BOOK 2: Confession of a Gangs...

By vixenfobia

647K 10.6K 968

SERIES 2 || Running away is not the answer. ©2014 More

Confession of a Gangster
Confession 01: Starting My Peaceful Life
Confession 02: Hello Life in Peace. Damn.
Confession 03: Who's Doomed? You.
Confession 04: Oz Bezarius; the Wrecker
Confession 05: Alice in Arendelle Forest
Confession 06: Stalking Confusions
Confession 07: The Blue Eyed and The Council
Confession 08: Wizard Tailing The Goblin
Confession 09: The Gods Playing in G Co.
Confession 10: This J is so New
Confession 11: Concealing Scars
Confession 12: Curse Under the Rain
Confession 13: Unexpected Visitors
Confession 14: A Taste of Hell
Confession 15: First Step
Confession 16: Cinderella Was Gone
Confession 17: Apomorphine Shot
Confession 18: The Nightmare
Confession 19: Do the Moves
Confession 20: Pissed to Meet You
Confession 21: Underground Society
Confession 22: Puzzlement
Confession 23: Savage Chameleon 1
Confession 24: Savage Chameleon 2
Confession 25: Losing Sanity
Confession 26: Angel and Her Wings 1
Confession 27: Angel and Her Wings 2
Confession 28: Possession
Confession 29: Leon Ford
Confession 30: Inside Yoshima Mansion
Confession 31: Conspiracy
Confession 32: Mind Maze
Confession 33: Toss Coin
Private Confession: Love. Lust. Claimed.
Confession 34: Could It Be?
Confession 35: Twisted Chains
Confession 36: Touch of Blood
Confession 37: Most Painful Truth
Confession 39: Queen Alice
Confession 40: Unconscious Consciousness
Confession 41: She Died
Confession 42: No Air
Confession 43: Rage of the Blue Claws
Confession 44: Broken Strings
Confession 45: Chain of Fate
Confession 46: Scythe of Ferox
Confession 47: Cinderella's Fangs
Confession 48: An Epilogue
Confession 49: Be Mine, Alice
Confession 50: It's All About Us
Epilogue: The Last Confession
Onee-chan's Last Death Note

Confession 38: Queen vs. King vs. Knight

7.1K 145 17
By vixenfobia

Confession 38: Queen vs. King vs. Knight

 

Tahimik na inaayos ni Alice ang kumot sa sofa na tinulugan niya sa loob ng hospital room ni Aldous. Magdadalawang linggo na rin mula noong nangyari ang insidente at mula ng araw na ‘yon ay hindi na rin siya nagpakita sa kahit na sino man bukod kay Charm na tanging nakakaalam ng mga nangyari. Wala pang isang oras mula noong umalis si Charm sa hospital para dumalaw sandali dahil kailangan pa nitong pumasok sa Steins. Ang alam naman sa Steins ay pumunta sila sa Japan kaya matatagalan pa ang pagbabalik nilang magkapatid. Sa rason na ‘yon, nasisiguro niyang walang makakaalam ng totoong nangyari at ng totoong kalagayan ngayon ni Aldous.

Wala sa sariling napabuntong hininga siya nang maisip ang sitwasyon. Umuwi noong nakaraang linggo sina Max at Steve sa Pilipinas para alamin ang kalagayan ng anak. Kalmadong tinanggap ni Max ang katotohanan that her son was in a state of coma habang galit na galit naman ang ama nilang si Steve sa nangyari. Mabuti na nga lang at nakumbinsi nilang mag-ina na muling dalhin si Steve sa Japan para makaiwas ito sa matinding galit kaya naman ngayon ay mag-isa na muli niyang inaasikaso ang kapatid.

“Gising na, Aldous,” bulong nito habang malungkot na nakatingin sa nakaratay na si Aldous. Tanging tunog lang ng apparatus ang umaalingawngaw sa apat na sulok ng silid. Tumayo siya at dumiretso sa banyo para ayusin ang sarili. Napatitig siya sa salamin. Hindi na niya maalala kung kailan ba siya huling ngumiti. Hindi niya inakala na darating ang ganitong araw sa buhay niya. “Paano kaya kung hindi na ako nagpumilit pumunta dito sa Pilipinas?” Tanong niya habang nakatitig sa sariling repleksyon. Hindi nito namalayan ang biglaang pagtutubig ng kanyang mga mata. She bottled up everything na hindi niya rin napansing puno na pala siya. Masyado niyang pinigil ang sarili mula sa pag-iyak. Napahagulgol ito at dahan-dahang napaupo sa sahig, yakap ang mga tuhod. She felt helpless. Ngayon niya lang naramdaman ang ganito. Everything for her was new and everything was hurting her.

Ikinalma ni Alice ang sarili bago bumalik sa sofa. Malungkot naman siyang pinagmamasdan ng isang binata mula sa labas ng pinto. Nakasilip ito sa salamin at magdadalawang linggo na rin itong nagmamasid na lingid sa kaalaman ng dalaga. Nasaksihan niya ang bawat lungkot at tahimik na pag-iyak ni Alice habang nakabantay ito sa wala pa ring malay na kapatid. Magdadalawang linggo na rin siyang nag-aantay sa tawag ng dalaga, umaasang humingi ito ng tulong o karamay manlang. Hindi naman maitatanggi ang pagkadismaya sa loob ng binata. Umasa siya ngunit matigas ang dalaga. Minsan ay naiisip niyang baka hindi naman talaga siya kailangan ni Alice, pero ipinagsasawalang bahala na lamang niya ang posibilidad na ‘yon dahil iniisip niya pa lang… nasasaktan na siya.

Masaya na rin siyang mabantayan si Alice mula sa malayo, basta alam niyang ligtas ito.

Alice’s POV

 

“Nurse, pakitingnan na lang muna ang pasyente. Lalabas lang ako sandali.”

 

“Yes ma’am.”

Mabilis kong nilisan ang kwarto at tinahak ang daan palabas ng gusali. Madilim na ang paligid nang maalala kong paubos na pala ang baon kong malinis na damit kaya naman inimpake ko na ang mga nagamit ko para bumalik sa mansion at kumuha ng mga pamalit. Isinaklob ko sa ulo ang hood ng suot kong jacket habang nakasuot pa ng cap sa ilalim nito. Maingat kong pinagmamasdan ang paligid para makaiwas sa mga taong maaaring makakilala sakin. Ang alam pa naman sa Steins Gate University ay nasa Japan kaming magkapatid kaya malaking gulo kapag nalaman nilang nandito ako. Siguradong hahanapin nila sakin si Aldous at ang mas malala pa ay maaaring malaman na rin nila ang kalagayan nito ngayon.

Nakatitig lang ako sa mga sasakyang dumaraan para maghanap ng taxi, ngunit agad akong napaatras mula sa kinatatayuan ko nang isang itim na sasakyan ang huminto sa harapan ko. Hindi ko maitatanggi na bigla akong kinabahan. Ibinaba ko ang cap upang matakpan ang mga mata ko at umarteng hindi ko napansin ang sasakyan. Narinig ko ang automatic na pagbaba ng bintana ng passenger seat pero wala namang nakaupo. Hindi ko naman makita kung sino ang nasa driver’s seat dahil sa dilim ng paligid.

“Japan, huh.” Nanigas ako sa aroganteng tono ng pananalita ng lalaki sa loob ng sasakyan. Dahan-dahan itong sumilip sa bintana ng passenger seat. Nanlaki naman ang mga mata ko noong tuluyan ng makilala ang nagsalita. Napamura ako sa sarili matapos makita ang ngisi nito. Ibinagsak nito ang pinto sa driver’s seat paglabas niya at diretsong naglakad papunta sa harapan ko. Pilit ko namang iniwas ang mukha sakanya pero parang nang-aasar ito at pilit ring inihaharang ang mukha niya sa direksyong tinitingnan ko.

Napabuga ako ng hangin dahil nagsisimula ng maubos ang pasensya ko. “Anong ginagawa mo rito?” malamig kong tanong.

Tumingala ito sa gusali sa likuran ko bago muling ibalik sakin ang tingin. “Ako dapat ang nagtatanong niyan, Alice. Anong ginagawa mo rito?”

 

“Wala ka ng pakialam doon.”

 

“Akala ko ba nasa Japan ka.” Hindi agad ako nakasagot sa sinabi nito. Napaiwas ako ng tingin. Pilit kong itinatago ang totoo sa lahat at hindi pwedeng may makaalam na naman na iba. “Kinakausap kita,” mariin at maawtoridad na tono nito.

Sinalubong ko ang inis niyang tingin at malamig siyang tinitigan. “Umuwi ka na, Spade.” Saka ko siya nilagpasan pero hindi pa man ako tuluyang nakakalayo ay nahuli na niya ang kanang braso ko. Hindi ako lumingon. Ang gusto ko lang ngayon ay makalayo sakanya. Ang makaalis sa kinatatayuan kong ito. Sa mga nangyayari, hindi ko na alam kung kanino ako dapat magtiwala. Kung sino ang mga dapat pagkatiwalaan at hindi. Kung sino ang dapat paniwalaan at hindi. Kung sino ang kalaban at sino ang kakampi. Kung may kakampi ba o wala. Kung sino ang kaibigan at nagpapanggap.

Trust no one is the rule of this game.

I took a deep a breath. “Kailangan ko ng umalis.” Sabay bawi ko ng braso sakanya na hindi pa rin siya nililingon.

Nagsimula na ulit akong maglakad palayo. Sana may dumating kaagad na taxi para makaalis na ako dito. Matagal ko na kasing ipinakuha sa mga tauhan sa mansion si Jaguar para itago ito sa garahe. Sa ganoong paraan, iisipin nilang nasa ibang bansa talaga kami kung hindi pakalat-kalat sa daan ang sasakyan ko.

“Anong nangyari kay Aldous?” Natigilan ako sa pag-iisip. In a split second, my mind went totally blank. How did he know? “Alice, anong nangyari sa kapatid mo?”

 

“Paano mo nalaman?” Bakas ang pagkabigla sa boses ko. Sigurado akong wala kaming pinagsabihan nito ni Charm at alam kong hindi magagawang bumali ng pangako ng batang ‘yon kaya paano niya nalaman? Ramdam ko ang pagtakbo ng kilabot sa batok ko nang sumagi sa isip ko ang maruming hinala. Is he the culprit? Is he BSW?

“Bakit hindi mo agad sakin ito sinabi?” Pag-iwas niya sa tanong ko. Tuluyan ko ng sinalubong ang mga mata niya and this time, he surely looked so serious.

“I’m asking you, how’d you know?”

 

“Sino ang may gawa nito kay Colix?”

 

“F*ck this sh*t, Spade! Answer me!” Napataas na ang boses ko na nakapagpatigil sakanya sa pagsasalita. “Hindi ba dapat ako magtanong sayo niyan, Spade? How’d you know? Sino ang gumawa nito sakanya? Ikaw ba?” walang kagatol-gatol kong tanong. Bakas ang gulat sa mukha nito mula sa mga narinig.

“Pinagbibintangan mo ako, Alice?” I hint of dismay was evident in his voice. I stayed silent. Napabuga ito ng hangin habang napapailing sa sarili. Kita ko ang pagkislap ng pagkadismaya sa mukha niya. Hindi ko naman ginustong pagbintangan siya, pero sa bawat iwas niya sa mga tanong ko, suspecting him rapidly grows inside me in just a second.

“Hindi ba dapat? Bakit alam moa ng lahat kahit na wala naman akong pinagsabihan? Sinabi ba sayo ni Charm?”

 

“No. Wala siyang sinabi sakin-”

 

“Kung ganoon, paano mo nalaman? Bakit mo iniiwasan lahat ng tanong ko? Nandoon ka ba noong nangyari ang insidente? Or are you one of those killers?”

 

“What? Wala akong kinalaman diyan, Alice, for pete’s sake! Look, listen first okay? Calm down.” Unti-unting naging mahinahon ang boses nito. Sinubukan niyang humakbang palapit sakin pero agad naman akong umaatras palayo. Napapahid na lang ako ng likod ng palad sa pisngi nang maramdaman ang pagtulo ng luha ko. This is so damn frustrating! Lahat na lang ng taong nasa paligid ko parang biglang naging kahinahinala para sakin. Lahat sila hindi ko maiwasang pagbintangan.

“Spade…” Wala na akong nagawa nang mapasandal ako sa sasakyan niya. Tuluyan naman na itong nakalapit sakin at maingat na inabot ang magkabilang balikat ko. He lowered his head, meeting my eyes.

“Listen, Alice. Wala akong kinalaman sa mga nangyayari ngayon. Aksidente ko lang na nakitang nakaparada ang sasakyan mo sa labas nitong hospital pati ang paglabas dito ni Charm. Nag-alala ako na baka may nangyaring masama sayo kaya hinanap ko ang kwartong pinanggalingan ni Charm at nalaman kong si Colix pala ang nandito.” Malambing na paliwanag nito sakin. Tinitigan ko lang siya sa halip na magsalita. “Maniwala ka, Alice.” Hindi pa rin ako umimik sa sinabi nito. Hindi ko rin kasi alam ang dapat sabihin. There’s a part of me na naniniwala sakanya pero may isang parte rin na nagdududa pa rin. Everything is vague kaya hindi naman siguro ako masisisi kung ganito ako makitungo sakanya.

“Bitawan mo ako, Spade,” malamig kong utos sakanya. Ayaw pa sana nitong sumunod pero wala rin naman siyang nagawa kun'di ang bitawan ako. Tumayo ito ng tuwid saka namulsa, looking away.

“How about, Oz? Sinasamahan ka ba niya?” This time, ako na naman ang natigilan.

Sa loob ng dalawang linggo, ni ha, ni ho, wala akong narinig mula kay Oz. Kahit text messages o tawag wala. Alam naman sa klase namin na nasa Japan ako pero hindi manlang siya nagpaparamdam. Dalawang linggo na and those weeks were such a burden to me. He’s the least person I thought would abandon me in the middle of battle ground. But look, I’m so disappointed for expecting so much from him. Hindi ko na nga sana iniisip ang bagay na ‘yon pero ipinaalala na naman sakin ni Spade. But I should thank him though, for reminding me how painful is to be left hanging by the person you love. He left me without a word. Mula ng gabing ‘yon inantay ko siya at hanggang ngayon, nag-aantay pa rin ako.

Nakarinig ako ng mahina at nakakainsultong tawa mula sakanya. Hindi ko naman maiwasang makaramdam ng inis sa ginawa niya. Nangunot ang noo ko. “Sabi na nga ba,” ani Spade na tumatawa pa rin. Sinamaan ko siya ng tingin pero nakangiti lang ito. Ilang sandali rin naman ay nawala ang ngisi sa labi niya at lumambot ang ekspresyon. Nakaramdam ako ng awa sa sarili. Ayoko ng ganyang tingin. “Dalawang linggo na akong nakabantay sayo mula sa malayo. At sa loob ng dalawang linggong ‘yon ay wala akong nakita maski na anino ni Oz doon.”

 

“Tama na Spade.”

 

“Nasasaktan ka? Bakit hindi ka umiyak?”

 

Pinukol ko siya ng matalim na tingin. “Hindi ako tanga para gawin ‘yon.”

 

“At hindi ka rin robot para hindi makaramdam ng sakit, Alice. Hindi naman masamang umiyak paminsan-minsan lalo na kung alam mong hindi mo na kaya,” malambing na tono nito. Nagsimulang mangilid ang luha ko sa sinabi niya. Sa lahat ng tao, hindi ko inaasahang kay Spade ko pa maririnig ang lahat ng ito. Yeah, I’m damn fed up for bottling up these trials inside me. I know in any moment, I’ll explode but I never did imagine it would be in front of him. Akala ko malakas na ako… pero hindi pa pala sapat ang lakas na ‘yon para hindi ako umiyak.

“I thought I’m mature enough to handle all these. I thought I can pass these without shedding a tear,” I said in a crack voice. Para akong batang nagsusumbong tungkol sa nagpa-iyak sakin. Naramdaman ko ang panginginig ng katawan ko. Niyakap ako ni Spade, tight enough to control my body from trembling. Niyakap ko rin siya pabalik saka ibinaon ang mukha sakanyang dibdib. I let myself cry habang marahan nitong tinatapik ang likod ko. Hindi ko alam kung gaano kami katagal sa ganoong posisyon basta ang alam ko lang, gusto ko ng maubos lahat ng luhang matagal kong pinigil na wag tumulo. Matagal akong umiyak hanggang sa nakaramdam ako ng antok. Nakakapagod pa lang umiyak. Ipinikit ko ng tuluyan ang mga mata ko at hinayaang isandal ang sarili against him. I felt his lips on my forhead. Kahit papaano ay nakakagaan ng pakiramdam itong ginawa niya, kahit na I really felt sorry for suspecting him. Ironic. Now, I am feeling so secured with him beside me.

***

 

“Wala ka na bang naiwan?” bungad sakin ni Spade na nag-aabang sa gate ng mansion. Nakiusap kasi ako na ako na lang ang kukuha ng gamit ko sa loob para naman may magbantay sa sasakyan niya dito sa labas.

“Ayos na ‘yan. Babalik na lang ulit ako kapag kailangan,” simpleng sagot ko habang inaayos ang sports bag na dala ko sa backseat. Nginitian niya lang ako saka tumango. Naglakad naman na ako papunta sa passenger seat habang nag-start naman na siya ng makina.

“Alice?”

 

“Hmm?”

 

“Bakit hindi mo agad sakin sinabi ito?” Napalingon ako sakanya pero diretso lang naman ang tingin niya sa daan.

“Bukod sa ayoko ng makaabala, ayoko na rin kayong mag-alala,” tipid kong sagot.

“’Yon lang ba?” Nagsalubong naman ang kilay ko sa tanong nito. Sandali niya akong nilingon bago muling ibinalik sa daan ang tingin. “Kahit papaano kilala na kita, Alice.”

 

Umiwas ako ng tingin at ibinaling na lang sa labas ng bintana. “Ayokong may madamay pang iba,” I said almost inaudible. Buntong hininga naman ang narinig ko mula sakanya. “And honestly speaking, hindi ko kasi alam kung sino ang dapat pagkatiwalaan lalo na at hindi ko naman alam kung sino ang kalaban.”

 

“Ang BSW, Alice.” Muling nabaling ang gulat kong tingin sakanya. “SW stands for Silver Wolves pero ‘yong B ay hindi ko alam kung ano.”

 

“Sigurado ka ba diyan, Spade?” tumango ito. “Pero sino sila? Sino siya?”

 

“Alice…”

 

“Hmm?”

 

“May alam ka ba sa nakaraan ni Oz?” Nangunot ang noo ko sa biglaang tanong niya. Why is he asking me that out of the blue? Pero bigla rin akong napaisip, ano nga bang alam ko sa nakaraan ni Oz? Ang alam ko lang, siya si Oz Bezarius. 20 years old. Nag-aaral sa Steins Gate University at naging substitute professor ko noong first day ko sa university. Kapatid ni Mr. Gin Bezarius at… at wala na akong alam pa.

Nakakalungkot pa lang isipin na wala manlang akong alam sa pagkatao niya. Siya kaya, anong alam niya sakin?

“Alice?” Napapitlag naman ako sa biglaang pagkalabit sakin ni Spade. Natulala na pala ako. “Ayos ka lang ba?”

 

“Ah, oo.” I smiled half-heartedly and nodded.

“Kilala mo ba ang mga nakarelasyon niya?”

 

“Hindi. Hindi naman ako interesado sa past relationship niya,” diretsong sagot ko. Totoo naman. Noon pa lang ay hindi ko na binalak mang-usisa sa mga past relationship ng kahit na sinong kakilala ko. Wala akong interes. Wala naman kasing magbabago kahit malaman ko pa. ‘Yan ang pinaniniwalaan ko. “Bakit?” tanong ko sakanya noong maalalang out of nowhere talaga ang pinanggagalingan ng pang-uusisa niya sa mga nalalaman ko tungkol kay Oz.

“Wala naman. Naisip ko lang kasi kung interesado ka bang malaman kung sino ang ex-girlfriend niya.”

 

“Hindi ko naman ikayayaman ang malaman ang mga ganoong bagay, Spade. Hindi ako interesado,” bored kong sagot. “Why asking me all of a sudden?” Medyo nakucurious na rin kasi ako kung bakit ganito ang inopen niyang topic.

“Ha? Akala ko lang kasi interesado kang malaman.” Kibit-balikat nito.

Naningkit naman ang mga mata ko sa sinabi niya. “Kilala mo ba?” A grin slightly forming on his lips. Kilala niya ba talaga? Baka naman pinagtitripan lang ako nito. “Kung sabihin kong curious ako sa nalalaman mo, sasabihin mo ba?”

 

“Hindi. Masasaktan ka lang.” Natawa pa ito sa sariling sagot niya.

“Baliw,” tipig kong sagot saka isinandal ang ulo ko sa bintana. Ipinikit ko ang mga mata at hinayaan ang utak na magpahinga. Kahit manlang sana sandali makalaya ako sa mga iniisip ko, but his freaking answer made my system awake. Masasaktan? Bakit? May alam ba talaga siya? Ano naman kung malaman ko kung sino ang ex ng lalaking ‘yon? Nakaraan na rin naman ‘yon eh, hindi na siguro niya babalikan ang babaeng ‘yon. Sabi niya, ako na ang mahal niya diba? Ako lang… at may tiwala ako kay Oz.

“Alice?”

 

“Hmm?”

 

“Hanggang saan ang tiwala mo kay Oz?”

 

“Hindi ko alam, Spade. Basta ang alam ko lang, ibinagay ko sakanya ng buo ang tiwala ko,” I answered almost half-asleep.

“Kapag may ginawa siyang kasalanan, mapapatawad mo ba siya?” tanong muli nito. Sa totoo lang, ang weird ng mga tanong ni Spade ngayon. Bakit ba si Oz ang pinag-uusapan namin bigla?

Huminga muna ako ng malalim bago magsalita. “Depende ‘yon, Spade.” Dumilat ako at doon lang napansin na nakatitig na pala sakin ang curious kong kausap. “Depende sa sitwasyon, depende sa rason at depende sa pagkakataon.”

 

“Ibigsabihin, mapapatawad mo nga siya.”

 

“Oo naman, basta wag ko lang malalaman na siya ang may gawa nito kay Aldous at tulad ni Aoi ang ex-girlfriend niya.” Sagot ko na nakacross-arms pa saka muling pumikit at isinandal ang ulo sa bintana. Bigla na lang lumabas ‘yan sa bibig ko. Ewan ko rin kung bakit, pero simula nang makita ko kung paano siya tumingin sa mga lalaki at kung paano siya kumapit kay Aldous noon, hindi ko na siya gusto. Lalo na noong gabing nagpakita siya sakin sa mismong mini-concert event. Hindi ang tipo ng haponesang ‘yon ang kagagaanan ko ng loob. Bloodline stinct na siguro dahil galing ako sa angkan ng mga gangster. O sadyang nakakaramdam lang ako ng insecurity sakanya?

“Alice.”

 

Nilingon ko si Spade at tipid na nginitian. “Kasi sa totoo lang Spade, hindi ko alam kung anong magagawa ko sakanya. No, scratch that. Baka nga hindi ko siya magawang saktan kapag nagkataon.”

 

“Ganoon mo siya kamahal?”

Continue Reading

You'll Also Like

471K 7.7K 63
-- "Totoo ba ang vampires?" "Sinong una niyong kakagatin if naging vampire kayo?" "SYEMPRE YUNG CRUSH KO! para eternity kaming magsasama!" ~Julien Ch...
307K 5.3K 36
BOOK TWO GUYS! Book two of Black Princess: The Darkest Secret "Mess with her and you will die" That is the popular description for her. It suits her...
She's the Boss By Zy

Teen Fiction

2.2M 40.6K 64
Andrew is the student council president. Athena is the rule-breaker. Araw-araw nag-aaway. Araw-araw sinisita siya ni Andrew pero ganun pa rin. Lumala...
752K 12.5K 38
Gianna Princess Thrice Williams,isang sophomore college student na bumalik ng Pilipinas para hanapin ang hustisya sa pagkamatay ng pamilya nya,But wh...