Chapter 28

11.7K 444 289
                                    


"Andito si Bradley Candor sa Laguerto. Alam mo na ba ang tungkol sa bagay na ito Hector?"

"Alam ko na po mahal kong ama." Yumukod si Hector upang magbigay galang sa harap ng mga matatandang tagapayo. Pinatawag siya ng Pillis upang pag-usapan ang biglaang pagsulpot ng direktor sa kanilang bayan.

"Maaring alam na rin ni Amerie ang pagdating ni Bradley. Sa taglay niyang kapangyarihan imposibleng hindi niya malaman ang tungkol sa bagay na ito," ani Seraton.

"Wala pa naman siyang nababanggit tungkol sa bagay na ito," sagot ni Hector. Bagamat kutob niyang alam na ni Amerie, ayaw niya itong pangunahan hangga't hindi mismo naririnig mula sa dalaga.

"May kakaiba ba siyang kinikilos?" usisa ni Aczilus.

"Wala naman maliban sa madalas niyang pag-iisip nang malalim," pagsabi niya sa katotohanan.

"Bantayan mong maigi si Amerie. Hindi siya dapat makalabas ng Celentru. Huwag mong hahayaang magkita sila ni Bradley Candor."

Nag-angat ng mukha si Hector. Matapang na tumingin siya sa ama. "Ipagpaumanhin niyo pero di ko maipapangakong magagawa ko ang utos niyo."

Nagulat ang mga Pillis sa sagot niya.

"Huwag kang tampalasan Hector!" biglang bulyaw ni Seraton.

Isa-isang tiningnan ni Hector ang mga tagapayo. "Ang misyon ko ay ang pangalagaan si Amerie na huwag mapasakamay ng mga kalaban pero wala tayong karapatang mga Gadians na panghimasukan ang personal niyang buhay. Iniibig niya si Bradley kung gusto niya makita ang taong iyon ay dapat nating igalang. Pinili ni Amerie na kumampi sa ating panig pero hindi iyun nangangahulugan na may karapatan na tayong ipasailalim siya sa ating kagustuhan at mga patakaran."

"Pero ikaw Hector. Hindi ba nangangamba ka rin kung sakaling muli silang magkita?" Salita ni Polonius na batid niyang hinulaan ang kanyang nararamdaman.

"Oo. Nag-aalala ako pero hanggang dun na lamang iyon. Kung gusto niyang makipagkita kay Bradley Candor ay irespeto natin ang kanyang desisyon. Kung nais talaga nating maging tunay na kakampi si Amerie ay matuto tayong igalang ang sarili niyang kaligayahan. Ang pwede lang natin gawin ay magtiwala sa kanya at umasang susuklian niya ng tunay na pagmamalasakit ang mga Gadians."

"Ayaw kong pigilan ang pag-iibigan nila pero anong magagawa ko kung kailangan kong pangalagaan ang kapakanan ng mga Gadians!" galit na boses ni Seraton.

Ngumisi si Hector. "Masyadong makasarili ang prinsipyo niyo na iyan. Bakit mo kailangang pigilan ang kaligayahan ng nilalang na makakapagbigay ng napakalaking tulong sa iyong mga nasasakupan?"

Huminga nang malalim si Seraton. Kinalma ang sarili. Ramdam na hindi mababali ang desisyon ng anak sa mga sandaling iyon. "May naging pangitain si Polonius sa lalaking iyon."

Napatingin si Hector kay Polonius. "Anong pangitain iyon?" biglang naalarmang tanong niya.

"Magdudulot ng kamatayan sa isang babae ang pananatili niya dito sa ating lugar," diretsong salita ni Polonius habang hinihimas ang kanyang tungkod.

Kinabahan si Hector sa narinig. "Si Amerie ba ang babaeng yun?"

Umiling si Polonius. "Hindi kaya ng kapangyarihan kong mahulaan ang maaring mangyari sa kanya. Ni minsan ay hindi ako nagkaroon ng pangitain tungkol sa kanya."

Nakahinga nang maluwag si Hector at pagkuway tumawa. "Kung ganun anong dapat niyong ipangamba?"

"Hindi nga si Amerie yun pero pwedeng isa sa ating mga Gadians ang babaeng iyon," wika ni Seraton.

Tumawa ulit si Hector at sa pagkakataong iyon ay bahagyang may kalakasan na. "Paano kung hindi? Paano kung isang kaibigan o katrabaho ni Bradley candor. Paano kung wala naman kinalaman sa atin ang kamatayan ng babaeng yun at sadyang kapalaran niya lamang ito? Isasakripisyo ba natin ang kaligayahan ni Amerie dahil sa simpleng karuwagan na ito. Ayokong maging bastos pero tapusin na natin ang pag-uusap na ito at kailangan ko nang bumalik ng Celentru." Tumalikod na siya sa mga kausap.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 23, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Shadow LadyWhere stories live. Discover now