19_Change

3.5K 45 16
                                    

“Teka, teka! Pinsan mo ang isa sa mga tinaguriang HOT boys sa university?!” sigaw sa akin ni Arianne. Paulit-ulit? Hahaha!

“Oo nga! Kaya nga nagtataka ako kung bakit hindi niyo alam na pinsan ko siya.” Namilog ang mga mata niya sa sinabi ko. Malaking rebelasyon ba ‘yon? Hahaha!

“OMG! Bakit hindi mo sinabi kaagad?”

“Nagtanong ba kayo? Hindi diba? Ang tinatanong niyo lang naman sa akin ay kung boyfriend ko si Casey.” Hahaha! Iyon naman kasi ang madalas nilang itanong sa akin. Ni minsan, hindi nga nila tinanong kung kapatid ko ba si Ate Alexis. O sabihin na natin na masyado lang akong tahimik pagdating sa personal na bagay.

“Hindi, pero kahit na! Akala ko pa naman kayo na, kasi sobrang sweet niyo sa isa’t isa.” Isa siguro ito sa pagkakamali namin ni Casey. Masyado kami naging sweet. Weh?! Ginusto mo din naman, Alex!

“Masama bang maging sweet ang mag-pinsan? Hahaha!” Sige, Alex. Daanin mo lang sa tawa ang lahat.

“So, move on na tayo kay Casey. Sino ang naging boyfriend mo kung ganoon? Kung hindi si Brent, si…” Ilang minutong nag-isip si Arianne. Alam naman nito kung sinu-sino ang nanligaw sa akin noon college. Lalo na noon naging senior kami.

“Si Sander?” Unang hula pa lang, tama na siya.

“Oo.” Biglang nawala ang ngiti ko nang sabihin niya ang pangalan ni Sander. Hindi ko pa rin alam kung bibigyan ko pa siya ulit ng second chance.

“Arianne, kunwari sinaktan ka ng boyfriend mo nang hindi sinasadya tapos humingi siya ng second chance, bibigyan mo ba?”

“Siguro. Hindi naman niya kasi sinadya na saktan ako at saka kung mahal ko pa ‘yon tao, oo. Bibigyan ko ng second chance. Sayang din naman kasi ‘yon relationship na matagal namin binuo.”

“Ahh. Thanks.”

“Bakit? Nagkaproblema ba kayo ni Sander?” Shoot! Nag-backfire ang tanong ko sa kanya.

“Hindi naman. Naitanong ko lang.”

“Dali, Alex. Magkwento ka. Kamusta naman as boyfriend si Sander? Mabait pa siya? Magaling sa kama?” Gad. Ano ba ‘tong mga tanong ni Arianne.

“Mabait, oo. Magaling sa kama? Hindi ko alam. Hindi pa kami umaabot doon.” Kaswal na sagot ko dito. Hay. Hindi ko ma-imagine ang sarili ko na nasa kama at ginagahasa ni Sander. Hahaha!

“Seriously?! My God, Alex. You’re still a virgin?!” Tinakpan ko naman ang bibig ni Arianne. Grabe talaga kung makasigaw ‘to.

“Ano ka ba! Kailan ipagsigawan na virgin pa ako?”

“Sorry. Pero, Alex, nahalikan mo naman siya?” Ano bang klaseng tanong ‘yon? Talaga ‘tong si Arianne.

“Arianne naman. Anong klaseng tanong ‘yan! Hahaha! Malamang, boyfriend ko ‘yon tao. Hanggang make-out nga lang ang ginawa namin.” Grabe talaga ‘tong si Arianne. Sabagay, hindi ko rin siya masisisi. Wala pa kasi siyang boyfriend. In short, NBSB. Pero makasigaw kanina diba? Akala mo, hindi na virgin.

“Sabi ko nga eh! Haist. Bwiset kasi ‘yon papable na nakita ko sa bar. May sabit na pala.” Oo, ‘yon papable na nakita niya sa bar ni Casey noon soft opening ay may sabit na pala. Flirt, kumbaga. Hahaha! Boyfriend na sana niya ‘yon naging bato pa.

Lab U, Insan! (Book I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon