" Kayo na ba? Kung tumambay ka sa apartment ni Jema parang doon ka na nakatira " puna ni Ponggay sa kakapasok lang na si Deanna
" Pakialam mo Pongs " sagot naman ng isa sabay labi
" Ahh ginaganyan mo na ako ha, d porket may Jema kna " kunwaring nagtatampo Ponggay
" Ikaw naman, I was joking " at inakbayan siya ni Deanna
" Subukan mo lang humingi ng tulong sakin, tandaan mo hindi kita tutulungan " umismid si Ponggay
" Joke lang nga, ang sensitive mo naman ngayon. ilang days lang ako nawala "
" Naman Ponggay to no, wait, alam mo ba na candidate ka as Best Setter? pag iiba ni Ponggay ng usapan
" yup, Coach texted me na yesterday " kaswal na sagot Deanna
" Iba talaga pag inspired ehh.. mgkaka award na " pagbibiro ni Ponggay
" I don't even know if I'll win eh. marami kaya magaling " sabi ni Deanna habang inaayos ang gamit niya
" dito ka na ulit matutulog? " habng pinapanuod si Deanna sa ginagawa nito
" Yup! Umuwi sa laguna si Margarett and makikipag kita ako kay Luigi mamaya, nagtatampo na ehh "
" iba na tlaga ang maganda maraming gustong makasama ka " natatawang sabi ni Ponggay
" baliw, sige na ligo muna ako " at pumasok sa banyo
---
"Congratulations!" bati ni Jema kay Deanna
" Thank you " sagot naman nito
" wow Best Setter! Idol " dagdag pa ni Jema
" Congratulations Ate Deanna, " singit ni Mafe
" Thank you Mafe " pagpapasalamat ni Deanna
" Oh dali pose na kayo dyan kuhanan ko na kayo ng pic, baka mag transform naman tong kapatid ko pag wala kayong remembrance na dalawa "
Babatukan na sana ni Jema ang kapsatid pero sinaway siya ng katabi
" sabi ko na ehhh, sige na one two three smile " at pinicturan silang dalawa
" oh ayan ang ganda ganda ng kapatid ko tlaga " sarkistong sabi ni Mafe
" libre mo naman kami Ate Deanna "
" Mafe yang bibig mo nga " saway sa kapatid
Natatawa naman si Deanna sa dalawa
" Okay pero may kakausapin lang muna ako ha, babalik ako agad " paagpapaalam ni Deanna
" okay take your time Ate Deanna " sabay ngiti ni Mafe
" sayo ba nagpaalam? sakin nakatingin yun dba? " mataray na tanong nito sa kapatid
" Si Jema selos agad " nakalabi niyang sabi
" ikaw tlaga hindi kna nahiya " at kinurot si Mafe
---
" So san tayo?" tanong ni Deanna habang nagddrive ng kotse
" Chowking! " masayang sagot ni Mafe
" Sure ka Mafe? marami pa naman restaurant dyan, kakahiya naman kung dyan ko lang kayo e lilibre " engganyo ni Deanna
" bakit? may problema ba sa chowking? " tanong ni Jema
" ha? ahhh.. wala.. wala.. " at nag focus na lang sa pag drive
" Shit! bakit dun pa? ayaw na ayaw ko pa namang tumayo at pumila ng matagal hindi ako sanay " kausap ni Deanna sa sarili
Pagka park nila ng kotse agad na bumaba si Mafe at nauna ng pumasok sa Chowking
" Pasensyahan mo na kapatid ko" sabi ni Jema
" Okay lang, nakakatatuwa nga ehhh nakikita ko sa kanya si Ponggay " nakangiting sabi ni Deanna
" Jem Pork Lauriat sakin tas halo2x dagdagan mo na rin ng siopao " sabi ni Mafe ng makaupo na ito
" ang dami mo namang inorder, mahiya ka nga " saway sa kapatid
" okay lang, baka gutom lang siya " awat naman ni Deanna
" sure ka? " tanong ni Jema
" oo naman, so ano yung sayo ? " baling ni Deanna sa katabi
" Ganun na rin kay Mafe pero wala ng halo2x at siopao" at umupo na rin
Hindi pa umaalis si Deanna sa kinatatayuan niya
" may kailangan kpa? " tanong ni Jema
" ahhhh wala, sige order na ako " at akmang aalis ng biglang tumayo si Mafe
" Ate Deanna picture muna tayo dito bilis, Jem kuhanan mo muna kami, popost ko lang " at hinila si Deanna papunta sa tabi niya
" kita mong oorder yung tao dba? pwede ba mamaya na lang yan " masungit na wika ni Jema
" Sige na jem please..." padabog na kinuha ni Jema ang phone ni Mafe at pinicturan niya ang dalawa
" mas maganda talaga ako sa kapatid ko, db Ate Deanna? " habang nakatingin sa picture nilak ni Deanna sa phone
Umirap lang si Jema at umupo ulit, natatawa namang naglakad si Deanna papuntang counter para umorder