You're Still The One (A SharD...

By imnotkorina

245K 7.1K 1K

"You don't know how hard it is...to love and hate you both at the same time." More

YOU'RE STILL THE ONE (A SHARDON FANFICTION)
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 59
CHAPTER 60
EPILOGUE
SPECIAL CHAPTER: She's The One

CHAPTER 58

3.1K 86 9
By imnotkorina

Hindi na niya napigilan ang mapaiyak nang magising sa silid niya sa ospital kung saan siya pinagtulungang dalhin nina Donny at ng iba niyang tauhan sa hacienda. Naabutan siyang nakahandusay ng mga ito at walang malay ilang metro mula sa bangin. Her clothes were torn and her body was wrapped with dirt, wounds and bruises.

She couldn't stop her whole body from trembling as she recalled what happened. Wala na ang kabayo niyang si Batik. At kung marahil ay hindi siya naglakas-loob na tumalon mula sa likuran nito, kasama siya nitong nahulog sa bangin at namatay.

"Shhh...everything's okay, love. Huwag ka nang umiyak. Ligtas ka na. Ligtas ka na..." paulit-ulit na sabi ni Donny sa kanya habang maingat siyang niyayakap.

Donny's eyes were bloodshot and tired. Halata niya kung paano nito sinisikap na magmukhang matibay sa harapan niya ngunit ibinubuking ng mga mata ang matinding takot na nararamdaman.

She tried to hug him back with the same tightness but her sprained left shoulder didn't allow her. Masuwerteng iyon at ilang pasa at sugat lang ang natamo niya sa aksidente. Kung siguro walang damong nakabalot sa lupa at mabato ang bahaging kinabagsakan niya, mas malala pang pinsala ang inabot ng katawan niya.

Ang sabi ng doktor ay ilang linggo lang at maghihilom na rin ang mga iyon. Ngunit sa tingin niya matatagalan pa bago niya malimutan ang trauma na dinulot sa kanya ng pangyayari.

Hindi siya makapagsalita dahil sa labis na paghagulgol. Idiniin na lamang niya ang mukha sa leeg ng asawa upang damhin ang init na ibinubuga ng katawan nito. His warmth brings comfort to her system. Kahit paano'y naiibsan ang mabigat na pakiramdam.

"Ako ang tumingin kay Batik kaninang umaga. Wala naman ako'ng napansing kakaiba sa ikinikilos niya," si Benjamin na pagkamulat niya ay naroon na. Kasama nito si Aling Mirasol at ang tiyo ni Donny na si Mang Hugo. Nababakas din ang pag-alala sa mga ito lalong-lalo na sa nanay ni Donny.

Bahagyang inilayo ni Donny ang sarili sa kanya upang matitigan ang kanyang mukha. She looked away as tears continued to stream down her face. Naramdaman niya ang marahang pagpupunas ng daliri nito sa kanyang luha at pilit na pagpaling sa kanyang mukha upang harapin ito.

"...pero hindi rin naman imposibleng bigla na lang siyang magwala. Tulad ni Bangis, mahirap makasundo ang kabayong iyon. Masuwerte ngang ilang beses mo na siyang nasakyan, Lily," mas malumanay nitong sinabi.

Ngunit hindi napawi ng paliwanag na iyon ang bigat ng kanyang loob. Ayaw niya ring maniwala na bigla na lang nawala si Batik sa sarili nang walang dahilan.

"Something must've triggered it, Benjamin," pagsasatinig niya sa kanina pa naiisip.

Mahirap makasundo si Batik pero nagawa niyang kunin ang loob nito. Maka-ilang beses na rin niyang nasakyan ang kabayo at ngayon lamang ito umakto ng ganoon. Inalala niya ang mga huling sandaling nakasakay siya kay Batik at mas lalo lang tumindi ang pakiramdam niya na may iniinda ang kabayo.

Dahil sa kanyang pahayag, kumunot ang noo ni Benjamin. Nararamdaman niya naman ang mabibigat na titig ni Donny sa kanya nang sabihin iyon. Malalim na rin ang itinatakbo ng isip.

"Ano'ng ibig mo'ng sabihin, hija?" si Aling Mirasol na mas lalo lang yatang lumalim ang mga linya sa mukha dahil sa pag-aalala. Humakbang ito ng kaunti upang mas lalong mapalapit sa kanyang kama.

Tumikhim si Mang Hugo bago pa man siya makapag-salita. "Ang sinabi ng mga tauhan mong nakakita sa'yo ay masyadong mabilis ang naging pagpapatakbo mo sa kabayo, Liberty. Hindi kaya may nagawa ka kaya bigla na lang nagwala si Batik?"

Namula ang kanyang mga pisngi dahil sa sinabi ng tiyo ni Donny. Ang pinapalabas nito ay kasalanan niya ang nangyari. Pero matatag ang kanyang paniniwalang wala siyang nagawang anoman para magwala si Batik ng ganoon. None that she could think of...

Gamay na niya ang kabayo. Alam niya kung paano ito amuhin at kung ano ang mga bagay na ayaw nito. Sanay na rin si Batik sa kanya. Alam niya sa sariling wala siyang nagawang maaaring ikapahamak nila.

"I-I knew how to ride horses, Mang Hugo. Naturuan ako sa isang maayos na riding school sa ibang bansa. Alam kong wala ako'ng ginawang mali para mangyari ito."

"Oo at naturuan kang mangabayo sa ibang bansa. Pero baguhan ka pa rin, Liberty, kaya hindi imposible ang sinasabi ko," sagot nito habang napapa-angat ang gilid ng mga labi. "Wala rin namang nakitang kahit na ano sa katawan ni Batik bilang indikasyon na sadya ito gaya ng ibig mong sabihin. Walang rason para magwala siya maliban na lang kung ang sumakay mismo ang may nagawang pagkakamali."

Her cheeks heated more. Bumuka ang kanyang mga labi para depensahan pa ang sarili pero walang salita ang namutawi. Naiinis din siya na may punto ang tiyo ni Donny. Lalo na dahil na-imbestigahan na pala ang katawan ni Batik at walang pruweba para patunayan ang hinala niya.

Sa huli, bumagsak ang kanyang mga mata sa kandungan. She felt another batch of tears coming but she fought them. Ayaw niyang magmukhang mas lalong guilty sa harapan ng mga ito.

"Sa susunod, mag-iingat ka na, Liberty. Huwag kang masyadong kampante. Kung ang tao nga mahirap pagkatiwalaan, mga hayop pa kaya..." may himig ng pagbibiro ang tono ni Mang Hugo.

Hindi niya na tinanaw pa si Mang Hugo nang magsalita.

She never really liked him. Dahil ito ang kanang-kamay ni Donny sa rancho, madalas niya ito'ng makita roon at sa bahay nila. But as much as possible she'd stay out of his way and not interact with him.

Noon pa man ay iba na ang pakiramdam niya rito. Hindi niya lang sinasabi pa kay Donny dahil ayaw naman niyang magkaroon ng problema ang dalawa dahil lang sa simple niyang pakiramdam.

"Tama na, Hugo. Huwag mo nang pasamain pa ang loob ng asawa ko," may pagbabanta na ngayon sa tinig ni Donny.

"Mas mabuti siguro kung iwanan muna natin sila Donato rito para makapagpahinga pa si Lily, Benjamin, Hugo," si Aling Mirasol bago siya muling binalingan. "Lily, magpagaling ka. Madalas ako'ng bibisita rito."

She offered her a warm and sincere smile. "Salamat po, 'nay."

Tumango ito at ngumiti rin. Maingat ito'ng yumakap sa kanya upang huwag matamaan ang kanyang pinsala habang nagpapaalam. Simpleng tango lang ang ibinigay ni Benjamin sa kanya. While Mang Hugo looked sternly at her with hooded eyes. Mabilis siyang nag-iwas ng tingin dahil hindi niya nagugustuhan ang pakiramdam na ibinibigay nito sa kanya.

Nang mapag-isa na sila ni Donny doon ay naging magaan na rin ang pakiramdam niya kahit paano. Mula sa sumarang pinto ay hinarap niya ito ngunit sinalubong siya ng malambot nitong mga labi. He kissed her tenderly. Pumikit siya at ninamnam ang mabini nitong halik sa kanya. How could a simple kiss soothe all the pain and worries away, she doesn't know.

Mapungay ang kanyang mga mata nang tumigil ito at isandal lamang ang noo sa kanya. She watched him lick his wet lips making it redder. Umangat ang isa niyang kamay para damhin ang pisngi nito.

She thought she's going to die. She's so afraid that she'll not be able to touch him like this again. She's afraid she'll not be able to kiss him again. Maikli pa ang panahong pinagsamahan nila. Hindi pa sapat para bawiin ang sampung taon na nawala mula sa kanilang dalawa.

"Damn it, you scared me to death, baby," anitong tila batang nagmamaktol sa kanya.

"I'm sorry..." dahil iyon lang naman talaga ang kaya niyang sabihin.

Suminghap ito at mariing pumikit. Umangat ang kamay nito patungo sa kamay niyang nasa pisngi nito upang mas idiin pa iyon. Pagkatapos ay kinuha nito ang kanyang palad para halikan. After raining kisses on her palm, binigyan siya nitong muli ng halik sa kanyang mga labi na marubdob niyang tinanggap.

She bit his lower lip so he'd stop kissing. They were both breathless but none of them seemed to be bothered. Iniangkla niya ang isang kamay sa batok ni Donny at nagpatuloy sa pagbibigay ng mabababaw na halik sa mga labi nito. Habang ito'y nakapikit lamang na dinadama ang ginagawa niya rito.

"I'm sorry for scaring you," aniya ritong muli. "I'll be more careful next time, baby."

Huminga ito ng malalim bago tumango. Isinandal nito ang noo sa balikat niyang walang pinsala habang ang isang kamay ay isinalikop sa kanya. Pumikit siya't hinalikan ito sa tenga.

"We should tell your mom about this. Or at least your tito..." anito sa mababang boses.

"I don't think there's still a need for that," bulong niya. "Mag-aalala lang sila. Maayos naman na ako at magpapagaling na lang."

Bumuntong-hininga ito'ng muli. Tunog pagod iyon. Kung karaniwang araw marahil ay makikipag-talo pa ito sa kanya pero hindi ngayon. She could tell that he's still pretty shaken up with what happened. Lalo lang lumala ang guilt na nararamdaman niya dahil doon.

"I love you, Liberty..." he said softly.

She kissed her husband on the ear again. "I love you so much, Donato."

She was discharged from the hospital three days after. Gusto pa sana ni Donny na mas matagal siyang manatili roon para masiguro ang kalagayan pero siya na ang nag-request na sa bahay ituloy ang pagpapagaling kaya hindi rin siya nito napilit.

Sa dating tahanan pa rin sila nito umuwi at kahit pa naroon si Aling Mirasol upang siguruhin na may aasikaso sa kanya habang nagpapagaling, hindi nawala si Donny sa kanyang tabi. Ilang araw na rin ito'ng hindi nagtutungo sa rancho para magbantay sa kanya. Ang mas madalas na tawag na natatanggap nito sa telepono ang nagsasabi sa kanyang kailangang-kailangan na ito sa trabaho.

"I'm really fine, babe. Nandito naman si nanay at wala naman ako'ng ibang pupuntahan. Promise..." isang gabi na nasa kanilang silid. Nakahiga siya sa braso nito habang ang mukha ay nasa leeg ng asawa.

Gumapang ang malayang kamay ni Donny sa kamay niyang nakapahinga sa matipuno nitong dibdib patungo sa kanyang braso. She felt his lips plant a kiss on her forehead.

"Natatakot na ako'ng iwanan ka. Tuwing mawawala ka na lang sa paningin ko, may nangyayari," mariin nitong sinabi.

Tiningala niya si Donny upang mas maayos ito'ng maharap. Sinalubong siya ng mas seryoso at madilim nitong titig gamit ang kulay tsokolateng mga mata. Halatang naghahamon na salungatin niya ang sinabi nito.

"But it was an accident. I already promised that I'll be more careful next time."

Nagtiim-bagang ito. Hindi niya napigilan ang sariling mamangha habang tinititigan ang asawa. He really has a perfect and very manly profile. Ma-anggulong panga, matangos na ilong, buong mga labi at malalim na mga mata. His features were more defined when angry. Kaya ang hirap matakot tuwing nagagalit ito dahil mas pinangungunahan siya ng paghanga.

Mas humigpit lalo ang mga braso nito sa kanya ngunit maingat pa rin upang huwag siyang masaktan. She smiled at him. Kita niya ang paghihirap nitong panatilihin ang masungit na mukha ngunit sa huli'y nabigo rin. He gave her a tight smile.

"Bakit ba ang ganda mo? Gusto kong maghigpit sa'yo pero sa huli palaging ang gusto mo pa rin ang nasusunod. You're not fighting fair."

Natawa siya roon. "Bakit? Minsan 'yung gusto mo rin naman ang nasusunod, ah."

"It takes so much effort not to give in to your every whims and requests, though."

Napangiti siya bago gumapang at dumapa sa dibdib nito. She gave him a quick kiss on the lips before burying her face on his neck again. Maingat na yumakap ang mga braso ni Donny sa kanya kasabay ng masuyong paghaplos sa kanyang buhok.

"I have an appointment with a client tomorrow. Kailangan kong pumunta ng Tagaytay. Nasa dalawa o tatlong araw siguro ako roon," malungkot nitong sinabi sa kanya.

Dalawa hanggang tatlong araw silang hindi magkikita? Nakaramdam din siya ng lungkot sa sinabi nito. Ngunit sa halip na ipakita iyon sa asawa, her face remained on his neck.

"I want to bring you with me but you're still recovering. I think I might just cancel—"

"No!" agap niya at hinarap ito. "Kliyente rin iyan, Donny. Sayang naman kung ika-cancel mo."

Hindi lang naman ito ang nakikinabang kapag kumikita ang rancho. His workers too. Sayang kung mawawalan ang mga ito ng kliyente dahil lang nag-aalala si Donny sa kanya. Ayaw niyang lumikha pa ng mas malaking perwisyo ang aksidenteng kinasangkutan niya.

Suminghap ito at hindi nagsalita.

"Ayos lang ako. I'll just wait for you here, baby," mas malumanay niyang sinabi.

Matalim ang tinging ipinukol nito sa kanya at alam na niya kung bakit. She's trying to bend him again to her will using her sweet talk. Ngumiti lang siya at mas pumungay pa ang mga mata. Nag-iwas ito ng tingin at mariing pumikit.

"Stop doing that, Liberty Pangilinan," he said harshly.

Humalakhak siya at pinatakan ito ng halik sa panga. She'll definitely miss her husband for the coming days. Ngunit ayaw naman niyang maapektuhan ang trabaho nito para lang sa kanya. Mas magi-guilty lang siya dahil sa hindi pag-iingat.

"Bumalik ka sa'kin..." she whispered on his ear.

"You know I always do," he said.

Maaga siyang gumising kinabukasan para ihanda ang mga gamit na dadalhin nito. She also prepared breakfast for her husband as he started to get ready. Hindi na kumain si Benjamin at nagpaalam na para maagang magtungo sa rancho. Ito muna ang titingin doon at nangako ring bibisita sa hacienda na ipinagpasalamat niya.

Malungkot siya nang magsimula na nitong ilagay ang mga gamit sa sasakyan ngunit itinago niya iyon habang nagpapaalam. Ayaw niyang mag-alala pa ito sa kanya habang nasa malayo o, ang mas malala, hindi na ito tumuloy.

Hindi niya napigil ang pagpatak ng luha nang mawala na sa paningin ang sasakyan ni Donny. She quickly wiped it with her palm. Naabutan niya si Aling Mirasol na nakamasid sa kanya nang may malungkot na ngiti.

"Babalik din iyon kaagad, Lily. Huwag ka nang malungkot," alo nito.

Nahihiya siya dahil sa pagiging masyadong emosyonal. Kung maka-akto siya ay parang mangingibang-bansa si Donny o 'di kaya ay hindi na babalik.

"S-Sorry po..."

Ngumiti ito. "Wala ka namang dapat ihingi ng tawad sa'kin, hija. Naiintindihan ko naman." Umakbay ito sa kanya. "Tara na sa loob?"

Tumango siya at ibinalik na ang ngiti rito. Ngunit bago pa man sila makabalik sa loob ng bahay ay natigilan sila nang may tumawag.

"Nanay Mirasol...Liberty..."

Sabay silang napalingon ng nanay ni Donny doon. Naging blangko ang ekspresyon niya nang mabungaran ang naka-ngiting si Ysabel habang hawak sa magkabilang kamay ang basket na may lamang mga prutas at bungkos ng bulaklak.

"O-Oh, Ysabel! Ikaw pala, hija. Bakit ka naparito?"

Nilipat ni Ysabel ang matamis nitong ngiti kay Aling Mirasol. "Nabalitaan ko po ang nangyari kay Lily. Pasensiya na kung ngayon lang ako naka-bisita dahil naging abala din ako sa trabaho."

Bumaling din ito sa kanya. "Gusto ko lang malaman kung ayos ka na ba, Liberty."

Hindi niya alam kung ano'ng dapat maramdaman ngayon dahil sa pagparoon nito. Lalo na dahil hindi naman naging maganda ang naging huli nilang pagkikita. But she tried not to act rude. Kung totoo man ang concern ni Ysabel sa kanya o hindi, bahala na ito roon.

"Maayos na ako. Naigagalaw ko na kahit paano ang braso ko at pagaling na rin ang mga sugat at pasa ko," malumanay niyang sagot dito.

"Mabuti kung ganoon. Siguradong labis-labis ang pag-aalala ni Donato sa'yo..." hindi nakalampas sa pandinig niya ang tabang ng pagkakasabi nito roon. But she decided not to make a big deal out of it.

"Kakaalis lang ni Donato, Ysabel. Sayang at hindi pa kayo nagpang-abot," ani Aling Mirasol.

"Sayang nga po," si Ysabel na bumalik ang ngiti sa mga labi. "Oh siya, at hindi na rin po ako magtatagal. Abala po talaga ako sa trabaho ngayon at dumaan lang ako dito para ibigay kay Liberty ang mga ito."

Inabot ni Ysabel sa kanya ang basket at ang bulaklak. Tinignan niya ang mga iyon at akmang kukuhanin nang pangunahan siya ni Aling Mirasol.

"Hindi pa lubusang magaling ang balikat ni Liberty kaya ako na ang magdadala nito sa loob."

Nahihiya man ay wala na siyang nagawa pa nang magtuloy na si Aling Mirasol sa loob ng bahay bitbit ang mga dala ni Ysabel para sa kanya. Ibinalik niya ang tingin sa 'bisita'. Naabutan niya ang mataman na tingin ni Ysabel sa kanya.

"Thank you for the flowers and fruits, Ysabel. Hindi ka na sana nag-abala," aniya rito.

"Walang anoman..." Ysabel's smile didn't reach her ears. "Mag-iingat ka. Balita ko...pinagtangkaan din ng kasambahay mo ang buhay mo? Mukhang hindi lang ako ang may ayaw sa'yo sa lugar na 'to."

Bago pa man siya makapag-react doon ay lumabas nang muli si Aling Mirasol sa bahay. Nagpasalamat ito kay Ysabel. Hindi na muli pang lumingon sa kanya ang kababata ni Donny nang magpaalam ito upang umalis.

Kabababa lamang niya ng tawag galing sa asawa nang makatanggap ng tawag mula kay Rivero. Madali siyang nagpaalam kay Aling Mirasol na abala sa pagluluto ng tanghalian saka nagtungo sa silid ni Donny para doon sagutin ang tawag.

"Hello, Rivero..."

"Ma'am Liberty..." simpleng bati nito.

"Kamusta? I'm sorry if I failed to answer your call last time. I've been...uh...busy," excuse niya.

Baka kapag sinabi niya ang tunay na nangyari ay makaabot pa sa kanyang mommy. Hindi ang ganoong klaseng impormasyon ang ililihim ni Rivero mula rito. She's lucky that he's not informing her mother about her search for Amador yet. Siguro'y dahil masyado ring sensitibo ang kasong ito.

"Maaaring nakatunog si Amador Domingo tungkol sa ginagawa niyong paghahanap sa kanya. Wala na siya sa tinutuluyan niya nang puntahan ko."

"What?!" mariin niyang sinabi. Kung siguro'y hindi natatakot marinig ni Aling Mirasol mula sa labas ay mas napalakas pa ang boses niya dahil sa frustration.

"Pasensiya na, Ma'am Liberty. Pero huwag kayong mag-alala dahil may lead na ako kung saan siya maaaring nagtatago ngayon."

Nagbuga siya ng hangin nang marinig iyon.

"Ang ipinagtataka ko lang ay kung paano niya ito nalaman. Siguro ay may mga koneksiyon din ang taong ito na tumutulong sa kanya dahilan para madaling makapagtago ng ganito katagal."

Ngayong nabanggit ni Rivero ito ay napaisip din siya. Imposible nga namang magawa ni Amador ang lahat ng ito kung nag-iisa. May mga koneksiyon ito. Koneksiyong alam din ang ikinikilos niya. Siguro nga hindi kasing-dali ng inaakala niya ang pagtugis sa criminal na ito.

"Do everything you have to do, Rivero. I trust on your skills."

"Makakaasa kayo, Ma'am Liberty."

Hindi pa man nagtatagal nang ibaba niya ang tawag nang isa pa muling tawag ang natanggap niya. Ang pangalang naka-rehistro sa screen ay ang pulis na in-charge sa paghahanap kay Mae.

Marahas siyang nagbuga ng hangin bago iyon tinanggap. "Hello..."

"Mrs. Pangilinan, magandang tanghali po," bati ng pulis.

"Magandang tanghali rin po. May balita na po ba?" Iyon lang naman ang tanging rason na nakikita niya para tumawag ito.

"Natagpuan na po si Mae at ang pamilya niya..." anito.

Namilog ang mga mata niya dahil doon. Mas bumilis pa ang tibok ng kanyang puso kasabay ng pag-usbong ng pag-asa na malutas na ang kasong iyon na pala-isipan pa rin sa kanya hanggang ngayon.

"T-Talaga po? Nasaan sila?"

"Walang natirang buhay sa kanila, Mrs. Pangilinan. Kaya kung puwede sana ay gusto naming maka-usap ang asawa ninyo. Dahil mga tauhan niya ang itinuturong salarin ng nakakita sa pangyayari."

Continue Reading

You'll Also Like

896K 22.9K 51
Hailed as the King and Queen of the youth. Until they broke up. - [Not revising, just minor changes. Can't salvage the story anymore. Read at you...
19.1K 141 21
When the Sexy surgeon Wandee Ronnakiat becomes involved with boxer Yeo Yak and their relationship develops from friends with benefits to something mo...
1.3K 345 30
She glows with great value, just like the sparkle of an expensive diamond. She goes through growth and reveals her deepest wishes, similar to the gem...
102K 3.6K 57
There's one person who are meant for us ... One person that will let us feel how perfectly imperfect we are. When Mikha met Aiah's eyes she knew at t...