Shadow Lady

By Sweetmagnolia

431K 15.2K 1.8K

Unknown to humanity, there are two kinds of secret society inhabiting this modern world, both possess abiliti... More

Shadow Lady
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 27
Chapter 28

Chapter 26

4.2K 272 20
By Sweetmagnolia

"AMERIE!!!"

Binitawan ni Amerie ang arnis nang marinig ang malakas na pagtawag sa kanya. Sumilay kaagad ang ngiti sa kanyang mukha nang matanaw ang papalapit na si Krishna. 

Naging malaking kabawasan sa kabigatan sa dibdib ang pag-amin niya dito tungkol sa kanyang pagkatao. Nabawasan na naman ng isang Gadian ang di niya kailangang pagsinungalingan. Medyo humusay na rin siya sa pisikal na pagsasanay sapagkat sa tuwing  may pagkakataon ay lihim siyang tinituruan ni Krishna. Imbis na maging hadlang ang di nila pagiging magka-uri ay naging mas malapit pa sila lalo.

Humahangos si Krishna at habang tumatakbo papalapit sa kanya. Hinugot siya nito sa grupo ng mga Delica. Dinala sa lilim ng isang malaking puno ng Maple kung saan sila lamang ang naroroon. Mukhang may importante itong sasabihin.

Nang matiyak nitong walang ibang nasa paligid, nagningning ang mga mata nito sabay ngumiti nang malapad. "Sa maniwala ka o hindi meron akong napakagandang balita!" bulalas nito.

Tumugon ng tipid na ngiti si Amerie. Nasabik din  siya pero wala siyang ideya kung ano ang posibleng magandang balita na maririnig. 

Lumapit sa kanyang tenga si Krishna. "Galing ako kagabi sa Laguerto," medyo may kapilyahang bulong nito.

Nanlaki ang mga mata niya. "Tumakas ka na naman!" Bigla siyang nag-alala. " May nakalaban na naman ba kayong mga Refurmos at ipagmamalaki mong natalo mo sila! Yan ba ang ibabalita mo?" Sa halip na mutuwa sa nalaman ay nadismaya pa siya.

"Hindi," kalmado at ngingiti-ngiting sagot ni Krishna. Humalukipkip ito at pangusu-nguso pa. 

"Kung ganun anong ibabalita mo?" taka niya.

"Hindi ka maniniwala sa sasabihin ko," namimilog ang mga mata at halatang pinapasabik pa siya nito lalo. "Habang enjoy na enjoy ako sa aking pagshoshopping ay bigla akong napalingon sa telebisyon-"

"Krishna kapag di mo pa sinabi bubuksan ko na ang telekinesis ko sayo!" inip na banta niya.

Tumawa ito. "Eto na eto na sasabihin ko na. Ihanda mo ang yung sarili. Lalo na yang puso mo!"

"Ano nga?!"

"Nasa Laguerto si Bradley Candor!"

Napapanganga siya. Ilang sandaling tumigil ang kanyang mundo . Naramdaman ang biglang pagkagising ng mahinahong dibdib, ang unti-unting paglakas ng pintig nito.

"Ano? Nagulat ka? Wala kang paglagyan ng saya ngayon sa nalaman mo?" tukso ng kausap.

Kumurap siya at biglang natauhan. Di pinahalatang naapektuhan siya sa narinig. Maaring niloloko lamang siya ng kaibigan. Siguro ay nais lamang nitong maging masaya siya kahit pansamantala. Akala siguro ay basta-basta na lamang siya maniniwala.

Tumawa siya nang mahina. "Paano naman mapapadpad si Sir Bradley sa Laguerto ni hindi niya nga siguro alam na may ganitong lugar sa mundo? Binibiro mo lang ako Krishna. Nanahimik yung tao sa Holywood tapos biglang mapupunta dito. Pareho nating napanood noon sa balita kung gaano kaabala yung tao sa trabaho at lovelife niya tapos ngayon sasabihin mong andito siya sa Laguerto."

Minabuti niyang humakbang palayo at bumalik sa pagsasanay kesa makinig at umasang may katotohanan ang balitang natanggap. Hinila siya pabalik ni Krishna.

"Nasa Laguerto nga siya!" giit nito. "Napanood ko siya sa balita. Siya at ang mga artista ng pelikula niya ay laman ng mga balita sa buong Laguerto. Andidito sila para magshooting. Miminsan lang may umapak na sikat na personalidad sa Laguerto kaya di nakapagtatakang maging usap-usapan sila sa buong lungsod!"

Lalong lumakas ang kabog sa dibdib niya nang makita sa mga mata ng kaharap na tila hindi nga ito nagsisinungaling.

"Kung ayaw mong maniwala, tingnan mo ang laman ng utak ko. Hanapin mo ang sandaling napanood ko si Bradley Candor sa balita," giit ni Krishna.

"Ayoko. Nangako ako sa sarili na hindi papasukin ang isip ng mga taong tinuturing kong kaibigan," seryosong sagot niya.

"Kung gusto mo pasukin mo ang isip ni Bradley Candor ngayon tutal kaya mo namang gawin yan di ba? Para malaman mong nagsasabi ako ng totoo."

Napalunok siya. Hindi niya pa nga pala nababanggit sa kausap ang tungkol sa kanyang kahinaan. " Nangako rin ako na hindi ko gagamitin ang aking kapangyarihan sa Celentru kung hindi naman kinakailangan," umiiwas ng tinging katwiran niya.

Naglakad siya pabalik sa pangkat ng mga Delica habang sinusundan pa rin ni Krishna. "Amerie hindi ka man lang ba naging masaya sa balita ko? Akala ko ba mahal mo si Bradley Candor?"

"Bakit kailangan kong maging masaya? Sabihin na nating nasa Laguerto siya pero hindi ko pa rin naman siya pwedeng puntahan at makita."

"At bakit naman hindi?"

Napahinto siya at agad na hinarap ang kausap. Pinanlakihan niya ito ng mga mata. Nababasa niya sa reaksiyon ng mukha nito na nagsusuhestiyon itong tumakas ulit sila. "Nawawala ka ba sa tamang katinuan Krishna dahil diyan sa mga naiisip mo?" Lumapit siya sa tenga ng kausap. "Sinasabi mo bang isusugal ko ang kaligtasan ng mga Gadian at Celentru para lang sa personal na nararamdaman ko. Saka ba't ko naman siya pag-aaksayahan ng oras maaring mahal ko siya pero wala namang pakialam sa akin ang taong yun. Nakita mo nang masayang-masaya sa bago niyang girlfriend tapos pag-aaksayahan ko pa ng pagod. Ako lang naman ang may gusto sa kanya kaya bat ko itataya ang kaligtasan niyong mga Gadians para sa kanya. Paano kung maulit yung nangyari sa iisang beses na pagtakas ko dito? Matutumbasan ba ng pansamantalang sayang mararamdaman ko ang kapahamakang maaring maidulot nito?!" dire-diretsong pagsasalita niya nang mapit na tono.

Natawa si Krishna sa kung paanong pilit pinagtatakpan ni Amerie ang saya at kasabikan ng kunway pagseselos at hinanakit. "Sinasabi ko lang naman sayo ang mga yan habang nasa malapit lang si Bradley Candor. Kahit pa ikaw lang ang may gusto sa kanya malay mo ito na lang ang pagkakataong maari mong makita ulit ang taong minamahal mo. Sasayangin mo ba ang pagkakaton na to?"

"Para sa mga normal na tao lamang yang pagmamahal na yan."

"Kung ganun mali rin bang mahalin ko si Hector?"

"Hindi ganun ang ibig kong sabihin. Iba naman kayo ni Hector. Kayo magkauri tapos parehong mahal ang isa't isa. Kami hindi. Magkaiba na tapos isa lang ang nagmamahal. Ah basta alam mo na yung ibig kong sabihin!" Nagagalit-galitang tinalikuran ni Amerie si Krishna.

"Pag gusto mong pumuntang Laguerto sabihin mo lang sa akin ha!" pahabol na tukso ng extremus.

Nagpakaseryoso si Amerie sa pagsasanay subalit walang oras na hindi sumagi sa isip niya ang balitang nalaman. Hindi siya nito pinatahimik. Maging si Hector ay napansing may bumabagabag sa kanya nang makasama ito sa panananghalian.

"Okay ka lang ba? Parang kanina ka pa may malalim na iniisip."

"Huh wala ah!" depensa niya agad."Inaalala ko lang maigi yung mga natutunan ko ngayon sa training. Sineseryoso ko na. Alam mo namang mahina ako sa ganitong bagay kaya dapat doble ang pagsisikap," patawa-tawang katwiran niya.

"Sigurado ka? Baka naman may gusto kang pag-usapan," banggit nito habang maganang sumusubo at nakatingin sa kanya ang mapanuring mga mata.

"Wala sabi. Ay Hector nakita mo ba yung pagtakbo ko kanina? Bumilis na ako di ba? Hindi na ako ang kulelat!"  tuwang-tuwang salita niya habang patay malisyang inililihis ang binata.

"Oo pero pangalawa ka pa rin sa kulelat. Walang kapagod-pagod na maabutan ka pa rin ng kalaban kung saka-sakali," diretsong sagot nito.

"Eto naman negatibo lagi ang lumalabas sa bibig. Ni hindi man lang ako purihin muna," simangot niya.

"Mas mabuti na yung lagi kang napapaalalahanan na may kahinaan ka pa rin," ngisi nito.

Muntik na siyang mabilaukan dahil sumagi na naman si Bradley sa isip niya dahil sa sinabi ng kaharap.

"Tubig?" abot nito ng baso sa kanya.

Dali-dali siyang uminom at inirapan ang lalaki. "Ikaw talaga kailangan mo ba talagang ipagdiinan yan."

Binigyan siya nito ng isang ngising aso. "Pinapaalala ko lang na meron pa ring paraan ang mga kalaban para matalo ka," mahinang sambit nito.

"Alam ko at hindi ko nakakalimutan yun," gigil na bulong niya. "Tumahimik ka na baka may makarinig sayo."

                        ———-

Magpapahinga na si Bradley kasama ang mga artista sa kanilang tinituluyang hotel subalit bigla siyang napahinto nang matanaw sa lobby ang isang pamilyar na mukha. Pinauna niya ang mga kasama. Napangisi agad siya nang makilala si Hector. Nakatayo ito sa tabi ng isang mesa habang hinahawak-hawakan ang isang magarang kandelabra. Unti-unting nangalit ang mga panga niya.

Ngingisi-ngisi lang si Hector habang hinihintay ang inaasahang paglapit sa kanya ng direktor. Kahit di nakatingin dito, nakikini-kinita niya ang pagkuyom ng mga kamao nito kaya nang nagpakawala ito ng suntok patungo sa kanyang mukha ay agad siyang umiwas. Walang kahirap-hirap na pinigilan niya ang ng isang kamay ang nagpupumiglas nitong braso. Ano ba naman ang laban ng isang ordinaryong tao sa lakas ng isang gaya niya?

"Nasaan si Amerie?" galit at walang paligoy-ligoy na tanong ni Bradley.

"Ganito ka ba bumati ng isang kaibigan?" sarkastikong saad ni Hector nang di binibitawan ang kamay ng direktor.

"Hindi kita kaibigan!" 

Napalakas ang sagot ni Bradley sanhi para mas lalo silang makakuha ng atensiyon.

"Huminahon ka kung ayaw mong lumabas sa balita kinabukasan na ang isang dayong sikat na direktor ay gumawa ng gulo sa hotel."

Natauhan si Bradley. Tumingin siya sa paligid at halos lahat ng tao sa lobby ay nakatingin nga sa kanila. Ang iba ay kumukuha pa ng litrato niya. Bigla siyang niyakap ni Hector at tinapik sa balikat. "Kumusta tol?" sabay ngumiti ito sa mga tao." Ganito talaga kami magkumustahan nitong kaibigan ko." Inakbayan siya nito."Tara. Painom ka naman! Sikat dito Laguerto ang bar nitong hotel."

Wala siyang nagawa kundi sakyan ang pagkukunwari ni Hector. Napipilitan siyang ngumiti habang naglalakad patungo sa bar na tinutukoy ng lalaki. 

Omorder agad ng isang bote ng whiskey ang mayabang na lalaki. Dire-diretsong uminom ng isang baso habang ngingisi-ngisi lang sa kanya. Pikon na pikon siya habang tinitingnan ang kaangasan ng mukha nito.

"Nasaan si Amerie?" ulit niya ng tanong. Hindi pa rin ito sinagot ng kausap.

Uminom si Hector ng alak at malakas na inilapag niya ang baso sa mesa. Dahan-dahang sumilip ang galit at pagdududa sa kanyang mga mata. Unang araw pa lang ni Bradley sa lungsod ay alam niya ang tungkol sa pagdating nito. Nais niya lang sanang manahimik at hintayin na lamang ang pag-alis nito ngunit nang masaksihang hindi na napapakali si Amerie ay nagduda na agad siya na may alam na ang dalaga. Kailangan niya nang makialam at hadlangan ang mga pangyayaring maaring maghatid ng mga panganib.

"Paano mo natunton itong Laguerto?" matigas na tanong niya. Hinala niya agad ay maaring may Refurmos na lumapit dito at binigyan ng ideya tungkol sa lungsod. Ginawa itong pain para maagaw ang tinatago alas ng mga Gadians.

"Nabasa ko sa application form sa kumpanyang pinasukan mo bilang stuntman."

Kumunot ang kanyang noo. Natawa siya sa isipan nang maalalang naisulat niya nga doon ang pangalan ng lungsod. Bigla siyang nagsisi sa katangahang nagawa pero isinulat niya lang iyun sa pag-aakalang walang magkakainteres sa isang maliit na lungsod na madalang pa sa patak ng ulan kung dayuhin ng mga turista.

"Sinagot ko nang maayos ang tanong mo, ngayon ako naman ang sagutin mo nang maayos. Nasaan si Amerie?"

Dagling napatanga siya sa kaharap. Napapailing habang ngingisi-ngisi. Kung walang kinalaman ang mga Refurmos, nasa Laguerto lang ba ang sikat at mayamang direktor dahil kay Amerie. Bumiyahe ito ng milya-milya alang-alang sa babae?

"May masaya at marangyang buhay ka sa Amerika. Bakit nag-aaksaya ka ng pagod at oras para kay Amerie?"

Gusto na namang suntukin ni Bradley ang walang kwentang kausap. Ayaw niya sa lahat ang pasikot-sikot kung makipag-usap. "May sarili akong rason at kung anuman yun ay wala kang pakialam."

"Mahal mo ba siya?"

Hindi siya sumagot sa halip ay uminom siya ng alak. Pinanood siya ng kausap hanggang maubos niya ang laman ng baso. 

"Ikaw mahal mo ba siya?" nagtitimping tanong niya. Ngumisi si Hector sanhi para lalo siyang mapikon. "Kung sasabihin kong mahal ko siya ibabalik mo na ba siya sa akin?"

"Ibang klase ka rin magmahal kung ganoon. Natutuwa kang paglaruan ang damdamin ng babaeng mahal mo. Nung magkasama kayo sa Amerika may ibang kalampungan ka ngayon naman handa kang hanapin siya saan mang sulok ng mundo habang may binabandera kang bagong sikat na girlfriend."

"Hindi mo ako naiintindihan. Wala kang karapatang pagdudahan ang intensiyon ko kay Amerie. Espesyal siya sa lahat ng babaeng nakilala ko!" galit na depensa niya.

"Espesyal? Kagaya ng ano? Na nakikita mo siyang isang karakter sa mga pelikulang nagawa mo?"

"Ang yabang mong magsalita! Kung pinaglalaruan ko siya, anong tawag mo sa sarili mo? Kung hindi ko pa alam na mas masahol pa ang pagiging babaero mo!"

Pinanlisikan siya ng mga mata ni Hector. "Malaki ang respeto ko sa babaeng sinasaktan mo lang Bradley. Babaero man ako pero marunong akong kumapa ng pakiramdam ng isang babae. Hindi ako kagaya mong walang pakialam kung may nasasaktan basta ang importante ay kuntento sa sariling nararamdaman."

Tumahimik si Bradley at tila tinamaan sa narinig. "Diretsahin mo na lang ako Hector. Nagmamahalan na ba kayo ni Amerie? Huli na ba ang lahat kahit hanapin ko siya?"

Nagsuot ng sumbrero si Hector at inihanda ang sarili para iwan na ang kausap. Uminom muna ng isa pang basong alak bago umalis. "Wala akong alam sa mga sinasabi mo. At hindi ko rin alam kung nasaan si Amerie. Walang saysay ang pagpunta mo dito sa Laguerto kaya kung ako sayo babalik na ako ng Amerika sa lalong madaling panahon. Salamat dito sa mamahaling alak." Tumayo siya ngunit nakita niya ang nangangalit uling mga panga ni Bradley.

"Sinungaling."

Hindi niya pinansin ang sinabi nito. Sapat na ang nalaman niya na hindi Refurmos ang dahilan kung bakit nasa Laguerto ang sikat na lalaki. Maglitanya man ito ng pagmamahal tungkol kay Amerie ay wala siyang pakialam. Wala siyang panahon para makinig sa mga kadramahan ng buhay pag-ibig ng isang normal na nilalang.

"Ikaw at si Amerie. Pareho kayong di pangkaraniwang tao. Tama ba ako?"

Natigilan siya sa paghakbang. Bigla siyang napatingin sa direktor. "Alam ko kung anong taglay na mga  kapangyarihan ni Amerie. Ilang beses ko na itong nasaksihan. Ikaw Hector? Tinatago mo ba sa paggiging misteryoso mo ang mga kapangyarihan mo?"

Bumalik si Hector sa pag-upo.

"Ngayon nakuha ko rin ang atensiyon mo. Siguro naman ay seseryosohin mo na ako," ngisi ni Bradley. " Nasaan si Amerie? Nasa lugar ba siya ng mga katulad niyo."

Galit na hinablot ni Hector ang kuwelyo ni Bradley. Inilapit ang mukha nito sa mukha niya. Tinitigan nang matatalim habang ang mga mata ay unti-unting nagiging kulay berde. "Tapatin mo ako. Anong ang tunay na pakay mo kay Amerie?"

Namangha si Bradley habang nasasaksihan ang pagbabago ng kulay ng mga mata ng kaharap. Nagbunyi siya sa isipan. Pakiramdam niya ay nanalo siya nang napatunayang totoo ang hinala niya tungkol sa pagkatao ni Hector.

"Binibigyan kita ng babala. Huwag mong naising masangkot sa mga tulad namin," nagngingitngit na bigkas nito sabay binitawan siya ng lalaki.  Unti-unti na ring bumalik sa normal ang kulay ng mga mata nito.

Humahangos na natawa si Brdley habang hinahawakan ang leeg. "Imposibleng mangyari yan dahil maliit pa lamang ako ay nasangkot na ako sa isang katulad niyo."

Kumunot ang noo ni Hector. "Anong ibig mong sabihin?"

"Isang tulad niyo ang pumatay sa aking ina. Nasaksihan ko ang lahat. Isang nilalang na may kapangyarihang pumatay sa papamagitan ng isip. Malinaw na malinaw pa sa alaala ko kung paano niya sinakal ang aking ina sa pamamagitan ng kamay na hindi na kailangang lumapat sa leeg. Isang lalaking kayang pagalawin lahat ng nakapaligid sa kanya maging tao man o bagay nang hindi niya kailangang gumalaw sa kinatatatayuan. Ang naging pagkakamali niya lang ay hindi niya ako pinatay dahil habang nabubuhay ako ay hindi ako titigil hangga't hindi ko siya napaghihigantihan."

Ilang sandaling di nakagalaw si Hector. Si Heigro agad ang unang pumasok sa isipan niya nang marinig ang paglalarawan sa kapangyarihan ng lalaking pumatay. May namuong pagdududa sa dibdib niya. "Alam ba ito ni Amerie?"

"Oo. Nakita niya sa alala ko ang buong pangyayari. Nangako siyang tutulungan niya ako sa paghihihiganti. Sa una ay masaya ako na unti-unti ng nagkaroon ng pag-asa ang pinakamimithi kong  paghihiganti dahil kay Amerie. Una ay kinailangan ko siya para dito pero nang mawala siya sa akin ay unti-unti kong napagtanto na mas nag-aalala na ako sa kaligtasan niya. Kaya ko siya gustong hanapin upang isama pabalik at kalimutan ang aming napagkasunduan. Kung anumang galit meron ako sa pumatay sa aking ina ay ayaw ko siyang idamay. Ako ang kailangang maghiganti para sa sarili ko at hindi siya. Kaya nakikiusap ako Hector ibalik mo na sa akin si Amerie."

Walang imik na tumayo si Hector. Mabilis na naglakad at umalis. Sinundan siya ni Bradley hanggang sa labas ng hotel. 

"Saan ka pupunta Hector. Hindi pa tayo tapos mag-usap. Kailangang kong malaman kung nasaan si Amerie!"

Hinarap ni Hector ang direkto. Itinulak ng isang kamay ang dibdib nito at tumilapon ito. Nilapitan, hinawakan sa kuwelyo at itinayo. Gumuguhit ang ugat sa noo sa galit. " Huling payo ko bilang kaibigan. Kung ayaw mong mapadali ang buhay mo, kalimutan mo si Amerie at kalimutan mo ang sinasabi mong paghihiganti sa taong pumaslang sa ina mo! Wala kang alam sa sitwasyon na gusto mong pasukin!"

Tumalikod siya at muling naglakad. Naghihimagsik ang galit sa kanyang kalooban. Ngayon ay alam niya na kung bakit sumama sa kanya si Amerie. Buong akala niya ay naghahanap lang ito ng mga kasagutan sa napakarami nitong mga katanungan. Yun pala ay si Bradley lang ang  dahilan na hindi masabi-sabi sa kanya ng diretso ng babae!






Continue Reading

You'll Also Like

32.8K 1.3K 42
[COMPLETED] Following the broken engagement with the Crown Prince while struggling to adapt to her new environment, Myrtle Edelwyse now needs to marr...
24.4K 1.1K 37
| COMPLETED | | UNEDITED | Ally Cole, an ordinary person, was engrossed in reading an online novel while walking down the street when she was suddenl...
4.5M 112K 46
Wild, untamed and fierce- that's Tatiana Faith Follosco. Para sa kanya, chill lang ang buhay. She loves to party with her friends and make crazy dare...