One Beautiful Mistake (Elling...

By asteraoth

2.9M 75.1K 27.9K

Desdemona Astrea Costello, an ordinary girl as well as a scholar student. She is very obedient and well-loved... More

One Beautiful Mistake
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Wakas
OBM -PUBLISHED UNDER PSICOM

Kabanata 11

60.1K 1.6K 381
By asteraoth

Kabanata 11

Miss


Tahimik kaming tatlo habang si Van ay nakatayo sa harapan namin at pabalik balik ang tingin sa amin ni Leader. Nakayuko lang ako at pinaglalaruan ang aking mga daliri.

"Umuwi ka na kaya, Leader?" mataray na sabi ng kaibigan ko kaya naman bigla akong nag angat ng tingin.

Hindi nagsalita si Leader pero narinig ko ang pagtikhim niya sa gilid.

"And how about you? You're gonna stay here with Dea?" sagot pabalik ni Leader.

Napatingin ako sa kanilang dalawa. Kahit na nakaupo si Leader ay ramdam ko ang tensyon sa kanilang dalawa. Nagsusukatan sila ng tingin at patuloy naman na umiirap si Van kay Leader.

"Dito lang ako! Aalagaan ko ang kaibigan ko!" si Van.

"Then I should also stay here to take care of my girl!" giit naman ni Leader.

Napanguso ako habang tinitignan silang nagtatalo. Hindi naman nila dapat pinagtatalunan ang mga bagay na 'yan. Wala naman akong kasama dito sa bahay kaya naman ayos lang kung manatili muna sila dito pansamantala.

"A-Ayos lang naman kung kayong dalawa ang andito..." bulong ko.

"Whatever!" si Van. Bigla siyang umalis sa harapan namin at pumunta sa kusina dala ang mga pinamili niya.

Naiwan kaming tahimik ni Leader. Walang gustong magsalita kahit isa sa amin at nanatili sa mga puwesto.

Nabasag ang aming katahimikan dahil biglang tumunog ang phone niya. Nagkatinginan pa kaming dalawa kaya nginitian ko siya bilang senyas na ayos lang kung sasagutin niya ito.

Kung sino man ang tumatawag ay wala na akong pakialam pa doon. Alam ko kung saan ako lulugar. Alam na alam ko ang mga limitasyon ko sa kaniya. Just because he kissed me doesn't mean that I have the rights to interfere with his business.

"Yeah?" simpleng sagot niya at nakatingin pa rin sa akin. "This is Leader Ellington. Yes, why?"

Biglang kumunot ang noo niya at nanlaki pa ang mga mata. "What? Saan 'yan? Huh? Ilan ang naospital?"

Nakatingin lang ako sa kaniya at mukhang natataranta na nag-aalala na siya. Maski ako ay kinakabahan dahil may binanggit na hospital. Ano naman kaya ang nangyari sa kausap niya?

"I'll be there in five minutes!" aniya at biglang tumayo.

Binalingan niya ako ng tingin. He went closer then he cupped my cheeks. "I'll be back with my cousins. Is that fine?"

Tumango ako. "Marami naman kaming extra room,"

Pinatakan niya ako ng isang halik sa noo bago tuluyang umalis. Halos magwala ang buong sistema ko sa ginawa niya pero hindi ko pinahalata. Nabalik lang ako sa reyalidad nang sumulpot si Van sa gilid ko.

"Ano na, baby girl? Pipilay-pilay ka tapos nakikipaghalikan ka pa?!" nakangising sabi niya.

Ngayon ko lang ulit ito naisip. Hindi ko rin alam kung anong pumasok sa kokote ko at nagpahalik ako kanina kay Leader. Ang alam ko nga ay galit ako o kung ano pa man tapos isang hapit lang niya sa baywang ko ay bumigay na ako!

"Ano bang meron sa inyong dalawa, Dea?" mapanuyang tanong ni bakla. "Nako, huh? Grade 10 ka pa lang! Baka naman kung mapaano ka niyan sa ginagawa mo?"

"Wala 'yon. V-Van..." iniwas ko ang aking tingin. "Hindi sadya."

"Hindi sadya? Ano 'yon, bigla lang kayong naghalikan matapos niyong magkita? Ako ba ay niloloko mo, huh?!"

Wala na akong naisagot dahil ako rin ay naguguluhan sa nangyari sa amin ni Leader. Hindi ko nga alam kung para saan ang halik na 'yon. Ang sabi niya ay may gusto siyang iparamdam sa akin. Nang banggitin ko nga si Bella ay ngumisi pa siya na parang nasisiyahan sa reaksyon ko.

"Pupunta raw ang ilan sa mga pinsan ni Leader..." sabi ko.

"Okay. Ako na ang bahala sa kakainin natin basta ba magkwento ka mamaya!" aniya sabay alis harapan ko.

Bumalik si Van sa kusina dahil nagluluto siya ng kakainin namin. He's pretty independent because he spend most of his days alone. Abala ang magulang niya sa trabaho pero wala naman ito sa kaniya dahil naiintindihan naman niya.

Nanatili lang akong nakaupo at nakatingala. Napahawak ako sa aking labi nang maalala ang pakiramdam ng labi ni Leader sa akin. Napakagat ako sa pang ibabang labi at napailing. Namula yata ako sa iniisip ko.

Ilang sandali pa ay bumukas na ang pinto ng bahay namin. Dumako agad ang paningin ko sa dalawang matangkad at magandang babae. Pareho silang may itim na buhok ngunit ang isa ay bagsak at mahaba habang ang isa naman ay may umaalong buhok sa dulo. Namumukhaan ko ang babaeng msy umaalong buhok. Kung hindi ako nagkakamali ay si Hell ito.

"Why are we even here, Lad?" maarteng tanong ni Hell sabay pagpag sa damit niyang puting long sleeves na nakabukas ang dalawang butones. Naka jeans din siya at simple pair of flat shoes.

Pinasadahan ko ng tingin ang isang babae na nakangisi lang. Gray sleeveless and black jeans with her brown boots. Ang maliit niyang mukha ay maganda talaga. Sino kaya siya?

Dumating rin si Van sa aking gilid at tinignan ang mga bisita. Gustuhin ko mang tumayo ay mukhang mahihirapan ako kaya nanatili akong nakaupo at nginitian sila.

"U-Upo kayo..." mahinang sabi ko. Inilahad ni Leader ang kabilang sofa at doon sila naupong dalawa habang si Leader ay nanatiling nakatayo at inihihilamos ang palad sa kaniyang mukha.

He clenched his jaw. "What are you two thinking, huh?!" pagalit niyang sigaw sabay duro kila Hell.

"Aba, bakit ka nagagalit?" bakas ang pagiging maangas sa tono nitong isang babaeng nagsalita. "Teritoryo ko ang ginulo nila. Hindi ako santo para manahimik."

"And besides," sabat ni Hell. "They're so annoying. My bastard ex was there with his stupid fuck friends who's trying to pick a fight on me!"

"And you let that happened, Goo?!" ani Leader.

Nagkatinginan pa kaming dalawa ni Van at mukhang naiilang sa nangyayari. Dito pa talaga nagtalo ang magpipinsan na 'to?

"Anong nangyari?" bulong ni Van sa akin. Nagkibit balikat ako, walang maisagot.

"Hindi naman siguro sila ipapadala sa hospital kung hinayaan ko?" nakangising sabi ni Goo sabay tingin sa akin.

Parang nanigas ako sa aking pwesto kaya iniwas ko ang paningin ko. Doon ko lang naramdaman na nakatingin na pala silang dalawa sa akin kaya mas lalo akong nahiya at napayuko.

"Stop nagging, Leader! This is not our house!" mariing sabi ni Hell sabay tingin sa kuko niya. "Oh gosh! They ruined my nails! I'm gonna bring them to hell."

Hindi na ako nakakibo dahil humalakhak si Goo at sinamaan siya ng tingin ni Leader. Ang gulo naman nila?

Nanahimik kaming lahat at para bang nagpapakiramdaman hanggang sa nagsalita si Van at niyaya sila sa dining area para makapagtanghalian.

Habang nasa hapag ay tahimik ang lahat. Kahit si Leader ay mabigat ang bawat hinga habang ako ay kabado pa. Tahimik na kumakain sila Hell at Goo at mukhang wala namang arte sa pagkain dahil hindi naman sila nagsalita tungkol sa pagkain na hinanda ni Van.

Nabasag lang ang katahimikan nang magsalita si Goo. "I forgot to introduce myself,"

Napatingin kami sa kaniya. Nakangisi siya at naglahad pa ng kamay. "I'm Google. Goo na lang ang itawag niyo sa akin,"

Ako ang tumanggap ng kaniyang kamay at nginitian din siya pabalik.

"Dea..." ani ko.

"Ako naman si Vanessa. Van na lang for shor," malanding usal ni Van at lihim akong napangiti.

Matatamis ang ngiting sinukli sa amin ni Google or Goo habang si Hell naman ay nginitian lang din kami at nagpatuloy sa kaniyang pagkain.

"Faster, Hell. We're going to visit those guys." malamig ang boses ni Leader nang sabihin niya ito.

"Labas na ako diyan, Lad. Hindi mo naman ako pinsan e," si Google.

"Psh! They are so annoying kasi!" reklamo ni Hell sabay irap at padarag na binitawan ang kaniyang kubyertos. "Why are you so worried ba? They're still alive!"

"Sampung kalalakihan ang napunta sa hospital dahil sa inyong dalawa!" galit na sabi ni Leader kaya kahit kami ni Van ay nanahimik at parang kahit paghinga ay nahihirapan.

Napanganga ako sa narinig. Sampung kalalakihan tapos dalawa lang silang babae? Paano nangyari 'yon? Gaano ba kalakas ang kamao nila? Maliit ang mga kamao nila pero delikado pala. Nakakatakot naman silang kaaway.

"That's not my problem." ani Google at nginisian pa si Leader na nakakunot ang noo. "Hell's playing with me and they went to my territory. Wala naman sanang kaso sa akin kung makipaglaro o pustahan sila pero hindi e. Nanggulo sila, Lad. You know how much I hate it, right?"

Hindi na sumagot si Leader at tumayo na lang sa kaniyang kinauupuan. Huminga pa siya ng malalim bago binalingan ang dalawa.

Napakagat labi ako habang pinagmamasdan ang itsura niyang mukhang galit na galit sa nangyari. Naramdaman ko ang paghawak ni Van sa aking braso at tipid akong nginitian na para bang sinasabing ayos lang ang lahat.

"Let's go." ani Leader at lumabas na.

Hindi man lang niya ako nilingon at hindi rin nila naubos ang pagkain nila.

Nakatingin lang ako sa likod ni Leader. Napukaw lang ang atensyon ko nang tumikhim si Google at nginitian kami. Nakaakbay siya kay Hell na nakasimangot ngayon at umiirap pa.

"Sorry for the mess." magalang na sinabi ni Google at nagpaalam na rin sa amin ni Van.

Nang makaalis silang tatlo ay doon lang naging normal na ang paghinga ko. Binalingan ko ng tingin si Van at hindi naman na siya nagsalita. Nawalan na tuloy ako ng gana na kumain dahil sa tensyon kanina.

"Tapos ka na?" tanong ni Van na tinanguan ko lang. "Drink your meds,"

Kinuha ko ang mga gamot na dapat kong inumin bago tumayo sa mesa at iika-ikang naglakad papunta sa kwarto ko. Nanatiling tikom si Van at ganoon rin ako hanggang sa matagumpay kong napuntahan ang kwarto ko.

Galit si Leader. Hindi naman siya sa aking galit pero hindi man lang siya nagpaalam sa akin. Diretso ang naging lakad niya hanggang sa makaalis siya.

Naiintindihan ko naman siya pero kasi medyo masama pa ang loob ko dahil sa picture na nakita ko sa facebook. Hindi niya iyon ipinaliwanag sa akin. Nanghalik na lang bigla at para bang gusto niyang maging ayos na ang lahat. Ang hirap naman ng ganoon. Wala akong karapatan pero hindi ko rin naman kasalanan na maramdaman 'to.

Kusa ko itong nararamdaman kaya anong magagawa ko?

DALAWANG linggo ang lumipas at unti-unting gumaling ang mga sugat ko. Ang paa ko ay may benda pero kaya ko naman nang ilakad dahil manipis lang ang nakalagay. Hindi naman na ito kailangan pang ibenda kung tutuusin dahil pakiramdam ko ayos naman na ako. But Papa wants to make sure that I'm completely fine.

Nakauwi na rin sila Mama at halos mahimatay pa nang makita akong iika-ika. Pinasalamatan pa si Van dahil hindi niya ako iniwanan hanggang sa makauwi sila Mama. Isang linggo na rin simula nang makauwi sila kaya isang linggo rin akong inalagaan ni Van

Bagong gawa na ang salamin ko at ngayong lunes ako papasok. Inabala ko ang sarili ko sa pag aasikaso ng mga gamit ko. Pumunta na kasi sa school sila Mama para ma-excuse ako at mabigyan ng special project para punan ang mga pagkukulang ko dahil sa biglaang pag absent.

May biglaang kumatok sa pinto ng aking kwarto.

"Pasok po!"

Tumambad sa akin si Mama na may dalang tray na naglalaman ng isang basong gatas at tubig. Nginitian ko si Mama at itinabi niya sa side table ang dala niya.

"Mag pahinga ka na muna, Dea. Maaga ang pasok mo bukas, 'di ba?" aniya.

Tumango ako. Alas otso ay dapat nasa school na ako. Baka nga sumakay na lang ako ng taxi dahil wala akong na akong bike. Pwede ko rin naman lakarin. Nasa trenta minutos lang naman kung lalakarin ko ang distansya mula dito papunta sa school.

"Opo..."

"Sleep, Dea. I love you." huling sabi niya bago ako iniwanan.

Inayos ko muna ang aking gamit at nagsimula nang humiga sa kama. Hindi kaagad ako dinalaw ng antok dahil sa dami ng mga iniisip.

Makikita ko na bukas si Leader. Makakausap ko rin kaya siya? Dalawang linggo siyang hindi nag-text sa akin. Kahit tawag o bisita wala. Hindi ko na tuloy alam ang gagawin ko sa kaniya. Kahit na hindi ko siya nakikita o nakakausap, mas tumitindi lang ang nararamdaman ko para sa kaniya.

Bakit biglang nagkaganoon? Anong dahilan niya para hindi magparamdam sa akin? I hate demanding for someone. Why do I feel so lonely? Wala akong karapatan. Wala kahit saan.

Alas sinco ng madaling araw ay gising na ako. Inayos ko na ang mga gagamitin ko at dumiretso na sa banyo para makaligo. Maglalakad ako papasok sa school para na rin sa exercise. Matagal din akong hindi nasikatan ng araw dahil madalas akong nasa bahay.

Nang bumaba ako para makakain ay si Mama lang ang naabutan ko. Nagluluto pa lang siya ng agahan kaya naman umupo ako at nginitian siya.

"Good morning po, mama." pagbati ko sa kaniya. Gulat siyang tinignan ako at binati rin pabalik.

"Ang aga mo naman?"

"Araw-araw na po akong ganito..." sagot ko.

Inabala ko ang paggawa ng sandwich. Pinalamanan ko ng ham and cheese. Apat na ganoon ang ginawa ko para habang naglalakad ako ay may kinakain ako at ang matitira ay mamayang break time.

"Una na po ako!" pagpapaalam ko habang sinusuot ang sapatos. "Pakisabi na lang po kay papa!"

Nakangiti ako habang naglalakad. Wala gaanong dumadaan na sasakyan pero ayos na rin naman. Kinakain ko ang sandwich na ginagawa ko habang naglalakad. Malayo pa ako sa school pero ayos lang.

Namiss ko tuloy ang bisekleta ko. Mas masarap lasapin ang hangin sa umaga kapag naka bisekleta. Siguro pag-iipunan ko na lang ulit bago ako bumili. Mas kailangan kong unahin ang kinabukasan ko.

I arrived at school exactly 7:30am. I'm too early but this will do.

Hindi na ako umaasa na makikita ko si Leader ngayon. Siguro ay talagang iniiwasan niya na ako dahil kay Bella. Pero anong ibig sabihib nung halik niya sa akin? Isa lang ba 'yon sa mga ego trip niya?

Kumirot ng kaunti ang aking dibdib. Umiling na lang ako at diretsong pumasok sa room.

Una kong nakita si Legend na natutulog. Tahimik akong umupo pero nagising pa rin siya dahil sa isang hakbang ko. Napakagat labi ako at tipid na ngumiti sa kaniya.

"Mona!" aniya sabay tayo papalapit sa akin. Tinignan niya pa ako mula ulo hanggang paa bago ako nginitian.

"Uy..."

"It's been a while!" saad niya pa sabay alalay sa akin kahit na hindi naman na dapat.

"Oo nga e," sabi ko sabay upo sa aking upuan. Nakakamiss din pala itong upuan ko. "Makakahabol pa kaya ako sa lessons?"

Umupo siya sa katabing upuan ko. "Yup. You're pretty genius and I believe in you."

Napangiti ako. Mabuti pa itong kapatid ni Leader ay kinakausap at kinakamusta pa ako. Hindi kagaya ng kaniyang kuya! Pinabayaan na ako matapos akong halikan!

Ang huling kasama niya ay sila Hell. Kamusta na kaya sila? Sana naman ay ayos lang ang mga 'yon. Hindi ko maiwasang mag-alala para sa kanila.

"Legend..." tawag ko sabay iwas ng tingin.

"Yes?"

"Nasaan ang kuya mo?" diretso kong tanong, nakaiwas ang tingin.

"I don't know, Mona. He's busy with his studies...I guess? Graduating e," aniya sabay kibit balikat.

Akala ko pa naman ay umalis siya kaya hindi nagparamdam. Andito lang pala siya sa school at wala talaga siyang pakialam sa akin?

Ang alam ko ay may prom ang seniors sa Sabado. Grade 11 and Grade 12 lang ang kasali pero pwede naman silang humugot sa Grade 10 para sa kanilang date sa araw na 'yon.

Nakaka excite naman maging senior sa susunod na taon. Ilang buwan na lang ang hihintayin ko. Sana wala nang mangyaring hindi maganda.

Sunod-sunod ang naging pagdating ng mga kaklase namin. Kinamusta nila ako at tipid ko silang sinasagot. Dumating na rin si Van at nginisian pa ako bago ako niyakap.

"Hindi ka na pilay?" natatawang tanong ni Van.

"Hindi naman ako pilay e..." nakangusong sabi ko sabay iwas ng tingin.

"Namiss kita, bakla!" malakas na sabi niya bago ako niyakap ng mas mahigpit at hinalikan pa sa pisngi. Ang clingy talaga ng bading na 'to. Kung hindi ko lang alam na bading siya ay aakalain kong gusto niya ako.

Mabilis na lumipas ang oras. Nakahabol ako sa lahat ng discussion kaya naman natuwa ako. Pero hindi ko inaasahan na uulan ng malakas ngayong uwian. Kahit na 5pm pa lang ay madilim na ang kalangitan.

"Sabay ka na sa amin, Dea!" si Van.

Umiling ako. "Hindi na. Magpapasundo ako kay Papa," ani ko kahit na hindi naman iyon ang totoo.

Balak kong patilain ang ulan bago tuluyang umuwi. Waterproof naman ang bag ko kaso ayokong maligo sa ulan kaya hihintayin ko na lang na tumila.

"Ingat ka, okay? Text me when you're home!" habol niya pa kaya tumango ako at kumaway sa kaniya.

Ang akala ko ay medyo hihina ang ulan ngunit mas lumakas pa ito. Hindi ko alam na may bagyo pala. Hawak ko ang palda ko ngayon dahil nililipad ito sa sobrang lakas ng hangin.

May humintong pulang sasakyan sa harapan ko. Nang bumukas ang bintana ay nakita kong si Jameson iyon.

"Dea?" rinig kong sabi niya sabay labas ng kaniyang sasakyan at naglabas pa ng payong.

Mas lumaki ata ang hubog ng katawan niya at mas lalong naging gwapo. Ang huling kita ko pa naman sa kaniya ay 'yung nagsapakan nila ni Leader.

Magulo ang kaniyang buhok at igting ang panga. Isa si Jameson sa mga maloko dito sa school pero maraming nagkakandarapa para sa isang 'yan.

"Hatid na k-kita?" utal niyang tanong.

Nginitian ko siya at kasabay noon ang biglaang pagnganga niya at iniwas pa ang tingin. Namula siya namg bahagya at kumamot pa sa kaniyang batok.

"Hindi na, Jameson. Susunduin ako ni Papa..." mahinang sabi ko, nakangiti pa rin.

"G-Gano'n b-ba?" nauutal pa rin siya. "S-Sige... Una na a-ako?"

"Sige. Ingat ka!" sabi ko sabay kaway pa sa kaniya.

Nginitian niya rin ako bago siya umalis. Kinawayan ko pa siya ulit hanggang sa makasakay na siya sa kaniyang sasakyan. Akala ko ay aandar na ito pero biglang huminto ulit sa harapan ko.

Napakunot ang noo ko, napakurap pa at tinignan siya. Nakababa ang kaniyang bintana at nakangisi sa akin.

"Pwede ka bang imbitahan sa Sabado?" malakas na sabi niya sa akin.

Gusto niya akong makasama sa Prom. Nakakahiya naman kung tatanggihan ko siya. Mukhang mabait naman si Jameson kahit na inaasar niya ako noon. Napapansin ko kasi na madalas siyang nakatingin sa akin tapos iiwas kapag tinignan ko na pabalik.

"S-Sige..." sabi ko sabay ngiti sa kaniya. "Uwi ka na, Jameson. Baka lumakas pa ang ulan at mahirapan ka sa daan,"

Matamis ang naging ngiti niya bago nagpaalam sa akin.

"You're going to be his date?"

Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko. Ang boses na ito ang natatanging boses na gustong gusto kong marinig. Baritono at lalaking lalaki.

Napapikit ako ng mariin at napakagat sa labi.

I missed his voice.

Continue Reading

You'll Also Like

4.7M 192K 39
Cecelib x Race Darwin x Makiwander Temptation Island's Monasterio Legacy
108K 4.9K 43
What will happen if a nephilim or a half human and half angel fall in love with a demon? Will she embrace his downfall to win his heart despite thei...
27.5M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...
1M 29.3K 44
It was one fine morning at Konsehal Casimiro Zaragoza's office-nang may dumating na isang babae at ipinapaako sa kaniya ang anak nito. Pero paano ni...