Lab U, Insan! (Book I)

By chumeleven

162K 2.2K 678

Naranasan mo na ba magmahal? Kahit alam mong bawal? Bawal dahil... Mag-pinsan kayo. Hindi 2nd or 3rd or 4th c... More

Lab U, Insan!
Author's Note:
1_Her Present
2_She's A Star?
3_The Wedding Anniversary
4_No Ordinary Love
5_Handshake
6_Her Past (One)
7_Her Past (Two)
8_Tree House
9_The Incident
10_Casa Blanca
11_Bringing Back The Memories
12_Complicated Life
13_Stupid Alex
14_He's Back
15_Triangle or Square
16_Truth between the Lies
18_Broken Past
19_Change
20_Confession
21_Her Accident
22_Coming Back
23_Distance
24_His Decision
25_Public or Private
26_The Runway Scene
27_Near Yet So Far
28_Their Moment
29_First Date
30_Truth Hurts
31_Lost and Found
32_The Meeting
33_The Whole Truth
34_DNA Result
35_Daphne Woo
Epilogue
About the Book II...
Author's Note: Closing of Book I

17_Surprise Vacation

3.9K 41 5
By chumeleven

*DING DONG* *DING DONG*

Ah, syet naman oh! Ang aga-aga may nangbubulabog sa pagtulog ko! Linggo pa naman ngayon!

Tinakpan ko ang tenga ko ng unan para hindi marinig ang doorbell.

Tumigil ito saglit kaya niyakap ko na ulit ang unan na pinangtakip ko sa tenga ko.

Wala pang ilang minuto ay nag-doorbell ulit at sunod-sunod na ngayon!

Sa sobrang inis ko ay nagulo ko ang buhok kong magulo na saka dumiretso sa pinto para tingnan kung sino ang taong makulit na gustong sirain ang doorbell ko.

Pagbukas na pagbukas ng pinto ay isang flash ng camera ang sumalubong sa akin. The eff! Pinicturan nila ako ng bagong gising!

“Hahahahahaha!” sabay-sabay na tawanan ng barkada ko. Nandito sila ngayon para guluhin ako at himala ay kumpleto sila.

Binalibag ko ang pinto sa harap nila. Bwiset! Pumunta ako sa banyo para tingnan ang itsura ko. Argh! Ang gulo ng buhok ko, may muta pa ako at swollen pa ang mukha ko. Haist.

Naghilamos na ako at saka nag-mumog bago binuksan ulit ang pinto dahil nag-doorbell na naman si Errol na parang walang bukas.

Pagkabukas ko ulit ng pinto ay sabay-sabay silang nagsalita.

“Good morning, birthday girl!” Tinaasan ko sila ng kilay. Kahit sila, nagtaka bakit tumaas ang kilay ko. Sa pagkakaalam ko kasi, next week pa ang birthday ko.

“Hoy, Alex, huwag mong sabihin na nakalimutan mong birthday mo ngayon.” Singhal ni Arianne sa akin.

“Ahm, hindi ko naman talaga birthday ngayon. Next week pa kaya.” Sagot ko sa kanila.

“Baka pwedeng pumasok, Alex.” Turan ni Zed. Pinatuloy ko muna sila sa condo ko at kanya-kanya na silang pwesto sa loob ng condo ko. Si Errol at Arianne, naupo sa sofa at binuksan ang TV. Si Mai at Zed naman, pumunta sa guest room. Alam niyo na, gagawa ng baby--… este kababalaghan. Si Leo naman ay nagpunta sa kusina at hinalughog ang cabinet ko dahil nagugutom na daw siya.

Ako naman, bumalik sa kwarto ko at matutulog sana ulit pero dahil ang ingay ni Mai at Zed ay hindi ako nakatulog kaya naligo na lang ako.

Pagkalabas ko ng kwarto ay nakita ko si Leo na nagluluto ng agahan. Si Errol at Arianne ay nakaupo pa rin sa sofa.

“Bakit ba kayo nandito?” tanong ko sa mga ito.

“Seriously, Alex? Hindi mo talaga maalala na birthday mo ngayon?” tanong ni Leo.

“Hindi nga. Alam ko, next week pa. Teka nga, titingnan ko ang planner ko.” Agad naman akong bumalik sa kwarto para kunin ang planner sa bag ko.

Bago ko pa man mabuklat ang planner ko ay tumunog na ang cellphone ko.

Si Casey.

“Hello?”

“Happy birthday, Alex.”

“Seryoso, birthday ko talaga ngayon?” tanong ko dito. Grabe. Napag-iwanan na pala ako ng panahon.

“Oo. Kahit i-check mo pa sa kalendaryo. Hahaha!” pang-aasar nito.

“Ano na bang date ngayon?”

“12.” Ah. 12 na pala ngayon which means, birthday ko. Wait! Birthday ko nga! Binuklat ko ang planner ko at nakita ko ang note na sinulat ko noon friday. Grabe. Dala siguro ng problema kaya sarili kong birthday, nakalimutan ko na.

“Thank you.”

“You’re welcome, I love you.” Whaaa! Nag-iloveyou siya sa akin?! Bakit?! Ah, alam ko na. Wala na  naman sigurong magawa ‘to kaya kung anu-ano ang pinagsasasabi. Hay.

“O-Ok. Thanks.” Pagkababa ko nang tawag ni Casey ay tinawag na kami ni Leo para kumain. Kasabay ng paglabas ko sa kwarto ay ang paglabas din nila Zed at Mai.

“Kayo talagang dalawa, hindi na kayo nahiya sa akin at dito niyo pa naisipan gumawa ng baby.” Saway ko kay Zed at Mai. Napayuko lang ang dalawa dahil sa hiya.

“Sorry, Alex. Hindi ko na talaga kaya eh. Miss na miss ko na kasi ‘tong honey ko.” Sagot ni Zed at sabay halik sa mga labi ni Mai. Mukhang gusto pang mag-second round nang dalawa na ‘to. Nailing-iling ko na lang ang ulo ko sa kanila at dumiretso na sa kusina para kumain.

“Kayo talagang dalawa, hindi na kayo nahiya sa birthday girl.” Panggagatong pa ni Leo.

Nagsalu-salo na kami sa pagkain na niluto ni Leo.

Ang pancit canton. Bow. Hahaha! Akala ko nga, magluluto ng putahe si Leo ‘yon pala, pancit canton lang ang lulutuin niya.

“Bakit pala ang lalaki ng bag na dala niyo? Huwag niyo sabihin na dito kayo matutulog?” tanong ko sa kanila dahil napansin ko na puro maleta ang dala nila.

“Gusto mo ba? Dito na lang kami titira para hindi ka malungkot.” Turan ni Zed.

“Che! Gagawin niyo lang love nest ni Mai ang condo ko.”

“Hahahahaha!” sabay-sabay silang nagtawanan sa tinuran ko. Totoo naman eh, naku. Kapag nagsama na si Mai at Zed, hindi niyo na mapaghihiwalay ‘yan sa kama.

“Alex, may surprise kami sa’yo.” Sambit ni Arianne. Tumayo siya at may kinuha na kung ano sa bag nito.

Inabot niya sa akin ang isang sobre at nagulat ako nang makita ang laman noon.

Isang 3 days – 2 nights stay sa Puerto Galera! Wow! Kailangan ko talaga ito ngayon. Hep, teka lang! Paano ang hotel? Hindi ako nakapag-file ng leave!

“Kung iniisip mo ang hotel, pinag-file ko na nang leave si Yen para sa’yo at saka ipinaalam na kita sa Dad mo.” Ani ni Errol.

“Ano?! Pumayag naman si Dad?” Iniisip ko kasi na hindi ako papayagan dahil walang maiiwan sa hotel.

“Oo. Pumayag siya basta babalik ka din daw kaagad.” Isa itong himala! Siguro kung si Mom ‘yon, hindi iyon papayag.

“Whaaa! Thank you, Errol!” Niyakap ko siya ng mahigpit.

“Mag-ready ka na nang gamit mo, Alex. Mamaya, aalis na tayo papuntang Batangas Port. Kaya nga maaga ka namin binulabog para makapaghanda ka.” Usal ni Arianne. Dali-dali naman akong tumayo at pumasok sa kwarto ko at nag-pack ng mga damit na gagamitin ko para sa bakasyon namin. Excited na ako!

Pagkatapos kong mag-ayos ng gamit ay nagbihis na ako dahil malapit na raw kami umalis papuntang Batangas. May maghahatid na daw sa amin doon kaya huwag na daw ako mag-alala.

Chineck ko ulit ang mga gamit ko dahil baka may makalimutan ako. Well, madali lang din naman bumili doon kaso gagastos pa ako. Kaya mas mabuti na ‘yon ready na ako.

“Ready na ako! Tara na?” Excited na sambit ko sa kanila paglabas ko ng kwarto. Naka-maong shorts, captain america shirt at sneakers lang ako. Nagsuot din ako ng vintage key necklace at swatch watch habang naka-messy bun naman ang buhok ko. Hindi pa rin pala ako nakakapagpagupit ng buhok.

Pakinsyet! Bakit wala nang tao sa condo ko?! Excited na excited pa naman ako tapos wala na palang tao. Iniwan na nila akooo!

Babalik na sana ako sa kwarto ko nang biglang bumukas ang pinto ng condo ko.

“Alex, tara na! Ang tagal mo kaya nilabas na muna namin ‘yon mga gamit!” Sigaw ni Errol. Chineck ko muna ‘yon condo para tanggalin ang mga dapat tanggalin sa saksak dahil baka pagbalik ko, abo na lang ang maabutan ko. Hehe. Mabuti na ‘yon sigurado, diba?

Lumabas na ako ng condo ko dala ang isang malate, sling bag at jacket. Sabay-sabay na kaming bumaba ng building at sumakay sa isang van na inarkila ni Leo.

Nasa Batangas Port na kami at grabe. Hindi ko maitago ang excitement ko. Ngayon na lang kasi kami magbabakasyon na magkakasama. Hehe.

Sumakay na kami ng ferry na maghahatid sa amin papunta sa Puerto Galera. Mga 1 to 2 hours daw ang biyahe papunta doon.

“Excited na excited ka ah.” Puna ni Errol.

“Oo naman! Ngayon na lang ulit ako makakagala kasama niyo. Thank you nga pala, ha.”

“Wala ‘yon!” pinisil-pisil ni Errol ang ilong ko.

“Ayiee. Ang sweet naman ng dalawa.” Panunukso nila Leo. Inirapan ko na lang sila at in-enjoy ang view. Maya-maya lang ay parang inantok ako. Ako na ang kulang sa tulog tapos binulabog pa ako nitong barkada ko.

“Sandal ka lang dito sa balikat ko kung gusto mo matulog.” Ani ni Errol. Dahil inaantok na talaga ako ay sumandal na lang ako sa balikat niya.

**********

Ginising na ako ni Errol dahil malapit na kami bumaba. Whaa! Ang ganda talaga dito. May tutuluyan na din pala kaming villa sabi ni Leo. Tita pala niya ang nagmamay-ari ng isa sa mga luxury resorts dito sa Puerto Galera. Taray!

Pagkapasok namin ng villa ay hindi ko mapigilan na iikot ang mga mata ko dahil sa ganda. Kaya nga luxury diba? May luxury resort ba na panget? Hahaha!

Inayos muna namin ang mga gamit namin sa kwarto. Magkakasama kami ni Arianne at Mai sa iisang kwarto.

“Alex, swimming tayo!” yaya ni Mai.

“Teka, magbibihis muna ako.” Kinuha ko na ang two piece swimsuit ko at cover up. Pagkalipas ng ilang minuto ay lumabas na din ako.

“Whaaa! Alex, ang sexy mo dyan sa two piece mo ha.” Ano? Sa two piece lang?!

“Bakit sa two piece lang? Sexy naman ako kahit anong suot ko ah!”

“Oo na! Tara na nga at makapag-swim na tayo!” Lumabas na kami ng kwarto at dumiretso sa pool. Naroon na din pala sila Leo.

“Woah! Ang sexy naman ang honey ko.” Bungad kaagad ni Zed pagkakita kay Mai. Syempre, kami ni Arianne ang magkasama. Tinanggal ko ang cover-up ko at lumangoy sa pool. Wapakels na kung naglalaway si Errol. Joke! Hahaha!

Sumunod na din ang iba sa akin sa paglangoy sa pool. Ang ganda ng view. Kitang-kita pa ang sunset mula dito sa villa namin.

Hindi ko namalayan na katabi ko pala si Errol at ninakawan ako ng kiss sa cheeks.

“Errol? Diba, nag-usap na tayo?” sambit ko dito.

“S-Sorry. Happy birthday.” Lumayo naman siya kaagad sa akin. Hindi ko pa rin maiwasan na hindi isipin ang tungkol sa love confession niya. Bakit ba kasi ang ganda ko? Hahaha! Ang dami ko tuloy problema ngayon sa mga lalake.

Umahon na kami nang tawagin na kami ni Leo para kumain ng hapunan. Kinantahan nila ako ng happy birthday song with matching cake pa.

“Happy birthday, Alex!” sabay-sabay na bati nila sa akin.

“Thank you! Group hug!” Syempre, mawawala ba ang group hug? Mahal na mahal ko ‘tong barkada ko.

Pagkatapos nang nakakabusog na dinner ay naglakad-lakad muna ako malapit sa beach.

“Alex, wait!” tawag sa akin ni Arianne. Sumunod pala itong bruha ‘to. Hehe.

“O, bakit?” tanong ko dito nang maabutan ako.

“Upo muna tayo. Kwentuhan mo ako, dali!”

“Ano naman ang gusto mong ikwento ko?” Saglit na nag-isip si Arianne.

“Hmmm. Tungkol sa lovelife mo. Kayo pa rin ba ni Casey?” Na-caught off guard ako doon ah. Bumalik ulit ang mga alaala ko noon college kami.

Continue Reading

You'll Also Like

168M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
261K 321 100
This story is not mine credits to the rightful owner. 🔞
65.4K 1.8K 20
Her name is Brielle Lauren Griffin, the youngest student teacher from Merrol Hyde Academy. Sheʼs not just an ordinary teacher, because she is also a...
1.2M 29.7K 64
"Love is like war,easy to begin but very hard to stop." Alastair Gray McKlein- a wealthy young-man guy with an epitome of God except to his personali...