26_The Runway Scene

3.3K 51 15
                                    

Nagdridrive na ako ngayon papunta sa office ni Kaye. This is it! Ngayon na ang araw ng fashion show ni Kaye. Naghalf day lang ako sa trabaho ko ngayon para puntahan si Kaye. May ipapasukat daw siya sa akin.

Pagkadating ko sa harap ng office niya ay agad akong pinark ang sasakyan ko. Napansin ko ang sasakyan ni Sander na naka-park na.

Bakit siya nandito? Kanino kaya nakuha ni Kaye ang contact number ni Sander? Binigay ko ba? Ay, oo nga pala. Hiningi niya kahapon sa akin ang number ni Sander. Hehe.

Hindi man lang ako sinabihan ni Kaye! Hmp. Hindi ako prepared. Ano nga ba ang kailangan kong paghandaan? Ang matinding yakap niya o ang scene namin mamaya? Syet! Make-out sa harap ng maraming tao?! Parang hindi ko ata kaya ‘yon. Huhuhu.

Bumaba na ako ng sasakyan at sinalubong ako ng assistant ni Kaye na si Aries.

“Good morning, Ma’am.”

“Good morning, si Kaye?” tanong ko agad dito. Excited na din kasi ako na makita ang ipapasukat niya.

“This way po, Ma’am.” Ginuide ako ni Aries sa isang kwarto kung nasaan daw si Kaye. Pagkabukas na pagkabukas niya ng pinto ay nakita ko si Sander na nakasuot ng suit habang si Kaye naman ay busy sa pagchecheck para sa adjustment.

Tumikhim si Aries para makuha ang atensyon ni Kaye at ni Sander. Hmmm. Bakit ganoon? Kakaiba ang atmosphere sa loob ng kwarto. Hay. Baka naman may multo sa kwarto? Takutin ko kaya ulit itong si Sander. Hahaha!

“Alex!” agad ako nitong sinalubong ng yakap. Ginantihan ko siya ng yakap. Namiss ko talaga itong bestfriend ko na ‘to.

Nang kumalas sa yakap at samu’t saring tanong ang binato nito sa akin.

“Alex, kamusta ka na? Ok ka na ba? Kamusta na ang sugat mo? Masakit pa ba?” sunud-sunod na tanong nito habang hawak ako sa magkabilang balikat.

“Kaye, ok na ako. Magaling na ang sugat ko sa ulo at hindi na sumasakit.” Sagot ko naman dito.

“Mabuti naman. Oh, teka. Isukat mo pala ‘to.” Kinuha ni Kaye ang isang dress mula sa isang cabinet at binigay sa akin.

“Ano ‘to?” Alex, nagtanong ka pa. Nakita mo naman, dress diba? Hahaha!

“Basta, isukat mo na, dali.” Tinulak ako ni Kaye sa fitting room sa loob ng kwarto. Pagkadating ko doon ay tinitigan ko mabuti ang dress. May tag na nakasabit sa gilid.

Sinukat ko ang dress at saka umikot sa harap ng salamin. Tama lang ang fit ng dress. Hindi ‘to masyadong revealing at tama lang ang haba nito sa legs ko.

Lumabas na ako ng fitting room para ipakita kay Kaye ang itsura ko, pero wala si Kaye. Si Sander lang ang naiwan sa loob ng kwarto.

“Nasaan si Kaye?”

“May kausap lang sa phone.” Turan ni Sander. Bigla itong naglakad papalapit sa akin at niyakap ako.

“I’m sorry, Alex.” Huh? Sorry for what?

“Sander, napag-usapan na natin ‘to diba?” sagot ko sa kanya habang magkayakap kami. Hiniwalay na niya ang katawan niya sa katawan ko at lumayo ng kaunti sa akin. Ang weird niya ngayon ah.

“I-I-I…” Nakayuko siya habang pinipilit ilabas sa bibig niya ang dapat niyang sabihin. Ganito siya kapag kinakabahan. Nauutal sa pagsasalita at nakayuko.

“OMG! Alex, the dress looks good on you!” sigaw ni Kaye pagkapasok niya ng room. Hindi na tuloy nasabi ni Sander ang dapat niyang sasabihin. Lumapit si Kaye sa akin at iniikot ako.

Lab U, Insan! (Book I)Where stories live. Discover now