Strange Hearts (Completed)

By glimpser

42.8K 1.5K 74

A romantic-comedy novel. More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Author's Note
Season 2- Chapter 1
Chapter II
Chapter III
Chapter IV
Chapter V
Chapter VI
Chapter VII
Chapter VIII
Chapter IX
Chapter X
Chapter XI
Chapter XII
Chapter XIII
Chapter XV
Chapter XVI
Chapter XVII
Chapter XVIII
Chapter XIX
Chapter XX
Epilogue
Author's note

Chapter XIV

384 11 0
By glimpser



Ilang araw ang nagdaan at magkakaroon ang kompanya ng unveiling party. Kasalukuyan akong nakasuot ng simple yellow dress. Nagmake up lang din ako ng light.

"Wow, you're so adorable." namamanghang sabi ni Yohan.

"Tsk bolero." singhal ko.

"Kahit nga di ka na magmake up, maganda kana." aniya. Ngumiwi nalang ako.

Hinatid niya naman ako sa hotel na pagdadausan ng party. Pagpasok ko palang ng hall, bigla akong nakaramdam ng hiya. Ang daming mga negosyante. Halos lahat nakaformal attire. Iginala ko ang aking paningin upang hanapin ang mga officemate ko at nakita ko sila sa gilid na naguusap-usap. Agad naman akong lumapit at nakipagbatian sa kanila. Habang nagkakatuwaan kami, nahagip ng mga mata ko si Xander kasama si ma'am Hannah na binabati ang mga kapwa negosyante.

"Ang gwapo ni sir Xander." sabi ni Gemma.

"At ang ganda ni ma'am Hannah." sabi naman ni Daryl na officemate ko.

"Bagay na bagay talaga sila, parang mga hollywood couple." tugon ni Liza.

Parang may kung anong kumirot sa dibdib ko sa narinig.

Oo nga naman, bagay talaga sila. Bumuntong-hininga ako para gumaan ang pakiramdam ko, parang ang bigat ng dibdib ko. Ano bang nangyayari sakin?

Di nagtagal ay nagsimula na ang party. Nakita ko pa si Ms Anastacia na nasa kabilang table. Napaka-elegante ng suot niya.

Habang nakikinig ako sa nagsasalita sa stage na si mr. Buenavista na ama ni ma'am Hannah, kita ko sa gilid ng aking mga mata si Xander na nakatingin na saakin. Patay malisya nalang ako sakanya. Hanggang sa tinawag na sila ni mr.Buenavista na natawa sakanyang sinabi.

"May I call on the hottest couple of the night."

Nagtawanan din ang lahat ng nandito at nagpalakpakan. Umakyat sila sa stage na magkaholding hands and they smiling each other. Para akong sinampal ng reyalidad. Heto ba ang gusto ni Xander? balak niya akong maging kabit at ipaglalaban niya na daw ako.

Inalis nila ang telang nakatakip sa isang bagay at namangha ang lahat sa bagay na iyon. Isang bote na kulay ginto na ang brandname ay Infinity wine.

Ang sosyal naman.

Pinaliwanag naman ni ma'am Hannah ang paggawa sa infinity wine. Ang ganda niya sa suot niyang black dress. Nakaka-intimidate siyang tingnan, very classy. Nahagip naman ng mga mata ko si Xander na nakatingin sakin. Ngumiti siya nang tumingin ako sakanya. Aba't!

Nagpalakpakan ulit ang mga bisita nang matapos na sa pananalita si ma'am Hannah. At pagkatapos ay nagtoast kami ng aming mga hawak na wine.

Napalingon ang lahat sa malaking projector na nasa stage. Laking gulat ko ang um-appear doon. Picture namin ni Xander na magkasama at magkayakap pa. Parang tinambol ang dibdib ko. Halos lahat ay napalingon sa gawi ko. Maging mga officemate ko ay gulat na gulat sa nakikita. Hanggang sa namalayan ko nalang na may mabigat na palad ang humampas sa pisngi ko at hinila ang buhok ko.

"Malandi kang babae ka!"

Nakita ko ang babaeng nanakit sakin, ang mama ni ms.Hannah. Inaawat siya ng kanyang asawa. Tuluyan ng umagos ang luha ko. Sobra na akong nasasaktan sa nangyayari. Naramdaman ko nalang na may humigit sa braso ko. Si Xander.

"How did you do this to my daughter?" galit na sabi ni mr. Fred.

Umiling nalang ako habang umiiyak sa harapan nila. Hindi ko alam kung paano ko ipagtatanggol ang sarili ko.

"Dahil mahal ko ang babaeng 'to, noon pa!" agad na sagot ni Xander.

Lumipad ang kamao ni mr. Fred sa mukha ni Xander. Napasigaw naman ang lahat sa nangyari. Kusa nalang gumalaw ang mga paa ko at tumakbo palabas ng hall.

Halos lahat ay nakatingin sakin. Tumatakbo ako kasabay ng pag agos ng mga luha ko. Hindi ko talaga inaasahan na mangyayari 'to.

"Mandy!" rinig kong sigaw ni Xander pagkalabas ko ng hotel. Hinigit niya ang braso ko.

Matalim ko naman siyang tinitigan."Ngayon sirang-sira na ako," naiiyak kong sabi.

"Ipaglalaban naman kita, hindi kita pababayaan." giit niya.

"Hindi kita mahal! Lubayan mo na ako!" sigaw ko. Tinalikuran ko na siya. Pumara ako nang may dumaang taxi at sumakay agad. Sobrang sikip na ng dibdib, parang may mga karayom na tumutusok sa puso ko. Dalangin ko na sana panaginip lang ang lahat ng 'to.

Nang gabing yon, panay ang alala ni Nanay at ni Yohan dahil susunduin niya pa sana ako. Tumawag siya kung okay lang ako.

**

Mabilis lumipas ang mga araw. Di na ako pumasok. Ano pa nga ba, Wala na akong mukhang maihaharap sa kanila. Sirang-sira na ang pangalan ko. Ang ginawa ko nalang ay naghanap ng agency'ng maaaplayan para mang ibang bansa at doon magtrabaho.

"Anak, may naghahanap sayo sa labas." sabi ni nanay.

Natanaw ko si Xander na nakatayo sa harap ng bahay. Nanikip na naman ang dibdib ko.

"Mandy, mag usap tayo please.."

Lumapit ako sa gate. Napalunok ako na para bang may bato sa lalamunan ko.

"Uulitin ko, di na kita mahal!" mariin kong sinabi at tinalikuran na siya.

Narinig ko pa ang pagsita ni nanay kay Xander.

"Umalis ka na, sobra mo ng nasasaktan ang anak ko."

Nang araw na yun, tumawag sakin ang agency'ng inaplayan ko at kumpirmado na, makakapagtrabaho na ako sa Spain. Papauwiin ko na si tatay at ako naman ang magtatrabaho sa abroad.

**

"Mamimiss kita." malungkot na sabi ni Yohan nang ikwento ko sakanya na magaabroad na ako.

"Babalik naman ako." sabi ko.

"Kailan?"

"After 3 and half years." sagot ko. Yun kase ang nasa kontrata ko. Bumuntong-hininga na lamang siya.

Mahigpit ang yakap sakin ni nanay nang nasa airport na kami. Di nagtagal ay sumakay na ako ng eroplano. Ito ang first time na makakasakay ako ng eroplano. Di ko namalayan na umiyak ako ng tahimik lang. Pakiramdam ko, sobra na akong nasasaktan.





Xander's POV



Nakatanggap na naman ako ng suntok at galing na sa ex boyfriend ni Hannah. Mahina ang suntok niya, parang sampal lang ng babae, tss. At ang lakas ng loob niyang pumasok sa pamamahay ko.

"Hayop ka!" aniya.

"May duda na ako noon pa na niloloko mo lang si Hannah, buti nalang may pinamanmanan ako na may babae ka talaga!" mariin niyang sinabi.

Napangiti nalang ako ng mapait.

"We married because of arrange marriage, hindi namin mahal ang isa't-isa."

Sasapakin niya pa sana ako ngunit nakailag ako at siya ang nasapak ko. Dumating si Hannah at inawat kami.

"Tigilan niyo na yan!"

Matalim parin ang tingin ko sa ex niyang si Edmund.

"Hannah, hanggang kailan ka magpapakatanga sa lalakeng yan?!" turo sakin ni Edmund.

"Excuse me! I'm not stupid!" depensa ni Hannah.

Napasinghap nalang si Edmund.

"Xander," hinarap niya ako.

"Our marriage is fake!"

Nanlaki ang mga mata ko.

What?

Para naman akong nabunutan ng tinik sa sinabi niya.

Nang dahil dun,

Pumunta agad ako sa bahay nila Mandy.

"Umalis na siya." sagot ng nanay niya.

"Saan po siya pumunta?" agad kong tanong.

"Pumunta na siya ng abroad para magtrabaho."

Nanikip naman ang dibdib ko.

Pinilit ko naman siya kung saang bansa si Mandy at ang sagot niya ay hindi niya alam. Alam kong alam niya, ayaw niya lang sabihin.

Nakatanggap naman ako ng tawag habang nagmamaneho mula kay mama.

"Xander, nasa hospital ang lolo mo, inatake siya sa puso."

Hinampas ko ang manibela ng kotse ko habang nagdadrive. Halo-halo ng emosyon ang nararamdaman ko. Napaka-komplikado na ng sitwasyon. Hirap na hirap na akong mag isip.



To be continued.....

Continue Reading

You'll Also Like

3.1M 148K 72
[THE BADASS BABYSITTER] Para sa isang Presidente ng bansa, malaki ang expectation nito sa mga anak niya. You should be the best for him to be proud o...
281K 14.6K 54
HER: Si Kaitlyn, anak ng CEO. Sa kanyang pagpasok sa Westbridge University, muli silang nagtagpo ng lalaking una niyang hinalikan. Galit ito sa kany...
1.3M 134K 34
What Sidra Everleigh wants, Sidra Everleigh gets-or at least that was the rule before she found herself trapped and alone with a shy Japanese guy in...
72.7K 1.2K 23
The carnal games they're playing is dangerous yet addicting. The lustful days they have are like drugs. It was fun and thrilling. He likes the game s...