Chapter 15
SYDNEY'S POV
"Syd, c'mon alis na tayo." sabi ni Andrei sa kin sabay labas ng wallet niya at kuha ng pera. Nilagay niya yung pera sa taas may table.
"Hindi pa ako tapos kumain." sabi ko. Sayang naman kasi yung pagkain, wala pang kalahati yung nababawas ko. Hindi ko naman talaga type yung lasa nung pagkain. Tapos favorite pa ni Michell. pweh! Kakasuka.
"Hindi mo din naman gusto yung kinakain mo. Bili na lang tayo ng gusto mo." sabi niya at hinila na ako patayo at lumabas na kami.
"Saan mo ba gusto kumain Syd?" tanong ni Andrei sakin habang naglalakad kami.
Sa totoo lang, nawalan na talaga ako ng gana kumain, kahit nga ang Mcdo fries parang ayaw ko na rin kahit medyo nagugutom pa rin ako.
"Ayos na ako. Ayoko na kumain."
"Are you sure?" tanong niya at humarap sakin. "Konti lang nakain mo."
Hinawakan niya ang kamay ko at bakas sa mukha niya ang concern para sakin.
Matutuwa sana ako dahil iniisip pa rin niya ako pero hindi ko maalis sa isipan ko yung nasayang kong pera.
Tsss. Sayang talaga pera ko.
"Ayos lang ako. Umuwi na lang tayo. " sabi ko. Wala na kasi talaga ako sa mood. Gusto ko na lang umuwi at matulog at gumisig kinabukasan.
"Actually, hindi pa tayo uuwi. Remember, dapat may pupuntahan tayo ngayon. Good thing dumaan ka ng mall at nakita mo ko, kasi dto rin tayo pupunta. Gusto ko sana kasing maggrocery with you." sabi niya
Natutuwa ka pa na nakita kita, pwes ako, nagsisising pumunta pa ako sa mall. Dapat talaga nagbar na lang kami nina Tricia.
Pero hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanya yun.
Kaya naman ngumiti na lang ako sa kanya at umokay na lang.
"Give me your bag, ako na lang magdadala niyan para sa'yo." sabi niya sabay kuha nung bag ko.
"Thank you." sabi ko. Hindi na ako nakatanggi, kinuha na niya e.
Hawak kamay kaming naglakad papunta sa supermaket.
Tahimik lang kami. I can even hear yung pagtibok ng ouso ko dahil sa pagkakahawak niya sa kamay ko.
"Ah, Syd?" sabi ni Andrei after minutes of silence.
Nagtaka ako sa tono ng boses niya. Parang kinakabahan siya e.
"Bakit?"
"Tomorrow, gusto mo bang magcelebrate? Kasi we'll be married for 1 Year and six months. I know hindi naman talaga tayo nagcecelebrate pero I want to ask you for a change."
Woah! Seryoso ba siya? Tsaka updated pala siya kung gano na kami katagal.
Somehow, I feel happy.
Hindi ko tuloy mapigilan na mapangiti.
" Finally, nakita rin kitang ngumiti." bigla niyang sabi
"Kanina pa kaya ako ngumingiti."
"Somehow, I know those smiles weren't real. Alam ko namang medyo awkward ka kanina with Michell. Pero yung smile mo kanina, it reflected in your eyes, so I know that was a real one."
Napatingin ako sa kanya. Observant lang ba talaga siya o kilala talaga niya ako?
" Thank you." I said at hindi ko napigilan ang sarili ko at niyakap siya.
Napatigil tuloy siya sa paglalakad. Pati yung iba, tumigil din para tingnan ang ginagawa ko.
Nahiya naman tuloy ako. Aalisin ko na sana yung pagkakayakap ko kaso saka naman niya inilagay ang mga kamay niya around me at gumanti rin ng yakap.
"Bakit ka nagthathank you?" tanong niya habang nakayakap pa rin sa kin.
Hindi na namin pinansin yung mga tao na nakatingin.
"Wala lang. Basta thank you." sabi ko at mas hinigpitan ko pa ang yakap ko.
Thank you kasi naiintindihan mo ko. Thank you kasi inaalagaan mo ko. Thank you kasi tinotolerate mo ko. Thank you kasi inaalala mo ko.
"Ikaw talaga." sabi niya sabay gulo ng buhok ko. Pero yung isa niyang kamay, nakayakap pa rin sa kin.
"Hey, wag mo guluhin buhok ko!" sabi ko habang pinipigilan siya.
"Kahit gulo gulo na yang buhok mo maganda ka pa rin. Tara na nga, para makauwi na rin tayo." sabi niya
Hinawakan niya yung kamay ko at sabay kaming naglalad papuntang supermarket.
Hindi mawala ang ngiti sa mukha ko.
Alam ko na maganda ako, pero iba pala talaga kapag si Andrei ang nagsabi.
Gumanda tuloy ang mood ko.
-A/N
Sorry for the late update. Pasensya na po talaga. Medyo busy rin po kasi ako. SORRY :(
VOTE
COMMENT
BE A FAN ( sa mga may gusto lang)
-xiaxiacarr :)