BOOK 2: Confession of a Gangs...

Par vixenfobia

647K 10.6K 968

SERIES 2 || Running away is not the answer. ©2014 Plus

Confession of a Gangster
Confession 01: Starting My Peaceful Life
Confession 02: Hello Life in Peace. Damn.
Confession 03: Who's Doomed? You.
Confession 04: Oz Bezarius; the Wrecker
Confession 05: Alice in Arendelle Forest
Confession 06: Stalking Confusions
Confession 07: The Blue Eyed and The Council
Confession 08: Wizard Tailing The Goblin
Confession 09: The Gods Playing in G Co.
Confession 10: This J is so New
Confession 11: Concealing Scars
Confession 12: Curse Under the Rain
Confession 13: Unexpected Visitors
Confession 14: A Taste of Hell
Confession 15: First Step
Confession 16: Cinderella Was Gone
Confession 17: Apomorphine Shot
Confession 18: The Nightmare
Confession 19: Do the Moves
Confession 20: Pissed to Meet You
Confession 21: Underground Society
Confession 22: Puzzlement
Confession 23: Savage Chameleon 1
Confession 24: Savage Chameleon 2
Confession 25: Losing Sanity
Confession 26: Angel and Her Wings 1
Confession 27: Angel and Her Wings 2
Confession 28: Possession
Confession 29: Leon Ford
Confession 30: Inside Yoshima Mansion
Confession 31: Conspiracy
Confession 32: Mind Maze
Confession 33: Toss Coin
Private Confession: Love. Lust. Claimed.
Confession 34: Could It Be?
Confession 35: Twisted Chains
Confession 36: Touch of Blood
Confession 37: Most Painful Truth
Confession 38: Queen vs. King vs. Knight
Confession 40: Unconscious Consciousness
Confession 41: She Died
Confession 42: No Air
Confession 43: Rage of the Blue Claws
Confession 44: Broken Strings
Confession 45: Chain of Fate
Confession 46: Scythe of Ferox
Confession 47: Cinderella's Fangs
Confession 48: An Epilogue
Confession 49: Be Mine, Alice
Confession 50: It's All About Us
Epilogue: The Last Confession
Onee-chan's Last Death Note

Confession 39: Queen Alice

7.5K 145 39
Par vixenfobia

Confession 39: Queen Alice

 

“Ganoon mo siya kamahal?”

Naalala ko na naman ang tanong sakin ni Spade noon na hindi ko nasagot. Hindi naman sa hindi ko alam kung ano ang dapat isagot, natatakot lang akong magbitiw ng salita na walang kasiguraduhan kung hindi ko ba pagsisisihan. I don’t regret loving Oz and I know would never, pero ako na mismo ang nagsabi na may mga pagkakataong ang sagot ay depende sa sitwasyon at depende sa rason. Hindi ko rin masasabi kung hanggang saan ko siya kayang mahalin. Dahil alam kong darating ang panahong mag-iiba ang pananaw ko sa mga bagay-bagay. Magulo pero ‘yon ang totoo.

Inabot ko ang tequila at walang sabi-sabing tinungga ang dalawang baso ng magkasunod. Napapikit ako nang maramdaman ang init ng paghagod ng alak sa lalamunan ko. Isinandal ko ang sarili sa couch saka pinagmasdan ang madilim na paligid. Mag-iisang oras na rin mula nang makarating ako dito kaya nakaadjust na ang mga mata ko sa dilim. Bawat indak, bawat hagod ng mga kamay, paghithit-buga ng usok ng sigarilyo at pagtungga ng alak, lahat nasusubaybayan ko.

Napangisi na lang ako sa mga nakikita. Dapat sa mga oras na ito ay nagbabantay ako kay Aldous pero ito at nastuck ako sa lugar na ito. Akala ko sapat ng malaman kong may pinatatakbong Underground Society ang mga magulang ko. Akala ko ‘yon na ang una at huling pagtapak ko sa lugar na ito pero hindi ko inaasahang naririto na naman ako sa mga oras na ito.

Pinagmasdan ko ang caged arena hindi kalayuan sa kinauupuan ko. Ilang sandali na lang at mabubuhay na naman ang dugo ng mga manunuod. Kakaiba. Bakit ba naisipan pa nilang gumawa ng ganyan kadelikadong laban? Isang buhay kapalit ng kalayaan sa likod ng rehas na ‘yan? Kalokohan. But if you still want to live, then kill.

“Kanina ka pa?” Binawi ko ang tingin mula sa arena at nakita ang nakangiting si Spade sa harapan ko. Naupo ito sa tabi ko at nilagyan ng alak ang dalawang basong nasa lamesa ko. “Cheers?” Inabot ko ang basong hawak niya saka kami nagtoast. Sabay naming tinungga ang alak.

“Wala pa rin ba sina mama at papa?”

 

“Nakasabay ko sila. Pumunta sa office ni daddy.”

 

Napaismid ako sa ideyang may sariling office ang magulang namin sa underground na ito. Isn’t our parents cool? Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwalang sila mismo ang nagpapatakbo ng isang underground na hind nila matibag dahil sa banta ng Black Market. Malakas nga naman talaga ang connections ng U. Soc. no wonder kung bakit pilit pinapabagsak ng Silver Wolves ito. Mula sa kasuluksulukan ng lugar na ito, hindi mawawala ang iba’t-ibang grupo ng gangsters, mafias and even yakuzas. Kanina ko pa nga naiisip kung paano na lang kung biglang mag-away-away ang mga ito. Nakakatawa siguro. The mere fact na wala pang nangyayaring gulo hanggang ngayon kahit na mortal enemies ang mga grupong ito, nakakatawa na.

“Sigurado ka na ba sa desisyon mo? Alam mo naman kung gaano kadelikado ito, diba?” I nodded staring at my shot glass. “Pero bakit mo pa rin gagawin? Pwede ko naman sila kausapin na wag mong gawi-”

 

“Wala naman akong magagawa kung ito ang gusto nina mama at papa. I think it’s time para ipasa na nila ang obligasyong ito sakin, Spade.” Bakas ang pag-aalala sa mukha niya kaya nag-iwas ako ng tingin. Baka bigla akong pumayag sa gusto niyang wag na ituloy ang laban kapag patuloy pa rin akong tumitig sa mga mata niya.

“Please Alice, don’t do this.”

 

“Hindi naman ako mamatay sa laban. I promise.” Itinaas ko pa ang kanang kamay ko.

“Wag ka na uminom ng alak. Masyado ng malakas ang loob mo para sa laban.” Sabay layo nito ng mga alak sa lamesa namin at inilipat sa katabi niyang lamesa. Napairap na lang ako sa inasta niya. Daig pa ang ama.

Simula nang magkausap kami ni Spade at naopen ko na sakanya lahat ng hinanakit ko, naging mukhang over protective na siya sakin. Lahat na lang ng kilos ko binabantayan. Pati nga itong pagtake over ko sa U. Soc. hindi niya ako pinayagan pero sa huli ay wala rin siyang nagawa dahil desisyon ko pa rin naman ang masusunod.

“Hindi na ba talaga magbabago ang isip mo?”

 

And for the nth time, I rolled my eyes. “Aren’t you tired asking me, Spade? Destined na sakin ang sitwasyon na ito bago pa man ako ipanganak.” Tinitigan ko lang ito sandali bago ito nagbuntong hininga. A sigh of defeat.

“Alice.” Napalingon ako nang marinig ang boses ni mama sa hindi kalayuan. Naglalakad na ito kasama sina papa at tito Ace habang kumakaway pa. Dumiretso si tito Ace sa tabi ni Spade habang kaharap ko naman ang mga magulang ko. Bakas pareho sa mukha nila ang pag-aalala lalo na kay papa pero parepareho naman kaming walang magagawa. I’m one of the bosses so I need to do the initiation no matter what. Hindi rason ang pagiging Yoshima-Lifram at Grey ko para ipaurong ang laban. Delikado pero alam ko namang kaya ko.

“Sigurado ka na bas a desisyon mo anak? Pwede namang next time na lang ‘to kapag nakapagtraining ka na ulit,” nag-aalalang tono ni papa bago ibaling sa caged arena ang tingin. “Alam mo naman kung gaano kadelikado ‘yan at matagal ka na ring huminto sa training mo.”

 

“I know I can.” Simple kong sagot.

“I’m sorry Alice kung sayo namin ipinapasa ang responsibilidad na ito.” Nabaling naman ang tingin ko kay mama. Malungkot ang mga mata nito na halatang kahit siya ay hindi kumbinsido sa desisyon ko. Tutol siya dito, alam ko.

“Kahit naman hindi comatose si Aldous, ako pa rin ang gagawa ng initiation. I won’t let that guy stand on that arena. Ipapatalo niya lang ang laban,” saad kong nakangisi. Bahagya namang napatawa si mama sa sinabi ko saka hinawakan ang kanan kong kamay. Malamig ang mga kamay niya, halatang kinakabahan pero hindi kita sa mukha. Parang mas kabado pa si mama kaysa sakin. Mas kabado pa itong mga taong kasama ko.

“Stay safe, Alice.”

 

“Yeah, mom.”

 

Tumayo na ako at nag-inat ng katawan. Hinalikan ko muna si mama at papa sa pisngi bago humarap kay Spade. Nagthumbs up ito sakin maging ang daddy niya na sinagot ko naman ng tango. I’ll win this battle and I’ll take over this Underground Society. In that way, mas mapapabilis ang paghahanap ko sa kung sino man ang nagpapatakbo ng Silver Wolves. Their motives and all. Ito naman talaga ang pinakarason ko kung bakit pumayag akong i-take over ang U. Soc.

Naglakad ako papunta sa kabilang side ng arena kung saan ay kita ko ang representative ng PACT. Isang mafia organization na binubuo ng apat na bosses na magkakapatid. Magkakatabi itong nakaupo habang may suot na half-mask kung saan ay mga mata lang nila ang kita. Tatlong lalaki at isang babae. Prenteng nakaupo ang apat habang nakatayo hindi kalayuan sakanila ang isa sa underling nila na lalaban sakin for initiation. Aura pa lang ng PACT kakaiba na. No wonder they were crowned as the most powerful mafia for years. No one knows their true indentities. Masyadong tago. They move as sly as fox. Dangerous.

Nabaling naman ang tingin ko sa underling na lalabanan ko. Nakangisi ito sakin at panay ang patunog ng mga daliri at kamao. Hindi ko maiwasang mapairap sa itsura niya. Malayong-malayo ang lalaking ito sa bosses niya. Mayabang pero walang angas. Easy peasy. Isang laban lang naman ang titiisin ko at matatapos rin ito.

Napuno ng hiyawan ang buong paligid noong magsimula ng magsalita ang announcer. Sabay kaming umakyat sa arena kasabay rin ng unti-unting pagbaba ng bakal na rehas. Napatingala ako sa caged. Humahalo ang tunog ng bakal sa ingay ng paligid. In just a minute, the battle will start. Nag-inat ako ng katawan at muling ibinaling sa kalaban ko ang tingin. Ganoon pa rin ang ginagawa nito na animo’y walang kapaguran o sadyang wala lang siyang alam na gagawin. Malaki ang katawan niya at doon siguro ako mahihirapan. Bato-bato at kung ikukumpara sakin, parang balahibo lang ako kapag itinabi sakanya. But this is not all about the body-built, it’s how well you’ll play the devil game.

Third Person’s POV

 

Tuluyan ng nakulong ang dalawang manlalaro sa bakal na rehas. Ugong ng sabay-sabay na hiyawan ang umaalingawngaw sa buong underground. Kabikabila ang pusta sa mga manlalaro at hindi maikakaila na bakas ang kasiyahan sa mukha ng mga manunuod sa inaabangang laban. Ngayon na lamang muli sila makasasaksi ng kakaibang laban sa pagitan ng isang lalaking underling ng isa sa pinakamakapangyarihang mafia at babaeng nakatakdang mamalakad sa underground.

Samantala, hindi naman magkandaugaga si Spade sa kanyang kinatatayuan habang pinagmamasdan si Alice sa loob ng caged arena. Katabi nito ang ama na tahimik na nanunuod, habang itinali naman ni Max ang kanyang asawang si Steve sa isang upuan dahil nagsisimula na itong magalit at magwala kahit hindi pa man nag-uumpisa ang laban. Kung nagawa niya lang sana tumakas sa Japan para puntahan dito ang anak niya ng hindi nalalaman ni Steve ay hindi na siya mamomroblema. Sa totoo lang, mas problemado siya sa asawa niya kaysa sa magiging laban ni Alice. Malaki kasi ang tiwala ni Max sa anak at alam niyang hindi ito ganoon kadaling talunin. Saksi siya sa mga panahong palihim na tinitrain ni Tanda (Grandpa Kanji) ang batang si Alice noon.

Tahimik siyang nakamasid sa arena, fixing her eyes on her daughter. Naalala na naman nito ang biglaang pagtawag sakanya ng anak noong isang araw at hindi maitatanggi ang magkahalong gulat at pagkabahala na naramdaman niya sa hiniling nito.

[Ma, let me take over the Underground Societ.] Malamig ang tonong sambit sakanya ni Alice mula sa kabilang linya. Gulat na nagkatinginan sila ni Steve. Narinig rin ng kanyang asawa ang sinabi ng anak dahil nakalouspeaker ang hawak niyang cellphone at nagkataong nasa sala sila ni Steve habang magkatabing nanunuod ng TV.

 

“Alice, paano mo nalaman ang tungkol sa U. Soc.” Kabado ngunit hindi ipinahalata ni Max sa kanyang boses ito.

 

[Spade told me everything at noon ko pa alam ang tungkol doon, ma.]

 

Napatapik na lamang ito sakanyang noo sa narinig. “Kung ganoon, bakit mo pa gugustuhing hawakan ang underground? Alam mo ba kung gaano kahirap patakbuhin ang ganyang kalakaran? Mag-isip ka muna Alice-”

 

[Matagal ko ng napag-isipan ang tungkol dito, ma. Please let me. And whatever the consequence will be, I’ll take a full of responsibility of it. Just this once, ma.]

“Hindi ko alam kung ano ba talaga ang rason mo, Alice, pero may tiwala ako sayo,” bulong nito sa sarili habang nakamasid sa anak.

Ibinaling ni Alice ang kanyang malalamig na mata sa kalaban at ganoon na lamang ang pagkabiglang rumehistro sa mukha ng lalaki nang mapagmasdan ang matingkad na kulay asul na mata ng dalaga. Walang maramdaman ngayon si Alice bukod sa kagustuhang mapasakamay ang underground. Mas magiging madali sakanya ang lahat kapag hawak na niya ito.

Nagsimulang maglakad paikot ang dalawa habang nanatiling nakatingin sa isa’t-isa. Nagpapakiramdaman at nagtatanyahan kung sino ang unang aatake. Kalkulado naman ang bawat hakbang ng dalaga, alerting her system. Mabilis niyang pinasadahan ng tingin ang kalaban at kita niya ang pagkislap ng excitement sa mga mata nito.

Blangko ang utak ngayon ni Alice. Tila ay wala itong ibang makita sa paligid bukod sa kanyang kaharap na kalaban. Ni hindi na niya alintana ang katotohanang nakakulong sila ngayon sa mga bakal at isang buhay lamang ang maaaring lumabas. The battle will end either she’s still breathing or dead.

“Sayang ang ganda mo kung masisira lang ng kamao ko.” The guy boasted, planting a smirk on his lips. Wala pa rin namang nagbago sa ekspresyon ni Alice kahit na sa totoo lang ay nayabangan na ito.

“Save your mouth for my knee kick, man.” Napairap pa ang dalaga sa hangin na ikinalukot naman ng mukha ng lalaki. She wanted to fueled up this guy to start a wild fire.

Hindi naman nabigo si Alice nang simulang takbuhin ng lalaki ang kanyang kinatatayuan with a full blast right hand punch. Mabuti na lamang at mabilis ang reflexes niya at naiwasan niya ito. Hinuli niya ang sando ng lalaki at malakas na hinatak ito palapit sakanya, with her left knee na malakas na tumama sa sikmura ng lalaki. Napaatras ang kalaban hawak ang kanyang tiyan. Napaubo ito bago tumunghay sakanya at masama siyang tiningnan. Hindi na naiwasan ni Alice ang ngising gumuhit sa mga labi niya matapos makita ang galit na mukha ng lalaki na ano mang oras ay handa na muling sumugod.

“Mayabang ka.” Mariin at galit na bigkas ng lalaki bago ito muling tumakbo palapit sakanya. They threw punches with each other at hindi na maiwasang matamaan nila ang mukha ng isa’t-isa. Pilit iniiwasan ni Alice ang malalakas na bitaw ng suntok ng kanyang kalaban nang mapaatras siya ng malakas na suntok sa kanyang kaliwang pisngi. She was taken aback by his fast sudden move. Hinila nito ang buhok ni Alice sa likurang parte ng kanyang ulo at malakas na itinulak sa bakal. Tumama ang noo ng dalaga dahilan para sa maliit na pagputok nito. A blood started to pour on the right side of her face. Humalakhak ang lalaki at muling hinatak ang ulo niya palayo sa bakal. Napangiwi siya ng diinan ng lalaki ang pagkakasabunot sa buhok niya. The guy is continuously tighting his grip on the fistful hair he’s grasping.

Napamura si Alice nang inilapit ng lalaki ang mukha sa kanya. Pinilit niyang iiwas ang kanyang ulo ngunit lalo lamang humihigpit ang pagkakasabunot sakanya. Lalo namang umingay ang paligid. May mga iilang dismayado dahil sa nagiging takbo ng mga pangyayari.

“Bullsh*t.” Mariing mura ni Alice nang dilaan ng lalaki ang kaliwang parte ng kanyang mukha hanggang sa tainga. Nanginig ang kanyang mga kamao sa galit. Pinagdikit-dikit niya ang mga daliri at tinigasan ito. Tiniis niya ang sakit sa pagkakasabunot sakanya at buong lakas na iniharap ang katawan sa lalaki saka malakas na ipinatama ang kanyang kamay sa leeg ng lalaki. Nagkaroon siya ng pagkakataong makaalis sa pagkakahawak nito dahil sa atake niya. Kung mas malakas pa sana ang atakeng nagawa niya ay siguradong madudurog ang adam’s apple nito leading to an immediate death. Napahawak siya sa kanyang ulo at minasahe ang anit na nasaktan. Pinagmasdan niya ang hirap sa namumulang mukha ng lalaki na walang humpay na umuubo at naghahabol ng hininga. Dahan-dahan siyang naglakad palapit dito at malakas na sinipa sa dibdib dahilan upang mapahiga ito. She’s wondering how this guy became a mafia underling kung ganito kahina. Masyadong mayabang at padalos-dalos sa kilos.

Tinapakan niya ng mariin ang dibdib nito upang mas mahirapan itong huminga ngunit nabigla siya sa paghuli nito sa binti niya saka ito inikot. Sinundan niya ang ikot ng binti niya upang hindi ito mabali. Nakadapa na siya ngayon habang pinipilit ng lalaki ang kanyang binti patalikod. Napangiwi siya sa sakit na naramdaman. She was caught off guard.

“Damn.” Kagat labing tinitiis ni Alice ang sakit ng kanyang binti.

“If you think you can beat me that easy, think twice, young lady.”

 

Walang magawa si Alice kun'di umungol sa sakit to suppress herself from screaming. Sobra na siyang nasasaktan sa ginagawang pagpilipit ng lalaki sakanyang binti. Sinubukan niyang pumalag pero masyadong malakas ang kalaban. Naisipan niyang kailangan niyang biglain ang kalaban ng isang malakas na pagpalag para makaikot siya dahil nahihirapan siyang gumalaw sa pagkakadapa. Nagpahinga muna siya sa pagpalag at tinantya ang lakas ng pagkakapilipit sa binti niya. Huminga siya ng malalim bago malakas na isinipa ang binting hawak ng lalaki at buong lakas na inikot ang sarili mula sa pagkakahiga. Hinuli niya ang batok ng lalaki gamit ang kabila niyang binti at malakas na ibinalibag ito sa sahig. Umikot muli siya and handlocked the guy. Malakas na napasigaw ang lalaki sa sakit ng pagkakapilit ni Alice sa kanyang braso. Nakaipit ang braso nito sa nakacross na hita ni Alice habang ang mga kamay naman niya ang pumipilit sa braso nito.

Inatras niya ang sarili dahilan upang mahatak ang braso ng kalaban at muli itong napasigaw sa sakit. Ubod ng lakas na sinipa ng dalaga ang tagiliran ng kalaban bago bitawan ang braso nito. Namilipit sa sakit ang lalaki habang ginamit naman ni Alice ang maikling sandaling ‘yon para makalayo sa kalaban at makapaghabol ng hininga. Tumayo siya mula sa pagkakaupo ngunit hindi niya inaasahang mapapahawak siya sa rehas nang muntik siyang bumagsak muli sa sahig sa kawalan ng lakas ng napilipit na binti. Napasigaw ang mga manunuod. She’s acknowledging how strong this guy is. Halos mabali ang buto niya sa ginawa nito kung hindi lamang agad siya nakatakas.

“Let’s finish this in few moves!” Sigaw niya sa kalabang kasalukuyang inaalalayan ang sarili upang makatayo. Masamang nakatitig sakanya ang lalaki ngunit nginisihan niya lang ito.

“I’ll kill you.”

 

Aldous.

Sandaling natigilan si Alice sa sinagot sakanya ng kalaban. Nakaramdam siya ng biglaang kaba at takot sa kanyang loob. Biglang pumasok sa isip niya ang mukha ni Aldous na walang malay na nakaratay sa hospital bed. Naisip niya kung ganoong mga salita rin ang sinabi ng BSW sakanyang kapatid. Unti-unting nabura ang ngisi sakanyang labi at muling nanumbalik ang malamig at walang emosyong mukha nito na nakapaghatid ng kakaibang kilabot sa kalaban maging sa mga manunuod. Naging blangko muli ang tingin ng dalaga sa paligid na tanging ang lalaking kaharap niya lamang ang nakikita.

I’ll kill you. Parang sirang plakang paulit-ulit na umugong ang tatlong salitang ‘yan sa ulo ni Alice at ‘yan din ang gusto niyang gawin ngayon sa kaharap na kalaban.

Muling nagsukatan ng tingin ang magkatunggali. Hindi naman maintindihan ng lalaki kung bakit bigla siyang nakaramdam ng kilabot sa kanyang loob habang pinagmamasdan ang malamig na mukha ni Alice. Napapaatras siya sa kanyang kinatatayuan sa hindi malamang dahilan. Diretso namang tinatahak ng dalaga ang pwesto ng lalaki with her chilling and light steps. Napasandal na ang lalaki sa rehas at huminto na rin si Alice sa paglalakad nang magkaharap na sila.

“I’ll kill you.” Nanlaki ang mga mata ng lalaki nang marinig ang malamig na boses na bulong ni Alice sa kanyang tainga. Imagine this emotionless face and cold blue eyes staring at you with a shed of blood on it’s face dahil sa pumutok na kilay. Chills started to run down on his spines. Tinangka niyang suntukin si Alice ngunit nahuli ng dalaga ang kanyang kamao. Napasigaw ang lalaki sa sakit matapos diniinan ng dalaga ang pagkakahawak. Ibinalibag niya ang braso ng lalaki at walang sabi-sabing sinikmuraan ang lalaki gamit ang kanyang kaliwang kamao. Napayuko ito sa sakit na natamo ngunit hindi kuntento ang dalaga at mabilis na sinundan ito ng knee-kick on same spot. Napaawang ng bibig ang lalaki at nanlaki ang mga mata dahil sa sakit na natamo. Napahugot siya ng hininga dahil sa kawalan ng hangin sa baga. Sinabunutan siya ni Alice dahilan upang mapatingala ito. Hinawakan niya ang kamay ng dalaga upang mapigilan ito ngunit para itong walang nararamdaman kahit na mahigpit na ang pagkakahawak niya sa dalaga.

Muli siyang tinitigan ni Alice at nginisihan. “I’ll kill you.” Ulit ni Alice sa tatlong salita bago paulit-ulit na inuntog ang ulo ng lalaki sa bakal hanggang sa mapaupo na ito sa sakit. Napangiwi ang lalaki sa tindi ng sakit na nararamdaman niya ngayon sa ulo niya. Nagkalat na ang patak ng dugo nito sa sahig.

“Then let’s die together!” Sigaw ng lalaki at halos madapa-dapa pang tumakbo palapit kay Alice. Hindi agad nakailag ang dalaga sa biglaang pag-atake sakanya. Sinakal siya ng lalaki at ubod ng lakas na itinulak sa bakal. Napaungol siya sa sakit ng pagkakatama ng ulo at likod niya rito. Tiningala niya ang may malademonyong ngiting lalaki sa harapan niya. Nanlilisik ang mga mata nitong nakatitig sakanya. “Papatayin kitang babae ka.” Mabagal na sambit nito sa bawat salita. Gumuhit ang malademonyong ngisi sa labi nito saka ibinaon ang sarili sa leeg ng dalaga. Ramdam niya ang paglapat ng dila nito sa kanyang leeg ngunit hindi niya magawang kumalas ang pagkakahawak ng kalaban. Dumidiin ang sakal sa kanyang leeg. Pilit niyang itinutulak ang lalaki palayo sakanya but the guy won’t budge in. Nahihirapan na siyang huminga.

“Oz…” Wala sa loob na naibulong ni Alice ang pangalan ng lalaking mahal niya. Naalala niya ang unang gabing may nangyari sakanila. Walang ibang lalaki ang pwedeng humalik sa kahit na anong parte ng katawan niya bukod kay Oz Bezarius- ‘yan ang tumatakbo sa isip niya ngayon. Tuluyan ng nagdilim ang kanyang paningin sa naisip.

Hinawakan niya ang batok ng lalaki at mas idiniin ang mukha nito sa leeg niya. Ramdam niya ang pagngisi nito sa kanyang balat. Marahan niyang pinatakbo ang mga daliri sa likuran nito. The guy found it sexy and seductive that it even moan against her neck. He’s now enjoying the moment without even knowing the girl’s killer plan.

“I told you, I’ll kill you.” She whispered seductively at huli na nang makapalag ang lalaki sa kanyang balak. Hinawakan niya ang spinal cord nito at hinatak. Her signatured move when it comes to hand-on-hand battle. Dilat na bumagsak ang lalaki sa arena habang nakanganga pa ito. Napahawak siya sakanyang leeg at naghabol ng hininga. Binalingan niya ng tingin ang patay na kalaban bago ito sipain sa mukha. Paika-ikang naglakad siya patungo sa kabilang parte ng arena. Hindi magkamayaw sa sigaw ang mga nakasaksi ng laban.

Inilibot niya ang tingin sa mga manunuod hanggang sa natagpuan nito ang kanyang mga magulang. Doon niya lamang napansin na nakatali na pala sa upuan ang kanyang ama at halata sa mukha nito ang tuwa sa kanyang pagkapanalo. Nagtagpo naman ang mga mata nila ng kanyang ina. Max gave her a slight nod and she did same.

“I am now, the Queen,” hinihingal na bulong ni Alice sa sarili.

- - -

Watch out for PACT Mafia. They might be my next target after Alice's chain of fate.

Continuer la Lecture

Vous Aimerez Aussi

56.6M 1.2M 127
Mikazuki convinces Bullet to meet his birth parents after being taken away by the former leader of the most powerful mafia group, Black Organization...
84K 2.6K 41
Paaralang hindi ordinaryo. Iba't ibang ugali, hindi natin alam kung totoo ang mga nakakasama natin. Maraming mukha ang nakatago sa maskara. Paaralang...
She's the Boss Par Zy

Roman pour Adolescents

2.2M 40.6K 64
Andrew is the student council president. Athena is the rule-breaker. Araw-araw nag-aaway. Araw-araw sinisita siya ni Andrew pero ganun pa rin. Lumala...
510K 11.7K 49
She is a mafia boss who only wants to revenge for ruining her family.