One Beautiful Mistake (Elling...

By asteraoth

2.9M 75.1K 27.9K

Desdemona Astrea Costello, an ordinary girl as well as a scholar student. She is very obedient and well-loved... More

One Beautiful Mistake
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Wakas
OBM -PUBLISHED UNDER PSICOM

Kabanata 10

64.9K 1.7K 348
By asteraoth



Kabanata 10

Caught

"Van, ayos lang naman ako." ani ko sabay ngisi habang siya ay abala pa rin sa pakikipagusap sa doctor na tumingin sa akin.

"It's much better kung sigurado tayo," sagot niya sabay baling sa doctor

Inabala ko na lang ang pagaasikaso sa mga kagamitan ko. Alas siete pa lang ng umaga at pwede na raw kaming umuwi. Sina Leader at Bella ay wala dito sa hospital. Hindi ko lang alam kung babalik pa ba sila o hindi na. Siguro ay magkasama sila ngayon at nakalimutan na ako.

Naalala ko ang eksena namin kagabi ni Leader. He was so worried about me. Umiyak ako nang umiyak sa kaniya hanggang sa nakatulog na ako sa pagod. I feel so safe with him pero tila naglaho 'yon sa tuwing maiisip ko ang reaction niya kasama si Bella. Ang mumunting yakapan nilang dalawa ay nakakabahala.

Why am I even thinking about that? Kung gusto nilang magyakapan ay labas na ako doon! But Leader asked me kung papayag ba akong manligaw siya sa akin. Was it a lie? Isa lang ba ako sa mga napagtripan niya?

"There's nothing serious about your case, Ms. Costello. However, you've sprained your left leg and it will take you few more weeks for it to completely heal." aniya ng doctor. Tanging tango lang ang nasabi ko habang nakikinig sa mga sinasabi niya.

Napanguso ako. Mukhang mahihirapan ako nito. Marami pa naman ang natamo kong sugat at kahit ang braso ko ay masakit. Ang kanang palad ko ay napuruhan ng gasgas kaya hanggang ngayon ay mahapdi.

"How about her forehead, Doc? Is it something serious?" si Van.

"Not really. It's just a normal wound and there's nothing to worry about." nakangiting sabi niya sabay tapik sa aking balikat. "You're free to go, Ms. Costello."

Tumango ako at saka kinuha ang phone kong kakatapos lang i-charge. Nakangisi si Van sa gilid ko at inasikaso na rin ako.

May pasok dapat kami ngayon kaso ayaw akong iwanan ni Van kahit na kaya ko naman. Mahihirapan daw ako kung mag-isa ako kaya naman ito ang plano niya. Samahan ako buong araw.

"Dito ka lang. Kukuha lang ako ng wheelchair para hindi ka mahirapan," pagpapaalam niya sa akin.

Hinayaan ko siya sa gusto niyang gawin habang ako ay tahimik na tinitignan ang mga sugat ko. Nasiraan ako ng bike at kahit ang salamin ko ay nabasag. Magpapagawa pa tuloy ako ng bagong salamin dahil hindi ako kumportable sa contact lenses.

Tanging puting spaghetti strap at shorts lang ang suot ko. Bawal pa akong nagsuot ng T-shirt at pants dahil mahihirapan ako sa ganoon. Mas maayos na rin ito para hindi hassle.

Habang hinihintay ko si Van ay biglang tumunog ang phone ko. It was a call from my mother. Tingin ko ay dapat kong ipaalam ang lagay ko sa kanila. They deserve to know everything becauae I am their daughter.

"Ma..." mahina kong sagot sa kaniyang tawag.

"Good morning, hija. You getting ready for school?" baritonong boses ang bumungad sa akin. This is probably my dad. Mas kinabahan tuloy akong magsabi.

"H-Hindi po..." napakagat labi ako. "Nasa ano po ako...hospital,"

Biglang pumasok si Van. Nakatitig siya sa akin at tulak-tulak pa ang wheelchair. Kumunot ang kaniyang noo kaya naman nilagay ko ang index finger ko sa aking labi para hindi siya magsalita.

"What? What happened to you, Dea? Nawala lang kami ay naaksidente ka na?!" tumaas ang boses ni papa at gusto ko na siyang pakalmahin dahil baka atakihin pa siya ng highblood.

"Minor accident lang naman po." I lied. "Konting gasgas lang sa tuhod..."

I heard him sighed. "I told you to stop using that bike! Kaya naman kitang bigyan ng sarili mong sasakyan kung gugustuhin mo!" this is what I hate about papa. Masyado niya akong pinagbibigyan sa mga bagay at iyon ang isa sa dahilan kung bakit nagagalit si ate Anna sa akin kahit na pinapaboran din naman siya.

"Ayos lang po ako,"

"Fine! Just be careful next time." aniya at ako naman ay tumatango na akala mo ay makikita ni papa. "Check your account. We put some digits for your weekly allowance,"

Napakurap ako sandali. Marami pa ang laman ng trust funds ko. Nasa ilang milyon na yata 'yon at patuloy na nadadagdagan. Kaya naman nagpatulong ako kay Van para magkaroon ng isa pang bank account na hindi alam nila papa. Doon ko nilalagay ang mga ipon ko. Kalahati ng trust funds ko ay inililipat ko doon. Hindi naman ako pinagbabawalan nila Mama dahil bihira lang ako magwaldas ng pera.

"I love you, pa. Ingat po kayo diyan!" ani ko.

"I love you too. Pauwi na kami next, next week. Marami akong pasalubong para sa'yo at kay Van."

Naputol na ang tawag at doon ko lang binalingan si Van. Pumasok ang iilang body guards niya at binitbit ang mga gamit namin. Si Van naman ay inalalayan akong umupo sa wheelchair.

"Gaano ka-minor accident 'yang nangyari sa'yo at bakit mukhang malala na hindi ka makalakad ngayon?" nanunuyang sabi niya.

"White lies, Van."

Hindi na siya sumagot at tinulak na ang wheelchair papalabas ng silid. Tahimik lang ako habang siya ay patuloy sa pagkukuwento tungkol sa nangyari kahapon.

"He's so mad kasi wala ka kahapon sa room!" kwento niya, si Leader ang tinutukoy niya.

"Bakit naman siya magagalit?"

"Duh! He wants to see you kasi! Binabaan mo raw ng tawag e,"

Napakunot ang noo ko. Nalowbat kaya ang laptop ko kaya hindi na ako nag abala. Kahit ang phone ko ay patay kaya wala akong choice. Hindi ko naman inaasahan na magiging ganito pala. Sana sinabi niya hindi 'yung bigla siyang nagagalit.

Paano niya pala sasabihin? Hindi nga pala kami nakapagusap ng maayos.

Isinakay ako ni Van sa back seat ng BMW niya. Kasama namin ang driver niya at isang bodyguard sa unahan. Tumabi sa akin si Van.

"Mamaya ay magpahinga ka, huh? Don't stress yourself." paalala niya

Biglang nag vibratr ang phone ko. Nakatanggap ako ng text mula kay Legend kaya binuksan ko 'yon.

Legend:

I heard what happened. You okay?


Napangiti ako habang nagtitipa ng mensahe.


Ako:

Okay lang. Thank you.

Legend:

Kumpleto ang notes ko. I could let you borrow it if you want to...

Ako:

Sige. Salamat ulit!


Napailing ako. Ito ang nakakatuwa kay Legend. Hindi siya mukhang approachable na tao dahil madalas seryoso at madilim ang awra but he's really nice. He's ten times better than his brother, Leader who only wants to fuck every girl in our school.


Magkamukha naman silang dalawa but Legend is in between tanned and fair. He has this cold dangerous stares while Leader is more on a playful side. Maputi at makinis si Leader kaya mas lalong nakakasilaw ang kaniyang malalim na dimple.

"Who texted?" tanong ni Van.

"Si Ledge," nagkibit balikat siya sabay baling sa bintana.

Nang makarating kami sa bahay ay hirap na hirap akong umakyat papunta sa aking kwarto. Paano pa kaya kapag pababa na ako? Hindi ko yata kakayanin!

Napahinga ako ng maluwag nang makaupo ako sa aking kama. Si Van naman ay sinasabihan ang mga bodyguards tungkol sa mga gamit.

"Dea," tawag ni Van. "Bibili lang ako ng mga gamot mo at pagkain na rin,"

Tumango lang ako. Hinalikan niya ako sa pisngi bago nagpaalam. Kumaway pa ako sa kaniya hanggang sa makaalis siya kasama ng mga bodyguards niya.

Napagpasyahan kong mag facebook muna. Hirap ako sa pagpindot dahil mahapdi ang palad ko pero kaya naman.

Something caught my attention on my news feed. It was a picture posted by Bella Sernal. They were sitting next to each other. Kuha ito sa isang bar dahil kita roon ang makukulay na ilaw at mukhang nakainom pa silang dalawa.

Tha caption was, "Finally! I missed you!"

Naka-tagged iyon kay Leader at dinagsa ng comments kaya naman lumalabas ito sa news feed ko kahit pa hindi ko friend si Bella.

Majority ng comments ay natutuwa sa kanilang dalawa. Ang ilan pa ay sinasabing bagay na bagay sila at mabuti naman dahil nagkabalikan na ulit sila.

Parang may kumurot sa aking puso. This is no longer a joke! Ang iniyak ko kagabi dahil sa sakit na naramdaman ko ay naging totoo na ngayon! He's dating Bella at kung hindi ako nagkakamali, matagal na silang dalawa. Naudlot lang siguro dahil umalis si Bella.

Naramdaman ko kaagad ang naging pagtulo ng luha ko. Ngayon ko lang naramdaman ang ganitong pakiramdam. How I wish that it was just a normal crush for someone pero hindi! It's even deeper than that!

He took my first kiss. He made me feel so safe and special all the time. He even told me na liligawan niya ako. What could be the possible reason for that? Mukha ba akong challenge para sa kaniya para ganituhin niya ako?

Isinarado ko na lang ang phone ko at hinayaan ang sarili ko na umiyak. Iniiyak ko ang lahat ng posibleng emosyon na meron ako. Siguro naman mawawala rin ito. Bata pa ako at marami lang iba diyan. Hindi lang siya.

Tumunog ang phone ko. Hindi ko na natignan kung sino iyon dahil nasagot ko na. Sumisinghot pa ako nang magsalita ako.

"H-Hello?"

"Dea?" para akong nawalan ng ulirat sa narinig na boses. Kahit na kagabi ay kasama ko siya, pakiramdam ko ang tagal na simula nang makausap ko siya. "Hey..."

"Hmm?"

"Wala ka na sa hospital? Why is it so early? You didn't wait for me?" tanong ni Leader.

"Umuwi n-na kami..." pabulong kong sabi.

"Can I go there?"

Nataranta ako at kaagad na nangapa ng sagot. Hindi siya puwede dito! Hindi pa ako handang makita siya dahil masakit pa ang puso kong sugatan.

Nakakatawang isipin na mas masakit ang nararamdaman ko sa loob kaysa sa pisikal na sakit na meron ako ngayon. Paano ba ito?

"N-Nasa bahay ako ni lola..." Liar! You don't have any grandparents so why would you go to their place?

"Malayo ba 'yan?" hindi ako nakasagot hanggang sa narinig ko ang buntong hininga niya. "Sorry, baby. I woke up late,"

Paanong hindi mahuhuli sa gising e, abala sa paghaharot kagabi? Kailan pa ako naging ganito kasama mag isip tungkol sa isang tao? This is not good.

"It's okay." napakagat ako sa aking labi dahil may nagbabadya na naman na luha.

Kung hindi niya ako gusto, sabihin niya na! Hindi 'yung ganitong umaasa ako sa katiting na atensyon niya. Hindi naman ako eksperto sa ganitong larangan kaya sana naman tigilan niya na.

"Where are they, Lad?" rinig ko ang boses ng isang babae sa kabilang linya. Nanigas ako sa puwesto ko at nanatiling tahimik.

"They went home, Bel."

He's with Bella again! Baka magkasama pa silang natulog? Hindi na ako magtataka kung ganoon nga ang nangyari!

Mas naiyak lang ako sa aking naisip. Walang sabi kong binaba ang tawag at tahimik na humiga sa kama. Naka silent mode ang phone ko at umiyak lang ako nang umiyak hanggang sa makatulog.

Mahapdi ang mata ko nang imulat ko 'to. Sinubukan kong bumangon at kirot sa aking ulo ang una kong naramdaman. Binalewala ko iyon at hinanap na lang si Van sa buong paligid pero wala siya. Alas onse na at mukhang napahaba ang tulog ko.

Hindi pa rin ba siya nakakauwi? Ang tagal naman niyang mamili ng mga kailangan na sinasabi niya?

Humawak ako sa gilid para makababa ng hagdan. Isa-isa ang naging hakbang ko dahil mahirap para sa akin na ilakad ang paa ko.

"You awake?" hindi pa ako tuluyang nakakababa nang marinig ko na ang boses na nagsalita. Hindi ako pwedeng magkamali!

Nilingon ko siya na prenteng nakaupo sa sofa at hawak ang remote. Naghahanap siya ng channel na maaari niyang panuorin.

Kumunot ang noo ko, natigil sa pagbaba ng hagdan.

Nahagip ng mata niya ang tingin ko kaya iniwas ko ito agad. Aakyat na lang ulit ako.

Humawak ako sa gilid at humakbang paakyat. Mas madaling umakyat kaysa bumaba sa ganitong kalagayan. Hindi pa man ako nakakaakyat ay nakaramdam na ang ng braso na pumulupot sa aking baywang.

Nanigas ako sa kinatatayuan ko.

"Baby," Leader called. He buried his head at the side of my neck. "Why do you keep on avoiding me?"

The last time I checked, I cried the whole morning because of him. Bakit ba andito siya? Ang gusto ko lang naman ay maging tahimik ang buhay ko tapos ito siya, ginugulo na naman ang isip ko!

Unti-unti ko siyang hinarap at pinagsisihan ko rin kaagad. Why does he look so hot?

"Bakit ka andito?" diretso kong tanong sa kaniya.

"I'm here to take care of you! You didn't even tell me what happened, Dea!" tinaasan niya ako ng boses kaya napakunot noo ako.

"B-Bakit ko naman sasabihin sa'yo?"

"Damn!" mariing mura niya bago ako niyakap ng mas mahigpit. Hindi ako nakakilos kaagad dahil pakiramdam ko ay mapipiga ako.

Nanatili kaming tahimik na dalawa. Natatakot akong baka maramdaman niya ang tibok ng aking puso. Malakas pa naman ito at mabilis. Kinakabahan ako sa ikinikilos niya pero naiinis rin ako dahil ganito siya. Anong problema niya sa akin?

"A-Aray..." angal ko nang matamaan niya ang sugat ko sa tuhod. Napabitiw siya bigla at napatingin siya sa akin.

"You okay?" nag aalalang tanong niya.

"Pwede bang umalis ka muna?" sabi ko sabay iwas ng tingin. Napalabi siya at hindi nakasagot. Iniwas ko ang aking tingin at napabuntong hininga pa.

"What? Why?" nagtatakang tanong niya.

Hindi ko alam kung anong dahilan niya kung bakit siya andito. Nakakainis. Ayaw kong makita at makausap siya ngayon.

"Sumama ka n-na lang kay B-Bella..." halos pabulong kong sabi. Napayuko ako.

"Oh baby," hindi ko inangat ang tingin ko at hinayaan lang siyang haplosin ang pisngi ko. Hinawakan niya ang baba ko at siya na ang nag angat nito. "Are you jealous?"

"No!" mariin kong sabi.

"Really?"

"Of course!"

Bakit naman ako magseselos? Wala naman akong karapatan at isa pa, buhay nila 'yon. Bahala sila sa buhay nilang dalawa. Labas na dapat ako doon.

Hindi pa niya ako sinasagot ay bigla niya na akong siniil ng halik. Itinagilid niya pa ang kaniyang ulo para mas lumalim ang halik.

Gusto ko siyang itulak pero hindi ko magawa. Nanghihina ako sa hindi malamang dahilan at ang binti ko ay nangangatog.

Napansin ko lang na nasa hagdan pala kami nang unti-unti akong napaupo habang inaalalayan niya ako.

He's now on top of me. Nakakahilo ang bawat halik niya. I snaked my arms around him, he smirked because of it.

"Ay! Live show?!" kusa akong napabitiw kay Leader nang marinig ko ang isang malanding boses ni Van.

Buong lakas kong tinulak si Leader para maalis siya sa ibabaw ko habang ako ay nalilito kung ano ang dapat kong gawin. Si Leader naman ay mukhang ayos lang sa kaniyang at hinahawakan pa ang labi niyang namumula at basa.

Nabigla ako nang buhatin ako ni Leader at ibinaba. Inilapag niya ako sa sofa at doon ko nakita si Van na may mga dalang plastic bags.

"Ano 'yan, Ellington?! Bakit mo nilalapa ang kaibigan ko?!" magkasunod na tanong ni Van habang nilalapitan kami.

Tawa lang ang sinukli ni Leader bago siya umupo sa gilid ko. Nanatili akong nakayuko dahil sa hiyang naramdaman. Nahuli pa tuloy kami ni Van! Ano na lang ang iisipin niya?

Marumi pa naman ang utak nitong si Van baka naman magkalat siya ng kung anong ideya niya. Hala, lintik na!

"Hoy!" dinuro-duro niya si Leader na nakangisi. "Anong ganap 'yon?!"

"She's mad and I want to give her the assurance..." nagkibit balikat pa siya.

Napatingin ako kay Van.

"Anong pinagsasabi mong assurance?!" mataray na tanong ni Van sabay irap kay Leader. "Tigilan mo nga ako, Leader! Baka samain ka sa akin?"

"Words are not enough, Van. I need to do something to make her feel that she's the only one," natatawang sabi niya pa sabay haplos sa aking likod. "She's damn seductive, hmm?"

Halos mag init ang buong katawan ko at pakiramdam ko ay pulang pula na ako sa kinauupuan ko. Mas lalo akong napayuko at hindi na sila binalingan.

Continue Reading

You'll Also Like

11.5K 450 36
Single Ladies Series #4 | a collaboration After failing as an actress, Autumn Avery continued to deceive everyone by acting as if she still had the p...
3.2M 116K 55
(Magnates Series #2) Always the perfect and obedient daughter, Blaire Maigen Bordeaux has always lived her life trying to meet her mother's expectati...
91.9K 1.3K 97
Si Sabina ay isang dakilang fan ng UAAP Men's Basketball. Lahat yata ng University may crush siya, pero sabi nga niya, kahit marami siyang crush, sti...
633K 10K 53
Eligible Heiress Series Book 2 [Completed] In a relationship, with love, time will tell... it always does. But how elusive heart can be? The story i...