Nasaan Na Ang Pag-ibig? (Form...

By PollyNomial

458K 8.2K 567

Sa pagbabalik ni Mikaella Buenzalido Santos sa Pilipinas, may isa siyang napagtanto at kailangan tanggapin. I... More

Nasaan Na Ang Pag-ibig?
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Kabanata 61
Kabanata 62
Kabanata 63
Kabanata 65
Kabanata 66
Kabanata 67
Kabanata 68
Kabanata 69
Kabanata 70
Wakas
Hiram Na Pag-ibig
Formosa Series #3 Update

Kabanata 64

3.8K 87 3
By PollyNomial

KABANATA 64 — No Rest

Nakapikit ako pero may mga boses akong naririnig. Hindi ko maidilat ang mga mata ko dahil ang sakit sakit nito. Hindi ko malaman kung ito ba ang masakit o ang ulo ko.

Lahat na yata ay kumikirot sa akin. Ang ulo ko, mata, katawan. Pero may isang namamanhid at hindi ko maintindihan kung aling parte iyon ng katawan ko.

“Is she okay?” narinig ko ang pamilyar na boses. Agad na nagising ang dugo ko pati ang buong sistema ko. That’s Vincent.

“Over fatigue, Mr. Formosa.” Narinig ko pa ang isa pang pang matanda at lalaking boses. “Not getting enough sleep, not eating well, tired, and exhaustion are the main causes. Napagdaanan ba iyon ni Miss Santos nitong mga nakaraang araw?”

Sinubukan kong gumalaw ngunit hindi ko talaga magawa. Malabo ang paningin ko nang dumilat ako.

“I-I… I guess…” sagot ni Vincent. Naintindihan ko ang pinag-uusapan nila at alam kong tungkol sa akin iyon.

Naalala ko ang nangyari kanina. Bigla na lang akong nawalan ng malay at ang huling alam ko ay nasa gate kami ng bahay namin. Wala na akong matandaang iba. Siguro ay nasa ospital ako ngayon. Nararamdaman ko ang pagod ng katawan ko at ang sinabi ng doktor ang sa tingin kong dahilan noon.

“I see. Well, she’s fine now. She just needs to rest to gather her strength. Pwede mo na siyang iuwi or you could stay here in the hospital.” Sabi pa ng matanda.

May narinig ako na malalim na paghinga. Buntong hinga iyon at nang balingan ko si Vincent ay nakatalikod na pigura niya ang nakita ko. Panay ang pagtaas-baba ng balikat niya. Malalim ang hugot niya ng hinga.

Nilipat ko ang tingin sa doktor na nasa harap niya. Matandang lalaki iyon at ngumiti siya nang makitang gising na ako.

“Mika!” utas ni Vincent nang lumingon siya. Agad siyang lumapit sa akin ngunit hindi ako mahawakan. “A-are you o-okay?” tanong niya habang pinagmamasdan ang kabuuan ko.

Tumango ako sa kanya. “Mm-hmm.” Sagot ko. “I-I’m okay…” paos ang boses ko at halos wala nang lumabas na tunog mula roon.

Kumunot ang noo ni Vincent at pumikit siya. Hinawakan niya ang isang kamay ko at nilagay iyon sa pisngi niya. Nakita ko ang doktor na tumango at saka lumabas ng pintuan.

“I.. I thought I was gonna lose you.” Sambit ni Vincent. Punong puno iyon ng takot at pagsisisi. Nakapikit pa rin siya. Nakakunot ang noo niya at makita pa lang siyang ganyan ay nananakit na ang loob ko.

Lumunok ako upang kapag nagsalita ako ay marinig niya iyon. “I’m not going anywhere, Vincent. You’re not gonna lose me.” Sinabi ko ang pangako kong iyon sa kanya.

Dumilat siya at napangiti. Ngunit bakas pa rin ang lungkot sa kanyang mga mata at pag-aalala.

“Sobrang nag-alala ako sa’yo. Hindi lang ngayon. Yesterday and the day before yesterday. Bakit hindi mo manlang ako tinawagan? Akala ko kung ano nang nangyari sa’yo. May usapan tayo 'di ba?” sunod sunod na sabi niya.

Naalala ko ang mga nangyari. “I’m sorry, Vincent. Sobrang naka-focus na lang kasi ako sa kung paano ko mapapapayag si Mommy na ituloy ang kasal natin. I’m sorry hindi na kita naalala. I’m so—” nahinto ako nang ilagay ni Vincent ang hintuturo sa labi ko. Tinikom ko ang aking bibig.

“Shhh. You know what, forget that. You don’t have to explain. I understand you. Ang mahalaga ngayon, kasama na ulit kita.” Bulong niya. Hinaplos ng hinlalaking daliri niya ang labi ko habang nakangiti sa mga mata ko.

Naiiyak ako. Nanginig ang labi ko at hindi ko mapigilan ang pagbadya ng luha ko. I still remember how mom treated us this morning. Kung paano siya ilang beses na tumanggi sa gusto ko. Kung paano ako nakiusap sa kanya at kung paano niya iyon binalewala.

“About my mother…”

 

“It’s okay, Mika.” Tila alam na ni Vincent ang gusto kong sabihin. Hihingi sana ako ng paumanhin sa kanya pero ito ang narinig ko kahit na wala pa akong nasasabi.

“I’m sorry. Sobrang galit ako sa kanya, Vincent. Hindi ko akalain na kaya niya iyong gawin sa atin. Sa akin. I hate her so much.” May poot sa tinig ko.

“Shh.” Pagpapatahimik ulit niya sa akin. “Don’te hate her, Mika. She’s your mother.” Halos pakiusap ang tono ng pananalita niya. Naguluhan ako. Hindi ba siya nagagalit dahil ayaw akong ibigay ng nanay ko sa kanya?

“Ikaw? Hindi ka ba nagagalit sa kanila?” tanong ko. Gusto kong malaman ang opinyon niya rito.

Tumahimik si Vincent. Inalis niya ang tingin sa akin at nilipat iyon sa bintana ng aking kwarto.

“I don’t know. As long as you’re with me, I’m okay. Pero kung ilalayo ka na talaga nila sa akin, baka magwala ako at magalit ako sa kanilang lahat.” Pagkasabi niyon ay saka niya ako binalingan.

Hindi ko maintindihan kung anong magiging reaksyon ko sa sinabi niya. Gusto kong ngumiti at iyon ay ginawa ako. Sa simpleng sinabi ni Vincent, pinasaya niya ako. Alam kong mali ang makaramdam ng galit sa pamilya ko pero hindi ako makapagpigil sa katotohanang ako ang dahilan noon. Patunay na mahal na mahal nga ako ni Vincent at ayaw niya akong mawala sa kanya.

“Why are you smiling?” napangiti na rin siya. Tinaasan pa niya ako ng isang kilay.

Umiling ako. Tama siya. As long as we’re together, we are okay. “I love you.” Bulong ko. Inangat ko ang aking sarili para maabot ko siya.

“'Wag ka nang bumangon. Ako na ang lalapit sa’yo.” At iyon nga ang ginawa niya. Lumapit siya sa akin at dinampi ang labi sa akin.

“I love you, too, Mika.” Sambit niya habang nararamdaman ko pa rin ang labi niya sa akin.

Pinilit ko si Vincent na umuwi na kami nang araw ding iyon. Sa condo niya. Ayaw ko sa bahay dahil hindi pa ako handang makita ulit ang nanay ko. Baka manghina lang ulit ako roon. Sumang-ayon agad si Vincent sa gusto ko. Ayaw na niyang ma-stress ako nang dahil sa mga nangyayari. Ayon sa kanya, mas mahalaga ang kalusugan ko kesa sa isipin kung saang bahay ako uuwi. Ilang beses na rin naman kaming nagsama ni Vincent sa iisang bubong, iisang kwarto, kaya ayos lang.

Pero may kondisyon siyang mag-i-stay muna ako rito sa ospital hanggang bukas. Gusto raw niyang masigurado na maayos na talaga ang kalagayan ko. Ilang beses niyang pinapatawag ang doktor at nurse upang i-check up ako. Pinapainom niya rin ako ng gamot at pinapakain. Natutuwa ako kahit na pakiramdam ko ay bine-baby niya ako. Masarap pa lang magkasakit lalo na kung si Vincent ang mag-aalaga sa akin. Hindi lang pala siya magaling na guro at businessman. Mahusay rin siyang nurse.

Kinabukasan ay umalis na kami ng ospital.

“Kaya mo na bang maglakad? Magtatawag ako ng nurse para ikuha tayo ng wheelchair?” napangiwi ako sa tinanong niya. Palabas na kami ng kwarto ko rito sa ospital.

“Nakakatayo naman ako ng diretso, Vincent. At nakakapaglakad din ako ng maayos. I don’t need a wheelchair.” Simangot ko sa kanya.

Natawa siya sa akin habang hinahagod ang batok. “I’m just worried. Kung pwede nga lang, bubuhatin na kita, e.” Sabi niya. Umiwas siya ng tingin nang balingan ko siya nang may gulat sa mga mata ko. Halos pumalakpak na ang puso ko nang makita ko ang namumula niyang mukha.

Pwede naman! Pero nakakahiya sa mga tao.

Nagkunyari na lang tuloy akong pumapalatak. “Hindi na. 'Kaw talaga.” Nangingiting sabi ko sa kanya.

Nakarating kami ng parking ng ospital at humantong ako sa isang desisyon. Huminto ako at tuloy tuloy si Vincent sa pintuan ng front seat kung saan ako sasakay. Binuksan niya iyon at tumaas ang kilay niya nang makita akong nakahinto at medyo malayo sa kanya.

 

“Get in.” aya niya sa akin habang nakamwestra ang kamay sa loob.

Kinagat ko ang labi ko bago lumapit.

“What’s wrong, Mika?” yumuko siya at hinanap ang mga mata ko.

“Pwede bang… sa Villa Mikaella na lang tayo umuwi? Gusto ko ng sariwang hangin.” Nakangiwi ako at nakangiti rin. Nahihiya ako sa hinihiling ko sa kanya at hindi ko alam kung bakit.

“Oo naman!” Nagliwanag ang mukha niya. Mas lumawak ang ngiti niya nang makita niyang natuwa ako sa pagpayag niya.

Pumasok ako ng kotse at excited ako sa pag-uwi namin sa villa. Ang sarap lang pakinggang ng salitang ‘uuwi’. Parang iyon na talaga ang tahanan namin ni Vincent. Parang iyon na ang lugar kung saan alam kong protektado ako dahil kasama ko siya. Ang bahay kung saan bubuuin namin ang lahat ng aming mga pangarap. Kung saan lalaki ang mga anak namin at kung saan kami tatanda.

Masyado na akong advance kung mag-isip pero hindi pa nga kami kasal. Iyon na nga kasi siguro ang nangyayari kapag nahanap mo na ang taong para sa’yo. Sobra sobra ka nang mangarap at lahat iyon ay kasama siya. Pinaplano mo na ang lahat ng mangyayari sa hinaharap. Alam mong wala kang makakaligtaan at lahat ng gusto mo ay mangyayari. Basta ang mahal mo ang kasama mo.

Kay Vincent, alam kong sigurado na ako. Ang walang hanggan ko ay siguradong punong puno ng kasiyahan at pagmamahalan. Kung pwede nga lang… Kung pwede lang na kaming dalawa na lamang sa mundong ito. 'Yong tipong wala na kaming ibang inaalala kundi ang aming mga sarili. 'Yong simpleng yakapan lang ay pawi na ang uhaw namin. 'Yong simpleng halikan lang ay busog na kami. Hindi na kailangan ng tubig at pagkain.

Sana wala na ring mga problema. Puro masasaya na lang at wala nang kalungkutan. Pero sabi nga nila, nasusubok ang relasyon at pag-ibig ng dalawang tao para sa isa’t isa ng mga problemang kakaharapin nila. Sinusubok iyon ng mga taong nasa paligid nila. At kapag lahat ay napagdaanan at nalagpasan na, saka mo maaabot ang walang hanggang kasiyan at pag-ibig niyo sa isa’t isa.

And that will be my goal starting today. To reach eternity with Vincent. Sa ngayon, hindi ko pa sigurado kung kasama ko pa ba ang pamilya ko sa walang hanggang nais ko. Marami pa akong dapat ayusin. Ngunit uunahin ko na muna si Vincent. Dahil siya lang ang natatanging sigurado ako.

We need to get through this. Kahit na nawawalan na ako ng pag-asa, hindi pa rin dapat ako sumuko.

Binuksan ni Vincent ang bintana ng sasakyan at nalanghap ko ang sariwang simoy ng hangin. I miss this. Ilang linggo na rin ang nakalipas nang huli akong makarating dito. Bumuhos agad ang mga alaala nang nandito ako sa lugar na ito.

Pinagbuksan ako ng pinto ni Vincent nang nakarating na kami sa villa. Bumaba ako at hawak-kamay kaming humakbang pataas ng hagdanan. Binuksan ni Vincent ang double doors ng villa at hindi kataka-taka kung wala ni isang tao sa loob.

“I didn’t inform the maids. Baka mamaya ko na lang sila papapuntahin. Magpahinga na muna tayo?” Nilibot ko ulit ang tingin sa nakakamanghang interior design ng villa bago ako bumaling sa kanya.

Diretso ang tingin niya sa mga mata ko at pinisil niya ang kamay ko. Napangiti ako. “Okay.” Sagot ko.

Namula ako nang may maisip. Bakit ba sa tuwing mapag-iisa kami ni Vincent ay humahalay ang isip ko? Lalo na kapag nandito kami sa villa? Okay. Magpapahinga. That’s what we’re gonna do. Nothing else.

Umakyat kami ng kwarto. Nakasukbit ang kamay ko sa braso ni Vincent na siya mismo ang may gawa. Napapangiti pa rin ako sa mga gestures niya. Hinding hindi talaga ako magsasawa kay Vincent kahit kailan. Ang makasama siya at maramdaman siya sa piling ko ay parating unang beses at hindi na ako masasanay.

Ngumuso ako nang sa kwarto ko dito sa villa niya ako hinatid. Nang tingnan niya ako ay kinunutan ko siya ng noo.

“Ikaw?” tanong ko. Hindi niya ata iyon naintindihan nang itaas niya ang kanyang kilay.

“Huh?”

 

“Uh… Sa’n ka? Doon ka sa kabilang kwarto?” tanong ko sabay turo sa kwarto niya rito.


Agad na pumora ang ngisi sa kanyang mukha. Nag-init naman ang pisngi ko dahil sa hiya. Bakit ko ba kasi iyon tinanong? Gusto ko kasi siyang makasama!

“I’ll stay in your room if you say so.” Sabi niya. Tinitigan niya ako at painit ng painit ang pakiramdam ko.

“S-stay in my room.” Nautal pa ko. “G-gusto ko lang ng may… kasama.” Simpleng paliwanag ko dahil ayaw ko na ang kakaibang ngiti niya. Alam ko na ang iniisip niya at kinakabahan ako dahil iyon din ang tumatakbo sa utak ko.

Tinitigan pa niya ako nang ilang pang saglit bago sumagot. “I will. We’ll simply rest.” Pinihit niya ang pintuan at sabay kaming pumasok sa loob.

Kagat kagat ko ang labi ko dahil sa huling pangungusap niya.

Naamoy ko kaagad ang sariwang simoy ng hangin galing sa nakabukas na balkonahe ng aking kwarto. Kitang kita roon ang magandang view ng Taal Lake. Pumayapa ang pakiramdam ko sa nakita. I really like it here. Oh no. I love it here. Kung pwede habang buhay na lang ako rito sa lugar na ito.

Dumiretso ako sa kama at naupo ako roon. Naka-shorts na ako at simpleng blouse lang kaya siguro ay pwede na akong mahiga dito. Si Vincent na nakapantalon at polo shirt ay nagsimula tanggalin isa isa ang butones ng pang-itaas niya.

Iniwas ko ang tingin ko sa kanya at tinuon na lang ang atensyon sa view sa labas.

Nakasando na lang at boxers si Vincent nang tumabi siya sa akin sa kama. Kinuha niya ang kamay ko at pinatong iyon sa dibdib niya. Kinakabahan ako at nagulat ako nang mabilis din ang pintig sa dibdib niya.

“What am I gonna do with you?” buntong hinga niya. Hinaplos ng palad niya ang buhok ko. Ang daliri ko naman ay gumuguhit ng bilog sa kanyang dibdib. “Akin ka na, e. Pero nangyayari pa 'to.” Aniya.

Pinagpatuloy ko ang ginagawa habang nakikinig sa kanya. Kagat kagat ko ang aking labi.

“Sana pala matagal ko nang inayos ang problema ng pamilya ko. This is my fault.”

Doon na ako nagsalita. “No, Vincent. My mother is just close minded. Hindi mo naman 'to kasalanan.”

Mas lalo siyang bumuntong hininga. Tinaas ko ang ulo ko upang makita ang mukha niya at nakapikit na siya.

Iniba ko ang usapan nang may madaanan ang mga paningin ko. “Vincent.”

 

“Hmm?” paungol na tanong niya.

Tinanggal ko ang nakapatong kong kamay sa dibdib niya at humiwalay ako sa yakap niya. Umupo ako ng kama. Dumilat siya sa ginawa ko.

“Saan mo nakuha ang pinagbasehan mo ng sketch na 'yon?” tanong ko sa kanya. Nakaturo ako sa drawing ng mukha kong nakatingin sa kawalan. Nakasabit iyon sa dingding.

Bumangon din siya at naupo. Nilingon niya ang sketch ko na nasa isang frame. “That came from my imagination, Mika.”

Nabigla ako at napatingin ako sa kanya. “Imagination? Wala akong naaalalang picture ko na binigay ko sa’yo. You mean, sa imagination mo lang nanggaling 'yan?”

Ngumiti siya at naaninag ko ang lungkot sa mga mata niya na saglit lang ay nawala rin.

 

“You’re right. Hindi mo man lang ako iniwanan ng picture mo noon. Wala tuloy akong matitigan tuwing gabi.” Ngumisi siya. “Tapos umalis ka pa. I know there’s facebook and all.” umiling siya. “Pero hindi naman pwedeng buong gabing bukas ang internet ko para matitigan ka.”

 

Natawa ako sa sinabi niya.

“Kaya kumontrata na lang ako ng mahusay na artist para i-drawing ka.” Pagkasabi niya noon ay bumaling siya sa akin. Inangat niya ang palad at dinampi sa pisngi ko. “I have two of it, Mika. Isa dito at isa sa kwarto ko sa bahay namin. I love that face of yours. 'Yan ang itsura mo kapag nasa klase kita noon, Mika.”

Umawang ang bibig ko. Kung ganon ay nanggaling nga lang ito sa isip niya. Paano niya naipa-drawing sa artist ang mukha ko nang dine-describe lang? At kuhang kuha pa ang features ko.

“Anong iniisip mo nang mga panahong 'yan, Mika? Ako ba?” naglaro ang pilyong ngiti niya at umiling din. “Kasi ako, noon hanggang ngayon, kapag nakatingin ako sa kawalan, sigurado nang wala akong ibang iniisip kundi ikaw lang.”

Hinawakan ni Vincent ang balikat ko. Humaplos pababa ng bewang ko ang dalawang kamay niya at dahan dahan akong hiniga sa kama. Pinatong niya ang kalahati ng kanyang katawan sa akin at sinimulang halikan ang bawat sulok ng mukha ko.

Dumaloy ang kuryente. Tumindig ang mga balahibo ko. Nag-init ang buong katawan ko. At pakiramdam ko ay ganoon din si Vincent. Hm. I guess there’s no rest for today.  

Continue Reading

You'll Also Like

26.9K 985 51
A Love Story that started in a Hospital when there is a Girl misheard the conversation between the parents and the Doctor about a boy who has a termi...
11.7M 474K 65
(Game Series # 7) Jersey thought that her life's already as good as it's gonna get... Wala naman siyang karapatang magreklamo-pasalamat pa nga raw si...
1.5M 58.8K 59
WARNING: THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR READERS BELOW 16/ NARROW MINDED PEOPLE/ HOMOPHOBICS/ BIGOTS. THIS IS A TRANSGENDER WOMAN X STRAIGHT MAN STOR...
5.4K 159 20
Responsibility. Career. Beliefs. Love. Kapag dumating ka sa punto ng buhay mo na kailangan mong mamili, anong pipiliin mo? Yung responsibilidad mo...