FANTASY Book 1: THEY EXIST

By Neribel_Aldama

177K 3.2K 440

Ito ang kwentong magbibigay sayo ng pag-asa na kahit magkaiba pa kayo ng mahal mo ay mayroon pa ring chance n... More

FANTASY
Prologue
#MenOfHerDreams
#BirthdayGift
#Warning
#Trouble
#OfficialSynopsis
#TheExist
#BadExistence
#MoonMeYouAndAKiss
#LifeExtension
#ThirstForYourBlood
#Alliance
#TheJealousExist
#FirstLove
#AtTheAttic
#Seduction
ANNOUNCEMENT
#IAdmitILoveYou
#ForbiddenLove
#Feelings
#Love and Lies
#MysteriousActs
#SpreadofProphecy
#OtherSide
#NothingCanStopThisLOve
#TheNightThatWillChangeEverything
#TheCovenant
#SavingLove
#Trust
#NewMemories
#Help
#Chase
#Conditions
#ThreatsAndLovers
#ReunitedInDevilsPlace
#SurprisesOfReunion
#GoForLOve
#Comeback
#OneHotNightWithYouAgain
#UnexpectedBattle
#DeathsAndEscapes
#Prophecy
Thank You.
Thank you 2016 and Social Media Updates
Neri Keme Vlog
Youtube and Instagram PLUS a surprise for you
Exclusive Monthly Perks for YOU Dearest
Want to win load, wattpad coins and more?
May 2020 Raffle Winners

#Escape

7.1K 116 5
By Neribel_Aldama

4. #Escape

Lumipas ang isang araw at ang kaarawan ni Tasya. Maghapong magkasama sina Jorizce at Miah. Hindi naman alam ni Tasya kung saan nagpunta ang dalawa. Mag-isa lang siya sa bahay. She was very inspired to create her new story in mystery romance genre. Imbes na malungkot dahil mag-isa siya sa araw mismo ng kanyang kaarawan ay naging masaya pa rin siya dahil sa mga ala-ala ni Jelan. Sa lalaki inspired ang bidang lalaki sa kanyang kwento. Sa lalaki inspired ang bidang lalaki sa kanyang kwento.

Nakaligtaan na niyang maghapunan kagabi kaya pagkagising niya ay kumakalam na ang kanyang sikmura. Walang pag-aayos sa sarili niyang tinungo ang kusina upang maghanda ng kanyang makakain.

Pagbungad sa pinto ng kusina ay halos mapasirko siya pabalik dahil sa kanyang namalas. Si Jorizce almusal ang kanyang kaibigan sa dining table. Nasa mesa si Miah habang patuloy sa pagyugyog ang binatang may berdeng mata rito. Nakakairitang musika ang dulot ng bawat ungol ng dalawa. Tinakpan niya ang kanyang tainga saka bumalik sa kanyang kwarto. Doon siya naiyak. Wala siyang nagawa upang pigilan ang estranghero sa mga pambababoy nito sa kanyang matalik na kaibigan.

“Umiiyak ka na naman.”

Isang pamilyar na tinig ang kanyang narinig. Nagpalinga-linga siya sa loob ng kanyang kwartong hindi naman kalakihan ngunit wala naman siyang nakitang ibang tao. Naisip niyang imahinasyon niya lang iyon. Napapadalas na yata ang pag-iisip niya sa lalaking asul ang mata kaya naririnig na niya ang boses nito sa kawalan.

“Sana totoong nandito ka. Patawarin mo ako, wala akong laban sa kanya. Hindi ko magawang ipagtanggol ang best friend ko.” Nasambit niya habang tumatangis. Umaasang darating si Jelan at muli siyang yayakapin.

Ilang sandali pa ay sumikip ang kanyang pakiramdam na tila may taong nakayapos sa kanya. Nakaramdam siya ng mainit na katawan na nakadikit sa kanya. Oo, hindi siya nagkakamali may nakayakap sa kanya ngunit ang nakakapagtaka ay wala siyang nakikita.

“Jelen?” bulong niya.

“Yes I am.” At sa isang iglap ay nagsimulang mahayag ang katauhan nito. Mula ulo patungo sa paa ay lumitaw na ito. Nakayakap nga ito sa kanya.

“Pa-paano?” hindi niya magawang matakot dito. Ito ang gusto niya ang mabalot sa bisig ng binata at maramdaman ang seguridad na hinahanap niya mula rito.

“Invisibility.”

Ayun na nga ang iniisip niya kanina pa. may kakayahang magtago ang lalaki sa pamamagitan ng pagiging invisible. Marahil ay nasa paligid lang ito parati ngunit hindi niya lang nakikita. Nakaramdam siya ng pagkamangha. Totoo ba ang lahat ng ito? Iyan ang nangingibabaw na tanong sa kanyang isipan ngayon.

“Paano? Ipaliwanag mo naman sa akin.” Umalis siya sa pagkakayakap nito.

“There is a right time for that. For now I want you to know na wala kang kasalanan kung bakit hindi mo naipagtatanggol ang kaibigan mo. Misyong kong protektahan kayo pero hindi pa dumarating ang tulong na kailangan ko. It’s a tough responsibility when I asked you to protect your friend against him. Kailangan pa rin nating magtulungan. Kailangan natin ng tulong ng isa pang mortal upang maitakas ang iyong kaibigan mula sa kanya.”

Mixed emotion siya sa narinig. Hindi niya alam kung kikiligin ba siya sa mga unang binanggit nito o mag-aalala para sa kaibigan sabay pa sa pag-iisip kung sino ang pwedeng tumulong sa kanila. Ngunit ang pinakatumatak sa mga sinabi nito ay ang magiging mortal.

“Mortal? Ikaw hindi ka ba mortal?”

Ngumiti ito. She can’t help but to admire him more because of that charming smile. “Mas mortal pa nga ako sa iyo kung tutuusin.” Sagot nito.

Lalo lang gumulo. Mas mortal? Ano’ng ibig sabihin nun?

“Ano ka ba kasi? Bakit may powers ka? Ano ba’ng kailangan ng Jorizce na yun kay Miah? Bakit nandito ka?” mas maraming katanungan ang sumunod niyang pinakawalan para rito.

“Tapos na sila. I need to go. Mamayang gabi kailangang madala mo sa puno ng balete ang kaibigan mo. Nasa dulong bahagi iyon ng subdivision. Walang masyadong tao roon. Maghihintay ako. Itatakas natin siya. Kung kailangan mong humingi ng tulong sa ibang mortal upang matakas siya gawin mo. Isa lang ang dapat mong iwasan, iyon ay malaman ni Jorizce ang lahat. Buhay ng kaibigan mo ang nakasalalay dito kaya mag-iingat ka. Ayoko ring mapahamak ka. Kakaibang lakas at kakayang magbura ng isip ang kapangyarihan ni Jorizce, iyon ang dapat mong labanan. Paalam.”

Humalik ito sa kanyang noo bago tuluyang maglaho. Humawak siya sa bahagi ng kanyang noon na hinagkan nito. Marami pa siyang gustong malaman ngunit kailangan na muna niyang mag-isip ng paraan upang maitakas ang kanyang kaibigan. Uunahin na muna niya ito bago ang kanyang mga nais malaman.

Kabado man siya ay pinilit niya pa ring kumalma upang makaisip ng perpektong plano. Nararamdaman pa rin niya ang presensya ni Jelan na tila tinutulungan siya. Hanggang sa isang plano ang pumasok sa kanyang isipan.

Nagtungo siyang muli sa ibaba. Nagugutom na talaga siya. Tapos na ang dalawa sa maagang pagpapanit ng laman at sa kakaibang breakfast. Makahulugan na naman ang mga titig ni Jorizce sa kanya. Nanlalata naman ang kanyang kaibigan. Mabilis niya itong nilapitan.

“Okay ka lang ba Miah?” Tumango ito. “Halika sa kusina, ipaghahanda kita ng almusal.”

“Busog siya.” Si Jorizce ang sumagot.

“May busog ba na nanlalata? Maputla?” sarkastiko niyang tugon dito kahit pa sa tuwing kausap niya ito ay halos lumuwa na ang kanyang puso sa kaba.

“Napagod lang siya.”

“Halata nga. Almusalin mo ba naman siya tingnan lang natin kung hindi siya mapagod. Hindi ka pa ba aalis?” diretso niyang tiningnan ang berdeng nitong mga mata.

“I’m living here for good.”

Isang buntong hininga ang sinagot niya rito. “Tara na nga Miah. Kumain na muna tayo ng totoong almusal.”

Kinagabihan.

“Joven bakit mo ko iniwan? Mahal na mahal kita eh.” Patuloy si Miah sa pag-iyak habang kausap ang dating nobyong si Joven. Nasa malapit sila ngayon sa puno ng balete.

“I’m really sorry Miah. Hindi ko akalaing magkakaganito ka. Huwag mo namang sirain ang buhay mo ng dahil sa akin oh.” Tugon nito habang pinupunsan ang kanyang pisngi.

“Bumalik ka sa akin. That’s the only way para maayos kong muli ang sarili ko.” Halos hindi na sila magkakitaan dahil medyo malayo na ang mga kabahayan dito. Malayo na ang mga post eng ilaw.

 

Earlier.

 

“Ate Eunice?” Kausap ni Tasya ang nakatatandang kapatid ni Miah sa telepono.

 

“Yes Tasya ano’ng kailangan mo? I’m really sorry dahil hindi na talaga ako nakauwi kahapon sa birthday mo huh?

 

“Ate busy ka ba ngayon?”

 

“Hindi naman masyado. Iniisip ko pa rin yung isang project na na-assign sa akin eh. Walang interesting sa mga nakilala ko.”

 

“Ate you need to go here. Nandito sa bahay ang hinahanap mo.” Napangisi si Tasya sabay himas sa buhok sa kanyang nunal sa ibabaw ng kanyang ilong. Umaasa siyang magtatagumpay ang mga plno niya.

 

Pagsapit ng alas-sais ng gabi.

 

“What is going on outside? Why is it so noisy?” Tanong ni Jorizce.

 

Saka dali-daling pumasok ang isang babaeng katangkaran at bahagyang malaki ang pangangatawan ngunit mababakas pa rin sa mukha nito ang kagandahan.

 

“Ate!” Sinalubong ito ng mahigpit na yakap ni Miah. Si Ate Eunice niya.

 

“Bagong taon pero ngayon lang kita nakasama. Kayo ni Tasya.” Lumapit si Tasya upang yumakap din dito.

 

“Okay lang Ate. Ang importante ay narito ka ngayon walang trabaho.” mabilis na tugon ni Miah.

 

Nagkatingginan sina Eunice at Tasya. “I’m sorry but I’m here for work eh Miah. Nagseset-up na nga ang team sa labas eh pero dito naman sa loob ng bahay natin gagawin ang interview.”

 

“Interview? Sino’ng?”

 

“Boyfriend mo siya right?” Tinuro nito si Jorizce.

 

“Yes Ate boyfriend ko siya si Jorizce. Jorizce si Ate Eunice, older sister ko.” Matipid na ngumiti lang ang binate, hindi man lang nito inabot ang kamay. Halata ang pagtataka nito sa mga pangyayari.

 

“Hindi mo naman siguro ipagdadamot sa akin ang boyfriend mo, right?” she pouted.

 

“What do you mean ate?” Nagtatakang tanong ni Miah sa kanyang kapatid.

 

“Kailangan ko kasi ng isang Pinoy na itsurang foreigner. Perfect ang bf mo sa kanyang green eyes. Marami akong nahanap pero siya talaga ang gusto ko for the project. Segment ko kasi ito sa isang magazine show namin eh. Thanks to Tasya for the information.”

 

“Ate, Tasya, baka kasi hindi pumayag si Jorizce.”

 

“Nakakapagtampo ka naman hindi mo na nga sinabi sa akin na may bago ka ng bf tapos hindi niyo pa ako mapagbibigyan.”

 

“I’ll do it.” Sabay-sabay silang tatlong napatingin sa lalaki.

 

“Thanks! Tatawagin ko lang ang make-up artist namin for some retouch.”

 

Nang makakuha ng tyempo si Jorizce ay  lumapit ito kay Tasya.

 

“Ano man ang binabalak mo sisiguraduhin kong hindi ka magtatagumpay.” Bulong nito.

 

“Wala akong binabalak. Gusto ko lang tulungan ang Ate ng girlfriend mo na best friend ko. Ayaw mo bang magpa-impress sa kanya? This is your chance total naman you’re living with us for good kaya dapat makipagtulungan ka sa pamilya.” Hindi siya dapat magpatinag dito. Kailangan maging matagumpay ang lahat.

 

“Hindi mo pa ako kilala Fantasia. May mga bagay akong nagagawa na hindi ninyo kaya.” Nakakatakot ang tinig nito.

 

“Do it in national television. Kahit gaano pa kagaling yung mga bagay na nagagawa mo na hindi namin nagagawa kung tinutugis ka naman ng buong bayan at buong mundo wala ka ring magagawa.”

 

That’s exactly her plan to escape. Alam niyang walang magagawa si Jorizce habang nakatutok ang lahat ng kamera rito. May kakayahan man siyang magbura ng ala-ala o magpamalas ng kakaibang lakas ay mahihirapan pa rin ito sa dami ng taong nakapaligid sa kanya ngayon. Sapat na ang ilang minuto upang madala ni Tasya si Miah sa puno ng balete. May isang tulong pa siyang tinawagan, si Joven Long ang ex-boyfriend ng kaibigan.

 

Nanggigi na ito sa kanya. “Huwag mo akong subukan. Huwag kang gagawa ng mga bagay na ikakagalit ko.”

 

“Ou naman hindi ako gagawa ng bagay na ikakagalit mo. Bumalik ka na sa loob mukhang kailangan ka na dun oh.”

 

Nasa labas ng bahay ngayon sina Tasya at Miah at ang karamihan sa mga staff. Dumating na si Joven.

 

“Miah may gustong kumausap sayo.” Tinuro niya si Joven.

 

“Ano’ng ginagawa niya rito? Ano ba talagang nangyayari huh Tasya?” Hindi na naman nito inaasahan ang pagdating ng dating kasintahan.

 

“Ayaw mo ba siyang makausap? Ayaw mo ba siyang sumbatan? Ayaw mo bang marinig ang mga paliwanag niya? Lapitan mo na siya. Trust me I’m doing this for you dahil higit sa magkaibigan ay kapatid na ang turingan natin eh. Ayokong mapahamak ka.”

 

“Mapahamak? Kanino naman ako mapapahamak?”

 

“Please Miah lumapit ka na sa kanya. Nauubusan na  tayo ng oras.”

 

“Hindi ako lalapit hangga’t hindi mo sinasabi sa akin kung ano’ng nangyayari.” Pagmamatigas nito.

 

“Paano kung mahal ka pa ni Joven? Palalampasin mo pa ba to? Alam nating hindi naman talaga kayo ng Jorizce na yan kaya ano  hahayaan mo nalang ba’ng gamitin ka niya at hindi bibigyan ng pagkakataon si Joven?”

 

Tila natinag na si Miah sa sinabi niya. Sumama ito sa dating nobyo.

“Pero Miah…” Hindi na natuloy pa ni Joven ang sasabihin dahil sa isang malakas na pagsigaw.\

“Jeremiah!”

Dali-daling lumapit sa kanila sina Tasya at Jelan.

“Parating na si Jorizce. Napansin na niyang wala kami ni Miah.” Naghahabol pa sa paghingang turan ni Tasya.

“Tara na may nakahandang sasakyan doon!” ani ni Jelan.

“Bakit ba kasi? Jorizce!” saka tinakpan ni Joven ang ilong ni Miah. May pampatulog ang panyo.  Mabilis silang sumakay sa kotse sa likod ng puno. Pinaharurot ito ni Jelan. Ilang sandali pa ay naging invisible ang ang lalaki maging sila sa loob at ang buong kotse.

“Hindi na niya tayo masusundan.”

A/N      Thank you for waiting! Push na push na po ang YFBB :) add it on your list na po and don't forget to share. Kung na-excite kayo sa chapter na ito, vote na po. Comment party na rin po tayo sa naramdaman ninyo. Thank you. :)

Heto pa nga.. On August 06 na po ang PHR novel turned major motion picture entitled Once a Princess by Angel Bautista. Kaya huwag niyong kalimutang manuod. Isama po ninyo yan sa comment party ngayon kung manunuod kayo ah. Dahil may pakulo ako regarding dyan, suportahan syempre pa dapat for PHR! :) Next UDs ay malalaman ninyo kung ano ang pakulong yan. :) 

Thank you sa patuloy na suporta! Pa-follow nama po sa booklat at twitter oh :) Thank you!

http://www.booklat.com.ph/profile/14488

@lady_25me

Continue Reading

You'll Also Like

30K 1.4K 53
Isa siyang prinsipe nang mga taong lobo ,na may inosenting at malamig na mata. at sa likod ng inosenting mata ay siyang kabaliktaran ng kanyang hang...
2M 69.4K 51
A school where different kinds of vampires such as pure bloods, noble vampires and hybrids study and train to be a true vampire. It all started with...
15M 483K 51
He is cursed. He is in heat and he wants you. *** Sampung taon lamang si Perisha nang kupkupin siya ni Kaden, ang misteryosong lalaki na kulay berde...
131K 5.8K 53
"Alpha!!may problema tayo sa hangganan,...."tarantang mind link ng aking Beta tumayo agad ako at iniwan ang aking ginagawa.. "papunta na"maikling mi...