Falling for Mr. Bouncer - Pub...

CeCeLib tarafından

4.2M 116K 5.6K

Gilen Ramirez is a happy-go-lucky- kind of woman. She always had a food in her bag. She doesn't care what oth... Daha Fazla

Falling for Mr. Bouncer
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17 - END

Chapter 9

188K 5.7K 356
CeCeLib tarafından

CHAPTER 9

ILANG araw nang namamalagi si Gilen sa isla, and it’s so boring. Wala siyang ibang ginawa kung hindi ang mag-swimming sa beach at manuod ng sunrise at sunset. Kinukulit niya si Ethan na pahiramin siya ng cell phone kasi tatawagan niya ang mga kaibigan niya para man lang malibang siya pero hindi ito pumayag. Nakakabagot ang walang ginagawa. Nakakainis naman kasi. Nang lumapag ang helicopter sa isla, kinompiska ang gadget na dala niya which is her phone.

Protocol daw. Protocol, her ass!

Nandito siya ngayon sa buhangin at hinihintay ang sunset, wala naman siyang ibang gagawin kung hindi ito.

Napatingala siya sa kalangitan ng may marinig na malayong tunog ng helicopter. Hindi na iyon bago sa pandinig niya. Sa isang linggo niyang pananatili sa islang ito, halos araw-araw pumupunta ang Helicopter na iyon dito sa isla para magdala ng kung ano-anong gamit o pagkain para sa mga nakatira rito.

Humugot siya ng isang malalim na hininga ng makitang lumubog na ang araw. Isang araw na naman ang lumipas na wala siyang ginawa kung hindi umupo, matulog at kumain. Nakakairita pero ayaw naman niyang bumalik sa manila kung saan may nagtatangka sa buhay niya. Kahit ayaw niya, ipapaubaya niyang muli kay Luther Sr. ang problema niyang ito.

Wala naman akong ibang choice.                                    

Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa buhangin at nag-umpisa ng maglakad pabalik sa inuukapa niyang maliit na cottage. Nang dumaan siya sa inuukupang cottage ni Ethan na katabi lang ng cottage niya, napakunot ang nuo niya. Madilim ang loob at halatang walang tao.

Saan naman kaya nagpunta ang lalaking yon? Siguro nandoon si Ethan sa island HQ. Palagi kasing naroon ito kapag wala sa cottage nito. Hindi naman siya natatakot na wala siyang kasama dahil nagkalat ang mga guard sa isla at alam niyang palaging tsini-check ang cottage niya kung okay lang ba siya o hindi.

Nagkibit-balikat siya at pumasok na sa cottage niya. Naghahanda na siyang maligo ng may kumatok sa pintuan ng cottage niya. Sa isiping si Ethan iyon, agad niyang binuksan ang pinto ng walang pag-aalilangan.

Umawang ang labi niya ng makita kung sino ang nasa labas ng pintuan.

“Kaino?” Hindi makapaniwalang banggit niya sa pangalan nito.

Nakatayo ang binata at nakalagay ang dalawang kamay sa bulsa ng pantalon na suot nito. Titig na titig ito sa kanya na para bang natatakot na kapag kumurap ito kahit isang beses lang ay mawawala siya sa paningin nito.

Sa isang linggong pananatili niya sa isla, walang araw na hindi ito sumagi sa isip niya. Ngayon lang niya naramdaman na sobra niya itong na-miss ngayong nakita na niya ito.

Pinigilan niya ang sarili na hindi ito yakapin ng mahigpit. “Anong ginagawa mo rito?” Tanong niya sa binata.

“Hindi mo ba ako papapasukin?” Balik tanong nito.

Niluwagan niya ang pagkakabukas ng pinto. “Sige, pasok ka.”

Pumasok si Kaino at ipinalibot ng tingin sa kabuunan ng cottage niya. Parang sinusuri nito ang bawat sulok ng cottage sa klase ng pagkakatingin nito.

“Anong ginagawa mo rito?” Tanong niya ulit kay Kaino.

Binalingan siya nito, nakapamulsa pa rin. “I came here to see if you’re okay.”

Kinagat niya ang pang-ibabang labi. “I’m okay. How about you? Kumusta?”

“Okay lang din.” Inisang hakbang nito ang pagitan nila at hinawi ang ilang hibla ng buhok na tumatabing sa pisngi niya. “Pumayat ka. Hindi ka ba nila pinapakain ng tama rito?”

Marahan siyang umiling. Ramdam niya ang init na nanggagaling sa kamay nito nang sumagi ang kamay nito sa balat niya ng hawiin nito ang ilang hibla ng buhok niya.

“Pinapakain nila ako ng tama.” Sagot niya. “Wala lang akong gana.”

“Bakit naman?”

“Kasi name-miss k…” Kasi name-miss kita. “Nami-miss ko ang mga kaibigan ko.”

“Alam mo naman diba kung bakit hindi mo sila puwedeng tawagan. Rest assured na ayos lang ang mga kaibigan mo. Don’t worry about them. Sinabihan ko na sina Alexus at Marlon Aiken na dalhin muna ang mga kaibigan mo sa isang ligtas na lugar.”

“Salamat.” Pasimpli siyang humakbang palayo rito.

Parang sasabog na ang puso niya sa sobrang kaba na nararamdaman. Mabilis ang tibok ng puso niya at natatakot siya na baka marinig iyon ng binata. Wala siyang balak na malaman nito ang nilalaman ng puso niya, magulo pa at natatakot siya.

Inisang hakbang ulit nito ang pagitan na inilagay niya sa kanilang dalawa.

“Nandito ako para kumustahin ka. Aalis din ako bukas kaya puwede ba, huwag mo akong iwasan.” Anito na ikina-angat niya ng tingin.

“Hindi naman kita iniiwasan.” Sabi niya sa mahinang boses.

“Hindi nga ba? Hindi kita nakita ng isang linggo, Gilen. Nag-alala ako sayo at ito ang isasalubong mo sa akin? Please lang, Gilen, nakakaramdam naman ako at alam kung iniiwasan mo ako. No need to lie.”

Nag-iwas siya ng tingin. “Bakit parang galit ka pa sa akin ngayon? Hindi ko naman sinabi na mag-alala ka sa akin.”

Walang imik na naglakad ito papunta sa pintuan ng cottage niya at binuksan iyon. Bago ito lumabas, nilingon siya nito.

“Pumunta ako dito sa isla kasi gusto kitang makita at na-miss kita. Pero mukhang the feeling is not mutual.”

Pagkasabi nun ay lumabas na ito ng cottage niya at naiwan siyang sobrang bilis ng tibok ng puso niya. Sinapo niya ang dibdib na parang may nagkakarerang daga sa loob.

Ewan ko talaga sayong puso ka! Kung kailan naman magulo ang buhay ko, saka ka naman titibok para sa isang lalaki.

Kinuha niya ang tuwalya na nasa ibabaw ng kama at pumasok sa banyo. Habang naliligo nasa isip niya si Kaino at ang sinabi nito sa kanya.

“Pumunta ako dito sa isla kasi gusto kitang makita at na-miss kita. Pero mukhang the feeling is not mutual.”

Huminga siya ng malalim ng maalala ang sinabi ni Kaino. Shit naman oh. Paulit-ulit iyon na nagre-replay sa utak niya. Naiinis na lumabas siya ng banyo at nagbihis. Pagkatapos niyon ay nahiga siya sa kama at tumitig sa kisame. Ipinikit niya ang mga mata at pinilit ang sarili na matulog kahit hindi pa siya nanananghalian. Wala siyang ganang mag-dinner.

KINAUMAGAHAN, nagising si Gilen ng maaga para mag-jogging at makalimutan si Kaino na nasa isip niya kahit natutulog siya pagtulog niya. Nakakairita na. Pagkatapos magbihis ay lumabas siya ng cottage at nag-umpisang mag-jogging.

Hindi pa siya nakakalayo sa cottage niya ng may maramdamang nag-jogging sa tabi niya. Tiningnan niya kung sino iyon at ganoon na lamang ang lakas ng tibok ng puso niya ng makita si Kaino sa tabi niya.

Nagpatuloy siya sa pag-jogging kahit ang gusto niyang gawin ay ang tumigil sa pagtakbo at bumalik sa cottage niya. Nagpanggap siya na hindi apektado sa presensiya nito at binaliwala ang binata. Ilang minuto na silang nagja-jogging nang habol ang hininga na tumigil siya at nagpahinga.

Naramdaman niyang may tao sa harapan niya kaya naman nag-angat siya ng tingin at ng makita niya si Kaino na nakatingin sa kanya ay mabilis siyang tumayo ng maayos at sinalubong ang matiim na titig sa kanya ng binata.

“What?” Tanong niya kay Kaino ng hindi ito nagsalita at nakatitig lang sa kanya.

He shrugged his shoulder. “Nothing.” Anito habang nakatingin pa rin sa kanya.

“Bakit ganyan ang tingin mo sa akin?” Usisa niya rito.

Nagkibit-balikta ulit ito. “I’m just memorizing your beautiful face, aalis na kasi ako mamaya.”

Mabilis siyang nagbaba ng tingin para itago ang pamumula ng pisngi niya dahil sa sinabi nito. Matagal na niyang alam na maganda siya pero bakit kapag si Kaino ang nagsabi na maganda siya hindi mapakali ang puso niya? Para iyong hinihili sa kalangitan.

“A-Ano ba ang pinagsasasabi mo, K-Kaino?” Nauutal na sabi niya.

Inilagay nito ang kamay sa baba niya at itinaas ang mukha niya para magtama ang mga mata nila.

Matiim siya nitong tinitigan. “Gilen, na-miss kita.” Marahang hinaplos nito ang pisngi niya gamit ang kamay nito. “Gustong-gusto kitang makita kaya naman pinilit ko ang superior ko na bigyan ako ng pahintulot na bisitahin ka rito sa isla. And I’m happy to see you; but it saddened me that the feeling isn’t mutual. Pero ayos lang ‘yon. Ang importanti okay ka.”

Walang lumabas ni isang salita sa bibig niya kahit nakabuka iyon. Hindi siya makapagsalita habang nakatingin sa maganda nitong mga mata na para bang hinihipnotismo siyang titigan ito buong araw.

“Kaino…”

Dahan-dahan siya nitong binitawan at umayos ng tayo.

He smiled at her. “Aalis na ako mamayang hapon. May mga binili akong pagkain para sayo, nasa cottage ko. Mind if you come to my cottage and get it?”

Wala sa sariling tumango siya at umo-o. “Yeah, sure.”

“Great.” Hinawakan nito ang kamay niya at hinila siya patungo sa kung saang parti ng isla

At siya naman parang timang na basta nalang nagpahila sa binata na hindi man lang nagtatanong kung saan siya nito dadalhin. After five minutes, they enter a small cottage near the shore. Napaka-presko ng simoy ng hangin at naririnig niya ang alon ng dagat. Ito ang gusto niyang cottage pero hindi siya hinayaan kasi baka raw may makapasok sa isla at makuha siya. Kailangan daw ang cottage niya ay malapit sa HQ.

But Gilen doubt kung may makakapasok nga sa islang ito. Sa higpit ng security at sa dami ng pakalat-kalat na guard sa isla, napaka-imposibling mapasok ang islang ito. Maliban doon, napapalibutan din ng CCTV camera ang buong isla.

“Nagdala ako ng pagkain mula sa maynila.” Si Kaino ang unang bumasag sa katahimikan ng makapasok sila sa cottage nito. “Alam kong nami-miss mo na ang pagkain sa maynila kaya naman binilhan kita.”

Napatanga siya ng isa-isa nitong inilabas mula sa paper bag ang tatlong mahahabang cake roll na may flavor chocolate, mocha at ube. May inilabas din itong limang malalapad na bar ng Cadbury at syempre pa maraming chips. May binili rin itong sodas at mga fresh milk na nasa karton. May munting ngiti na gumuhit sa mga labi niya ng makitang may binili itong maraming Hershey’s kisses na chocolate. Paano nito nalaman na favourite niya ang kisses?

“Binili mo ang lahat ng ito para sa akin?” Hindi makapaniwalang tanong niya habang naglalaway sa mga pinamili nito.

Binalingan siya ni Kaino. “Yeah. I know how much you love food. Saka sabi ni Ethan panay daw ang reklamo mo dahil walang makain na sweets dito.” Tiningnan nito ang pinamili at ibinalik ang tingin sa kanya. “Sorry kung ito lang ang nabili ko. Nagmamadali kasi akong makita ka kaya naman—”

“Thanks you.” She chirped happily. “Super thank you sa mga pinamili mo. I didn’t know na nai-kwento pala sayo ni Ethan ang mga reklamo ko. And I wasn’t expecting na bibilhan mo ako para lang may makain ako rito sa isla.”

He chuckled lightly. “Gilen, alam ko naman kung gaano ka katakaw.”

Nawala ang ngiti sa mga labi niya at inungusan ito. “Matakaw ka riyan. Hindi kaya.”

“Yeah, and unicorns are real.” Puno ng sarkasmong sabi nito.

Inirapan niya ito. “Umalis ka nga riyan.” Itinulak niya ito palayo sa mga pinamili nito at binuksan ang mocha flavored cake roll.

Inamoy niya ang cake at napaungol siya ng maamoy ang masarap na aroma niyon. Her mouth watered for a taste. “Grabe, naglalaway na ako amoy palang.” Tinakpan niyang muli ang cake roll at hinarap si Kaino. His eyes were dilated and he had a very unfamiliar expression on his face.

“Anong nangyari sayo?” Usisa niya.

Umiling-iling ito at parang kinapos ito nang hininga ng magsalita ito. “Next time, huwag kang umungol ng ganyan sa harapan ko.”

 Kumunto ang nuo niya. “Ano? Bakit naman? It’s just a moan.” Hindi niya maintindihan ang logic ng utak nito.

Pinadilatan siya nito. “It’s not just a moan, Gilen! Siguro sayo, pero iba sa akin. Lalaki ako at—”

“Oh my god!” Gilen exclaimed when she understood what he was talking about. “Y-You…” Her eyes settled on his groin. “You-re … h-horny?” Naiilang na tanong niya sa binata.

“What?! No! I just have a hard on! But I’m not horny!”

“Eh bakit mo ba ako sinisigawan?” Magkasalubong ang kilay na sabi niya. “I was just asking.”

“Asking a wrong question.” Kaino covered his groin when he saw her still looking at it. “Look away. Nako-conscious ako sa tingin mo.”

Napailing-iling siya. “Tumitingin lang naman ako.”

Hindi makapaniwalang tinitigan siya ni Kaino. “Kanina nang sabihan kitang maganda ka, namula ka. Ngayon naman na ang junior ko ang pinaguusapan, mukhang ayos lang naman iyang pisngi mo.” Napailing-iling ito. “Iba ka rin, Gilen.”

Inirapan niya ito. “Iba naman kasi yung kanina sa ngayon.”

Gilen chuckled when she remember the glint of Kaino’s eyes after he heard her moan. Natatawa siya na apektado ang binata sa simpling ungol lang.

“Nakakatawa ka, Kaino.” Aniya.

Masama ang ipinukol nitong tingin sa kanya. “Hindi ako clown.”

Hindi niya pinansin ang sinabi nito at ibinalik ang mga pinamili nito sa paper bag. “Kaino?”

“Yeah?”

“Hindi mo ba napapansin?”

“Ang alin?”

“Paiba-iba ang mood mo. Kanina seryuso, tapos sweet, ngayon naman galit. Bipolar ka ba?”

Ilang segundo ang lumipas bago ito sumagot. “You bring out all the emotions in me, Gilen. The serious, the cheesy and the negative attitude. Ikaw lang ang may kayang palabasin yun sa iisang araw lang.”

Tumigil siya sa ginagawa at hinarap si Kaino. “Well, in my part, ikaw lang ang nakakita sa mataray at seryusong ako, hindi ko kasi hinahayaan ang mga tao na makita ang side ko na yun. So I think we’re even.” She said the last sentence with a shrug.

Kaino nodded earnestly, and then his gazed dropped to the Hershey’s kisses that he bought for her.

“I bought you Hershey’s kisses…” Kaino trailed then he walked towards her and stopped when he’s just inch away from her. He leaned in and whispered over her ear. “Would you mind if you pay it with real kisses?”

Hindi niya napigilan ang ngiting kumawala sa mga labi niya. Here’s the sweet and naughty Kaino Garcia.

Gilen leaned in and whispered her answer over his ear. “So, fake pala ang binili mong kisses para sa akin?” Pagkatapos ay umayos siya ng tayo, naka-plaster parin sa labi niya ang isang malapad na ngiti. “Sorry, Kaino, wala kasi akong real Hershey’s Kisses ngayon e. Siguro pag balik ko nalang sa manila.”

Gilen left Kaino on his cottage, gaping. Dala-dala ang pinamili nito sa kanya, tinungo niya ang cottage niya kung saan balak niyang kainin ang mga pinamili nito.  

Okumaya devam et

Bunları da Beğeneceksin

48.1M 1.3M 62
Rosenda crosses path with a hot stranger who's suffering from some sort of mental illness yet seems to understand her pain and longing. She decides t...
795K 27K 36
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
1.6K 46 6
Vale Guevarra, also known as Valéria Guevarra behind the mask, was obliged to hide her true identity by her late mother. Valéria's father dreams of h...