Lab U, Insan! (Book I)

By chumeleven

162K 2.2K 678

Naranasan mo na ba magmahal? Kahit alam mong bawal? Bawal dahil... Mag-pinsan kayo. Hindi 2nd or 3rd or 4th c... More

Lab U, Insan!
Author's Note:
1_Her Present
2_She's A Star?
3_The Wedding Anniversary
4_No Ordinary Love
5_Handshake
6_Her Past (One)
7_Her Past (Two)
8_Tree House
9_The Incident
10_Casa Blanca
11_Bringing Back The Memories
12_Complicated Life
13_Stupid Alex
14_He's Back
15_Triangle or Square
16_Truth between the Lies
17_Surprise Vacation
18_Broken Past
20_Confession
21_Her Accident
22_Coming Back
23_Distance
24_His Decision
25_Public or Private
26_The Runway Scene
27_Near Yet So Far
28_Their Moment
29_First Date
30_Truth Hurts
31_Lost and Found
32_The Meeting
33_The Whole Truth
34_DNA Result
35_Daphne Woo
Epilogue
About the Book II...
Author's Note: Closing of Book I

19_Change

3.5K 45 16
By chumeleven

“Teka, teka! Pinsan mo ang isa sa mga tinaguriang HOT boys sa university?!” sigaw sa akin ni Arianne. Paulit-ulit? Hahaha!

“Oo nga! Kaya nga nagtataka ako kung bakit hindi niyo alam na pinsan ko siya.” Namilog ang mga mata niya sa sinabi ko. Malaking rebelasyon ba ‘yon? Hahaha!

“OMG! Bakit hindi mo sinabi kaagad?”

“Nagtanong ba kayo? Hindi diba? Ang tinatanong niyo lang naman sa akin ay kung boyfriend ko si Casey.” Hahaha! Iyon naman kasi ang madalas nilang itanong sa akin. Ni minsan, hindi nga nila tinanong kung kapatid ko ba si Ate Alexis. O sabihin na natin na masyado lang akong tahimik pagdating sa personal na bagay.

“Hindi, pero kahit na! Akala ko pa naman kayo na, kasi sobrang sweet niyo sa isa’t isa.” Isa siguro ito sa pagkakamali namin ni Casey. Masyado kami naging sweet. Weh?! Ginusto mo din naman, Alex!

“Masama bang maging sweet ang mag-pinsan? Hahaha!” Sige, Alex. Daanin mo lang sa tawa ang lahat.

“So, move on na tayo kay Casey. Sino ang naging boyfriend mo kung ganoon? Kung hindi si Brent, si…” Ilang minutong nag-isip si Arianne. Alam naman nito kung sinu-sino ang nanligaw sa akin noon college. Lalo na noon naging senior kami.

“Si Sander?” Unang hula pa lang, tama na siya.

“Oo.” Biglang nawala ang ngiti ko nang sabihin niya ang pangalan ni Sander. Hindi ko pa rin alam kung bibigyan ko pa siya ulit ng second chance.

“Arianne, kunwari sinaktan ka ng boyfriend mo nang hindi sinasadya tapos humingi siya ng second chance, bibigyan mo ba?”

“Siguro. Hindi naman niya kasi sinadya na saktan ako at saka kung mahal ko pa ‘yon tao, oo. Bibigyan ko ng second chance. Sayang din naman kasi ‘yon relationship na matagal namin binuo.”

“Ahh. Thanks.”

“Bakit? Nagkaproblema ba kayo ni Sander?” Shoot! Nag-backfire ang tanong ko sa kanya.

“Hindi naman. Naitanong ko lang.”

“Dali, Alex. Magkwento ka. Kamusta naman as boyfriend si Sander? Mabait pa siya? Magaling sa kama?” Gad. Ano ba ‘tong mga tanong ni Arianne.

“Mabait, oo. Magaling sa kama? Hindi ko alam. Hindi pa kami umaabot doon.” Kaswal na sagot ko dito. Hay. Hindi ko ma-imagine ang sarili ko na nasa kama at ginagahasa ni Sander. Hahaha!

“Seriously?! My God, Alex. You’re still a virgin?!” Tinakpan ko naman ang bibig ni Arianne. Grabe talaga kung makasigaw ‘to.

“Ano ka ba! Kailan ipagsigawan na virgin pa ako?”

“Sorry. Pero, Alex, nahalikan mo naman siya?” Ano bang klaseng tanong ‘yon? Talaga ‘tong si Arianne.

“Arianne naman. Anong klaseng tanong ‘yan! Hahaha! Malamang, boyfriend ko ‘yon tao. Hanggang make-out nga lang ang ginawa namin.” Grabe talaga ‘tong si Arianne. Sabagay, hindi ko rin siya masisisi. Wala pa kasi siyang boyfriend. In short, NBSB. Pero makasigaw kanina diba? Akala mo, hindi na virgin.

“Sabi ko nga eh! Haist. Bwiset kasi ‘yon papable na nakita ko sa bar. May sabit na pala.” Oo, ‘yon papable na nakita niya sa bar ni Casey noon soft opening ay may sabit na pala. Flirt, kumbaga. Hahaha! Boyfriend na sana niya ‘yon naging bato pa.

“Ayaw mo noon? Nalaman mo kaagad ang baho niya bago mo pa siya naging boyfriend. At least, hindi ka nasaktan.”

“Sabagay. Tama ka. Tara na nga. Baka hinahanap na nila tayo sa taas.” Tumayo na kami ni Arianne sa buhanginan at nagsimula nang maglakad pabalik sa villa. Pagbalik naman ay may ilang bote na nang alcoholic drinks sa mesa. Syempre, ngayon lang kami nakumpleto kaya hindi mawawala ang inuman.

“Oh, saan kayo nanggaling? Tamang-tama lang ang dating niyo. Session time na.” turan ni Leo.

“Nagpunta lang kami sa beach. Wow! Anong pulutan?” tanong ni Arianne.

“Tadah!” Nilapag ni Zed at Errol ang isang bowl na puno ng finger foods. May potato balls, fishball, kikiam at may sisig din.

Umupo na kaming lahat sa mesa at nagsimula na sa session namin. Kwentuhan dito, kwentuhan doon. Para bang ang tagal-tagal namin hindi nagkita. Well, matagal nga naman ang tatlong taon diba? Hahaha!

Nakakailang bote na ako ng san mig light nang napagdesisyunan kong lumabas papunta sa balcony. Inokupa ko ang isang cabana habang bitbit ang isang bagong bukas na san mig light.

Tandang-tandang ko pa ang araw na natuto akong uminom.

*Flashback (College Days)*

“Bakit namumugto ang mga mata mo?” tanong ni Errol pagkababa ko ng sasakyan. Si Tatay Roger na ulit ang maghahatid at sundo sa akin. Ayaw pa kasi akong bilhan ni Mom ng sarili kong kotse at isa pa, ayoko munang makita si Casey.

“Wala. Nagkaproblema lang. Dumating na ba ang iba?”

“Oo. Ikaw na nga lang ang kulang. Tara na.” sabay na kaming pumasok ni Errol sa classroom. Simula noong araw na ‘yon nagbago na ang lahat. Pinili kong baguhin ang lahat.

“O, nandito na pala si Alex eh.” Sambit ni Leo.

“Ok ka lang ba?” tanong ni Arianne.

“Oo naman. Kayo talaga. Wala ‘to. Ako pa.” sagot ko dito.

“Bakit mo pala kami pinatawag?”

“Mag-bar hopping tayo mamaya.” Yaya ko sa kanila. Alam kong mali pero ito lang ang naisip kong paraan para makalimot ako.

“Oo ba!” sabay-sabay na sagot nila. Ayos! Makakapag-bar na din kami. Nasa tamang edad na naman kami kaya pwede na kaming uminom.

Pagkatapos ng huling klase namin ay nagsi-uwian muna kami para magpalit ng damit. Pagdating ko sa bahay ay agad akong nagpalit ng t-shirt at shorts at sneakers. Naglagay ako ng isang pumps sa backpack ko. May dala namang kotse si Errol kaya pwede ko iwan mamaya ang gamit ko sa kanya.

Pababa na ako ng hagdanan ng mapansin ako ni Mom. Syet! Tatakas lang sana ako dahil alam kong hindi nila ako papayagan. Ako na may curfew. Badtrip.

“Saan ka na naman pupunta?” mataray na tanong ni Mom. Alex, mag-isip ka na ng palusot!

“Mag-oovernight lang ako sa kaibigan ko.” Palusot ko dito. Sana bumenta kundi lagot.

“O sige, papayagan kita ngayon pero umuwi ka kaagad bukas ng umaga. Maliwanag?!” Lord, thank you sa isang himala! Pinayagan din ako ni Mom sa wakas. Tumango naman ako sa kanya at saka lumabas ng bahay. Dumiretso muna ako sa park malapit sa amin dahil doon kami magkikita ni Errol.

Ayos na sana ang lahat pero pagdating ko sa park, nakita ko si Casey. Nakaupo sa swing at mukhang malalim ang iniisip.

Umupo ako sa isang bench na nasa harap ng swing. Nakatalikod ako sa kanya. Nagsimula na akong tanggalin ang chucks ko at nagpalit ng pumps.

“Alex…” marahang turan ni Casey. Alam kong malapit lang siya sa akin.

“Alex!” sigaw ni Errol na papalapit sa akin. Tumayo na ako at iniwan si Casey. Sinalubong ko si Errol at inakbayan niya ako.

“Teka lang, Errol. Medyo loose un t-shirt ko, pwede mo bang buhulin sa likod para maging fit?” pakiusap ko dito at saka ako tumalikod sa kanya.

Saglit na nagtama ang mga mata namin ni Casey. Nakatayo pa rin siya malapit sa bench kung saan ako nakaupo kanina. Nakita ko ang lungkot sa mga mata niya habang ako ay walang halong emosyon ang mga tingin sa kanya. Nang matapos si Errol sa pagbuhol sa damit ko ay sumakay na ako sa passenger seat. Mabilis naman pinaharurot iyon ni Errol palabas ng subdivision namin.

Dumating na kami sa bar kung saan kami tatambay ngayon gabi. Mabuti na lang at hindi nila naisipan na pumunta sa Casa Blanca.

Pagdating namin sa Ascend ay kaunti pa lang ang tao kaya nakahanap kaagad kami ng pwesto para sa aming anim. Umorder na kami ng alcoholic drinks na iinumin at saka pulutan. Pinagbawalan kong uminom si Errol ng marami dahil magmamaneho pa siya.

“Himala ata, Alex, nakatakas ka ngayon.” Asar ni Zed.

“Hindi ako tumakas ‘no. Pinayagan ako, ‘yon ang himala! Hahaha!” sagot ko dito.

“WOAH! Himala nga ‘yan! Cheers!”

“Cheers!” sabay-sabay namin itinaas ang mga baso namin at pagkatapos ay tinungga ang alak. Sa aming anim, ako ang wala pang experience sa pag-iinom. Madalas ay bahay-university-bahay ang routine ko at gusto kong baguhin iyon.

Hinila ko si Arianne at Mai papunta ng dance floor. Malakas na ang tama ni Arianne at Mai samantalang ako, cool lang. Ngayon ko lang na-diskubre na malakas pala ang alcohol tolerance ko. Humataw kaming tatlo sa dance floor. Maya-maya lang ay sumunod na din ang tatlong boys at kanya-kanyang partner kami. Si Arianne – si Leo, si Mai – si Zed at ako – si Errol. Nakisabay ako sa mga tao sa dance floor. Nang mapagod kami ay bumalik na kami sa table namin.

Habang umiinom ay naramdaman ko na parang may nakatingin sa akin. Inilibot ko ang mata ko sa loob ng bar pero wala naman akong nakita kaya hindi ko na lang pinansin.

“Grabe, Alex. Pang-ilang bote mo na yan?” tanong ni Zed. Huminto na kasi sila ni Errol sa pag-inom at ako na lang ang natira na umiinom.

“Pang-anim na.” Nakangising sagot ko dito.

Maya-maya lang ay nagkayayaan na kaming umuwi. Patay. Ang paalam ko pala, mag-oovernight ako. Hindi ako pwedeng umuwi nang lasing. Kanino naman ako makiki-overnight?

“Errol, may tao ba sa bahay niyo?” tanong ko dito habang nasa biyahe kami pauwi.

“Mayron. Si Mom at Dad, kadarating lang kahapon. Bakit?”

“Ang paalam ko kasi kay Mom, mag-oovernight ako eh. Tsk. Problema ‘to kapag umuwi ako na lasing.” Hindi pa naman ako talagang lasing. Nakainom lang. Chos!

“Hmmm. Ihahatid na lang kita sa Casa Blanca.” Suhestiyon ni Errol.

“Huwag!” Mabilis pa sa alas-kwatrong sagot ko dito. Syet! Ayoko mag-stay doon dahil panigurado nandoon si Casey.

“Bakit? May problema ba? Eh, saan ka mag-oovernight?” Oo nga. Saan nga ba? Pwede na siguro sa Casa Blanca. Tamang-tama, gusto ko pang uminom.

“O, sige. Sa Casa Blanca na lang.” Malapit-lapit na din naman din kami doon kaya ok na rin. Para makauwi na rin itong si Errol.

Pagkadating sa Casa Blanca ay agad akong bumaba ng kotse at nagpaalam kay Errol. Naramdaman ko na naman na parang may nakatingin sa akin kaya agad akong pumasok sa loob ng bar. Dumiretso ako sa bar section at umorder ng maiinom.

“Lloyd, isa ngang ano. Hmmm. Ano bang masarap dyan?” Takte! Wala nga pala akong alam sa alak. Order-order pa kasi. Hahaha!

“Margarita.” Sagot nito.

“O, sige. Iyon na lang.”

Agad naman siyang gumawa ng margarita at binigay sa akin. Tinikman ko muna. Masarap nga. Tumikim ako ulit hanggang sa maubos ko ang isang baso. Umorder pa ulit ako ng isa. Feeling ko, parang tumatagos ang tingin ni Lloyd. Parang may titingnan siya sa likuran ko bago niya ako ginagawan ng margarita.

Lumingon ako sa likuran ko at nakita ko si Casey. Inirapan ko lang siya at bumalik sa pagtungga ng margarita. Umorder ulit ako ng isa pa. Medyo nahihilo na ako pero gusto ko talagang subukan kung hanggang saan ang kaya ko.

“Lloyd, isa pa nga.” Utos ko dito.

“Hindi na daw pwede, Ma’am Alex.” What?! Anong hindi pwede? Argh.

“Fine! O, bantayan mo na lang itong bag ko.” Inabot ko sa kanya ang bag ko at saka pumunta sa dance floor. Sumayaw ako ng sumayaw. Hanggang sa isang lalake ng lumapit sa akin. Gwapo ito at matipuno tulad ni Casey.

“Hi, are you alone?” tanong nito.

“Yeah. You?”

“Same. By the way, I’m Sander.” Inabot nito ang kamay niya para makipag-kamay.

“Alex.”

Bumalik na kami sa bar at nagkwentuhan. Parehas din pala kami ng university na pinapasukan. Senior na nga lang siya. Pagkalipas ng ilang minuto ay nagpaalam na siya dahil mag-uumaga na din.

Ako naman ay naghanap ng bakanteng kwarto sa third floor. Ito ang maganda sa bar ni Casey. May mga kwarto kung saan pwede mag-stay. Soundproof din ito kaya hindi makakapasok ang ingay mula sa baba.

Humiga ako kaagad sa kama dahil dinalaw na ako ng antok. Bago pa man ako makapikit ay naramdaman kong may umupo sa kama. Nakatalikod ako sa pinto kaya hindi ko nakita kung sino iyon. Hinahatak na pababa ang mata ko. Bago pa man ako makatulog ay narinig ko pa ang mga katagang ito.

“I love you, Alex.”

*End of flashback*

Continue Reading

You'll Also Like

86.1K 4.2K 50
Braelyn vargas ang pilyang babaeng trouble maker na naglayas mula sa kanyang tahanan..adik na adik siya sa nobelang trending na usapin sa social medi...
33K 44 10
❌️ MATURE CONTENT ❌️ People and their desires. Wildness. Secret. Lust. What does it take to give in to temptation? Different lives and a sneak peek...
201K 207 150
I don't own this story credits to the rightful owner 🔞
1.2M 23.2K 53
Isang babaeng magiging personal maid ng anak ng billionaryong pamilya. Mabibihag ng dalaga ang puso ng kaniyang boss at hinding hindi na siya pakakaw...