Chapter 11

820 46 0
                                    


Naruto's POV

Balak kong sunduin si Mandy sa eskwelahan niya ngayong hapon.

Habang naghihintay ako dito sa may waiting shed, nabigla na lang ako nang may tumutok na patalim sa tagiliran ko at agad nilang tinakpan ng panyo ang bibig ko hanggang sa unti-unti akong nahilo at nawalan ng malay.

'Mandy...'

***

Mandy's POV

Lumalalim na ang gabi at heto ako ngayon, nagtatago pa rin. Ang sama-sama ni Harold. Bakit n'ya ba 'to ginagawa? Kung nagseselos man siya ay napakababaw naman ng dahilang iyon para manakit siya ng ibang tao. Tsk.

"Dahil sa ginagawa mo, lalo akong lalayo sayo." kausap ko kay Harold gamit ang aking isipan.

Hanggang sa narinig ko na ang tawanan nila at ang sigaw ni Naruto. Bigla naman nabalot ng kaba ang aking sistema. Kailangan ko silang pigilan kung ano man ang binabalak nila! Gigil akong naglakad papalapit sa kanila.

"Harold!" galit kong tawag sa kanya. Lumingon silang lahat dahil sa pagsigaw ko.

Para namang nakakita silang lahat ng multo nang makita ako at nakita ko si Naruto na gulat na gulat din.

"M-Mandy!" gulat na sabi ni Harold.

"Anong balak mo kay Naruto?! Pakawalan n'yo s'ya!" galit kong sabi sakanya.

"'Wag kang mangialam dito!" sambit niya.

"Bakit? Ano bang ginawa ni Naruto?" iritado kong tanong.

"Inagaw ka niya sa'kin!" tugon niya.

"Ano?" kunot-noo kong tanong.

"Alam mo, Mandy, gustong-gusto kita. Pero ano? Ipinagtabuyan mo lang ako nang basta-basta..." galit niyang sambit.

"Nang dahil sa lalakeng 'to!" duro niya kay Naruto.

Napairap na lang ako sa pinagsasabi niya. Tss. Hindi ba siya marunong maghintay para mahalin din siya ng taong gusto niya?

"Mandy, umalis ka na! Sasaktan ka niya..." nag-alalang sabi ni Naruto pero hindi ko s'ya pinansin.

"Pakawalan mo na siya!" pamimilit ko habang nangingilid na ang aking mga luha.

Lalapit na sana ako para tanggalin ang pagkakatali kay Naruto nang pigilan ako ng isang lalake.

"Ano ba?!" hinawakan niya ang braso ko at hinila niya ako palabas.

"Mandy!" sigaw ni Naruto.

"B-bitawan mo 'ko!" bulyaw ko sa lalakeng nakahawak sa'kin. Dinala n'ya ako sa labas ng warehouse.

Nagulat ako nang nagkaroon ng ingay sa loob. Bumitaw naman ang lalakeng nakahawak sa'kin at nagmadaling pumasok sa loob.

Pagkalapit ko sa pinto, nakita kong nakabulagta na sa sahig ang isang lalake at kasuntukan naman ni Naruto si Harold.

"'Wag!" sigaw ko nang sasaksakin ng patalim si Naruto ng lalakeng humila sa'kin kanina. Agad naman siyang nakaiwas at sinipa niya ito nang malakas upang tumalsik ang lalake sa pader.

"Tama na!" pagmamakaawa ko habang patuloy pa rin silang nagpapalitan ng suntok ni Harold. Kitang-kita ko kay Naruto ang nanlilisik niyang mga mata hanggang sa nawalan na ng malay si Harold dahil sa natamo nitong mga suntok. Parang naliligo na ito sa sarili niyang dugo.

"Mandy, halika na!" hinila naman ako agad ni Naruto palabas ng warehouse.

Sobrang dilim na. Hingal na hingal kami katatakbo at nang makalayo na kami, napahawak na lang ako sa aking tuhod. Niyakap naman ako ni Naruto nang mahigpit.

"'Di mo na dapat ako niligtas. Kaya ko naman sarili ko eh." pagmamalaki niya. Tsk. Nagyabang pa. Eh kung hindi ako dumating?

"Ako kaya si Xander The Great!" dugtong niya. Nagtaka naman ako sa sinabi niya.

"Anong sabi mo'ng Xander The Great?" kunot-noo kong tanong.

"Ewan. Kusa na lang lumabas sa bibig ko 'yun eh." kibit-balikat niya.

***

Pumunta agad kami sa police station upang mag-report at agad naman silang rumesponde papuntang warehouse pagkatapos ay hinatid kami ng mga pulis sa bahay.

"Anak! Saan ka ba pumunta?" nag-alalang tanong ni Nanay.

Sasabihin ba namin ang nangyari o ililihim?

"Naruto! B-ba't marami kang pasa sa mukha? Anong nangyari sa'yo? Anong... Ano ba talaga'ng nangyari, ha?" dugtong nitong tanong.

"Ahh... Kase po n-nakidnap si Naruto..." kinakabahang sagot ko. Nanlaki naman ang mata niya sa sinabi ko.

"Diyos ko! Sino naman ang kumidnap kay Naruto?" agad niyang tanong.

"Si Harold po." sagot ko na ikinagulat niya naman dahil ang alam ni Nanay, si Harold ay mabait at masugid kong manliligaw.

Tumawag naman sa'kin ang police station at sinabi nilang nahuli na raw nila si Harold at 'yung mga tauhan nito. Nakahinga naman ako nang maluwag dahil sa nalaman ko.

Dapat lang talaga silang makulong. At sana makulong sila habambuhay.

***

"A-aray! Aray!" daing ni Naruto habang ginagamot ko ang mga sugat sa kanyang mukha gamit ang bimpo na nababalutan ng yelo.

"Gwapo pa rin ba 'ko?" tanong niya.

"Ang pangit mo na. Hahaha!" pang-aasar ko pero bigla akong napalunok ako nang mag-pout siya.

Naalala ko nanaman tuloy 'yung parang marshmallow niyang labi. Tsk. Ano bang iniisip ko?! 'Di ko 'yun ginusto, 'no!

"Halikan kita d'yan eh." sambit niya sabay kagat ng labi. Napalunok ulit ako sa sinabi niya. Pakiramdam ko parang may lumilipad na mga insekto sa tiyan ko.

"May naalala pala 'ko." sabi niya. Ano naman kayang naalala n'ya? Kumunot ang noo ko.

"Anong naalala mo?" tanong ko.

"Secret!" nakangisi niyang sabi sabay kindat. Wow! May pa-secret-secret pa siyang nalalaman ah?

"Ano nga?"

"'Yung kiss." aniya.

SHET NA MALAGKET!!!

***

to be continued...

A/N:hi sa mga silent readers dyan😉

Strange Hearts (Completed)Место, где живут истории. Откройте их для себя