Chapter 14

776 39 1
                                    


[A/N: Try n'yo pong basahin habang nakikinig nitong background music para feel na feel. Hehe.

Ang bigat-bigat ng pakiramdam ko habang pinagmamasdan siyang nakaratay sa hospital bed na walang malay. Sabi sa'kin ng doktor, hindi naman raw malala ang kanyang natamo sa pagkakabangga sa kanya nu'ng kotse kaya nakahinga naman ako nang maluwag dahil du'n. 'Yung driver na rin ng kotse ang magbabayad ng hospital bill na lubos kong ipinagpasalamat sa Diyos.

"Lumaban ka ah? 'Wag mo 'kong iiwan..." sabi ko habang hinahawakan ko nang mahigpit ang kanyang kamay.

"Alam mo ba? Nu'ng tinanong ako ng nurse kung ano raw ang pangalan mo, sabi ko, Naruto. 'Yun. Bigla na lang siyang natawa sa sagot ko. Shippuden sana ang sasabihin kong apelyido mo pero baka matawa na naman siya. Kaya 'yung apelyido ko na lang ang sinabi ko. Hehe."

Hindi ko na binalak na tawagan si Nanay tungkol sa nangyari kay Naruto dahil paniguradong mag-aalala na naman 'yun.

Kailangan kong mahanap ang tunay na pamilya ni Naruto pero hindi ko alam kung papaano. Nasisiguro ko na nandito lang sa Maynila ang pamilya niya lalo na't may nakakilala sa kanya rito.

Mahigit anim na oras na ngunit hindi pa rin siya nagigising. 'Di ko na namalayan na nakatulog na pala ako at nagising dahil sa pagpasok ng isang nurse.

"Boyfriend niyo po ba siya, Ma'am?" tanong ng nurse habang pinapalitan ang nakasabit na dextrose.

"Ay, hindi po." nahihiyang sagot ko.

Pero naisip ko naman 'yung pag-aaminan namin sa isat-isa na mahal niya ako at mahal ko rin siya. Ibig bang sabihin nu'n ay kami na?

Tumango naman ang nurse at lumabas na ng kwarto.

"Gumising ka na, please? Mahal kita..." bulong ko sa kanya at hinalikan ang kanyang noo.

Lumabas muna ako para kumain dahil kagabi pa ako hindi kumakain. Pumasok ako sa isang resto at agad akong nag-order ng breakfast.

Habang kumakain ako, naagaw ng aking atensyon ang isang dyaryo na nakalapag sa lamesa at binasa ko iyon. Nabaling naman ng mata ko ang public service. Muntik na akong mabulunan sa nakita kong picture.

Siya ba ito? Missing: Alexander Gatchalian. 1 million pesos reward.

Pinagmasdan ko nang mabuti ang nasa picture. Omo! Siya nga! Napatakip na lang ako ng kamay sa bibig ko. Hindi ko na tinapos ang aking kinakain at nagmadaling lumabas para tawagan ang nakalagay na number sa dyaryo.

"Hello?" sagot ng isang babae sa kabilang linya. Hindi agad ako nakapagsalita dahil parang kinakabahan ako na hindi ko maintindihan.

"Hello? Who's this?" pag-uulit niya.

"Ahm... K-kayo po ba ang parents ni Nar— este Xander Gatchalian?" nauutal kong tanong.

"Oo, ako nga. Bakit?" sagot niya.

"N-Nandito po siya sa h-hospital." sagot ko.

"Are you sure?" halata sa kanyang boses ang pagtataka. Sinabi ko naman sa kanya ang pangalan ng hospital at pinutol niya agad ang tawag ko.

Huminga ako nang malalim. Ba't ba ako kinakabahan? Dapat nga, maging masaya ako dahil makakabalik na si Naruto sa tunay n'yang pamilya.

Dali-dali akong pumunta sa hospital at tinungo ang kwarto ni Naruto— este Xander na totoo pala n'yang pangalan. Pagbukas ko ng pinto ay wala akong nadatnan.

'Nasaan siya?'

Tiningnan ko ang CR dahil nakabukas ang pinto pero wala siya. Bumilis bigla ang tibok ng puso ko dahil sa kaba.

"Naruto!" tawag ko.

Lumabas ako ng room at tinanong ko ang nurse.

"Nurse! Nawawala po ang boyfriend ko!" nagpa-panic kong sabi.

Parang hindi naman makapaniwala ang mga nakarinig na nurse sa sinabi ko. Tinungo nila ang kwarto at napansin naming bukas ang bintana.

"Maaring dito siya lumabas." sabi ng isa.

May mga lumapit naman na security officer at binusisi ang loob ng kwarto at ang ilan guard ay tumulong na rin sa paghahanap. Sa mga oras na 'to, parang nababaliw na 'ko at hindi ko alam kung saan ko siya hahanapin.

'Saan ka ba pumunta, Naruto?'

Kasalanan ko ito. Kung hindi sana ako umalis, hindi sana siya nawala. Baka hinanap niya ako pagkagising niya at nataranta s'ya nang hindi niya ako nakita.

***

Gabi na pero heto ako, nag-iikot sa lansangan. Bumalik na rin ako ng apartment, nag ba baka sakaling nandito siya pero wala eh. Huminga na lang ako nang malalim at naupo dito sa may park dahil pagod na pagod na ako kalalakad.

'Yung tinawagan ko naman na babae, hindi raw dumating sa hospital.

Hindi ko namalayang unti-unti na palang pumapatak ang mga luha ko sa sobrang lungkot at pag-aalala.

'Naruto... Nasa'n ka na?'

***

Dalawang araw na ang nakalipas ngunit wala na akong balita pa kay Naruto. Siguro, bumalik na ang kanyang memorya at tuluyan niya na akong nakalimutan. 'Wag naman sana.

Tinawagan ko na rin si Nanay at alam kong nalulungkot din siya. Naisipan ko na i-search ang pangalan n'yang Alexander Gatchalian sa FB. Nakita ko naman agad ang profile picture niya. Grabe ang gwapo niya dito ah?

Hindi ako makapaniwala sa mga nakikita ko. Parang meron pa siyang fansclub at napakarami niyang followers. Aba! Famous pala ang mokong. Inalam ko naman kung saan siya nakatira.

***

Nandito na ako ngayon sa isang subdivision kung saan ang address ng tirahan ni Naruto— este Xander, nagbabakasakaling naririto siya.

Habang naglalakad ako dito sa subdivision, may biglang kotseng humarurot na muntikan pa akong masagasaan. Huminto naman ito sa pagda-drive at bumaba.

Sisigawan ko na sana ang lintik na 'to nang mapagtanto ko kung sino ang driver ng kotse. Tinanggal niya ang kanyang shades at tinaasan lang ako ng kilay. Lumapit ako sa kanya at yinakap s'ya nang mahigpit.

Hindi ako makapaniwala na nandito na siya sa harap ko. 'Di nagtagal ay bumitaw siya sa yakap ko.

"Wait, Miss. Do I know you?" kunot-noo niyang tanong.

Parang may tumusok na milyun-milyong karayom sa puso ko sa kanyang sinabi at sa nakikita kong naging reaksyon n'ya.

"Ako 'to. S-si M-Mandy..." nauutal kong sagot.

"Hindi kita kilala." naguguluhan niyang sagot.

Uminit bigla ang sulok ng mga mata ko at kusa na lang pumatak ang mga luha ko. Parang may tinik na bumara sa lalamunan ko at hindi ko na nagawang magsalita.

"Crazy." sabi niya at tinalikuran na lang ako.

Nanatili akong nakatayo at feeling ko ay sasabog na ang puso ko sa sobrang lungkot. Pinagmasdan ko na lamang ang kotseng kinasasakyan n'ya papalayo.

'Sana binabangungot lang ako at may gumising sa akin sa reyalidad.'

***

to be continued...

Strange Hearts (Completed)Onde histórias criam vida. Descubra agora