Lab U, Insan! (Book I)

By chumeleven

162K 2.2K 678

Naranasan mo na ba magmahal? Kahit alam mong bawal? Bawal dahil... Mag-pinsan kayo. Hindi 2nd or 3rd or 4th c... More

Lab U, Insan!
Author's Note:
1_Her Present
2_She's A Star?
3_The Wedding Anniversary
4_No Ordinary Love
5_Handshake
6_Her Past (One)
7_Her Past (Two)
8_Tree House
9_The Incident
10_Casa Blanca
11_Bringing Back The Memories
12_Complicated Life
13_Stupid Alex
14_He's Back
15_Triangle or Square
16_Truth between the Lies
17_Surprise Vacation
18_Broken Past
19_Change
20_Confession
21_Her Accident
23_Distance
24_His Decision
25_Public or Private
26_The Runway Scene
27_Near Yet So Far
28_Their Moment
29_First Date
30_Truth Hurts
31_Lost and Found
32_The Meeting
33_The Whole Truth
34_DNA Result
35_Daphne Woo
Epilogue
About the Book II...
Author's Note: Closing of Book I

22_Coming Back

3.8K 49 25
By chumeleven

Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko.

Una kong nakita ang puting kisame.

Una kong narinig ang tunog ng makina sa tabi ko.

Nasaan ba ako? Malamang, sa ospital, Alex. Saan pa ba may puting kisame?

Oo na! Nag-eemote lang eh, ayaw pa pagbigyan. Hahahaha!

Narinig ko ang pagpihit ng isang tao sa door knob ng pinto ko.

Syet! Baka papatayin ako!

Grabe lang ako makapag-panic.

Pinikit ko na lang ulit ang mga mata ko at pinakinggan kung magsasalita man ang tao na pumasok o baka naman nurse ‘yon at titingnan ang vital signs ko.

Hinawakan niya ang kamay ko at saka nagsalita.

“Good afternoon, Alex!” masayang bati nito sa akin. Sino ba ‘to? Hindi mo masyadong ma-bosesan.

Magsalita ka ulit! Ayun nga, nagsalita naman siya ulit.

“Gumising ka na, Alex. Miss na kita. Hay. Wala naman papable dito sa ospital. Wait, mayroon pala. Iyon nurse na nagchecheck ng vital signs mo. Hihihi. Hindi lang siya papable, yummy pa.” Nasaan ang papable at yummy?! Gusto ko din makita! Hahahaha! Alex, hinay-hinay lang. Hindi ka pa nga magaling eh!

Hindi ko inaasahan ang sunod na sinabi ni Arianne. Oo, na-bosesan ko na din siya.

“Alex, maraming nagmamahal sa’yo at isa na ako doon. Kaya gumising ka na para makita mo kami. Hehe.” Tumagos sa puso ko ang sinabi niyang iyon. Alam ko, Arianne. Maraming nagmamahal sa akin at isa ‘yon sa mga pinoproblem ko ngayon. Bakit naman kasi tatlo-tatlo pa ang binigay sa akin ni Lord? Nagreklamo pa talaga ako no? Ang hirap kaya ng situation ko. Hindi ko naman sila pwedeng piliin lahat.

“Ocia, aalis na nga ako para makapagpahinga ka pa.” Noooo! Huwag mo akong iwan, Arianne! Ayoko na magpahingaaaa! Ilang araw na ba ako dito sa ospital? Bibitawan na sana ni Arianne ang kamay ko nang hawakan ko siya ng mahigpit. Ayokong iwan niya ako, gusto kong nandito muna siya sa tabi ko.

“A-Alex?” turan niya.

Hinigpitan ko ulit ang pagkakahawak ko sa kanyang kamay para maramdaman niya na gising na ako. Hindi naman niya binitawan ang kamay ko. Naramdaman kong lumapit siya ng kaunti at may pinindot na button sa  may itaas ng kama ko.

Maya-maya pa ay may pumasok sa pintuan. Nurse siguro iyon.

“Miss, pakitawag naman ang doktor ni Alex. Gising na siya. Ginalaw na niya ang kamay niya.” Sambit ni Arianne sa pumasok na nurse.

Pagkalabas ng nurse ay dahan-dahan ko nang minulat ang mga mata ko. Nakita ko si Arianne. Nakaupo na ulit sa tabi ko at hawak-hawak ko ang kamay ko.

“A-Alex? Ok ka na ba? Anong nararamdaman mo?” sunud-sunod na tanong sa akin ni Arianne. Ngumiti lang ako. Natuyuan kasi ako ng lalamunan. Teka, subukan kong magsalita. Bago pa man ako makapagsalita ay pumasok na ang ilang doktor at nurse. Agad nila akong chineck-up habang si Arianne ay nasa tabi ng kwarto at pinagmamasdan ang mga doktor.

Lumapit ang doktor kay Arianne at saka nagsalita.


“Ok ang vital signs ni Ms. Kim pero kailangan pa namin siyang i-monitor para malaman kung tuluy-tuloy ang recovery niya. Pwede na namin siyang i-discharge kapag ok na ang lahat at wala kaming problema na nakita sa utak niya.”

“Ok po, Doc. Salamat po.” Umalis na ang doktor at nurse sa kwarto ko.

“Alex…” tumabi na ulit si Arianne sa akin at ngayon ay umiiyak na.

“A-Arianne, huwag k-kang u-umiyak.” Usal ko dito kahit na tuyot na ang lalamunan ko. Pinahid naman niya ang mga luha niya.

“T-tubig…” ani ko.

“Tubig? Ay, teka. Ikukuha kita.” Agad naman tumayo si Arianne at kumuha ng tubig sa katabi kong mesa. Pinilit kong paupuin ang sarili ko kaso ang hirap. May neck brace pala ako at may benda ang ilang sugat ko.

“Alex, huwag kang gumalaw. Aalalayan na muna kita.” Inalalayan nga ako ni Arianne paupo at saka niya inabot sa akin ang isang basong tubig. Inisang lagok ko lang iyon at humingi pa ang isa.

“Hay. Ang sarap.” Turan ko dito. Hindi na tuyot ang lalamunan ko. Niyakap ako ni Arianne bigla. Tumulo na naman ang luha niya.

“Hoy, Arianne. Tigilan ang pag-iyak. Babatukan kita.” Banta ko dito. Tumigil naman siya at umupo na ulit.

“Arianne, magkwento ka nga. Anong nangyari sa akin? Ang naaalala ko lang, n-nahulog ako sa hagdan.” Napabuntong-hininga si Arianne.

“Dumaan ka ng surgery, Alex. Nagkaroon ka kasi ng traumatic brain injury kaya kailangan nila magsagawa ng surgery para mabawasan ang swelling sa utak mo.” Pagkasabi noon ni Arianne ay agad akong napahawak sa ulo ko. Bakit may buhok pa ako? Hindi ba, kinakalbo muna bago i-surgery? Napansin ni Arianne na hinahawakan ko ang buhok ko.

“Hindi nila shinave ang buhok mo. Hindi naman daw kasi ma-iinfect ang sugat kapag hindi ka tinanggalan ng buhok.” Tumango na lang ako sa sinabi niya.

“Ilang araw na ako dito?” tanong ko dito.

“Second day mo pa lang ngayon.” Sagot naman nito.

“Second day pa lang?! Feeling ko, isang linggo na akong nakaratay dito sa ospital.” Hay. Kung ganoon, matagal-tagal pa ang ilalagi ko dito sa ospital. Boring!

“Alex, gusto mo ba sila makita?” kumunot ang noo ko. Sinong sila?

“Ahm, sila? Sinu-sino ba ang nandyan?”

“Ang barkada, si Ate Alexis mo at Dylan, si Casey at si S-Sander.” Nandito pala silang lahat. Si Lei kaya? Nasaan na kaya ‘yon ugok na ‘yon? Asa pa ako kanila Mom at Dad. Paniguradong wala sila ngayon sa bansa.

“S-Sige. Sabihan mo na sila na gising na ako.” Tumango naman si Arianne at tumayo na para tawagin sila. Siguro, kaya ko pang kaharapin si Casey at Sander, pero si Errol? Hindi ko alam. Hindi ko naman siya masisisi sa nangyari dahil aksidente ‘yon. Naiwasan sana namin ‘yon kung hindi kami sa may hagdanan nag-usap.

Tiningnan ko ang sarili ko. May swero ako sa kanan kamay ko, may mga pasa ako sa braso at paa, may ilang sugat na naka-benda, may neck-brace at may malaking benda sa ulo. Kung tutuusin, himala pa nga na nabuhay ako. Isa pang napansin ko, nanlalagkit na ako! Pwede kaya ako maligo? Tatanungin ko ang doktor ko mamaya.

Bumukas ang pintuan sa kwarto ko at isa-isang nagsipasukan ang barkada. Unang pumasok si Zed at Mai.

“Alex!” Niyakap niya ako.

“Kamusta na kayong dalawa ha?” tanong ko dito at saka tinaasan sila ng kilay. May feeling ako na baka hanggang dito sa ospital ay gumagawa sila ng kababalaghan. Iba kaya ang excitement kapag ginagawa niyo ‘yon sa mga matataong lugar. Ahem! WHOLESOME ako. Huwag kayong ganyan! Wala akong alam tungkol sa mga baga na ganon. Hahaha!

“Ok naman. Tigang nga lang kami ng dalawang araw.” Sagot ni Zed. Binatukan naman siya ni Mai dahil sa sinabi niya.

“Oooh! Bago ‘yan ah! Tigang? Hahahaha!” tinawanan ko sila! Nakakatawa naman kasi sila. Hanggang sa pangangamusta ko, iyon pa rin ang iniisip nila. Hahaha!

“Argh! Leche ka, Zed! Pwede naman iba ang i-sagot mo!” Napakamot naman sa batok si Zed.

“A-Alex, may sasabihin pala kami sa’yo.” Ano naman kaya ang sasabihin nila? Baka… Baka buntis si Mai?!

“Buntis ka?!” sigaw ko agad dito. Nanlaki naman ang mga mata ni Mai. So, totoo nga?! Buntis si Mai! Naunahan pa niya ako. Well, sila naman kasi, halos araw-araw na ginagawa ‘yon samantalang ako, hindi pa.

Nagkatinginan muna sila Zed at Mai bago nagsalita. Nahalata ko din na parang binuhusan ng malamig na tubig si Zed nang marinig ang sinabi ko.

“H-Hindi ako buntis, Alex.” Ha? Hindi naman pala, Alex eh. Masyado ka naman atat.

“Kung hindi ka buntis, ano bang dapat na sasabihin mo?” tanong ko dito.

“A-Ano. M-May nasabi kasi ako habang natutulog ka…” tinatantya ni Mai ang bawat salita na lumalabas sa bibig niya.

“Magpipigil na kami sa paggawa ng kababalaghan.” Singit ni Zed. Binatukan ulit siya ni Mai.

“Bakit mo ako binatukan?!” singhal ni Zed.

“Bakit ka kasi sumingit? Hindi pa nga ako tapos eh!”

“Eh, ang bagal mo kasi!” paliwanag ni Zed.

“Hahahahaha!” Ako yan! Hahaha! Ang kulit talaga nang dalawa na ‘to.

“Ayun nga, magpipigil na kami, Alex. Pangako ko ‘yon sa’yo basta, gumising ka. At heto nga, nagising ka na kaya tutuparin ko ‘yon pangako ko na ‘yon.” Turan ni Mai. Tumigil na ako sa pagtawa at tiningnan silang dalawa. Ginawa pala nila ‘yon para sa akin.

Hinawakan ko ang kamay ni Zed at Mai bago ako nagsalita.


“Salamat sa inyo at nandito pa rin kayo sa tabi ko. Hindi ko naman kayo pinipigilan na gawin ‘yon. Ang sa akin lang, bawas-bawasan niyo lang. Ayokong sa bandang huli, kapag nagkasawaan na kayo sa katawan ng isa’t isa, maghihiwalay kayo. Gusto ko, ma-realize niyo na hindi lang dapat iyon ang nagpapatakbo sa relasyon niyo.” Bakit feeling ko, ang tanda-tanda ko na at pinapangaralan ko ang dalawang bata? Kung tutuusin, pare-parehas lang naman kami ng edad.

Nakayuko lang silang dalawa sa akin at tumango sa mga sinabi ko. Maya-maya lang ay lumabas na din sila at pumasok naman si Leo at Errol.

Agad naman akong siniil sa yakap ni Leo at ganoon din ako sa kanya. Pakiramdam ko, may bumabagabag sa kanya dahil naramdaman kong tumulo ang luha niya sa balikat ko.

“Leo, bakit ka umiiyak?” usal ko dito nang kumalas ako sa yakap niya.

“W-Wala ‘to. Masaya lang ako na ok ka na. Sige, lalabas muna ako. Mag-usap muna kayo ni Errol. Babalik na lang ako mamaya.” Pagkasabi niya noon ay agad siyang lumabas ng kwarto.

Lumapit siya sa akin pero pinanatili niya ang distansya sa pagitan namin. Hindi ko maintindihan ang sarili ko pero nakaramdam ako ng takot nang makita ko siya. Trauma? Trauma nga siguro ang nai-dulot nang aksidente na ‘yon sa akin.

Tiningnan ko siya, mata sa mata. Nakita ko ang lungkot sa mga mata niya.

“A-Alex, I’m sorry. I’m really sorry. I’m glad that you’re ok now. Don’t worry, I’ll be flying back to Macau tomorrow.” Bukas na kaagad? Bakit ang bilis naman? Hindi man lang ba niya ako hihintayin na makalabas ng ospital?

“Hindi mo lang ba ako hihintayin makalabas dito bago ka umalis?” marahang tanong ko dito.

“Hindi na siguro. Ok na sa akin ang makita ka ngayon at makausap ka bago ako umalis.” Sagot nito sa akin. Hindi ko napigilan ang luha ko. Sinenyasan ko siyang lumapit sa akin para mayakap ko siya. Lumapit naman siya at agad ko naman siyang niyakap.

“I’m letting you go, Alex.” Aniya.

“Close friends pa din tayo ha?”

“O-Oo naman.” Niyakap ko siya ng mahigpit. Bago siya kumalas sa yakap ay hinalikan muna niya ako sa noo kahit na may benda ako.

Sumunod naman na pumasok sila Ate Alexis at Dylan. Kinamusta lang nila ako at agad din naman lumabas. Bago lumabas si Dylan ay may binulong muna siya sa akin nang yakapin niya ako.

“You look like my Mom, Alex. You remind me of her.” Kumalas na siya sa yakap at saka ngumiti sa akin.

Pagkalabas nila Ate Alexis ay si Sander naman ang sunod na pumasok. Malinis na ang itsura nito kumpara noon huli ko siyang nakita. Gwapo pa rin ito at HOT sa paningin ko. Hihihi.

Kinamusta lang niya ako saglit at saka pinaalala niya sa akin ang plano namin para malaman kay Carmi ang totoo. Oo nga pala. Ilang linggo na lang at fashion show na ni Kaye. Lumabas na din siya para daw makapagpahinga na ako.

And last but not the least, si Casey. Siya ang huling pumasok sa kwarto ko. Luminga-linga muna siya mula sa malaking glass panel na katabi ng pinto. Nang masiguro na walang tao ay agad siyang lumapit sa akin , hinawakan ako sa magkabilang pisngi at sinunggaban ako ng halik.

Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya. As in, nakadilat ako habang hinahalikan niya ako. Hindi ko alam kung ano ang sumapi sa akin at pinikit ko ang mga mata ko at tinugon ang halik niya habang nakahawak ako sa magkabilang pulsuhan niya.

Pakingsyet! Bakit ang sarap niyang humalik?! Hindi ko tuloy mapigilan ang sarili ko! Argh. Hindi, Alex. Pigilan mo hanggang kaya mo pa. Mali ‘to! Maling-mali!

“C-Casey… Stop.” turan ko nang medyo humiwalay ang labi niya sa labi ko.

Pero tinuloy pa rin niya ang paghalik sa akin. Takte ka, Casey! Ayaw paawat?!

In short, nagtukaan kami ng ilang minuto hanggang sa natauhan siya at siya na ang kusang humiwalay. Pinagdikit muna niya ang noo niya sa noo ko.

“I love you…” Tinitigan ko ang mga mata niya at puno ng pagmamahal at longing ang nakikita ko. Casey. Bakit mo ako pinapahirapan ng ganito?

Unti-unti niyang nilayo ang mukha niya sa akin pero nakahawak pa rin siya sa mukha ko at ako naman sa pulsuhan niya nang biglang bumukas ang pinto.

“Pinsan!”

Continue Reading

You'll Also Like

124M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
126K 2.8K 23
Fanfiction of Anthony Semerad .. The images/pictures used in the story is NOT mine. Credits to the rightful owner of the pictures.
3.2M 159K 54
[RFYL book 2] When the enemy is close behind, you need to run as fast as you can. RUN AS FAST AS YOU CAN Written by: SHINICHILAAAABS Genre: Science F...
4.2M 166K 77
He ordered two men he could trust to fetch the woman he had chosen to marry. But due to a mistake, a different woman than he expected came.... "S-sor...