Just One Answer

By pilosopotasya

2.1M 55.3K 8.5K

"Anong mas pipiliin mo: taong mahal mo na hindi ka mahal o taong mahal ka pero hindi mo mahal?" More

Pr: The Question
Ch1: My first friend
Ch2: His unique name
Ch3: Hear my name
Ch4: Look at the mirror
Ch5: Zelle's words of wisdom
Ch7: Slow motion
Ch8: Crush life
Ch9: Almost, but not yet
Ch10: Puting uwak
Ch11: Classmates
Ch12: At sinong hindi mababaliw sa @ulaaaann
Ch13: Sorry hangover
Ch14: Music video tuwing umu @ulaaaann
Ch15: Fifteen days
Ch16: "Mahal Kita"
Ch17: An awkward experience
Ch18: Crush Note
Ch19: Epic Fail
Ch20: My heartbeat meter
Ch21: Anyareh?
Ch22: Gulat factor
CH23: Serious mode: ON
Ch24: Heart to heart
Ch25: Na-aftershock syndrome
CH26: Biglang liko
Ch27: That feeling begins
Ch28: Blind checkered guy
Ch29: Wishes and fortunes
Ch30: Dedications and checkered polo
Ch31: Kasal, kasali, kalas
Ch32: Boom! Kapow!
Ch33: Alamat ni Manhid at Sensitive
Ch34: Five questions
Ch35: His confessions
Ch36: Her Feelings
Ch37: Arrythmia
Ch38: El ow vi ee
Ch39: Reservation of first dance
Ch40: Frustrations and birthday special
Ch41: Heart breaks fast
Ch42: Masked mumu
Ch43: Main event
Ch44: After effects
Ch45: Hypothesis and conclusion
Ep: The Answer

Ch6: Must be a sign

53.7K 1.4K 203
By pilosopotasya

Hindi ko siya gusto, okay?

Hindi ko gusto si John. Hindi ko siya gusto. EXCLAMATION POINT!!!

Pero ano bang problema ko at panay na ang hanap ko sa kanya? It's been a week since huli kong kita sa kanya sa cafeteria at hanggang ngayon, no signs of him.

Nagtatago ba siya sa akin?

Oh wait, ano ba 'tong iniisip ko? Why the hell na magtatago siya sa akin? Duh. Ewan ko sa'yo Zelle, nababaliw ka na.

Basta! Hindi ko siya gusto.

Nakatambay lang ako sa klase ni Enzo habang naghihintay sila ng teacher. Nakikisit in lang ako kasi hindi magkaklase 'yung teacher namin ng ganitong oras eh may next class pa ako mamaya kaya para hindi mabagot, sit in muna.

Dumating na 'yung teacher nila na unknown sa akin kaya medyo tumahimik na 'yung klase. May kung anong sinulat 'yung teacher nila, something about debate tournament something.

Mukhang magkakadebate din sila ngayon sa class ah?

“Our activity for today is a debate and I know that this topic will surely get your attention. Are you ready?” Masayang masaya na sinabi ng teacher nila pero kaunti lang ang nag yes. Mukhang mga bored 'tong mga 'to ah?

“Great! Now the theme of debate is this; listen carefully: Who would you choose? The person you love but don’t love you back or the person who loves you but you do not love? For people who’d choose the former, sit at the right and for the latter, sit at my left. Go!” Nagsimulang magsitayuan ang mga kaklase ni Enzo. Karamihan ng mga kaklase niya, umupo sa kaliwang bahagi ng room. Sa right side, halos bilang lang sa kamay ang mga pumili noon.

Nakaupo kasi ako sa pinaka likod at gitnang part kaya kita ko lahat ng mga kaklase ni Enzo habang si Enzo naman, patayo pa lang para pumunta sa kung saan mang part siya nang biglang…

Bumukas ang pintuan ng classroom at tumambad…

…siya.

KAKLASE NI ENZO SI JOHN NGAYON?

Come to think of it, English class pala 'to. Oh my gahd.

I can't believe it. (wow napapaenglish na din ako!) Sa 1 week na hindi ko siya nakita, dito lang pala. Grabe.

“Oh, look who’s here—the early bird of the class, Mr. Tan?” Bago pa tumingin si John sa teacher nila na nasa may harap, napansin kong napatingin siya sa akin.

Nagkatinginan na naman kami. Ayan na naman 'yang maamo niyang tingin na hindi ko malaman kung anong ibig sabihin. Nawala na naman ang ibang tao sa background at siya na naman ulit ang tanging nakikita ko ngayon.

“Because you’re so early for the next class Mr. Tan, which side would you take for the debate? Who would you choose: The person you love but don’t love you back or the person who loves you but you do not love?” Nakatingin lang ako sa kanya—este kaming lahat sa kanya na nakatayo sa harap at hawak hawak ang strap ng backpack niya. Napansin kong parang hindi na siya nag isip pa at biglang nagsalita:

“Person I love but do not love me back” Hala, ang gwapo ng boses niya.

“Okay then, sit at the right side of the room” Naglakad na siya papunta sa right side at bago pa siya umupo, napatingin na naman siya sa akin.

Ano ba John, bakit ka ba tingin nang tingin? Nakakainis.

Napansin ko na lang na si Enzo, nasa kaliwang parte na ng room kung saan ang dami nila doon. Sila 'yung mga pumili ng taong mahal sila pero hindi nila mahal at… ang dami nila.

“Let the debate, begin! Left side, go”

Nagsimula nang magsalita 'yung mga tao sa left side. Sinasabi nila 'yung mga point of views nila and such. Ano bang meron sa tanong na 'to at usong uso atang pinagdedebatihan 'yung topic?

“I’d rather choose the person who loves me because I know in the right time; I’ll learn how to love him” Sabi ng isa nilang kaklaseng babae.

“But you can not teach yourself to love a person; I’d choose the person I love because I’m willing to wait for her” Sagot naman nung isa.

Nagbatuhan lang sila ng mga opinyon pero napapansin ko kay John, hindi siya nagsasalita—nakikinig lang sa mga sinasabi ng mga kaklase niya.

 

“I can’t love a person who won’t appreciate my efforts. It’s like studying for a long test and the classes got suspended”

 

“I can wait for her, even if I won’t get married, I’ll still wait”

 

“It’s better to feel that you are loved, you are cared and such. What if he doesn’t love me back? I’ll just waste all the effort I’d put…”

Marami pang kung anu-anong sinabi sila at ngayon, magsasalita na siya. Magsasalita na si John.

“The intention of us guys courting girls is because we want to win their love, and that is the reason why I chose this side. It’s much more fulfilling if the person I love will love me back; it will give me more happiness. I’d rather choose to be happy alone, to suffer alone than to let someone who loves me suffer alongside with me. If you keep on insisting that you can also love the person who loves you, then there is a huge possibility that the person whom I love will also repay the love I give. People who choose the latter are just people who want to be cared and be loved, you want to be safe. Safe for the fact that you are being loved so you won’t seek for anything else when in fact, you are just using that person for comfort. You know for yourself that if you choose the person you do not love, you’re just fooling yourself and the other person involved. Love someone without expecting anything in return, if you expected for more—then I think that feeling of yours is not love at all”

Umupo na siya sa upuan niya pero tahimik pa din ang lahat, pati ako—halos mapanganga sa mga sinabi niya. Straight English ang sinabi niya pero parang tumatak sa utak ko lahat, bawat words, bawat pause at bawat paghinga niya. Sa way ng pagsasalita niya, sa gestures niya at kung paano siya tumingin sa mga nasa left side.

Napaka…

Napaka convincing.

Natapos na ang klase nila at parang hindi na pumasok sa isip ko 'yung mga pinagsasabi ng iba nilang kaklase. Basta ang alam ko lang, napaka ganda ng sagot ni John. Sobrang ganda to the point na parang…

…nakuha niya ang paniniwala ko.

 

“Alam mo Zelle, sign na 'to” Napataas naman ang kilay ko sa mga pinagsasasabi ng Enzo na 'to.

 

“Anong sign?”

 

“Sign! Sign na sagutin mo na 'yung tanong na 'yun” Napabuntong hininga ako. Napapalo pa ako sa noo ko sa kakulitan na 'to.

Well maybe, it's a sign. A sign na…

…paniwalaan ko si John…?

 

“Alam mo, kung ako sa'yo. Dun ka sa taong mahal ka pero hindi mo naman mahal. Kasi 'yung taong mahal ka, aalagaan ka, hindi ka papabayaan at mamahalin ka ng taos puso. Hindi ka hahayaan mag isa ng taong mag mamahal sa'yo. At kung tutuusin, pwede mong makamtan sa piling niya 'yung kaligayahan na hinahanap mo, hindi rin malayong mahalin mo din siya. Pramis, seryoso” Napangiti lang ako sa sinabi ni Enzo at napaisip na naman.

“Hindi ko alam pero parang… naniniwala na ako” kay John.

Nakita ko naman na parang ngumiti si Enzo na parang tanga, wala namang kangiti-ngiti sa pangyayari. Pati tuloy ako, napapangiti.

Sign? Sign na nga atang—crush ko na siya.

---x
Author's Note:
THANK YOU AND HAPPY READING GUYS!

Dedicated this chapter to Yuri. Nagkataon lang din na ang sagot niya ay taong mahal niya na hindi naman siya mahal. Thank you Yuri for answering the question sa prologue. 

Continue Reading

You'll Also Like

24.7M 558K 156
This is not a love story. This is a story about LOVE.
7th Unit By Ann Lee

Teen Fiction

6.4M 142K 42
Standalone novel || Lyka thought she'd have a better school life in college, but it was way too different from what she had imagined. She already got...
1.7M 74.9K 46
Light Story Only. For Fun Only. BOOK 1 slice of life
13.9M 234K 91
Tagalog/English [PUBLISHED UNDER POP FICTION - 2017]