One Beautiful Mistake (Elling...

By asteraoth

2.9M 75.2K 27.9K

Desdemona Astrea Costello, an ordinary girl as well as a scholar student. She is very obedient and well-loved... More

One Beautiful Mistake
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Wakas
OBM -PUBLISHED UNDER PSICOM

Kabanata 16

55.9K 1.4K 342
By asteraoth

Kabanata 16

White



"Do you really want to go to the prom?" tanong niya habang nagmamaneho siya papunta sa bahay namin.

Napabuntong hininga ako. Kailangan kong pumunta sa prom dahil nakapayag na ako kay Jameson. Binilhan niya pa ako ng mga susuotin ko kaya nakakahiya naman siguro kung tatanggihan ko siya. It's just one night. That's it!

"Sinabi ko na kasi sa kaniya na pumapayag ako e," sabi ko sabay sulyap kay Leader na nakakunot ang noo.

He really looks like a bad boy. His messy hair, dark brooding eyes, kissable lips, pointed nose, well-defined jaw, and that one of a kind dimple of him could make anyone lost their own sanity.

"You can go with me, Dea." nakangusong aniya sabay hawak sa kamay ko. "You're my girlfriend. You should be with me and not with that asshole,"

"Nauna k-kasi si Jameson, Lad..."

Hinalikan niya ang kamay ko nang hindi inaalis ang paningin sa daan. May kung anong kiliti akong naramdaman sa aking sikmura. Nakakakilabot ang dating.

"First come, first serve, huh?" tumaas ang kaniyang kilay kaya napatango kaagad ako kahit hindi ako sigurado kung tama ba ang ginawa ko. "Well, I got you first. Will you be my date then?"

Ako naman ang napasimangot. Tinignan ko lang siya na ngayon ay hawak pa rin ang kamay ko. Napunta lang sa ibang dako ang tingin ko nang huminto na kami. Wala pa kami sa village namin kaya nagtaka ako.

Napabitiw ako sa kaniya at tinignan ang unahan. Maraming kalalakihan na may dalang baseball bat at kahoy. Kinabahan ako bigla dahil hindi ko ito inaasahan.

Mariin ang titig ni Leader sa unahan. Hindi kami makakadaan dahil may gulo sa labas. Napabaling ako kay Leader at kaagad na hinawakan ang braso niya.

"Let's stay here for a while," mahinang sabi niya. "My car is tinted and bulletproof, Dea. You can calm now,"

Aanhin ko ang bulletproof na sasakyan niya? Paano kung kami ang sugurin dito at sapilitang sirain ang bintana? Kayang kaya basagin iyan mula sa labas!

"A-Anong nangyayari?" utal kong tanong, kinakabahan.

Nakatingin lang kami sa unahan. Nagulat ako nang may lumabas na isang babae. Ang mahaba niyang buhok ay sumusunod sa lakas ng hangin. Sumasayaw ito sa ibaba ng maliwanag na sikat ng buwan.

I think I saw her somewhere. Saan naman kaya? Pamilyar ang kaniyang itsura sa akin pero tanging shadow lang niya ang nakikita ko dahil natatakpan siya ng dilim.

Nang mas makalapit ay mas nakita ko siya. Siya 'yung babae na nakita ko noong nakaraan. Siya 'yung bulag na may dalang espada at magkaiba ang kulay ng buhok!

"K-Kilala ko siya!" napasabi ko, natatakot.

"Same here,"

Napatingin ako kay Leader. Paano niya nakilala ang babaeng 'yon? Saan at kailan kung ganoon?

"That's Goo's twin sister. Forbid," aniya sabay ngisi. Seryoso naman akong nakatingin sa kaniya marahil nagtataka sa kung anong maaaring mangyari sa amin.

Nakakatakot ang ganitong pakiramdam. Bakit naman kasi huminto pa si Leader?"

Halos pigil ang naging paghinga ko nang lumapit sa sasakyan namin ang babaeng tinutukoy ko. Forbid ang pangalan niya ayon kay Leader.

Binuksan ni Leader ang bintana kaya mas nakita ko ang kabuuan niya. Ganoon pa rin ang kaniyang itsura. Nakapikit pero nakangisi. Hawak niya pa rin ang kaniyamg espada na para bang normal na bagay lang ang isang 'yon.

"Dumaan na kayo," aniya sabay lahad ng daanan.

"You okay here?" tanong ni Leader sabay sipat sa mga lalaking hinihintay si Forbid.

"Easy, Leader."

Pagkatapos niyang sabihin iyon ay humalakhak pa si Leader bago umiling. Tinanguan niya si Forbid bago isinara ang bintana at humarurot na papaalis.

I'm starting to doubt if that girl is really blind. Paano niya nalamang si Leader ang nilapitan niya? Paano siya nakalapit sa amin kung ganoon?

Hindi na ako halos nakapagsalita hanggang sa makarating kami sa tapat ng bahay.

"I love you," aniya sabay halik sa aking noo. Mabilis siyang lumabas para pagbuksan ako ng pinto.

Nang makalabas ako ay tinitigan ko siya. I can't help but to get worried. Hindi naman siguro siya babalik doon, 'di ba? Ayokong mapahamak si Forbid pero hindi ko kakayanin kung si Leader ang mapapahamak.

I hugged him tight. "Go home straight, please?"

Narinig ko ang kaniyang paghalakhak. He kissed the top of my head. "I will, baby."

Nagtiwala ako sa sinabi niya. Hinayaan ko siyang umalis at kumaway pa ako sa kaniya hanggang sa nawala na sa paningin ko ang imahe ng kaniyang sasakyan.

Kinabukasan ay maganda ang naging gising ko. Text agad ni Jameson at Leader ang bumungad sa akin nang buksan ko ang phone ko. Una kong nireplyan si Leader.

Leader:

Good morning, gorgeous. How was your sleep?

Ako:

Fine. Ikaw?

Sunod kong binuksan ang message ni Jameson na sigurado kong tungkol sa prom para mamaya. Hindi ko pa alam kung paano ko aayusan ang sarili ko mamaya lalo na't wala naman akong alam sa mga ganoon. Hindi naman ako pwedeng humingi ng tulong kay ate Anna kasi pupunta rin siya sa prom kaya magiging mahirap 'yon.

Jameson:

Good morning, Dea. 5pm andiyan na ako. See you later!

Ako:

Good morning din. See you mamaya...

Napabuntong hininga ako. Dumapa ako sa aking higaan dahil nagtext ulit si Leader kaya inabala ko ang sarili ko sa pagsagot sa mga text niya.

Leader:

Hmm... Masakit ang ulo ko.

Ako:

Bakit naman?

Leader:

You're in my mind the whole night, baby. Did you cursed me or I'm just madly in love? Haha.


Napanguso ako. Anong pinagsasabi nito? Hindi naman ako marunong manumpa ng isang tao.


Ako:

Hindi ako marunong manumpa.

Leader:

Can you read the last part of my sentence?


Nabasa ko iyon. Tinanong niya kung in love lang ba talaga siya sa akin. Anong gusto niyang sabihin ko sa kaniya? Nakakahiya naman kasi.

Ako:

:>


Matagal bago siya nagreply kaya tumayo na ako sa higaan at pinasadahan ang aking buhok. Aalis na sana ako para makababa pero nagulat ako nang tumunog ang phone ko.

Leader is calling.

Mabilis ko itong sinagot at huminga muna ng malalim bago sumagot.

"Hello..." pabulong kong sabi.

"You just killed me using your emoticon, baby." humalakhak siya. "How can you do that, huh?"

Inisip ko ulit ang emoticon na sinend ko kanina. Ngayon lang ba siya nakakita ng emoticon?

"Good morning," bati ko sa kaniya sabay upo ulit sa aking kama.

"Ahuh?" mapanuyang tugon niya bago ulit humalakhak. Ano bang tinatawanan niya?

"Bakit ka tumatawa?"

"I just can't believe that you're my girlfriend," pinamulahan ako ng pisngi sa sinabi niya.

"A-Ako rin naman..."

"Damn, baby!" utas niya. "Why do you have to be so cute? I miss you now,"

Hindi na ako nakasagot. Pakiramdam ko ay umakyat na sa buong mukha ko ang aking mga dugo. Masyado naman atang humahaplos ang mga salita niya sa puso ko. Nakakakilig pero nahihiya akong umamin.

"See you later, Lad..." mahina kong sabi.

"You don't want to talk to me anymore?"

Napanganga ako. "Hindi! May aasikasuhin lang ako..."

"Okay then," pagsuko niya pero humahalakhak pa rin. Nabaliw na ba siya?

Ibababa ko na sana ang tawag nang marinig ko pa ulit siyang nagsalita kaya naman hindi ko ito tuluyang naibaba. Hinihintay ko ang bawat sasabihin niya dahil mukhang importante.

"I'll fetch you later! I love you!" mabilis niyang sabi bago pinutol ang tawag.

Napatulala ako sandali. Paano niya ako masusundo? Susunduin ako ni Jameson mamaya! Paano ko malulusutan ang bagay na iyon?

Sinubukan kong magtipa ng mensahe para kay Leader kaso wala na akong load. Halos mapasabunot ako sa sarili ko dahil sa sinabi ni Leader. Hindi naman sa ayaw kong sunduin niya ako. Ang ayaw ko ay ang maabutan niya ako kasama si Jameson!

"Dea?" rinig kong tawag ni mama sabay katok sa pinto ng kwarto ko. "Nandito si Van."

"Opo!" tanging sagot ko bago binuksan ang pinto.

Masaya ang ngiti ni Van. Napayakap agad ako sa kaniya. Alam ko na ang dahilan kung bakit siya pumunta rito. He wants to help me! Of course, he's my best friend!

"You're my savior!" pasigaw kong sabi sabay talon at niyakap siya. Matangkad si Van at hanggang ilong lang niya ang noo ko.

Kung hindi ko talaga kilala si Van ay iisipin kong lalaking lalaki talaga siya. Iwasan nga lang na magsalita siya dahil matinis ang boses niya.

"Of course! Saan ka pupulutin kung wala ako?" maarteng sabi niya sabay mahinang tulak sa akin papaupo sa upuan ko na kaharap ang isang malakong salamin.

Libro at iilang cosmetic para sa katawan ang nakapatong dito. Walang make up maliban sa isang baby powder at lip tint na binigay pa ni Van. Kahit ang mga binigay niya noong make up ay andito pero hindi ko rin naman nagagamit kaya nanatiling display.

"Can I see your dress?" tanong niya kaya mabilis kong kinuha ang malaking paper bag na hindi ko man lang naayos kagabi.

Inilabas agad ni Van ang dress na andoon. It's a white tube dress na may see through na longsleeves pati na rin ang tela na magsisilbing takip sana sa collarbone ko ay manipis din ang tela. Ang makapal na tela lang ay ang magtatakip sa akin sa bandang dibdib hanggang sa taas ng aking tuhod.

Nang suriin ko pa ang likuran ng damit ay halos mapanganga ako. It's a back less! Tingin ko ay baywang hanggang sa ibaba lang ang matatakpan doon!

"Hindi k-ko ata k-kakayanin iyan!" nauutal kong sabi kay Van na ngayon ay nakangisi naman sa akin.

Nang tignan ko naman ang sapatos ay isa itong close black shoes na may mataas na takong. Kaya ko bang ilakad ang isang 'yan? Baka naman wala pa ako sa lugar na pupuntahan namin ay namamaga na ang paa ko?

"This is a mature dress, Dea. It will surely fit on you!" masayang sabi ni Van pero hindi ko alam kung dapat din ba akong matuwa.

Sure, I want to look good but I don't want to expose too much of my skin. Hindi ko rin alam kung payag ba si Leader sa ganiyang klase ng damit. Ayoko naman na magalit siya.

Muli kong binalikan ang mga babaeng natipuhan ni Leader noon. Lahat sila ay may magagandang hubog ng katawan at halos kapusin ang tela sa mga damit na isinusuot. He don't really mind, I guess? Maybe it's okay if I would do the same?

I took a deep breathe. Wala akong ibang maisusuot kung tatanggihan ko ang damit na ito. Bahala na!

Dumaan pa ang ilang oras at natapos na kaming kumain ni Van. Katatapos ko lang din maligo at nanatili akong nakasuot ng bathrobe dahil iyon ang utos ni Van.

"We're going to straighten your hair, Dea. Mas babagay sa'yo ang ganoon dahil mahaba ang buhok mo. Matatakpan ang likuran mong walang saplot!" natatawang sabi niya pero hindi ko man lang nagawang ngumiti o ano.

Kabado ako at hindi alam ang dapat na gawin. 2:45pm pa lang naman pero iba na ang kabog ng aking dibdib. What's qrong with me?

Hindi ko alam na magiging matagal pala ang pag-aayos sa akin ni Van. Nang pinadilat niya ako ay mata ko pa lang ang ayos. I am wearing my contact lense because according to Van, wearing my glasses is inappropriate.

Hindi ko alam kung anong tawag sa ganitong make up look. My eyebrows were professionally done. My eyeshadow is not really dark but it is a light medium brown sa magkabilang dulo at may kung anong kumikinang na light color sa gitna. He also did a wing eyeliner at hindi ko na alam kung ano pang tawag sa iba. Maayos naman ang pagkakablend ng mga kulay at nakakatuwa iyon.

Ang inilagay niyang kulay sa aking labi ay nude medium brown lipstick. Namangha ako sa aking itsura. Expected ko na ito dahil ito talaga ang talento ni Van. Magaling din sa arts si Van kaya nasisigurado kong nakakatulong iyon sa kaniyang abilidad pagdating sa ganitong bagay.

Inabala niya naman ngayon ang sarili niya sa pag-unat ng aking buhok. Hindi niya ito tinalian o kung ano. Hinayaan niya lang itong nakalugay at bagsak. Nilagyan niya lang ako ng isang headband na may iilang maliliit na makinang na bato. Iyon na ang naging itsura ng aking buhok.

"Ang ganda mo!" patiling sabi ni Van sabay hampas sa balikat ko.

Napanguso ako sa kaniya. "Van naman..."

"Bihis na, baby girl!" mapanuyang sabi niya sabay abot ng damit sa akin.

Mabilis akong pumunta sa banyo at doon sinuot ang damit. Hindi ako nahirapang suotin iyon pero hindi lang ako makapaniwalang kakayanin kong suotin ito.

Pinasadahan ko ito ng tingin. Ang likod ko ay totoong natakpan ng mahaba at makapal kong buhok. Ang ganda ng naging resulta ng itsura ko at nitong suot ko!

Nang matapos ako ay kaagad akong lumabas at nginisian ko si Van. Inirapan niya ako sabay abot sa akin ng sapatos ko. Umupo ako sa kama at kaagad naisinuot iyon.

Habang inaayos ko ang sapatos ay abala naman si Van sa isang itim na maliit na branded na bag. Sakto roon ang phone at wallet ko kung sakali.

"Hindi ko na lalagyan ng make up, huh? Wala ka naman pakialam sa ganoon e," natawa na lang ako sa sinabi niya dahil iyon ang totoo.

Kinuhaan niya ako ng litrato nang matapos ako. Siya na rin ang nagpalit ng profile picture ko sa facebook bago tuluyang ibinalik sa akin ang phone ko kasama ng bag.

"Good luck, Dea! Wala ako sa prom kaya you should take care of yourself!" paalala niya sa akin at ako naman ay mabilis na tumatango. "Just text me when you nees something. I got your back, baby girl."

Lumabas na kami ng kwarto at doon ko lang nakita si ate Anna na may kasamang dalawang babae. Bukas ang kaniyang kwarto kaya naman nakita ko ito kaagad. Ang isa ay abala sa buhok niya habang ang isa ay inaayos ang kaniyang make up. Patapos na siya at nakasuot na rin ng kaniyang damit.

Her dress is a huge turn on. It's a red long sleeves dress with a deep v neck line. I can clearly see her cleavage from here. It's disturbing for me because I am really a conservative person but she looks good. Real good.

Nang tumayo siya sa kaniyang kinauupuan ay nakita ko ang mahabang slit sa kaniyang palda. Three inches below the knee ang haba ng suot niya pero ang kabilang side nito ay may slit na umabot hanggang kalahati ng hita niya. Tingin ko ay kaunting hawi lang ay makikita na ang kaniyang panty.

Nakaayos ang kaniyang buhok. Kulot ang dulo nito at sumasayaw sa bawat galaw niya. And oh, her make up is on point.

"Mukhang naglalakad na dugo ang kapatid mo, Dea." bulong ni Van sa akin kaya tinampal ko ang braso niya.

Magsasalita pa sana ako nang marinig ko na si Mama na tinatawag ang pangalan ko. Tuluyan na akong bumababa at halos mapahinto ako nang makita ko si Jameson na nakaupo sa sofa namin. May hawak na bouquet of red roses at maganda ang ngiti.

"Hey," tawag niya sa akin sabay tayo. Kaagad ko siyang dinaluhan at kinuha ang bulaklak na dala niya. "You look good, Dea..."

I smiled at him. "You look good in your tux, James."

Napaiwas siya ng tingin at kumamot pa sa kaniyang batok. Patuloy ko lang siyang nginitian at pinaupo siya ulit sa sofa. May trenta minutos pa naman kami para makapagpahinga bago umalis kaya pinaupo ko muna.

"Ay, andito si Madrigal!" ani Van sabay upo sa kabilang pang solong sofa sa gilid ko. "Hello, Jameson! Kaway naman tayo diyan?"

Natawa bahagya si Jameson bago umiling. He bit his lower lip. "Silly, Van. Hello to you too,"

"Ang ganda ng kaibigan ko, ano?"

Napayuko ako sa sinabi ni Van. Hindi naman niya na kailangan pang sabihin iyan. Nakakahiya naman kay Jameson at baka kung ano pa ang isipin niya.

"She is."

Magsasalita pa sana ako nang dumating na si Papa kasama si Mama. Taas ang kilay ni Papa kaya kaagad kaming napatayo. Mabilis na lumapit si Jameson sa kaniya at naglahad ng kamay.

"Jameson Madrigal, sir." pagpapakilala niya. "I was the one who asked your daughter to be my date for tonight,"

Tinanguan siya ni Papa bago tinanggap ang kaniyang kamay. "Federick Costello, her father."

Naglahad din ng kamay si Jameson kay Mama at mabilis itong tinanggap ni Mama na may ngiti sa labi. "Antonette Costello, hijo. It's nice to meet you."

Hindi pa tapos ang kanilang kamayan ay bumaba na kaagad si ate Anna. Sobrang ganda niya at para bang pinaghandaan niya ito. Hindi ko maiwasang mapatingin sa sarili ko. Nakakapanliit naman.

Mas maganda ang hubog ng katawan sa akin ni ate. Marahil ay mas matanda kasi siya sa akin kaya ganoon. Hindi rin kami magkamukha. Walang bakas sa kahit ano na magkamukha kaming dalawa. She looked like my mom while I looked like a mixture of my mom and dad though, I couldn't really see it.

"You're so beautiful, hija!" ani mama kay Ate Anna sabay alalay dito. Dinaluhan din siya ni Papa.

"Ang ganda mo rin ngayon, Dea. Nakakatakot isipin na dalaga ka na talaga," makahulugang sabi ni Mama sabay lapit din sa akin.

Hindi pa man ako nakakapagsalita ay tumunog na ang door bell sa labas. Iba ang naging epekto nito sa akin. Kinabahan ako na para bang alam na alam ko na ang susunod na mangyayari.

"Ako na," ani Mama.

Nanatili kaming nakatayo, naghihintay sa taong dumating.

Halos mabuwal ako sa aking kinatatayuan habang nakatingin sa taong dumating. He's wearing black polo inside while his coat is in color white together with his tie. He's holding a bouquet of white roses.

Hindi ko maiwasang hindi kabahan. Mukhang pinagusapan namin ang aming mga suot! Pareho kaming black and white ang tema at hindi ko alam kung ako lang ba ang nakakapansin nito!

"Taray ng kuya mo Leader," natatawang sabi ni Van sa gilid ko. "Mukhang waiter ang pormahan! Pero saksakan pa rin ng gwapo! Nakakainis, tumulo ata ang laway ko!"

Kabado ako at pinagpapawisan na ang palad na ngayon ay magkadikit. Hindi ko siya magawang tignan lalo na't nakangisi pa siya.

"Who is thing young man?" tanong ni Papa.

Masayang tumili si ate Anna kaya napabaling kaming lahat sa kaniya. Tumakbo kaagad siya papunta kay Leader at isang maling lakad niya ay natapiloo siya. Bumagsak siya sa dibdib ni Leader nang saluhin siya nito.

"Careful..." mahinang sabi ni Leadee bago inalalayang makatayo si Ate.

"T-Thanks," nahihiyang sabi pa ni Ate.

May kung anong umusbong na iritasyon sa aking dibdib. Hindi ko na magawang ngitian ang sinuman dahil sa nakikita ko ngayon.

Ibinaba ko sa sofa ang rosas na bigay ni Jameson sa akin kanina. Tinignan ko lang si Leader na ngayon ay nakatingin din sa akin.

Naglahad ng kamay si Leader kay Papa. "Deen Leader Ellington, Mr. Costello. It's nice to meet you."

Nakangiting tinanggap iyon ni Papa kaya naman naglahad ulit si Leader para kay Mama na tinanggap din naman.

"You're the one who's courting my daughter?" tanong ni Papa sabay ngisi.

Sinulyapan ako ni Leader. Kunot ang kaniyang noo kaya mas kinabahan ako.

Papa knew that Leader is ate Anna's suitor! Hindi nila alam na boyfriend ko si Leader at pumunta siya rito para sa akin...

Tinaasan ako ng kilay ni Leader. "Yeah..."

"I told you so, Pa!" nakangiting sabi naman ni ate Anna sabay kawit ng kamay niya sa braso ni Leader. "He's my suitor!"

"Oh, it's nice to meet the first born of the Ellingtons," masiglang bati ni Papa sa kaniya.

"Is this for me?" tanong ni ate sabay kuha ng mga bulaklak na hindi naman pinigilan ni Leader. "I want a red roses but white roses means purity. I like it! Thank you!"

"Ganda naman?" sarkastikong bulong ni Van sa gilid ko.

Hindi nagsasalita si Leader pero naging madilim ang mga mata niya habang nakatingin sa akin. Iniwas ko ang aking tingin, natalo sa titigan.

Hinawakan ni Jameson ang kamay ko kaya napatingin ako sa kaniya.

"Let's go?"

Tumango na lang ako. Muli kong sinulyapan si Leader na halatang iritable dahil sa nangyari. Hindi niya alam na susunduin ako ni Jameson. Wala siyang alam na magiging ganito ang sitwasyon ngayon. I don't have a load and I forgot to text him using Van's phone. It's my entire fault.

"Alis na rin tayo, Lad." ani ate sabay hatak pa kay Leader na ngayon ay igting na ang panga.

I bit my lower lip. Napatingin ako kay Van na nakakunot din ang noo, naguguluhan sa nangyari.

"Take care of my girls, okay?" paalala ni Mama sabay kaway sa amin.

Hanggang sa pagsakay ko ng sasakyan ay kabado ako. Si Jameson ang nagbukas ng sasakyan ko habang si Leader ay hindi man lang pinagbuksan ng sasakyan ang kapatid ko.

"He's courting your sister?" hindi ako sumagot sa tanong ni Jameson. "I thought he's with Bella? Damn, playboy!"

Continue Reading

You'll Also Like

133K 4.7K 43
Katakot takot na protesta ang ginawa ni Sybelle sa mga magulang niya para lang wag siyang ipadala sa probinsya ng mga ito. Pero ang ama niya ang bata...
1.9K 88 16
Noeh Dian Masalanta, the ice queen/ heartless queen ng kumpanyang pinagtatrabahuhan niya. Kilala siya na walang puso at walang emosyon pero mahusay...
132K 4K 33
Cosmos Series #2 - Completed
113K 2.6K 43
[TO BE PUBLISHED] It takes a lot of truth to gain trust, but just one lie to lose it all. Belle is a gentle and compassionate woman who lives in a...