Shotgun Wedding

By pancakenomnom

436K 4.8K 699

One wedding changes the lives of Arleigh Llamanzares and Lujille Valderama for the sake of business. Now on t... More

Characters
PREFACE
One
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty-One
Twenty-Two
Twenty-Three
Twenty-Four
Twenty-Five
Author's Note
Twenty-Six
Twenty-Seven
Twenty-Eight
Twenty-Nine
Thirty
Thirty-One
Thirty-Two
Thirty-Three
Thirty-Four
Thirty-Five
Thirty-Six
Thirty-Seven
Thirty-Eight
Thirty-Nine
Forty
Forty-One
Forty-Two
Forty-Three
Forty-Four
Forty-Five
Forty-Six
Forty-Seven
Forty-Eight
Forty-Nine
Fifty
Fifty-One
Fifty-Two
Fifty-Three
Fifty-Four
Fifty-Five
Fifty-Six
Fifty-Seven
Fifty-Eight
Fifty-Nine
Sixty
Sixty-One
Sixty-Two
Sixty-Three
Sixty-Four
Sixty-Five
Sixty-Six
Sixty-Seven
Sixty-Eight
Sixty-Nine
Seventy
Seventy-One
Seventy-Two
Seventy-Three
Seventy-Four
Seventy-Five
POSTFACE
Shotgun Wedding Plus: Birth of a Father (Part 1)
Shotgun Wedding Plus: Birth of a Father (Part 2)
Shotgun Wedding Plus: Birth of a Father (Part 3)
Shotgun Wedding Plus: Birth of a Father (Part 4)
Shotgun Wedding Plus: A New Beginning
Epilogue
Author's Note II

Nine

8K 114 20
By pancakenomnom

A/N: This is for yoola19, na matiyagang naghintay na matapos ko ang update na to. ERMAHGERD. Imo na jung moment, girl! :D Love, your MR. P :DDDD

Maaga akong nagising kinabukasan. Tulog pa sa tabi ko si Arleigh, at nang tingnan ko siya, hindi ko mapigilang ngumiti. He’s still handsome as ever. Kahit anong facial expression niya, cute siyang tingnan. Siguro kung hindi lang siya nagka-amnesia, boyfriend ko pa siya hanggang ngayon. At ang kasal namin kahapon ay simbolo ng pag-iisang dibdib namin, na walang halong acting o kakyemehan. Pero nag-iba na lahat eh. Sadyang mapaglaro ang kapalaran.

Bumangon ako at pumunta malapit sa bintana. Tiningnan ko yung plane tickets namin papuntang El Nido. Nakakatawang isipin pero magha-honeymoon talaga kami. Nag-abala pa si Mommy Monique na bilhan kami nito. Itinuon ko ang paningin ko sa labas. Malapit nang sumikat ang araw, at kasabay noon ay ang paggising ko sa katotohanan.

To him, I’m a stranger. To me, he’s my everything. Wala ng sweet-sweetan sa amin. Kailangan ko ng simulan ang misyon ko.

Pero paano nga ba ako magsisimula?

Nag-isip muna ako ng plano habang naliligo. Paano ko ba sisimulang ipaalala sa kanya nag lahat tungkol sa akin? Malapit ng mag-agahan, at sigurado akong gutom na gutom na kaming dalawa. May room service ang hotel, at biglang sumagi sa isip ko ang isang bright idea.

Tama. Favorite food ni Arleigh ang uunahin ko.

Pagkatapos magpatuyo at makapagbihis, tinawagan ko agad ang room service. Nag-order ako ng chicken pasta at isang basong gatas. Paggising niya, siguradong ngingiti siya sa inihanda ko.

Dumating ang staff sa room namin at inihatid ang order. Nauna na akong kumain sa order kong tuna sandwich at omelet. Hinintay ko siyang gumising pero mukhang matatagalan pa yata. Binayaran ko na ang order at umalis na rin ang staff pagkatapos.

He stirred up a bit, then eventually he opened his eyes. Nagulat siya nang makita niya akong bihis na. I smiled at him.

“Kanina pa ako gising. Kumain na rin ako ng breakfast. Kain na. Pinag-order na kita.” sabi ko.

He rolled his eyes.

“Kaya ko naman eh. Nag-abala ka pa.”

“Siyempre naman ‘no. It would be improper for me kung pabayaan kita.” I answered.

Enough of daydreaming, Lujille.

Hindi na siya magiging sweet sa iyo gaya ng kagabi. He’s back to his normal attitude now. Si Leslie ang mahal niya, hindi ikaw.

Bumangon na siya at pumunta muna sa banyo. Lumabas siya after a few minutes at tiningnan ang pagkain. Bigla siyang ngumiti.

“Paborito ko ‘to ah!” he exclaimed.

“Yup! Yan ang in-order ko para sa iyo.”

Tumingin siya sa akin at ngumiti. “Thanks.”

Hindi ko na lang iyon pinansin at kinalikot ang cellphone ko. Matagal na akong naghihintay na may maalala siya tungkol diyan, pero ni isang statement, walang lumabas sa bibig niya.

“Siya nga pala, marunong ka ba magluto nito?” tanong niya.

Tumango ako. “Oo. Specialty ko yan eh.”

Try mo yung luto ni Leslie, masarap iyon.” he said.

Leslie. My heart sank dramatically nung sinabi niya iyon. Why does he have to bring her up? Kami yung kasal ‘di ba? Siguro ninakaw niya ang lahat ng meron ako sa puso ni Arleigh. Gusto kong umiyak, pero pinigilan ko ang sarili ko. That’s too silly.

I cleared my throat at ibinalik ko ang attention ko sa cellphone ko. Naglaro na lang ako para mawala yung inis ko. I tried to convince myself that I heard the wrong thing.

Nagsalita si Arleigh matapos inumin ang gatas niya.

“Eleven o’clock ang flight natin papuntang Palawan. Make sure na handa na lahat ng gamit mo.”

“Kanina pa.” sagot ko and I walked out of the room. Sumandal ako sa dingding pagkatapos kong isara ang pinto. Bigla na lang akong napaiyak. Bakit ba ganito? Bakit pa kailangan niyang sabihin iyon? Harap-harapan na niya akong sinasaktan. Pakiramdam ko hindi na tama ‘to.

Pero hindi ako susuko. Ipagpapatuloy ko ang sinimulan ko. Sa huli, alam kong magtatagumpay ako. I just have to be strong. And with that, I got up, wiped out my tears, and went back to my room.

Walang ni isa sa amin ang nagsalita habang nasa eroplano. Wala akong ganang magsalita matapos ang nangyari. Siya naman, nakatingin lang sa bintana suot ang earphones sa magkabilang tainga. Konti na lang, magkaka-stiffed neck na yata ‘to eh. Ni hindi man lang siya natitinag.

Itinulog ko na lang ang buong biyahe. Ni magbasa ng magazines nawalan ako ng gana. Devastated pa rin ako sa mga nangyari kanina. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Kung ipapaalala ko sa kanya ang lahat ng meron kami, dapat kong ikuwento sa kanaya, at sana nga lang, willing din siyang makinig. And it all boils down to one thing- lahat ng iniisip ko ngayon ay suntok sa buwan.

Tinapik ni Arleigh ang balikat ko, and I flipped my eyes open. Lumapag na ang eroplano sa airport. Nasa Palawan na pala kami.

“Tayo na.” sabi niya at naunang tumayo sa akin.

Tumayo na ako at sinundan siya. Nag-taxi kami patungo sa beach resort na sinabi ni Mommy Monique sa amin para doon mag-stay. Kaibigan niya kasi yung may-ari kaya may room reservation na agad kami.

Bumaba na kami at tinungo ang resort. Upon reaching the reception, nag-smile ang receptionist sa amin.

“Mr. and Mrs. Llamanzares, I suppose?” tanong niya.

“Yeah.” Sagot ni Arleigh with a smile, but he was a little bit shocked. Maging ako ay nagulat din sa approach niya.

“Here’s the key to your room.” she said and handed me the key. Tinanggap ko iyon at nagpasalamat sa kanya.

As usual, nauna pa ring naglakad ang asawa ko. Mukhang ikinatuwa pa yata yun ng receptionist na feeling ko, pinagnanasaan si Arleigh.

“Alam niyo, ma’am, bagay kayo ng asawa mo. Bihira na makabingwit ng ganyang kagwapong lalaki sa panahon ngayon. Ingatan niyo iyan.” sabi niya.

Ngumiti ako. “Eh kasi naman ngayon, ang mga guwapo, guwapo ding ang gusto.” biro ko.

Natawa siya sa sinabi ko.

“Tama po kayo. Yung kapatid kong lalaki, boyfriend material nga, lalaki din naman ang gusto. Kaya hayun, hinayaan ko na lang.” dagdag niya.

“See? Tama ako ‘di ba?”

“Oo nga po eh. Sige po, enjoy your stay.”

Pinasalamatan ko siya ulit at hinanap si Arleigh. Nawala siya bigla sa paningin ko. Sinubukan kong tahakin ang direksyon na nilakad niya pero hindi ko siya makita.

Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan siya. Sinagot niya iyon matapos ang pitong rings.

“Nasaan ka ba?” tanong ko.

“Nasa elevator. Nasaan ka ba?” kalmado niyang sabi.

“Nandito ako sa ground floor hinahanap ka. Tumigil ka sa anumang floor na matigilan mo at hintayin mo ko.” utos ko.

“Okay.” sabi niya then he hung up.

Nairita ako sa ginawa niya. Kung plano niya akong pagtawanan, puwes wala ako sa mood. Kanina pa ako malungkot at iritado.

Pagkasakay ng elevator, tinawagan ko agad siya. Agad niya naman itong sinagot.

“Hoy, nasan ka?” iritable kong tanong.

“Fifth floor.” he said flatly.

Tiningnan ko ang room number namin. Sabi nito sa seventh floor ang kuwarto namin. Hindi ko na lang iyon pinansin.

“Papunta na ako diyan.” sabi ko then I hung up.

Tumigil ako sa fifth floor at sinubukan siyang hanapin. Wala pa rin. Muntik na akong madapa sa hallway. Buti na lang at walang nakakita.

Kinuha ko ulit ang cell phone ko at tinawagan siya ulit. Iniinis na niya ako ng sobra-sobra. Sinagot niya ang phone and this time, full-blown na ang singhal ko sa kanya.

“Gago ka ba?! Ano ba’ng pumasok sa kukote mo at pinaglalakad mo ko ng ganito?” I yelled.

“Nasa seventh floor na ako. Halika na.”

Pinutol ko yung tawag at sumakay ulit ng elevator. Ewan ko na lang kung anong magagawa ko kapag nakita ko ang asawa ko. Alam kong pagtatawanan niya ako dahil sa katangahan ko, pero nasa akin ang susi. Mas kawawa siya.

Bumukas ang elevator and it told me na nasa seventh floor na ako. Agad kong tinakbo ang hallway at nakita si Arleigh na nakatayo sa harap ng isang room sa may dulo. Binilisan ko ang paglalakad. I slammed my hands on his chest at sinigawan siya.

“Nandito ka lang pala eh! Pinaghahanap mo pa ako. Ano ba’ng tingin mo sa sarili mo, destination ni Dora? Buwisit ka!”

His eyes flared up in anger.

“Eh ikaw din naman ‘tong tanga! Alam ko ng dito yung magiging kuwarto natin, nakipag-chikahan ka pa sa babaeng iyon. Kaya iniwan kita.”

“At ako pa ang sinisisi mo eh ikaw ‘tong naunang umalis! Hay! Ewan ko sa iyo.” sabi ko at tinalikuran siya. Binuksan ko ang room naming at pumasok. Sumunod na rin siya at inilagay ko ang mga bagahe ko sa may sulok. Humiga ako sa malaking kama at ipinikit ang mga mata ko.

“Pakisara ng pinto.” I demanded.

Narinig kong padabog niyang isinara ang pinto. Pagmulat ko ng mga mata ko, nakita ko siyang nakaupo sa couch at nanonood ng TV. Ipinikit ko ulit ang mga mata ko habang pinipigilan ko ang sarili kong matulog.

Alas-otso na ng gabi nang gisingin ako ni Arleigh. Sinabi niya sa akin a nag-dinner na siya two hours ago. Hindi na niya ako hnintay dahil sobrang sarap na sarap ako sa pagtulog ko. Bumangon ako, nagbanyo sandali at iniwan siya.

“Ang lakas mo palang matulog, ‘no?” sabi niya bago ako makalabas ng kuwarto. Hindi ko siya pinansin at tuluyan nang lumabas.

Maraming restaurants malapit sa hotel. Naka-linya silang lahat along one road, at ikaw na lang ang mamimili kung saan mo gustong kumain.

I chose to eat at a grill restaurant.  Matagal- tagal na rin naman akong hindi kumakain ng barbecue. Na-miss ko na ang lasa nun. Pumasok na ako sa loob at nag-order ng makakain.

Nang dumating na ang sizzling hot pork barbecue ko, agad ko na yung kinain. Biglang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko iyon at sinagot ang tawag mula kay Nathan.

“Hello, Nathan? Mabuti napatawag ka?” sabi ko ng nakangiti.

“Kailangan talaga eh. Gusto lang kitang kamustahin. Okay ka lang ba diyan?”

I smiled. Kahit kailan talaga, mabuting tao si Nathan.

“Okay lang naman ako. Kain tayo.” sabi ko.

“Salamat. Kumain na ako. Hindi ka ba pinababayaan ni Arleigh?”

There was a hint of concern sa boses niya. Considering those times na nag-away kami and he’s beginning to treat me coldly, I could say naging pabaya nga siya. Pero ayokong sabihin iyon kay Nathan. Ayokong magsimula ng away sa pagitan nilang dalawa.

“Hindi naman.” pagsisinungaling ko.

But he knows me too well. I had a gut feeling na mahahalata niya ako.

“Lujille, magsabi ka ng totoo.” he urged.

Tumawa ako. “Nathan, huwag ka ngang masyadong praning, ha? Hindi ako pababayaan ni Arleigh. Trust me.”

“Siguraduhin mo lang dahil alam mo na ang mangyayari.” he said evilly.

“Pupulbusin mo ang mukha niya?” sabi ko sabay tawa.

“Actually, mas malala pa diyan ang gagawin ko.”

Tumawa ako at nagpaalam na sa kanya. Binayaran ko na lahat ng kinain ko at naglakad sa anumang direksiyon na maabutan ko.

Napadpad ako sa isang night market na may kalayuan na rin ng konti sa hotel. Tumingin-tingin lang ako sa mga iba’t-ibang bagay na binebenta doon. Sa isang stapll na nagbebenta ng mga souvenir items, kinausap ko ang isa sa mga tindera. Sila mismo ang gumagawa ng mga binebenta nila.

Nakita ko ang isang key chain na may maliit na surfing board. Surfing ang paboritong sport ni Arleigh noong college pa kami. At naisip kong bilhan siya ng isa.

Matapos bayaran ang mga binili ko, ipinasok ko hna sa bag ko ang key chain. Tumunog ang cellphone ko at tiningnan ko kung sino ang tumatawag.

“Ano’ng oras ka ba uuwi?” bungad ni Arleigh imbis na ako ang magsasalita.

“Ngayon na. Parating na ako diyan.” sabi ko at pinutol ang linya. Hindi ko inakalang mag-aalala siya sa ‘kin ang taong iyon. Nakakatuwang isipin, at kahit pigilan ko man, kinikilig ako.

Enough of daydreaming, Lujille.

Umalis na ako sa night market. Nang makalayo na ako ng konti, biglang bumuhos ang isang napakalakas na ulan. Wala akong payong, at wala pa akong nakikitang masisilungan. Ni taxi wala rin.

Tinext ko si Arleigh na made-delay ako ng konti. Hindi siya nag-reply sa akin.

Hindi pa rin tumitigil ang ulan. Patuloy pa rin ito sa pagbuhos, habang inuunahan na ako ng kaba. Lumalalim na ang gabi at lowbatt na ang cellphone ko. Ewan ko kung mag-aalala ba si Arleigh, basta ang alam ko kailangan ko ng makauwi.

Tiningnan ko ang buong paligid. Kailan pa ba ititla ‘to? Nakakainis na.

Sinuong ko na lang ang malakas na ulan at tumakbo pabalik sa hotel. Wala akong pakialam kahit magmistula  na akong basang sisiw. Basta ang importante, kailangan ko ng makabalik.

Napasigaw ako nang madapa ako sa daan. Tumayo ako agad at nagpatuloy sa pagtakbo.

Dumating na ako sa hotel matapos ang ilang minutong pagtakbo. Nagpatuyo muna ako sa labas bago pumasok sa loob.

I got inside after a few minutes. I pressed the doorbell thrice and my husband opened the door. Nagulat siya matapos makita ang hitsura ko.

“Ano ba’ng nangyari sa iyo? Sa’n ka ba galing?” sunod-sunod niyang tanong.

“Kumain lang ako tapos yun, umulan na. Papasukin mo muna ako, pwede?” sabi ko at tinulak siya ng mahina. Pumasok ako kahit madumi pa ako.

Narinig kong sinara niya ang pinto.

“Alam mo bang ilang oras na akong nag-aalala sa iyo? Ang tagal mong nawala ah! Ganon ka ba kalakas kumain?”

I turned to him and checked on my lowbatt phone. Eleven thirty na pala. Matagal nga akong nawala.

“Pumunta lang ako sa night market para mamasyal. Pasensiya na kung pinag-alala kita. Hindi ko na po uulitin.” I said.

“Dapat lang. Dahil hindi pa kita lubusang kilala. Ang hirap naman kasing ikasal sa taong hindi mo alam ang pagkatao.” he answered.

Para akong sinaksak sa mga sinabi niya. Nag-aalala lang siya para sa akin dahil sa presence ko bilang asawa niya. Ano ba talaga ang inaasahan ko?

“Oh well, I’m sorry. I should have gone off somewhere. Baka doon pa ako namatay.”

His jaw clenched tight at nihanda and kamay niya para sampalin ako. Inunahan ko nang sampalin ang sarili ko bago niya ako masaktan.

Nanlaki ang mga mata niya. Shock was written on his face and he spoke.

“A-ano’ng g-ginagawa mo?” utal niyang sabi.

“Sinampal ko ang sarili ko. Hindi ba malinaw sa iyo?” I answered rudely.

Nakaramdam ako ng pag-asa nang hindi siya makasagot at mistulang napaisip. Sana nga may matandaan siya. Ginawa niya rin ito sa harapan ko noon, nung mag-away kami dahil sa selos.

“Subukan mo pang gawin ulit iyan, at magsisisi ka.” banta niya at lumabas ng kuwarto.

Akala ko yun na. Akala ko sasabihin na niyang ‘I remember you, already’. Pero hindi. Mali ang nangyari. Maling-mali.

Hindi niya alam ang pagkatao ko. Gusto kong sabihin sa kanya na kilala niya ako. Napaglaruan lang siya ng tadhana kaya ako nabura sa isipan niya.

Humakbang ako patungo sa banyo at doon ko ibinuhos ang lahat ng luhang kanina ko pa tinatago.

 

A/N: There you have it! The ninth chapter of Shotgun Wedding. Sana po nagustuhan niyo yung story. Pero ako, honestly, hindi ko pa alam kung paano patatakbuhin ang kwentong ito after this chapter. Ang dami ko pang jumbled ideas. Hehehe. Feel free to share your insights. Thank you.

Continue Reading

You'll Also Like

585K 7.6K 49
Would you enjoy the pleasure you felt from someone you've just met? "He did it before, I'm sure this time he'll take me forever" -Andrea Ann Villaluz...
550K 5.8K 32
Mag-asawa si Matrix Eigenman at si Marc Michelson, they were 20 then, and inlove. But Matrix caught Marc cheating. Nasaktan si Matrix sa ginawa ng as...
104K 4K 49
Hindi ko alam kung ano ang meron sa kanya at lahat sila ay sobrang saya na makasama siya. Wala namang kakaiba sa kanya. Oo maganda siya, pero marami...
5.5K 180 29
Nang malaman ni Angela ang totoong niyang pagkatao nagbago ang lahat sa kanya. She accepted the fact the she doesn't belong to the people that she gr...