" relax sila lang yun " pagpapakalma ni Deanna sa kasama
Nandito na sila sa labas ng restaurant na pina reserve ng ka teammates niya
" okay lang ba tong suot ko? " kinakabahang tanong ni Jema, naka suot ito ng white shirt, na pinatungan niya ng black jacket, shorts shorts, rubber shoes at nike cap
" shhhhhh " pagpapatahimik nito kay Jema, pinaharap niya ito sa kanya at tinanggal ang suot na cap ng babae tsaka inayos yung buhok nito
" you look perfect " nakangiting sabi ni Deanna kay Jema
Hindi naka react si Jema sa bilis ng pangyayari lalo na ngayon hawak na ni Deanna ang kamay niya, papasok sa restaurant. Ginuide naman sila ng waiter papasok sa VIP Room kung nasan ang mga ka teammates niya
Nadatnan nilang kumakanta si Ponggay habang pinagtatawanan naman siya ng ka teammates dahil sa boses niya, nagkakasayahan sila ng mapansin nila ang magkahawak na kamay na sina Deanna At Jema na papasok
" Presenting!!! Deanna Wong!!! " hyper na wika ni Ponggay gamit ang microphone
Natawa naman si Deanna sa ginawa ni Ponggay, sobrang lakas ng boses niya. nakakabingi
" Girls meet Jessica Margarett Galanza " pagpapakilala niya sa mga ka teammates niya sa babaeng kasama niya
" Margarett, meet my teammates "
Isa isa namang nakipagkamay at nakipag beso si Jema sa ka teamamtes ni Deanna, at masaya naman itong pinanuod ng huli
" Finally na meet rin kita "
" Maddie " pagpapakilala niya sa sarili, sabay lahad ng kamay niya sa babae
" Jema " sabay tanggap ng kamay ni Maddie
" Welcome to our life, since kayo rin naman nitong si Deanna "
nakangiting sabi ni Maddie
Napaubo si Deanna, habang si Jema naman ay nabigla sa sinabi ni Maddie, Napansin naman ni Maddie ang pagiging tahimik ng dalawa..
" wala pang kayo? " gulat na tanong ni Maddie
Kagat labing umiling si Jema
" ano ba yan Wong ang bagal mo, makapag drama ka sakin the other day akala ko kayo na yun pla hindi pa " hysterical na sabi ni Maddie
" Captain naman " pigil ni Deanna sa sasabihin ng babae
" Jema may tanong kami, may chance ba tong bata namin sayo? "
Tumingin naman si Jema kay Deanna na ngayon ay pulang pula na sa kahihiyan dahil sa pinanggagawa ng Maddie
" Hindi naman siya nanliligaw ehh.. " sabi ni Jema sabay yuko
" yun naman pla, hinihintay ka naman pla manligaw Dean " sabad ni Ponggay nakisali na rin ang ibang ka teamates nila
" Seriously girls? Need talaga nyo ako ipahiya dito? " d makapaniwalang tanong ni Deanna
" tinutulungan ka na nga... " irap na sabi ni Ponggay
" tinutulungan nyo ako mapahiya kamo " naiiling na sabi ni Deanna, sabay hila sa kamay ni Jema palayo kina Maddie
---
Natapos na silang kumain, at kasalukuyang nagpapahinga nang puntahan ni Maddie sina Deanna at Jema sa table nila
" Jem, do you sing? " tanong ni Maddie
Tumingin muna si Jema kay Deanna
" She love to sing Captain " si Deanna na ang sumagot sabay ngiti dahilan para pandilatan naman siya ni Jema ng mata.
Hindi sa ayaw nyang kumanta, nahihiya lang kasi siya sa ka teammates ni Deanna
Nang biglang ni Maddie ang mic kay Jema
" well it's your turn " sabi ni Maddie
Tiningnan naman siya ni Jema kung seryoso ba to sa sinabi niya na kakanta siya
" don't be shy, kami lang to mhiya kami lang to " dagdag pa ni Maddie at pinatayo ito sa upuan
Perfect Two
Auburn
Oh, oh.
Yeah, yeah
You can be the peanut butter to my jelly
You can be the butterflies I feel in my belly
You can be the captain and I can be your first mate
You can be the chills that I feel on our first date
You can be the hero and I can be your sidekick
You can be the tear that I cry if we ever split
You can be the rain from the cloud when it's stormin'
Or you can be the sun when it shines in the mornin'
Don't know if I could ever be
Without you 'cause boy you complete me
And in time I know that we'll both see
That we're all we need
'Cause you're the apple to my pie (pie)
You're the straw to my berry (berry)
You're the smoke to my high (high)
And you're the one I wanna marry (marry)
'Cause you're the one for me (for me)
And I'm the one for you (for you)
You take the both of us (of us)
And we're the perfect two
We're the perfect two
We're the perfect two
Baby me and you
We're the perfect two
---
Naririnig niya ang kantyaw ng mga ka teammates niya kay Deanna, na hindi naman matanggal tanggal ang ngiti sa labi. Nakikita niya rin sa mga mata ni Deanna ang labis na paghanga sa babaeng kumakanta sa harap nila ngayon kaya hindi maiwasan ni Maddie malungkot, at hindi inaasahan ay may luhang dumaloy sa kanyang pisngi kaya dali dali niyang pinunasan ito at nag punta sa comfort room,
Napansin naman yun ni Deanna kaya tumayo sya at sinundan ito, nadatnan niyang nagpupunas ng kanyang pisngi si Maddie
" Captain you okay? " tanong ni Deanna
" Anong ginagawa mo dito? kumakanta girlfriend mo dun iniwanan mo " tanong ni Maddie sa babaeng nakasunod sa kanya
" Psh hindi ko pa girlfriend yun Captain, masyado kang advance mag isip. darating din tayo dyan " sabi naman ni Deanna
" baka magalit yun sayo " paalala pa niya dito
" palagi ko namang naririnig boses nun, kaya okay lang " pagbibiro ni Deanna
Kumuha si Deanna ng tissue at binigay kay Maddie
" baka gusto mong magkwento captain, para mabawas bawasan naman ang bigat na nararamdaman mo "
Tumingin ito kay Deanna, iniiisp niya kung magkkwento ba siya o itatago nya na lang to sa sarili niya.. Pero si Deanna ito, alam niyang maiintindihan siya nito at hindi huhusgahan.
Huminga muna siya ng malalim bago magsimulang magkwento
" may minahal ako dati back in highschool, we're so good together, naging mundo ko sya.. akala ko she's inlove with me, until one day nalaman ko na sumama pla sya sa parents niya sa states the day after I confessed my feelings to her, so yun broken hearted ako " naluluhang kwento ni Maddie
" wait! Captain tama bang narinig ko? She? " gulat na tanong ni Deanna
Dahan dahang tumango si Maddie, kaya naman napakamot ito ng kanyang ulo
" Ano ba yan? pinag kwento pa kita. wala rin naman akong masabi, I'm not good with this Captain, giving love advices to other people, alam kong gasgas na tong sasabihin ko but i want you to know we're here for you " may simpatyang sabi sabi ni Deanna
Malungkot naman na ngumiti si Maddie
" Thank you Dean, I want you to know that I'm here for you always, and for the team. I want you to know that I'm so proud of you, for telling other people about your girl. i know it's not easy pero heto ka, pinapakilala mo samin ang babaeng gusto mo, pinanindigan mo yung nararamdman mo para sa kanya.. Deanna mahirap mahusgahan ng tao lalo na pareho kayong sikat, marami kang maririnig, but don't mind them,hindi importante ang tingin ng tao sayo,o sa inyo... ang importante ay kung ano nasa puso mo " pangaral nito kay Deanna
" ang lalim yan Captain, hindi ko kayang pantayan yan " pagbibiro ni Deanna pero naluluha na ang mga mata
" I'm convinced na mahal mo tlaga siya, hindi madali ang mag out, and let the world know that you're like that. you even risk your reputation Dean, at alam mo consequences nito right? huhusgahan ka ng tao, magsasalita sila ng kung ano ano sayo, hihilahin ka pababa. And when that time comes you have to fight Deanna, fight for your feelings, fight your right to love, fight for the love you deserve " dagdag pa ni Maddie
Tumango si Deanna, at tipid na ngumiti.
" I'm happy for both you " sabi ni Maddie sabay tingin sa likod ni Deanna
Nagtataka namang napalingon si Deanna, at nagulat ito ng makita ang nakatayong si Jema sa likod niya habang nakatingin din pala sa kanya.
Napailing naman Maddie sa staring contest ng dalawa.
" Deanna, No curfew for you tonight. " sabay tapik sa balikat nito
" Enjoy the rest of the night ladies " pahabol nya at nauna ng lumabas ng comfort room si Maddie