10_Casa Blanca

3.8K 61 19
                                    

Tinanggal ko ang shades ko at lumapit ng kaunti para masigurado kung si Sander nga ang lalakeng kasama ng babae.

Langit, lupa o impyerno?

Saan niyo tingin babagsak ang babaeng iyon at si Sander (kung siya nga iyon)?

Langit, lupa o impyerno?

Ako, sa tingin ko sa LUPA!

Habang papalapit ako ay mas lalong kumakabog ang dibdib ko sa kaba.

Bawat hakbang ko ay unti-unting lumilinaw ang lahat.

“Sana hindi si Sander ko. Sana hindi siya. Sana ibang Sander.” Bulong ko sa sarili ko.

Pwede naman ibang Sander iyon diba o ibang tao na katunog lang ng pangalan ni Sander, katulad na lang ng Xander.

Tiningnan ko ang lalake mula ulo hanggang…

PUCHANG INA!

Nasa leeg pa lang ako, alam ko nang si Sander iyon dahil sa bite mark.

Base na rin sa uniform na suot niya, siya nga iyon.

Nilipat ko ang tingin ko sa babae at pokpok na pokpok ang dating niya ha.

Unti-unti akong lumapit sa pwesto nila. Wapakels ako kung mapansin nila ako o hindi pero grabe, galit ako. Sa sobrang galit ko ay napaluha na ako.

Sabihin niyo nga, may babae bang hindi magagalit kapag nakita niya ang boyfriend niya na nakikipagtukaan at higit pa sa ibang babae?! Wala diba? Unless, flirt din iyong babae. E, hindi naman ako flirt at may karapatan naman akong magalit dahil girlfriend niya ako.

Nakatalikod si Sander sa akin habang ang babae naman ay nakayakap kay Sander. Napansin ako ng babae pero hindi siya natinag sa dark aura ko. Bagkus ay ngumiti pa ito ng nakakaloko sa akin bago bumulong kay Sander.

“Sander, baby, I think someone enjoyed our little show here.” Bulong ng babae kay Sander at saka kinagat ang earlobe nito.

Aba, walanghiyang babae ito! Kumalas naman si Sander sa babae at dali-daling inayos ang sarili.

Hindi ko na hinintay na matapos si Sander sa kung ano man ang inaayos niya. Nilapitan ko ang babae at marahas na hinila ang buhok nito hanggang sa napaupo siya sa semento.

“Ouch! Let me go, bitch!” Lalong nag-init ang ulo ko dahil sa sinabi niya. Bitch na kung bitch, wala akong pakialam. Lintik lang ang walang ganti!

“Sh*t!” sigaw ni Sander nang makita ang ginawa ko.

Himala pa nga at nagulat siya ng makita niya ako. Dapat lang dahil nagsisimula pa lang ako.

Tumayo ako ng diretso habang hawak-hawak pa rin ang buhok ng babae. Pilit niyang tinatanggal ang kamay ko sa buhok niya pero hindi niya magawa dahil mas malakas ako sa kanya. Ang dami ko kayang kinain kanina at samahan mo pa ng alak.

Lab U, Insan! (Book I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon