365 Days with EXO

By justanotherchxls

37.5K 901 294

365 days isn't enough for loving someone who brought the biggest change in your life. Would you give it up al... More

365 Days with EXO
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Epilogue
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 37
Chapter 36

Chapter 23

630 17 1
By justanotherchxls

May Chapter 22 po, baka naskip niyo :)

-

“Can I say something awkward?”

“What?”

“Be my girlfriend.” – Kai Kim

Chapter 23 [Jealousy and the kiss]

2 months later…

We’ve been doing very well for 2 months. And I think it’s my duty to tell you want happened to us within two months.

K-La and Chen were fine, pero wala pa ring improvement sa lovestory nila, K-la even proposed to Chen to be her boyfriend but he refused. Kahit na napahiya si K-la dun, di pa rin siya tumitigil sa pagsuyo kay Chen. Chen is playing hard to get.

Jhen and Chanyeol? Ganun pa din naman, di pa daw sila pero sweetness overload pag magkasama, lagi na nga silang magkasama eh. And guess what? Nag-iimprove na si Jhen sa style niya, thanks to K-la, by the way.

Umamin na sina Xiumin and Raihana, they’ve been together for God knows how long. The only reason why they keep their relationship is that the situation is still rambling, gusto nilang magkaayos ang barkada bago umamin. Eh di naman nila kelangan na itago yun eh, since then naman napaghahalataan na namin na sila na.

Si Erin naman nag-attend siya ng seminar, 1 week, kadarating lang niya kahapon. At alam niyo ba? Nag-uwi pa ng ubod ng gwapong lalaki! I mean, may naghatid sa kanya, if I am not mistaken, Taecyeon ang name nung lalaki. Infairness, sobrang gwapo, pero parang nasa late 20’s na ito. Eh 17 palang si Erin. Ah, baka tito niya?

If you are to ask me anong meron kay Tao at Muecan, I am telling you this, hiatus pa rin ang relasyon nila. Lagi ngang nagrereklamo si Muecan kasi ang daming nagttext sa kanya ng ‘Hi Tao’. Kaya ayun, nagpalit siya ng sim. Para nga siyang laging may dalaw eh, lagi naiirita lalo na kapag nakikita niyang may kasamang iba si Tao at nakikipaglandian. Eh ang landi naman kasi ni Tao, iba iba ang mga babaeng sinasamahan.

Si Baekhyun walang kinokompirma sa status nila ni Jes, sweet silang dalawa, pero sa nakikita ko, medyo kulang yung sweetness nila to be called as lovers. Di kasi masyadong mushy si Baekhyun eh, di ko alam kung bakit, pero pag kami magkasama, halos langgamin na ko sa sobrang sweet niya. Baka sakin siya may gusto? Haha! Wag naman sana, masabunutan pa ako ni Jez ng di oras.

Si Cheyenne ayun busy pa din kay Taehyung, on and off din ang dalawang iyon, sina Kris at Finella? Sila na. Bumalik na rin si Kris sa grupo, and you know what? Di na siya yung katulad ng dati, di na siya yung nagpapasimuno ng away, sa katunayan, he’s getting along with the K also pero not to Suho, di pa rin okay ang dalawa. Nung palang sinayaw ako ni Kai, isa siya sa may pakana nun. Nung una ayaw ni Kris na makipagbati kay Kai pero dahil sa persistent na pamimilit ni Finella, napapayag niya ito.

Oo nga pala, break na sina Ember at Dyo, they are better off as friends daw. Nasasayangan ng ako sa 3 years nila.

Si Luhan? Okay naman siya, madalang lang kami magkita sa school, pag nakikita ko siya di ko maiwasang maawa, namayat siya. Siguro sa stress o kaya dahil sa sobrang pag-aasikaso niya sa girlfriend niya nakakalimutan na niyang alagaan ang sarili niya. Gusto ko man siyang i-approach pero di ko magawa, umiiwas siya eh.

At alam niyo ba? Model na si Kai! Nako, after nung festival ang dami nang nag-sscout sa kanyang magmodel. Paano ba naman, may nag-upload ng video nila online tapos ayun, masyado yata silang naaning sa ka-hot-an ni Kai kaya atat silang kunin itong modelo, meron pa ngang underwear company na nag-ooffer sa kanya! Nahhighblood ako pag ganun, eh ang bata pa niya para ibalandra yung katawan niyang yung hiyas lang niya ang may takip.

Pero bago pa man siya tumanggap ng offer, pinag-usapan muna namin yon, ewan ko sa kanya, sabi ko okay lang sakin, di naman importante yung opinyon ko. Pero mapilit siya, gusto niya pareho kaming magdecide. He asked, kung okay lang daw ba saking may ibang makakita sa katawan niya. Pinrangka ko siya, sabi ko hindi. Ang laki ng ngisi niya nun, jusko! Parang tuwang tuwa siya sa sinabi ko, if I know, gusto naman niyang ipagmalaki yung katawan niya. But sorry nalang siya, ayokong may ka-share. You know.

So he ends up signing with a famous clothing company, disente naman yun. 1 and a half month na nga siyang nagmomodel dun, at talagang malaki ang kinikita niya. Never did I attend to his pictorials; ayoko kasing makita siyang pinipicturan ng may ibang kasamang babae tapos puro tweetums pa. Nagseselos ako. But this time, tutal, first monthsary naman namin, sumama na ako sa pictorial niya para i-model niya yung mga bagong design na damit, after kasi ng pictorial eh magddate daw kami. Di ko nga alam kung may mga babae dun eh. Panigurado meron.

Nung makarating kami sa studio, grabe! Ang gaganda ng mga babae, nakakainsecure. Lahat sila binabati si Kai, take note, ang lalagkit pa ng tingin nila. Ito namang Kai eh, nakangisi pa, nakakainis ah? Dinala niya ba ako dito para pagselosin ako? Leche! First monthsary namin, ganito nararamdaman ko! Leche talaga!

“Hi Kai! How are you?” Tanong nung babaeng nakasalubong namin papuntang dressing room. Maganda yung babae, sobra, blue yung mata niya, blonde, feeling ko nga mula ito sa Europe, british accent pa.

“I’m good.” He beamed at the girl.

“Tss.” Irap ko, pero buti nalang di nakita yun ng British doll pero si Kai, pansin na pansin niya yung pagkairita ko.

“So how about hanging out with me tonight?” Flirt na tanong nung babae sabay haplos sa dibdib ni Kai, jusmiyo! Jusko po, hello! Girlfriend here! Ganito ba ang nangyayari kapag nagppictorial sila?

Nakakainis!

“Sure! I’ll bring my girlfriend with me, then. Is that fine with you?” Nakangising tanong ni Kai.

Nanlaki yung mga mata nung babae pagkatapos ay mahigpit na hinawakan ni Kai yung kamay ko. Bago kami naglakad palayo dun kay British girl, hinalikan niya ako sa noo. Leaving that girl’s mouth hanging open.

Hang out pala ha!

Ang cute mo talagang magselos! Epic”

 

“Dinala mo ko dito para lang pagselosin ako?” Binawi ko yung kamay ko sa kanya. Magwwalk out na sana ako nung bigla niya akong hinila at hinalikan sa lips.

Potek! Ang sarap humalik ni Kai~

“Mag-ready na kayo!” Sigaw nung bading. Kai stopped kissing me pero hinabol ko yung lips niya kaya’t napangisi siya.

“Pinagtitinginan na tayo babe.” Bulong niya, napatingin ako sa paligid, lahat sila nakatingin samin at ang sama ng tingin sakin ng mga babae pati yung bading na sumigaw kanina.

OMG! PDA alert!

Uminit ang pisngi ko kaya’t tinwanan ako ni Kai, kainis! Sinapak ko siya ng marahan, imbes na magtigil sa pag-asar sakin eh tinawanan niya lang ako lalo.

Walang hiyang, Kai!

“I love you, babe. Hintayin mo ko ah? Dito ka lang.” Sabi niya at saka pinaupo ako sa isang sofa, bago siya pumunta sa make-up artist niya.

Umupo ako dun at nilabas ang phone ko at pinicturan si Kai na minemake-up-an, nakatalikod ito sakin pero tanaw ko naman siya kasi nakikita ko yung repleksyon niya sa salamin. Nung makita niyang pinipicturan ko siya bigla itong nag-pose ng peace sign. Natawa ako, ang cute ng boyfriend ko.

Pinost ko ang kuha ko sa IG.

‘Hi, babe. Kahit napaka-playboy mo, I love you pa din! Happy 6th♥ @FjsKai.’

After 15 minutes, umani ito ng almost 100 likes. Ang gwapo kasi talaga ng boyfriend ko.  Ang dami ngang nagcomment ng happy monthsary samin, at nafflatter ako dun.

Nagulat na nga lang ako bigla akong nagka-noti from him, t-in-ag niya ako sa picture kong parang cinapture lang ngayon ngayon lang, nakaupo ako dito sa sofa at kinakalkal ang phone ko. Ang bilis talaga ng kamay niya.

 ‘Kahit maraming nakaaligid na babae sakin, ikaw lang ang nakikita ko. Kahit na maraming magagandang babae sa tabi ko, wala silang panama sayo. Kahit na may sexy na dumaan, tignan ko man siya, isang segundo lang, pero sayo? I could spend a lifetime just staring at you, baby. I couldn’t ask for more, you are the best girlfriend, the bestest best friend. Mahal kita, wag kang magselos sa kanila ha? Pagsamasamahin man nila ang ganda nila, ikaw lang talaga ang mamahalin ko, happy golden wedding anniversary! @Franjang”

Baliw talaga ‘tong lalaking to, sinulyapan ko ito at nahuli ko siyang nakatingin sakin, nakangiti ito. Then, he mouthed me ‘I love you.’

Putcha, nakakakilig namang tong boyfriend ko.

After 30 mins na pag-aayos sa kanya, tinawag na sila, makahawak kamay kaming pumasok sa studio kung saan sila pipicturan. Hinawakan ko yung cellphone niya saka na siya pumwesto sa harapan kasama ng mga ilang modelo, nakita ko pa nga dun yung kaklase niyang si Jhaynie. Kinawayan ko siya.

Ang gwapo ng boyfriend ko sa suot niyang damit, ang hot niyang tignan, meron pa nga yung olo siyang pinipicturan at lagi siyang sinasabihan na ‘very good’ ng photographer.

“Act natural, Kai. Paglaruan mo yun bola, ngumisi ka ng natural okay?” The photographer instructed him, ginawa naman niya ito. Nidribble niya yung bola habang pinipicturan siya. Kunawri ay naglalaro siya ng bola, bawat galaw ni Kai ay kasunod ang pagkislap ng camera.

Tumingin siya sa gawi ko habang pumwersang i-sshoot yung bola sa virtual court. Ngumiti ito sakin at tinapon ang bola pataas.

“Nice smile, Kai!” Sigaw nung photographer.

“Ang gwapo ni Kai talaga, ang swerte ng girlfriend niya.” Narinig kong komento ng isang PA ng isang modelong kasama ni Kai.

Indeed, I am.

 

“Okay, shirt off!” Nagulantang ako sa instruction ng photographer. Nanlaki ang mata ni Kai, yung mga babae naman eh nagtitili dito. Syet! Shirt off? WTF?

“W-wala naman kayong sinabing magtatanggal ako ng damit ah?” Namumutlang tanong ni Kai sa photographer habang panay ang sulyap saking di makapaniwala sa mga susunod na mangyayari.

Akala ko bang konting balat lang ni Kai ang pinapakila sa agency na ‘to? Bakit shirt off?

Don’t worry Kai, di naman magmumukhang malaswa yung kinalabasan ng pictorial na ‘to. Saka, yung denim pants yung highlight sa set na ‘to kaya mas maganda kung yung pantalon muna yung imomodel mo, okay?” Tumingin ang photographer sa gawi ko, “And Kai, make your girlfriend proud.”

“I’ll see,” Sabi ni Kai at humingi muna ng break, pinuntahan niya ako sa lugar ko at saka hinawakan yung kamay ko, nag-iwas ako ng tingin. “F-franj, di ko expect na ganito ngayon. Sorry,”

Nginitian ko siya ng pilit, “Alam ko naman yun, at okay lang naman sakin yon.”

“Di okay sakin Franj, hindi ba sabi ko sayo gusto ko ikaw lang ang nakakakita nito? You own every bits of me kaya kung hindi mo gusto yung paghuhubad ko, just tell me. Hindi ako magdadalawang isip na talikuran ang pagmomodelo ko para say—“

 

“Kai!” Namutla siya sa pagsaway ko sa kanya. OMG! He owns the light tapos tatalikuran niya lang?  “Do it, just do it.”

“Franj..”

 

“Make me proud, okay?” Kahit na labag ito sa loob ko, sige lang, once lang ‘to. Besides alam kong gusto rin naman niya yun, nagiging ayaw lang niya kasi inaalala niya ako. Damn, I love you so much, Kai!

Pumwesto na siya doon na topless at nagsimula nang mag-pose mag-isa, leche lang, puro boses ng mga kinikilig na babae ang naririnig ko.

“Close your eyes, Franj!” Bilin sakin ni Kai nung sumali na ang mga ibang lalaking modelong wala ding pang-itaas, nanlaki ang mata ko sa paligid ko, byuntae alert na ba dis?

Yumuko nalang ako para di ko masaksihan ang maiinit eksena sa pictorial na iyon, kinalkal ko nalang yung cellphone ni Kai.

Binasa ko yung mga text messages niya don at saka nabasa yung isang convo nila ng classmate niya.

Paul: Kai, san ka? Tapusin na natin ‘to! Tumulong ka naman.

Kai: Kayo nalang, ako nalang magbabayad sa mga nagastos. May lakad ako.

Paul: Kahit kami lang ni Louie mababayad namin yung gastos, tulongm o yung kailangan namin para matapos ‘tong thesis.

Kai: Next time nalang.

Paul: Puro ka next time.

Paul: Kai?

Paul: Lecher Kai! Magsolo ka nalang sa thesis!

Walangyang Kai, meron pala silang thesis na kelangang tapusin, to think na engineering siya’t invention ang gagawin nila, kung aalisin siya sa grupo, mahihirapan siya.

Tinawag ko si Paul para kausapin siya tungkol doon.

“Hello Kai! Ano? Pupunta ka na ba? Dalian mo.”

 

“Paul, si Franj ‘to. Kelan niyo ipapass yung thesis niyo?”

 

“Oh Franj, ikaw pala. Sa Friday na. Structure palang nagagawa namin, di pa kami nangangalahati.”

 

“Do you really need Kai now?”

 

“Oo Franj eh, kelangan ng participation niya, magaling kasi siya sa schematic at talagang kelangan namin siya pero kung di siya makakapunta, mapipilitan kaming alisin siya sa grupo, unfair naman kung kami lang ni Louie yung gumawa tapos pati siya magkakagrade..”

 

“Paul, wag niyong tanggalin si Kai sa grupo, I’ll make come over there okay?”

 

“Salamat Franj.”

In-end ko na yung call. Sana palang di ko na tinapunan ng tingin si Kai, edi sana di ako namutla ng ganito.

Jhaynie was standing next to him, nakapatong yung kamay ng babae sa balikat ni Kai, they are super close na halos magkadikit na ang balat at damit ni Jhayn.

“Kai, ipulupot mo yung kamay mo sa bewang ni Jhaynie, then Jhaynie tingnan mo si Kai, seductive tapos Kai tingin ka sa camera.”

“Yes po,” Mahinhing sagot ni Jhaynie.

Kai was hesitant to do that, panay ang sulyap niya sakin ako naman ay napapalunok sa pagiging intimate ng dalawa. Oh gosh! Bakit pa ako sinama ni Kai.

“Kai we’re running out of time, bilisan mo. Besides ngayon lang naman ‘to.” Paalala ng photographer.

“B-but…” I stopped Kai from talking, nag-thumbs up ako sa kanya with my fake smile, telling him, it’s okay. That he doesn’t need to worry kasi okay lang sakin yun, damn, oo okay lang akong picturan siya ng ganung scene kasama ng ibang babae. Damn, hindi ako nagseselos! Leche.

Habang pinipicturan siya, lumabas ako saglit. Di ko ma-take na makipagyakapan siya sa ibang babae, to think na topless pa siya sa lagay na yun. Akala ko ba akin yun? Geez.

Oo alam ko trabaho lang yun, pero kasi di ko talaga mapigilang magselos, ganito pala yun. Di naman sa nagiging possessive ako, gumagana lang siguro ang pagiging selosa ko. Ikaw ba, kapag nakipagyakapan yung boyfriend mo sa ibang babae, matutuwa ka? Tapos yung babaeng kayakap niya, sobrang ganda? Kaya di mo rin talaga mapigilang di mainsecure.

“Franj?” Nagulat ako nung marinig ko yung boses ni Kai, humarap ako sa kanya at dali-daling tumakbo papalapit sakin, tapos na yata yung pictorial. “Galit ka ba sakin?”

Hindi naman ako galit sa kanya eh, nagseselos lang. Di naman pareho yung diba? Saka natural lang na magselos ka, mahal mo eh. Pati phenomenal lang naman aang pagseselos ko. Di araw-araw nagseselos ako, para ngang ngayon lang eh. Ang ganda kasi ni Jhaynie, saka nakakainggit siya, she can be that intimate to my boyfriend pero ako di ko magawa kasi nahihiya ako.

 

“Franj?” Bakas sa boses ni Kai na kinakabahan siya, oo nga pala di ko pa nasasagot ang tanong niya. I looked at him; para bang natatakot siyang malamang galit ako sa kanya, namumutla kasi siya eh.

Nginitian ko siya, “I love you, babe.” And then, it’s me who initiated the kiss.

 -

7 votes for the next chapter

Continue Reading

You'll Also Like

174K 12.7K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...