ko matapos nitong ngumiti sakin at ituro ang kinahihigaan ni Aldous. Napatingin ako sa kapatid ko na kasalukuyan pang chinicheck ng doctor.

“D-Doc., kamusta ang kapatid ko?” Napaharap naman sakin ang doctor at doon ko na tuluyang napagmasdan si Aldous. He’s staring at me. He smiled at hindi ko na napigilan ang pagbagsak ng mga luha ko. He’s finally damn awake!

“The patient is now fine. Stable na ang vital signs niya but he still need to stay here to fully recover.” Tumango-tango ako sa sinabi ng doctor. “We’ll leave first.” Tinapik pa ako nito ng marahan sa balikat bago tuluyang lisanin ang silid.

“Damn bishie guy,” I said in a crack voice. Muli namang ngumiti sakin si Aldous and spread his arms for a hug. Napaiyak na lang ako saka siya niyakap.

“How long I’ve been sleeping?” Husky pa ang boses nito. Lumayo ako sa yakap saka ito pabirong sinamaan ng tingin. Nginitian lang ako nito na para bang nalilibang pa sa ginagawa ko.

“How can you sleep a month straight? Huh! And now you’re talking to me without even brushing your teeth.” Kunwaring nandidiri pa ang itsura ko. Inamoy-amoy naman niya ang sarili niya saka napangiwi. Napatawa na lang kami sa ginawa niya. “How dare you slee like that, Aldous? Pinag-alala mo kami, alam mo ba?” malambing kong tanong.

“Namiss mo naman ako. Alam mo Alice, hindi ka dapat nagkakacrush sa kapatid mo, masasaktan ka lang.”

 

“What the! Anong crush pinagsasabi mo diyan? Gusto mong!” Inakmaan ko ito ng suntok at agad naman niyang tinakpan ang mukha niya. See? Kahit na sa sugat niya ako sa tiyan nakaamba ng suntok, mukha niya pa rin ang iniingatan niya. All this time na comatose siya, wala pa ring pinagbago.

Ikinwento namin sakanya ang mga nangyari mula nang makita siyang nakahandusay ni Charm sa parking lot ng Steins hanggang sa pagsugod namin sakanya dito sa hospital. How he end up in coma at kung paano ang rotation ng pagbabantay ang ginawa namin. Pati na rin ang biglaang pag-uwi nina mama at papa dito sa Pilipinas. Kung paano ko pinagtakpan sa university ang mga nangyari at ang pagtake-over ko sa Underground Society. Ipinaliwanag rin sakanya ni mama kung ano ang U. Soc. pero kung ano ang totoong pakay ko sa pagpayag na mamalakad ‘nun ay ako lang ang nakakaalam.

Nakikinig lang naman siya sa lahat ng sinasabi namin at walang tanong o reklamong lumalabas sa bibig niya pero bawat bigkas namin ng salita ay unti-unting lumalala ang pagsasalubong ng kilay niya. He told us that everything that night was still blurry. Hindi niya gaanong maalala kung ano ang eksaktong nangyari but he still remember how he got stabbed. Pinipilit niyang alalahanin kung sino ang nakita niyang may gawa noong gabing ‘yon pero hindi niya pa maalala. Pero kahit hindi niya pa maikwento samin ang totoong nangyari, alam kong Silver Wolves ang may gawa noon. Kaya gagamitin ko ang connection ng underground bilang Queen para mapadali ang paghahanap sa SW at kung ano man ang totoong pakay nila, ‘yon ang aalamin ko.

“Sorry, hindi ko pa masyadong maalala. Tulog pa yata ang gwapo kong utak.” Napaismid ako sa way ng pagkakasabi niya. Inosenteng-inosente ang mukha nito habang nakahawak ang kaliwang kamay sakanyang ulo, isama mo pa ang boses niya na hindi ko maintindihan kung paano niya nagawang paghaluin ang tonong inosente at pagyayabang. Tss. Ibang klase.

“Hindi naman masamang maging humble minsan, Mr. Coma.” Pang-aasar ko rito.

“Humble naman ako, Ms. Pilay.” Ganti nito. Aba naman talagang batang ‘to! Kakagising lang pero wala pa ring pinagbago! Hindi manlang ba ito nakatagpo ng anghel sa pagtulog niya at ganito pa rin kayabang? Aldous will always be Aldous.

“Tama na ‘yan. Magkakaasaran na naman kayong dalawa.” Saway ni mama. Nagkatinginan kami ni Aldous at sabay na binigyan ng masamang tingin ang isa’t-isa.

“Siya nga pala, salamat sa pagbabantay, Charm.” Nalipat ang tingin ko kay Charm na nasa paanan ng kama ni Aldous at kanina pa pala tahimik na nakatayo. Napatingin ako kay Aldous na nakangiti kay Charm bago inilipat ang tingin kina mama, papa at Spade. Kasi naman ‘yong tinginan nitong dalawa, hindi tinginan ng pasyente at bisita kun'di tinginan ng magkadate. Asus! Ginawa pang dating place ang hospital.

“Ehem.” Papa fake a cough. Napunta namin sakanya ang atensyon namin dahil sa ginawa niya. “Wifey, labas muna tayo. Kanina pa ako nagugutom eh.” Paglalambing nito kay mama. I saw how mama glared at him pero nginitian niya lang si Wifey niya na parang nagpapacute pa. Kadiri. Ganyan ba talaga si papa kay mama kahit noon pa man?

“Hindi ka kasi nagluch. Aish!” Sabay harap nito samin. “Labas muna kami para makakain na itong isang ‘to.”

 

“Ay wait ma! Sasabay na kami ni Spade dahil ipapatingin ko sa doctor itong binti ko.” Sabay siko ko pa kay Spade.

“Ah, opo tita. Ipapatingin nga pala itong binti niya.” Pasimple akong nag-okay sign kay Spade pero sinimangutan lang ako nito habang hinihimas pa ang nasikong parte ng tiyan niya.

Humarap naman ako kay Aldous bago tumayo. “Kagigising mo lang Mr. Aldous Colix Grey so you should behave, okay?” Bilin ko bago ilipat kay Charm ang tingin. “And Ms. Charm Ackerman, please look after this guy for a moment habang nasa labas kami ha? Ayos lang ba?”

 

She looked flustered pero ngumiti din naman. “Ako na po muna ang bahala sakanya, ate Alice.” She then nodded. Tumango na lang din ako at nagpatulong kay Spade na tumayo.

“You two look good together. Why not start dating?”

 

“Aldous!” Saway ko peri hindi siya natinag. Naging seryoso ang mukha nito at tinitigan ako sa mata.

“Nagpapagaling pa kayo pareho ng ate mo, Colix. Hindi ito ang tamang oras para pag-usapan ang ganyan.” Rinig kong sagot ni Spade sa tabi ko.

“Do you see Alice as a woman, Spade? Even once?” seryosong tanong nito sa katabi ko na para bang hindi niya narinig ang sinabi ni Spade kanina. Napakunot ako ng noo sa biglaang inasal niya.

“Aalis na kami. Nag-aantay na sina mama sa labas,” mahinang sambit ko.

“Yokatta. Let’s talk about this sometime.” (Okay) He grinned. “Jaa matta,” kumakaway na sabi nito.

***

 

“Pagpasensyahan mo na nga pala ‘yong mga sinabi ni Aldous kanina. Ganoon talaga yata ang epekto ng pagkakacoma sakanya,” nahihiyang sabi ko habang napapailing pa. Inalalayan niya akong maupo bago siya pumunta sa harap ko. Inabot nito sakin ang inorder naming cold coffee.

“Wala namang masama sa sinabi ng kapatid mo ah,” cool na sagot nito habang nakangiti pa.

Nangunot lang ang noo ko sa ginawa niya. “That was embarrassing, Spade. How could he asked such question the moment he opened his eyes? Aish. That kiddo.” Napahigop tuloy ako sa cold coffee ko dahil pakiramdam ko ay biglang uminit ang mukha ko nang maalala na naman ang mga sinabi ni Aldous kanina. Hindi na nahiya ang lalaking ‘yon.

“Why? Do you really feel embarrassed with that?” Napaawang ang bibig ko sa nakakalokong ngiting suot niya ngayon. “To be honest, masaya pa nga ako sa sinabi ni Colix.” Sabi nitong nakapangalumbaba pa. “We looked good together, huh.” Napaiwas naman ako ng tingin dahil bigla itong ngumiti sakin. Para akong biglang kinabahan dahil sa ginagawa niya. “Do I see you as a woman? Gusto mo ba malaman ang sagot doon, Alice?”

 

“Tama na sa kalokohan, Spade. You’re making me uncomfortable.” Pakiramdam ko ay sasabog ako sa kinauupuan ko ano mang oras. Bakit ba ginagawa ni Spade ‘to?

 

“Alice…” malambing na tawag niya. Ayoko sana siyang tingnan pero huli na. Bago ko pa man maiiwas ang tingin ko sakanya ay nagkasalubong na ang mga mata namin. I gulp harshly. “I always see you as a woman. From the very beginning, I did,” mahinang sabi nito. Hindi naman ako nakapagreact sa sinabi niya. Ano bang ginagawa niya?

“Spade…”

 

“Even once, do you looked at me as a man? Do you see me as a man?” mahina at halos pabulong na tanong nito. Hindi ako sumagot. Wala akong ginawa kun'di ang tumitig sa mga mata niya. Bakit, Spade? Bakit mo ‘to ginagawa?

“I always see you as a friend, Spade-”

 

“Pero hindi ‘yan ang tinatanong ko, Alice.”

 

Katahimikan.

Katahimikan ang bumalot sa pagitan naming dalawa. Why is he making this hard for me? Sa ginagawa niya, I know, I’m aware he’s confessing. But why? Alam naman niya kung sino ang mahal ko at alam niyang may nagmamay-ari na sakin. He’s my friend and I don’t wanna dump him at alam kong wala akong karapatang gawin ‘yon, but still, I can’t accept his feelings. Ayokong saktan ang lalaking laging nandito para sakin pero ayoko rin siyang paasahin.

I took a deep breath staring in his eyes. “I have Oz.” Simpleng sagot ko.

Napabuga ito ng hanging saka yumuko. Tumango-tango ito saka muling humarap sakin. “But he’s not here, Alice. Ako ang nandito para sayo.”

 

“I know, Spade, that’s why I really am thankful for having you. I always see you as a friend.”

 

Napasandal ito sa upuan niya saka napahilamos ng kamay sa mukha. “Naiintindihan ko,” mahinang sagot niya. “Halika na. Ihahatid na kita sa kwarto ni Colix, may pupuntahan lang ako.” Sabay tayo nito.

“Saan ka pupunta?” Tanong kong nakatingala pa sakanya. Hindi ito sumagot at ngumiti lang bago ako muling inalalayan sa paglalakad.

Spade’s POV

 

“The usual.” Utos ko sa bartender saka isinandal ang sarili ko sa couch.

Wala na akong ibang maisip na lugar para makapag-isip na mag-isa kun'di itong bar lang. Matagal na rin naman akong hindi nakakapunta dito. Madalas lang akong makainom ng alak tuwing pupunta sa U. Soc. kasama si Alice. Naalala ko pa ‘yong huling laban niya doon na halos hindi ako makalunok kahit isang lagok lang ng alak sa sobrang kaba sa magiging laban niya. mabuti na nga lang at hindi ganoon kalakas nag underling na ipinadala ng PACT Mafia para sa initiation niya. Pero nagulat pa rin ako sa ginawa niya. She killed the guy in order for her to stay alive.

Can she kill Oz Bezarius just in case?

That was one hell of a good question, right? But one of the dumbest too. Of course she can’t. Ganoon niya kamahal si Oz. Hindi na baleng siya ang masaktan wag lang ang lalaking ‘yon. What did Oz do in his past life to deserve Alice? And what did Alice do to deserve that man? Siya na ang bagong Queen ng U. Soc. paano na lang kapag nalaman niya ang tungkol sa Silver Wolves? Masasaktan lang siya at ‘yon ang ayaw kong mangyari. Gusto ko siyang ilayo sa sakit pati sa lalaking ‘yon pero hindi niya ako binibigyan ng pagkakataong iligtas siya. I can’t afford to see her hurting. I can’t.

Mabilis kong nilagok ang alak na inilapag sa lamesa ko. Sunud-sunod kong nilagok ang alak hanggang sa makuntento ang lalamunan ko sa paghagod ng init nito. I rested my elbows on my knees at pinagsalikop ang mga kamay. I leaned my forehead at the back of my hands and sigh.

Ilang sandali rin ay nag-angat na ako ng tingin para magtawag ulit ng waiter para sa panibagong order sana ng alak pero iba ang nahagip ng mga mata. Natigilan ako at napaawang ng bibig. Naramdaman ko ang mabilis na pagtakbo ng galit sa buong katawan ko. Napakuyom ako ng mga kamao. I just got rejected because of this bastard and now, here he is, having fun with someone. After leaving her woman without a single word, nandito siya kahalikan ang ibang babae? No. Hindi siya ibang babae, dahil ex-girlfriend niya ‘to.

Oz Bezarius, ginagago mo si Alice ng patalikod kasama si Aoi Yuzuriha? Tangna!

Continue Reading

You'll Also Like

752K 12.5K 38
Gianna Princess Thrice Williams,isang sophomore college student na bumalik ng Pilipinas para hanapin ang hustisya sa pagkamatay ng pamilya nya,But wh...
56.6M 1.2M 127
Mikazuki convinces Bullet to meet his birth parents after being taken away by the former leader of the most powerful mafia group, Black Organization...
144K 3K 41
People always say, never be attracted with the angelic face. They were demons. Every year, in every school, there's always a repeater and a transfere...
570K 12.6K 50
[COMPLETED BOOK 1] Highest rank achieve #11 in Action Book cover by: @Jin_NyeLla Thanks😊 ******************* I am a Perfect daughter to my family...