Chapter 12

11.4K 509 42
                                    

                                                 *****

Lungsod ng Laguerto. Nagpupulong ang mga Pillis sa kanilang lihim na bulwagan. Pinipiga ng mga miyembro't tagapayo ang kanilang pinuno tungkol sa kinaroroonan ni Hector.

"Seraton, palala na ng palala ang pag-atake ng mga Reformus. Ang bali-balita'y si Hector ang mismong pakay ngayon ni Heigro. Halos iniisa-isa na ng mga kalaban ang mga malalapit sa kanyan Gadians. Alam niya ba ang mga nangyayaring ito?" pahayag ni Acziluz.

Umiling si Seraton habang hinahaplos ang baba at nag-iisip ng malalim. Tinitimbang niya kung dapat na nga bang sabihin sa lupon ng mga tagapayo ang tungkol sa misyon ng kanyang anak. Mahigit isang buwan na itong nawawala kaya hindi malayong magtaka na nga ang Pillis.

"Nasaan ba si Hector? Matagal-tagal na siyang di makutaptapan. Ngayon natin siya higit na kailangan. Siya lamang sa mga kabataang Gadians ang may higit na kakayanang talunin ang mga alagad ng Refurmos," ani Socorrov, ang pinakamatandang miyembro ng Pillis na may lahi ni Demeter, ang diyos ng agrikultura. Ito ay mag-iisandaa't limang taong gulang na, subalit dahil ang mga Gadians ay mabagal tumanda ang hitsura at bunga na rin ng kakayahan ng nasabing tagapayo na magpatubo ng mga pampalakas na halaman, napagkakamalan lamang ito ng mga normal na tao na nasa setenta anyos pa lamang.

"Seraton bilang isa ring magulang iginagalang ko ang iyong desisyon na itago ang iyong anak. Subalit bilang aming pinuno, gusto kong malaman ang plano ninyo sa sunud-sunod na pagpaslang ng mga Refurmos? Tiyak na batid na ni Heigro na nagtatago si Hector kaya marahil lalo itong nanggigigil," turan ni Gwandago ang Pillis na may dugo ng diyos na si Hera.

Tumayo si Lavercio. Siya ang ama ni Krishna, ang babaeng nakatakdang mapangasawa ni Hector.

"Kung sadyang si Hector ang pakay ngayon ni Heigro, hindi ba nararapat na dapat natin siyang protektahan sapagkat siya ang nakatakdang sumunod na mamuno sa mga Gadians? Oo nga't malakas siya at higit na mas makapangyarihan sa karamihan sa atin pero alalahanin niyong impossible niya pa ring matalo si Heigro! Kaya tama lamang na pansamantala muna siyang lumayo!" madiing pagtutol nito.

Di sang-ayong tumayo si Acziluz. "Kung yan ang magiging katwiran mo, ibig sabihi'y hindi siya nararapat na mamuno sa ating angkan! Walang karapatang maging pinuno ang isang Gadian na duwag at handang ipahamak ang kanyang mga kalahi para lamang protektahan ang sarili!"

"Maghunos-dili kayo," awat ni Polonius. Tinanggal nito sa bibig ang kagat-kagat na tabakong walang sindi at tumingin kay Seraton. Tinanguan ito ng pinuno upang bigyan ng pahintulot na magsalita tungkol sa nawawalang anak. "Acziluz nagkakamali kayo ng hinuha. Alam naman nating lahat na wala sa diksiyonaryo ni Hector ang salitang karuwagan-"

"Kung ganu'y nasaan siya sa gitna ng kaguluhang ito?!" halos sabay-sabay nga tanong ng mga tagpayong tutol sa biglaang paglaho ni Hector.

Nagbago ang kulay ng mga mata ni Seraton. Unti-unting nawala ang itim nito at naging puti ang kabuuang mga mata. Nagsitahimik ang lahat sapagkat ito'y hudyat na galit na ang pinuno.

Ilang sandaling dumaan ang katahimikan hanggang sa bumalik sa normal ang mga mata ni Seraton.

Shadow LadyWhere stories live. Discover now