Nasaan Na Ang Pag-ibig? (Form...

By PollyNomial

458K 8.2K 567

Sa pagbabalik ni Mikaella Buenzalido Santos sa Pilipinas, may isa siyang napagtanto at kailangan tanggapin. I... More

Nasaan Na Ang Pag-ibig?
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Kabanata 61
Kabanata 62
Kabanata 63
Kabanata 64
Kabanata 65
Kabanata 66
Kabanata 67
Kabanata 68
Kabanata 70
Wakas
Hiram Na Pag-ibig
Formosa Series #3 Update

Kabanata 69

3.9K 91 5
By PollyNomial

KABANATA 69 — Luha

Nang gabing iyon ay nagmadali akong inayos ang sarili ko upang hindi ako maabutan ni Vincent sa itsurang kakasuka lang. Mabuti na lang ay doon ako sa mga halaman nagsuka at walang kalat siyang makikita. Pinanlakihan ko ng mata ni Terrence nang akma niyang sasabihin ang tungkol sa kalagayan ko.

“Why? Hindi mo sasabihin?” bulong niya habang si Vincent ay abala sa pagpapasook kay Nash sa kotse ng kapatid.

“Hindi pa.” sambit ko. “I’ll surprise him.” Ngiti ko na inirapan niya.

Ngumuso ako. Siguro ay nakornihan siya dahil sa gagawin ko.

Mula nang gabing din iyon ay pili na ang mga kinakain ko. Pagkauwi namin sinigurado kong may laman ang tiyan ko bago ako natulog. Panay ang pagkain ko ng bread at ang nakasanayan kong salad. Hindi naman ako nahalata ni Vincent dahil iyon ang madalas kong kainin kahit noong hindi ko pa alam ang aking pagbubuntis.  

Nang maiwan ako dahil pupunta si Vincent sa opisina ng kanyang ama ay kinuha ko ang pagkakataon na magpa check up sa isang OB-GYNE. Confirmed na tatlong linggo na akong buntis. Sobrang galak ang naramdaman ko. Kapag nalaman ito ni Vincent, siguradong magtatatalon siya sa tuwa.

May binigay na reseta sa akin ang doktor para sa mga kailangan kong vitamins at kung anuano pa. Humingi rin ako ng listahan ng mga pwede at bawal kainin para hindi na ako mag-search pa sa internet at upang sigurado na rin. Nung araw din na iyon, nag-grocery ako at dumiretso sa aming bahay sa aming subdivision. Doon ko tinago ang mga pagkain at gamot ko dahil kapag sa condo ni Vincent, makakahalata siya.

Tuwang tuwa si Nanay Linda nang ipaalam ko sa kanya ang balita. Tinulungan niya ako sa mga palusot ko kay Dad kung bakit parating gulay ang lunch at dinner namin sa bahay. Siya na rin ang nagpapaalala sa akin ng mga vitamins ko at sinasamahan niya ako tuwing umaga para mag-exercise.

“Bakit hindi mo pa sabihin kay, Vincent? Matutuwa iyon.” Sambit ni Nanay Linda nang naglalakad kami sa street namin sa loob ng subdivision.

Ngumisi ako. “Surprise ko na po sa kanya ito. After ng wedding namin, birthday niya at doon ko planong sabihin.” Tumango si Nanay Linda.

“One month na ang tiyan mo sa araw na 'yon.” Tiningnan at hinimas niya ang sinapupunan ko.

“Opo. Hindi pa naman siguro iyon halata? Papaluwagan ko na rin ng konti ang gown ko para hindi masikip at hindi maipit ito.” Sabi ko.

“Tama 'yan.” sabi niya. Nakabalik kami ng gate ng bahay namin. “Eh sa Daddy mo pala?”

 

“Sasabihin ko rin po pero uunahin ko muna si Vincent.” Sagot ko sa kanya.

Lahat ay excited sa nalalapit kong kasal. Nagpunta kami ni Vincent sa aking boutique at kitang kita ko kung paano gawin ng mga empleyado ko ang mga susuotin ng entourage sa kasal ko.

“Miss Ella!” Tili nila. Hinawakan ni Vincent ang kamay ko matapos niyang isara ang pinto ng shop. “Ready na ang wedding gown niyo!” tili ni Roi habang tumatakbo palapit sa akin.

Hinila niya ako at nabitawan ko si Vincent. Tumawa na lang ako sa kanya at umiling naman siya habang nakangisi.

“Sir Vincent, wait there. For sure, nganga kayo sa bride niyo mamaya.” Natawa ako sa tinawag nila Belle kay Vincent.

Sir Vincent… I miss calling him that way.

Ako ang napanganga sa gown ko. Tapos na tapos na iyon. Nalaman kong inuna nilang ayusin iyon. Ball gown iyon na napupuno ng mga batong adorno. Tiningnan ko ang singsing ko at halos kaparehas ng bato roon ang maliit na batong nakatahi sa aking gown.

“Oh my gosh. Ang gagaling ninyo.” Gulat na sabi ko. Nasunod talaga ang design ko. No wonder I trusted these people for years.

“Siyempre!” sabi ni Cody. “Oh, boys, halika na at magsusukat na si Miss Ella.”

 

“Miss Ella, 'wag mo munang ipakita kay Sir Vincent 'yan, a. I heard the superstitions about weddings dito sa Pilipinas.” Tumango ako kay Bettina.

Ilang saglit lang ay kita ko na ang sarili ko sa salamin habang suot ko ang eleganteng bridal gown ko. How I wish this day would come at ngayon ay heto na. Nakasuot na rin ako ng sarili kong design. Well, siyempre nakasuot na ako noong fashion event ng FF but this one is different. I’ll get to wear this on my wedding day!

Gusto kong maiyak sa nakikita ko pero naunahan ako ng mga staff ko. “Kayo naman! Ba’t kayo umiiyak?” tanong ko sa kanila.

“Huh? W-wala po, Miss Ella.” Sambit ni Nerissa. “Akalain niyong ang ganda ganda niyo sa sarili niyong desenyo na gown.” Nakangiti ngunit naluluha niyang sabi sa akin.

Umiling ako at natawa. “Itigil mo nga 'yan. Naiiyak din ako, e!”

 

“Mika?” napatalon kami sa gulat nang marinig namin si Vincent. Gumalaw ang kurtina at nakita ko ang anino niya roon.

“Vincent!”

 

“Hey, umiiyak ka ba diyan?” tanong niya. He sounds worried.

Tumawa ako. “No. Si Nerissa 'tong umiiyak dito.”

 

“Tapos ka na ba? Can I come in?”

 

“No!” agad kong patigil sa kanya. “'Wag. Bawal mo kong makita. On our wedding day, Vincent. Wait for three more days.”

 

“What? Hindi ko makikita? Suot ko na rin 'yong tux ko, Mika. Ayaw mo ba 'kong makita?” tanong niyang tinawanan ko. Bakas sa tono niya ang tampo. Naiimagine ko ang itsura niyang ngumunguso.

“Nope. I can wait for three more days. Can you?” rinig na rinig ko ang buntong hinga niya. Parang sinadya niyang marinig ko iyon dahil tumawa ang mga lalaking nasa labas. Pati sila Nerissa na kasama ko ay tinawanan siya.

“Fine! Magbibihis na ako. Magbihis ka na rin at may pupuntahan pa tayo.” At narinig ko ang mga malalakas niyang yakap na sinundan pa ng malakas na tawanan.

Galit siya? Oh well. Hindi naman ako matitiis noon, e.

Pagkatapos sa boutique ay ang reception venue naman ang pinuntahan namin para makausap ang mga organizers doon at ipaalala ang magaganap sa Sabado.

Hindi pa rin ako pinapansin ni Vincent at hinayaan ko na lang siya roon.

“We’ve already picked the colors that will suit your taste Miss Ella. I have a list here and you can choose at least five from it. Pastel colors as you wished, Miss Ella.” Inabot niya sa akin ang list ng mga kulay. Nakalagay rin doon ang actual color para makita ko kung ano ang itsura noon.

Napansin ko ang humahabang leeg ni Vincent habang sinisilip ang listahan ngunit nang lingunin ko siya para sana makita niya nang maayos ay umiwas lang siya ng tingin. Nilagay ang dalawang kamay sa bulsa at pinaikot ang tingin sa lugar habang sumisipol.

Tumaas ang gilid ng labi ko. Tingnan natin kung hanggang kailan ka tatagal sa galit galitan mo.

Binalik ko ang tingin sa listahan at sinigurado kong hindi iyon nakikita ni Vincent. Namili ako nang hindi manlang tinatanong ang kanyang suggestion. Pinili ko ang vanilla, bright yellow, sky blue, lavender, at rose. Sinunod ko ito sa kulay ng mga damit ng aking entourage.

Ilang saglit pa ay ang pagkain naman ang tinitikman namin. Dito ko sana gusto hingin ang tulong ni Vincent dahil nahihilo ako sa amoy ng mga pagkain. But since ayaw niya akong pansinin, pinilit kong subukan. Mabuti na lang at hindi ako naduwal. Sinunod ko ang advice ng doktor na dapat kong gawin upang maiwasan iyon.

Nilingon ko si Vincent. Sinabi kong titiisin ko siya pero hindi ko na magawa. Ilang oras na kaming puro tanguan at ilingan lang.

“Hoy, wala kang balak pansinin ako?” tanong ko matapos ko siyang sikuhin.

Nilingon niya ako at tumaas ang kilay niya. “Ako? Ako pa hindi namamansin? Ikaw 'tong hindi kumakausap sa akin.”

Nalaglag ang panga ko dahil ako pa pala ang may kasalanan dito!

“Oh edi pinapansin na kita ngayon. Ba’t ganyan ka pa? 'Di mo manlang ako matingnan.” Ngumuso ako at hindi ko naalis ang pagtatampo sa boses ko.

Nakuha noon ang atensyon ni Vincent at nilingon niya ako.

“Ayaw mo na ata—” Nagulat ako sa tilian ng mga taong nakapaligid sa amin. Paano ba naman! Bigla bigla na lang siyang nanghihila at nanghahalik sa labi.

“I want you, Mika. So bad… Kaya nga ako nagtatampo, e.” bulong niya sa bibig ko na narinig pa rin ng lahat kaya mas lumakas ang tilian at palakpakan ng mga tao dito na hindi naman namin kilala.

Kinagat ko ang aking labi at napayuko ako. Nangingiti ako at nag-iinit ang pisngi ko. Okay. Hindi na siya galit. Nagalit nga ba siya? Hindi ko alam. Basta ang mahalaga ngayon ay bumalik na ang sweetness niya.

Hindi na humiwalay sa akin si Vincent matapos noon. Panay ang hapit niya sa akin sa bewang tuwing nakatayo at akbay naman kapag nakaupo. Natatawa na lang ako sa mga tao rito na kasama namin ngunit hindi naman kami lubusang kilala.   

Natikman naming dalawa ang mga menu na napili namin para sa reception ng aming kasal. Three days more and it’s our wedding day! And we only prepared it for one month! Mabuti na lang talaga ay may tumutulong sa amin. Hindi na rin naman mahirap sa akin 'to dahil minsan, noon sa New York, may mga nakikilala na akong wedding organizer at sa tinagal tagal ko sa trabaho, nakabisado ko na ang mga details ng isang kasal.

“Bukas, punta tayo kay Mama.” Napasinghap ako sa sinabi ni Vincent. Magkatabi kami ngayon dito sa kanyang kama sa condo niya. Hinihimas niya ang buhok ko at nararamdaman ko ang labi niya sa tuktok ng ulo ko.

“Nakausap mo na ba siya?” tanong ko. Hindi ko maiwasang kabahan.

“I tried. Matigas pa rin siya. Sana kagaya siya ng Mommy mo.” Ngumuso ako sa kanyang sinabi.

Naalala ko si Mommy at ang hindi pa rin niya pagtawag sa amin ni Daddy. Pilit nagri-reach out si Daddy sa kanya sa Madrid, Spain kung nasaan siya pero hindi nito sinasagot ang mga tawag namin dito sa Pilipinas. Alam lang namin na mabuti ang kalagayan niya dahil na rin sa balita ng mga kamag-anak namin doon.

“Hindi ko pa rin nakakausap ang Mommy ko.” malungkot kong sabi. Pinikit ko ang mata ko habang nakapatong ang ulo sa dibdib ni Vincent. Ang pinanghahawakan ko lang kay Mommy ay ang sulat niya ngunit wala pa rin kaming komunikasyon.

Pinalis ko sa isipan ang mga pag-aalala. Ngumisi ako nang may maisip. “Siguro ganyan lang talaga ang mga nanay kapag ikakasal na ang mga anak nila. Don’t worry, Vincent. They’ll attend our wedding. Hindi naman na tumutol si Auntie Kristin, e. Baka naman nakuha na natin ang blessing niya pero ayaw niya lang sabihin.”

Sunod sunod ang malalim niyang hininga. “I really hope that’s true, Mika.” Bulong niya sa tainga ko.

“And we should understand her. Mahirap ang pinagdadaanan niya, Vincent.” Pahayag ko na ang tinutukoy ay si Carrive na kapatid nila sa iba.

“Uh-huh. I am, Mika. Ginagawa ko. Kaya nga nagpapasensya na lang ako, e. But tomorrow, kakausapin pa rin natin siya. The day after tomorrow, we’ll have our wedding day. Gusto kong sumipot si Mama roon in any way possible. Kakaladkarain ko siya roon kung kailangan.”

Kinurot ko ang dibdib niya sa sinabi. “Ang sama nito.” Nguso ko.

Hinawakan niya ako sa balikat at binangon niya ako mula sa pagkakahiga sa kanyang dibdib. Nakangisi ako ngunit nagsalubong ang kilay ko sa madilim niyang tingin sa akin.Nagsalubong ang kilay ko.

“You know what, screw my words. Hindi ko na kaya… I can’t wait for two more days.” tinitigan niya ako sa mga mata at agaran ang pagtambol ng dibdib ko. Mabilis at mahirap sa paghinga pero masarap sa pakiramdam. Ang maramdaman 'to para kay Vincent ang pinakamagandang nangyayari sa akin sa bawat araw ko.

Kinagat ko ang aking labi. Awtomatikong napunta ang kamay ko sa aking tiyan na sinundan ng tingin ni Vincent. Wala pa siyang alam. Binalik niya ang tingin sa akin at ngayon ay nagbago na ang mga titig niya. Punung puno na iyon kasabikan at pagmamahal.

Pwede. Ang sabi ng doktor ay pwede. Basta mag-iingat lang kami at iwasang madaganan ang aking tiyan.

Tinitigan ko pa si Vincent para malaman kung talagang nawawala na ang kontrol niya. Bumibilis ang hinga ko at pati ako ay mainit na rin ang pakiramdam ko rito.

“C’mon, Mika…” utas niya matapos ay inangkin ang aking labi.

Nakabaon ang mga daliri niya sa aking buhok at ako naman ay pumaikot na ang braso sa kanyang batok. Sinuklian ko ang mga nanunuya niyang halik sa aking labi. Naramdaman ko ang pagngiti niya.

“I love you…” sabi niya. Hindi na ako nakasagot dahil muli niyang inangkin ang aking labi.

Kailangan naming mag-ingat. Kailangan kong mag-ingat. Hindi pa 'to alam ni Vincent. I need to be the one in control with this.

Kaya naman hindi ko na siya hinayaan makakilos at agad ko na siyang tinulak pahiga ng kanyang kama. Umupo ako sa kanya, sa ibabaw ng bewang niya. Ramdam na ramdam ko kung paanong bumilis ang paghinga niya dahil sa ginawa ko. At parang ipo ipo sa bilis ang mga pangyayari dahil ilang saglit lang, wala na kaming mga saplot at habol na namin ang aming mga hininga habang dinadaing ang pangalan ng isa’t isa.

Walang nagsalita sa aming dalawa pagkatapos. Basta na lang ako inantok at nakatulog sa dibdib ng aking magiging asawa.

Kinaumagahan ay parehas kaming hindi makali ni Vincent. Batid naming dalawa ang mangyayari ngayong araw dahil na rin sa napag-usapan namin kagabi. Ngayon, kakausapin na namin si Auntie Kristin at sana… Sana ay mapatawad niya ako at makuha ko ang buong puso niyang pagtanggap sa akin bilang nalalapit na bahagi ng kanilang pamilya.

Hindi pa lubos ang pagpapatawad ni Auntie Kristin sa panganay dahil hindi pa niya ito kinakausap. Lalo na sa asawa nitong si Uncle Ver. Si Terrence na lang ata nakakakausap ng maayos sa kanyang ina. At hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung tanggap na rin ba ni Terrence si Carrive bilang kapatid niya.

“Ready?” mabilis na kumalabog ang puso ko dahil sa isang salita ni Vincent. Nasa labas na kami ng kanilang bahay at sobra sobra na ang aking kaba dahil dito. Pinagmasdan ko siya at hindi ako makapagsalita.

Lumunok ako upang subukan. “K-kaya natin 'to.” Bigay lakas loob ko sa kanya at pati na rin sa sarili ko.

Malamlam na ngumiti si Vincent at hinawakan ang kamay ko. “I just want you to know that if she still won’t forgive us…” umiling siya. “Hahayaan ko na. Basta tuloy ang kasal natin bukas.” Utas niyang naging dahilan ng pagluha ko.

Nagulat ang mga mata ni Vincent at lumungkot iyon. Pinalis niya ang pumatak na luha.

Tumango ako at nanahimik lalo na nang lumabas na kami ng sasakyan. Pumasok kami sa kanilang double doors at sumalubong sa amin si Uncle Ver na hindi maintindihan kung masaya ba o malungkot para sa pagdating namin.

“You’re mother’s in our room. Doon niyo na lang siya kausapin, Vincent.” Iyon lang ang sinabi ng kanyang tatay at sinunod namin siya.

Parang napakatagal ng mga naging hakbang naming dalawa ni Vincent sa kanilang hagdanan. Lubos lubos ang panalangin ko na sana ay ang hinahangad namin ang maging resulta ng pag-uusap naming tatlo. Sana ay positibo iyon.

Para sa isang babaeng malapit nang ikasal, kakaiba ang sitwasyon ko. Hindi ito pangkaraniwan dahil ang dapat, sa araw bago ang iyong kasal, wala kang ibang ginagawa kundi magpakasaya. Beauty rest, bridal shower, at kung anuano pa. Pero wala akong ganoon ngayon at hindi ako nagrereklamo. Ang tanging gusto ko lang ngayon ay ang kapatawaran ni Auntie Kristin. Iyon lang, magiging masaya na ako.

Kumatok si Vincent. Kasabay nang malakas niyang katok ay ang malakas ding kalabog sa loob ng dibdib ko. Nararamdaman ko ang pawis ko dahil sa nerbyos. Pati ang mga muscles ni Vincent sa kanyang brasong hinahawakan ko ay naninigas na. Ngunit hindi ko iyon pinansin at ang tanging layunin namin para sa araw na ito ang tangi kong inalala.

“Ma…” untag ni Vincent pagkabukas ng pinto. Gulat ang itsura ni Auntie Kristin. Nakaupo siya sa isang upuan at may librong nakapatong sa kanyang hita.

Nang makalapit kami ay napansin kong hindi pala iyon libro kundi isang photo album. Pinatong iyon ni Auntie Kristin sa lamesa sa kanyang gilid. Kitang kita ko ang dalawang lalaking bata sa cover nito. Ang isa ay sanggol pa at ang isa naman ay medyo malaki na. Napagtanto kung sino ang mga nasa litrato.

Kagat ni Vincent ang labi habang nakatitig din sa kanilang larawan ni Terrence. Kumislap ang mga mata niya.

“Ma, nandito kami ni Mika para ipaalam sa’yo na bukas na ang kasal.” Sambit ni Vincent. Hindi nagsalita si Auntie Kristin. Nakatingin ito sa isang bahagi ng kwarto at walang emosyon sa kanyang mukha.

“A-auntie Kristin… Patawarin niyo po ako. Hindi ko po sinasadyang maglihim. Wala naman po kasi akong karapatang mangealam sa inyong pamilya noong mga panahong alam ko na. Maniwala po kayo, nag-alala ako sa inyo noon dahil alam kong ganito ang mangyayari oras na malaman niyo.” Yumuko ako. “Patawarin niyo po ako.”

Isang malalim na hinga lang ang narinig ko kay Auntie Kristin. Wala pa rin siyang sinabi. Hindi manlang niya kami tinitingnan ng kanyang anak.

“I will be very happy if you’re in my wedding, Ma.” Kitang kita ko kung paano lumunok si Auntie Kristin sa pahayag ng anak.

Namumuo na ang mga luha ko lalo na nang mahimigan ko ang hinagpis sa boses ni Vincent. He’s hurt. He’s hurting because of this. Mukhang walang pakealam ang kanyang ina at ang makita iyon ay mas masakit pa sa hiwa ng kutsilyo. Naramdaman ko na iyan sa sarili kong nanay at sobrang sakit noon. I don’t want to see nor hear him that way. Kung maaari, ako na lang ang magsasalita at makikusap 'wag lang siyang mahirapan.

Ngunit naunahan ako ni Vincent. “Very, very happy. I want you to know how sorry I am, Ma. Patawarin niyo ako. I only want a complete and happy family. Sorry kung pinatagal ko 'to. Pero ngayong nandito na, sana matanggap na nating lahat. Nakaraan na iyon at sigurado akong hindi na iyon uulitin na Papa. Nagkamali lang siya, Ma. Hindi niya iyon sinasadya.”

Doon na tumalim ang tingin ni Auntie Kristin sa anak. May namuong luha sa kanyang mga mata. Hindi siya nagsalita.

Gusto kong harangan si Vincent para sana saluhin ang lahat ng galit ni Auntie Kristin. Pero hindi na ako nakagalaw dahil ako naman ang tiningnan niya ng ganoon. Still, she didn’t say anything.

“Patawarin mo na rin si Mika, Ma.” Pagsusumamo ni Vincent. Yumuko siya upang mapantayan ang ina. “You know how much I love her. Right? You know that, Ma. Nakita mo ako noon kung gaano kamiserable ang buhay ko noong wala siya. You might not know her back then but I tell you, I’m miserable because she’s not with me during those times. I can’t bear to feel that again, Ma. I know you know what I’m talking about. So please, just forgive her and accept her in our family. Walang kasalanan ni Mikaella sa mga nangyayari sa pamilya natin.”

Naghintay si Vincent. Naghintay kaming dalawa ng ilang minuto. Tila napipi na si Auntie Kristin. Malamig na ang mga tingin nito. Yumuko na lang si Vincent at tumayo na. Nagpakawala siya ng malalim na hininga.

“Bukas, Ma. Sana makasama ka kay Papa. I’ll take that as your blessing for our wedding.” Pagkasabi noon ni Vincent ay hinawakan niya ang kamay ko.

Kitang kita ko kung paanong bumama ang tingin ni Auntie Kristin doon. Umiling siya at tumayo ng kanyang inuupuan. Dumiretso siya sa isang pintuan dito sa loob ng kwarto. Naiwan kami ni Vincent. Parehas kaming lumuluha. Nakapikit siya at ako naman ang nakatakip ang isang kamay sa mukha.

“She’ll come. I’m sure.” Sambit ko nang harapin ko siya. Pinalis ko ang kanyang mga luha.

“I know, she’ll come, Mika.” Ngiti niya at inangat ang kamay upang mapunasan din ng kanyang mga daliri ang aking luha.

Continue Reading

You'll Also Like

88.1K 1.2K 57
Ayara Terrise Monterio a fresh graduate, trying to find herself in the world of filming. Not knowing that following her dreams will lead her to the p...
4.5K 729 34
Violet fell in love with her brother's best friend but there's a catch...They have a secret past. [COMPLETED]
146K 4.1K 43
Sanay na sanay na si AJ Guevarra na napapaligiran ng mga kalalakihan. At iyon ay hindi dahil sa taglay niyang charms-kung meron man siya noon. Growin...
4K 249 38
Gabriella Dela Cruz is a very famous model and brand ambassadress who will unexpectedly work for a project with her "almost boyfriend" Ethan Meechael...