Chapter 8

933 56 4
                                    


""What?! Nagsuntukan sila?" takang tanong nila Jessa dito sa cafeteria.

"Oo." tugon ko.

"Eh anong pinag-awayan nila? 'Wag mong sabihing ikaw?" sabi naman ni Gelai.

Nagkibit-balikat na lang ako.

"Lapitin talaga ng gulo ang hokageng katulad ni Naruto. Tsk." biglang sabat ni bryan.

"Cage bunshin technique! Hahaha!" sabay nilang tawa ni justin. Napangiwi na lang ako sa kanila.

"Si Harold naman, kame hame wave!" natatawang tugon naman ni Justin.

"Tsk!" napairap na lang ako.

Nang uwian na, bigla namang sumulpot sa harap ko si Harold.

"Mandy... Sorry ulit..." hinging-paumanhin niya.

"Basta 'wag ng mauulit 'yun ah?" tugon ko. Pinilit niya naman akong ihatid sa bahay pero tumanggi ako.

Gabi na ako nakauwi ng bahay dahil bumili pa ako ng materials para sa project namin. Nagmano naman ako kay Nanay nang makauwi na ako sa bahay. Napansin kong wala si Naruto.

"'Nay, asan si Naruto?" tanong ko.

"Nandu'n sa labas kasama si Mabel." sagot niya.

Ba't ko ba siya hinahanap eh naiinis nga ako sa kanya? Tss.

"Anak! Tawagin mo na si Naruto. Kakain na tayo ng hapunan." utos ni Nanay.

***

Nakalayo na ako dito sa baybayin pero 'di ko pa rin siya mahanap. Sa'n kaya pumunta 'yun?

Nahagip naman ng aking mga mata ang dalawang tao na naghahalikan sa may puno. Parang kumirot ang puso ko sa aking nakita.

Nakatalikod si Naruto habang kahalikan si Mabel. Agad akong napatalikod at dahan-dahang tumakbo pabalik ng bahay.

'Ba't parang nasasaktan ako? Nagseselos ba ako kay Mabel?'

***

Naruto's POV

Pinipilit ko ang sarili ko na alalahanin lahat pero wala talaga. Lalo lang sumasakit ang ulo ko kaiisip.

Habang tumatagal ay lalo akong napapalapit kay Mandy at nagugustuhan ko na siya.

Masaya ako nang mailigtas ko siya sa mga lalakeng gusto siyang saktan. Lahat sila ay napatumba ko dahil galit na galit ako sa mga oras na 'yun.

Natulala naman ako nang turuan ako ni Mandy na sumayaw para sa debut ni Mabel.

Isang araw, masakit ang ulo dahil nakainom ako. Pinilit kasi ako ni Mabel.

Natanaw ko naman si Mandy sa may dalampasigan kasama 'yung manliligaw n'ya. Parang bumigat ang pakiramdam ko nang makita silang magkasama.

"Oh Naruto. Gising ka na pala."

"Magandang umaga po." bati ko kay Nanay.

Muli akong napasulyap kay Mandy. Nakaramdam ako ng inggit nang magkasama silang nagswi-swimming nung lalake kaya agad kong hinubad ang damit ko at lumapit sa kanila.

"Magswi-swimming ka rin?" tanong ni Nanay.

"Opo." sagot ko at naglakad na papalapit kina Mandy.

"Gusto ko rin mag-swimming!" sabi ko sabay kindat kay Mandy. Napatingin ako sa kasama niya. Para s'yang galit. Tss. Gusto rin ata nito si Mandy. Sumama naman ako sa kanila papunta sa floating cottage.

"May naaalala ka na ba, Naruto?" biglang tanong sa'kin ng lalakeng 'to.

"Wala pa." sagot ko.

"Siguro kapag bumalik na ang memorya mo, makakalimutan mo na si Mandy." dugtong nito. Nanghina ako sa sinabi niya.

"Punta lang ako kay Nanay ah!" paalam ni Mandy at pumunta kay Nanay.

"Layuan mo si Mandy." sabi ng lalakeng ito pagkaalis ni Mandy.

"Ba't ko naman siya lalayuan?" tanong ko.

"Dahil akin lang siya!"

"Hindi pa naman kayo mag-boyfriend ah?"

"Hindi mo pa 'ko kilala! Leader ako ng isang gang dito!" pagmamalaki niya.

"So what?"

Nagulat ako nang bigla n'ya akong sinapak sa mukha dahilan upang sumalampak ako sa sahig.

"Matapang ka ah?!" galit niyang sabi at aambahan sana ako ng suntok pero sinipa ko sya nang malakas dahilan upang matumba rin siya.

Pero 'di s'ya natinag dahil gigil na gigil siyang lumapit sa'kin. Nag-i-igting ang panga nito sa galit.

Balak niya pa sana akong suntukin ng mailagan ko ang suntok niya. Gumanti na rin ako at binigyan ko rin siya ng malakas na suntok. Sumalampak naman siya sa kawayang sahig.

"Tama na!" narinig kong sumigaw si Mandy.

Umawat siya sa'min at kita ko sa kanyang mga mata ang inis at galit.

Pagkatapos ng insidenteng 'yun, hindi kami nagkakibu-an ni Mandy. Ang bigat ng pakiramdam ko sa mga oras na 'yun dahil parang ang kinalabasan, ako pa ang may kasalanan sa nangyari.

Nagkukuwentuhan kami ng kaibigan kong si Mabel. Umamin siya na gusto niya raw ako maging boyfriend.

"Ano? Tayo na?" seryosong tanong niya.

"Sorry... Pe—"

Nagulat na lang ako nang bigla niya akong halikan pero agad ko rin s'yang naitulak.

"Mabel, hindi kita gusto." pag-amin ko.

Tinalikuran ko na siya at umuwi na ako ng bahay.

Nakita ko agad si Mandy na hindi man lang ako sinusulyapan habang siya'y kumakain.

"Oh Anak! Kain na." anyaya sa'kin ni Nanay.

"Sige po." umupo na ako. Nagulat na lang ako nang biglang padabog na umalis si Mandy papuntang kwarto niya.

"May problema ba kayo ni Mandy?" tanong ni Nanay. Siguro hindi niya pa alam ang awayan namin nung Harold na 'yun. Kinuwento ko naman sa kanya ang lahat.

***

Hindi ko maaninag kung sino ang mga nagtatawan sa harapan ko. Pinagsusuntok nila ako. Hindi ko makuhang manlaban dahil nakagapos ang aking mga kamay at paa. Hindi ko alam kung saan nila ako dinala. Hindi ko rin maimulat ang aking mga mata dahil sa mga natatamo kong sugat.

"Paalam, Leader." rinig kong sabi ng isang lalake.

Namalayan ko na lang na binitawan na nila ako at itinapon nila ako sa tubig.

Habol ko ang aking hininga nang maimulat ko ang aking mga mata. Panaginip lang pala.

Isang panaginip o isang alaala?

***

to be continued...



Please keep on voting🙂

Strange Hearts (Completed)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ