Lab U, Insan! (Book I)

By chumeleven

162K 2.2K 678

Naranasan mo na ba magmahal? Kahit alam mong bawal? Bawal dahil... Mag-pinsan kayo. Hindi 2nd or 3rd or 4th c... More

Lab U, Insan!
Author's Note:
1_Her Present
2_She's A Star?
3_The Wedding Anniversary
4_No Ordinary Love
5_Handshake
6_Her Past (One)
7_Her Past (Two)
8_Tree House
9_The Incident
10_Casa Blanca
11_Bringing Back The Memories
12_Complicated Life
13_Stupid Alex
14_He's Back
15_Triangle or Square
16_Truth between the Lies
17_Surprise Vacation
19_Change
20_Confession
21_Her Accident
22_Coming Back
23_Distance
24_His Decision
25_Public or Private
26_The Runway Scene
27_Near Yet So Far
28_Their Moment
29_First Date
30_Truth Hurts
31_Lost and Found
32_The Meeting
33_The Whole Truth
34_DNA Result
35_Daphne Woo
Epilogue
About the Book II...
Author's Note: Closing of Book I

18_Broken Past

3.6K 43 4
By chumeleven

*Flashback (College Days)*

“Ui, Alex. Boyfriend mo na pala si Casey. Kailan pa?” tanong ng isang kaklase ko na tsismosa habang hinihintay si Casey. Saan naman kaya nila nasagap ang balitang iyon?

“Hindi ko siya boyfriend.” Sagot ko dito. Mukhang nagulat siya sa sinagot ko sa kanya. Siguro iniisip niya na tinurn down ko ang isa sa mga HOT boys dito sa university.

“Seryoso? Bakit sabi nila--…” naputol ang pagsasalita niya nang sumingit ako.

“Sabi lang nila ‘yon. Hindi naman totoo ‘yon.” Turan ko dito.

“Ganon ba? Naku, talaga. Mali-mali naman pala ang impormasyon na binibigay nila sa akin.” Iritableng sagot ng kaklase ko saka tumayo at naglakad palayo sa kinauupuan ko.

Gusto kong matawa sa sinabi niya pero pinigilan ko. Hehe. Iyan ang napapala ng mga tsismosa na hindi muna inaaalam ang totoo.

Kahit naman gustuhin ko na maging totoo ‘yon, hindi pa rin pwede. Hindi lang dahil hindi pwede, dahil bawal. Napapaisip tuloy ako, bakit ba kasi siya pa ang minahal ko?

“Alex!” sigaw ni Arianne habang papasok ng classroom. Talaga ‘tong babaita na ‘to.

“Bakit?! Makasigaw ‘to parang wala nang bukas. Hahaha.” Panunukso ko dito. Hindi niya pinansin ang sinabi ko at umupo sa tabi ko.

“Kashii naman! Ayieee. Nandyan na ‘yon sundo mo!” Sundo?! Si Kamatayan?

“Hoy, anong sundo?! Bata pa ako para sunduin ni kamatayan!”

“Shunga! Ang ibig kong sabihin, ‘yon boyfriend mo!” takte! Kailangan talagang ipag-sigawan?

“Shunga ka din! Wala pa akong boyfriend!” singhal ko dito kaya nakatikim ako ng batok sa kanya. Sakit din noon ha.

“Si Casey, nandyan sa labas. Hinihintay ka!” Oh! Si Casey naman pala eh. Pinaikot-ikot pa nito. Pwede naman sabihin na si Casey ang sundo ko ngayon. Kung anu-ano pa ang sinasabi.

“Gulo mo din! Pwede naman pasimple mo na lang sabihin na si Casey ang naghihintay sa labas. Pinaikot-ikot mo pa.”

“Oo na! Ako na magulo. Anyway, congrats, friend!” sambit nito at sabay yakap sa akin.

“Ha? Congrats para saan?” Kunot noong tanong ko dito.

“Congrats kasi may boyfriend ka na.” pinaningkitan ko siya ng mata.

“Naniwala ka naman sa tsismis?” usal ko dito.

“Oo! Dali na. Puntahan mo na at kanina ka pa ata hinihintay.” Tinulak na niya ako mula sa upuan papunta sa pinto. Nakita ko si Casey na nakasandal sa pader malapit sa pinto.

Nang mapansin niya ako ay agad niya akong hinawakan sa kamay at hinatak pababa ng building.

Bakit ganon? Ang tahimik niya ngayon.

Marahas kong tinanggal ang kamay niya nang makababa kami sa building.

“Ano bang problema mo?” tanong ko dito. Nasa bulsa na nito ang dalawa niyang kamay habang naglalakad kami palabas ng university.

“Wala.” Ngumiti ito sa akin at tinanggal nito ang isang kamay nito sa bulsa niya at inakbayan ako habang naglalakad kami.

Halos lahat ng estudyante na madaanan namin ay napapatingin sa amin. Sino ba naman hindi? Ikaw ba naman, kasama mo ang isa sa mga tinaguriang HOT dito sa university, malamang, mapapatingin sila. Lalo na at naka-akbay pa siya sa’yo. Oha?

“Lalim ng iniisip mo.” Puna nito at saka pisil sa ilong kong matangos na lalong tatangos pa. Hahaha! Agad ko naman tinabig ang kamay niya. Hindi na ako makahinga!

“Ano ba. Problema mo? Bakit ang sweet mo ngayon?” Pakingsyet! Sweet?!

“Hahahaha! Gutom na kasi ako kaya ako sweet sa’yo. Magpapalibre sana ako.” Para-paraan talaga nitong si Casey.

“Ah, ganon?!” kinurot ko siya sa tagiliran.

“Aray! Ikaw.” Pinisil ulit niya ang ilong ko. Argh!

Nagkulitan lang kami hanggang sa makarating kami sa motor niya. Naunang siyang umangkas at sumunod naman ako sa kanya pagkasuot ko ng helmet.

Ang sarap sa pakiramdam ng ganito. Iyong lagi mong nayayakap ang taong mahal mo kahit na hindi naman niya alam na mahal mo siya.

Kung titingnan nga, para kaming mag-boyfriend. Simula kasi noon tangkain akong i-bull’s eye ni Brent sa bar niya ay lagi na niya akong sinasabay kaya si Tatay Roger muna ang driver nila Mom at Dad. Kahit na hindi halos magkasabay ang sched namin, matyaga pa rin niya akong hinihintay dahil gusto nga niya akong protektahan.

Nang makarating na kami sa bahay ay agad akong bumaba sa motor niya at nagpaalam.

Papasok na ako ng kwarto nang tawagin ako ni Ate Alexis.

“Alex, halika ka nga rito.”

“Bakit?” Pumasok ako sa kwarto niya. Ito ang pangalawang beses na nakapasok ako sa kwarto niya. Syempre, ano pa ba ang makikita ko? Puro mga kakikayan niya.

“Totoo ba?” Kumunot ang noo ko sa kanya.

“Ang alin?” walang ganang sagot ko dito.

“Na boyfriend mo si Casey?” kaswal na tanong nito.

“Hindi.” Mabilis na sagot ko dito. Grabe. Umabot na din pala sa mga senior ang tsismis tungkol sa amin ni Casey.

“Sigurado ka?” Tinaasan niya ako ng kilay. Ano ba. Sarili niyang kapatid, pinagdududahan niya? Sa akin na mismo nanggaling diba?

“Oo. Kaya huwag kang maniwala sa mga tsismis dahil walang katotohanan ‘yon.” Sagot ko sa kanya bago ako lumabas ng kwarto niya.

Pumasok na ako sa kwarto ko at agad na sumalampak sa kama. Naiinis na ako sa mga tsismis na naririnig ko. Parang lalo lang akong nasasaktan kapag sinasagot ko ang mga tanong nila sa akin kung totoo ba ‘yon.

Bumangon muna ako at saka nagpunta sa banyo para maghilamos at magsepilyo. Nawalan na ako ng ganang kumain ng hapunan. Itutulog ko na lang ‘to.

**********

Maagang dumating si Casey sa para sunduin ako. Sabay kasi kaming papasok ng university. Tama kayo, hatid at sundo ako ni Casey. Ang haba lang ng hair ko. Hahaha!

“Kapit ka ng mabuti.” Utos nito at syempre, kumapit naman ako.

Pagkadating namin sa university ay agad akong sinalubong ni Errol at inakbayan.

“Ganda natin ngayon ah!” Hindi ko alam kung pinupuri ba ako nito o tinutukso.

“Matagal ko nang alam ‘yon! Huli ka na sa balita. Hahaha!”

“Sabi mo eh!”

Habang naglalakad kami sa hallway ay isang grupo nang mga babae ang napansin ko na nakatingin sa akin. Hindi lang basta tingin, kundi masamang tingin.

Naging maayos naman ang takbo ng umaga ko hanggang sa dumating ang lunch break. Kasama ko ang barkada ko tuwing lunch break. Medyo nauna lang ako sa kanila ngayon dahil may aasikasuhin pa daw sila.

Habang naglalakad ako papunta sa isang bakanteng lamesa ay hinarang ako noon grupo ng mga babae na nakita ko sa hallway. Sila pala ang tinaguriang ‘bitches’ dito sa university dahil sa ugali nila.

Tinabig noon leader nila papunta sa akin ang tray na hawak ko na may lamang pagkain. Ano pa ba? Natapon lahat ng binili ko sa mukha at damit ko. Nalasahan ko pa ‘yon siningang na baboy na inorder ko. Sarap pa naman.

“Hahahahaha! Look at yourself!” sabay-sabay silang nagtawanan sa harap ko. Syet! Anong gagawin ko? Hambalusin ko kaya sila ng tray na hawak ko? Tingin niyo? Kaso baka ma-suspend ako. Mahal ko ang pag-aaral ko kaya hindi ko gagawin ‘yon.

Imbis na patulan sila ay pinulot ko na lang ang nahulog na plato, kutsara at tinidor, baso at bowl na plastic naman lahat. Pagkayuko ko ay may naramdaman akong kung anong likido na binuhos sa ulo ko. Juice pala.

“Hahahahahaha!” nagtawanan na naman sila ulit. Haist. Naiinis na ako pero kailangan kong pigilan ang sarili ko dahil baka ma-ospital sila ng di oras. May alam kasi ako pagdating sa martial arts.

Naramdaman kong may humawak sa magkabilang balikat ko at pilit akong tinayo. Nakayuko pa din ako kaya hindi ko makita kung sino iyon.

“C-Casey…” sambit noon lider ng grupo. Ah, so pagdating kay Casey, takot sila.

“Fvck off! I don’t want to see your faces again near Alex. Clear?!” ma-awtoridad at may halong galit ang tono ng boses ni Casey.

Natameme naman sila kay Casey at unti-unting naglakad palayo sa amin.

“Alex, ok ka lang?” tanong ni Arianne. Dumating na pala ang barkada ko.

“Ok lang. Nasayangan lang ako sa pagkain. Sarap pa naman noon sinigang.” Usal ko.

“Huwag ka na nga magbiro. Tara, kailangan mo magpalit ng damit.” Hinila ako ni Arianne papunta sa restroom ng girls. Bakas sa barkada ang galit sa mga mukha nila.

**********

Ang bilis ng panahon. Juniors na kami. Meaning, 3rd year college students na kami! Isang taon na lang ang bubunuin namin at makaka-graduate na kami.

Kasama ko ulit ang barkada ngayon at nasa isang restaurant kami malapit sa school. Dito kasi namin naisipan na kumain ng lunch.

“Hoy, Alex. Kanina ka pa tulala dyan!” puna ni Errol.

“Oo nga. Ano bang iniisip mo? OJT?” tanong ni Leo.

“Wala nang problema ‘yan sa OJT. May hotel naman sila eh.” Sagot ni Arianne.

Oo, si Arianne na ang sumagot sa tanong nila sa akin. Nanahimik lang ako dahil malalim talaga ang iniisip ko. Dadaan muna kasi kami ni Casey sa park mamaya dahil may importante akong sasabihin sa kanya.

“Aray!” naramdaman ko kasing may bumatok sa akin. Tiningnan ko ng masama si Errol. Siya lang naman ang madalas bumabatok sa akin.

“Wala ka kasing imik dyan! May sakit ka ba?”

“Wala. May iniisip lang ako. Huwag nyo na ako pansinin.” Sagot ko dito.

“Nakakapanibago ka, Alex. Naturingan ka pa naman maingay sa grupo. Hindi talaga magiging masaya ang grupo kapag wala ka.” Usal ni Mai. Whaa! Na-touch naman ako sa sinabi niya.

“Mai naman eh! Ba’t ang drama mo?” turan ko dito.

“Totoo naman eh. Hindi masaya ang grupo kapag wala ang maingay. Hahaha!” nagtawanan na din ang iba.

“Oo na! Thank you! Lab u, guys!” binigyan ko sila ng group hug.

Uwian na at as usual, hinintay ako ni Casey sa may pinto.

“Tara?” yaya ko dito at tumango naman siya at umakbay ulit sa akin.

Mabilis lang namin narating ang park. Nasa loob din naman iyon ng subdivision kaya pwede ko na lakarin ‘to mamaya pag-uwi.

Nakaupo kami sa swing ngayon at ito na ang pagkakataon ko para sabihin sa kanya ang lahat.

“C-Casey…”

“Ano ‘yon? Diba, may sasabihin kang importante?” Nakatingin lang siya sa kawalan habang ako naman ay nakayuko. Syet! Kinakabahan ako.

“Hindi ko alam kung paano ko uumpisahan. Casey, alam kong mali itong nararamdaman ko. Noon una pa lang, sinubukan kong pigilan ‘to pero ayaw magpapigil eh. Hanggang ngayon, ayaw pa rin tumigil. C-Casey, ma-mahal kita.” Nailabas ko din! Whoo. Nakayuko pa din ako. Napansin kong nakatayo na si Casey sa harapan ko.

Hinawakan niya ang dalawang kamay ko at tinayo ako.

“A-Alex, s-sorry. Hindi ko masusuklian ang pagmamahal na sinasabi mo. Pinsan kita at hanggang doon lang iyon. Mas mabuti pang kalimutan mo na ang nararamdaman mo sa akin. Mahalaga ka sa akin, hindi lang bilang pinsan kundi parang isang nakababatang kapatid din.” Dito unti-unting tumulo ang luha ko. Ang sakit. Bakit ba kasi ako umasa? Ang tanga-tanga mo kasi, Alex. Alam mo naman sa simula na ikaw ang talo, tinuloy mo pa rin. Umiyak lang ako ng umiyak sa harap niya. Gusto sana niya akong yakapin pero pinigilan ko siya.

Mabilis kong kinuha ang bag ko na nakasabit sa motor niya at naglakad pauwi nang hindi man lang siya tinatapunan ng tingin.

Ipinangako ko sa sarili ko na kakalimutan ko na siya. Oo, tama. Noon ko pa dapat ito ginawa. Pinaabot ko pa sa ganitong sitwasyon. Mas masakit pala marinig mismo doon sa tao na hindi niya kayang suklian ang nararamdaman mo para sa kanya.

Alex, tigilan mo na ang katangahan mo. Oo na! Titigilan ko na nga eh.

*End of flashback*

**********

“Arianne, ano ka ba. Hanggang ngayon pa rin ba naniniwala ka sa tsismis?” pilit kong winaksi ang mapait na alaala ko noon.

“Tsismis lang ba talaga ‘yon?” nakakunot ang noo niya sa akin.

“Oo at saka imposible ‘yang sinasabi mo dahil pinsan ko si Casey.” Sagot ko dito. Siguro naman, panahon na para malaman nila ang totoong relasyon namin ni Casey.

“ANO?!”

Continue Reading

You'll Also Like

179K 172 150
I don't own this story credits to the rightful owner 🔞
1M 47.5K 107
Hiding their identity is a must for a gangster. She has a mission. Her mission is to find the one who killed her fiance and best friend and that's t...
1.2M 24.3K 34
Mondavalle and Santiago love story Written by: sleepyduchess
25.3K 40 9
❌️ MATURE CONTENT ❌️ People and their desires. Wildness. Secret. Lust. What does it take to give in to temptation? Different lives and a sneak peek...