Always unwanted 💯

By Dream_Secretly

463K 7.9K 295

The feeling of being an unwanted for everyone is sick. Nakakamatay at nakakapanghina ng kalamnan. No one will... More

Always Unwanted
PROLOGO
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13: AFTER 5 YEARS
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
EPILOGO

CHAPTER 28

7.3K 131 7
By Dream_Secretly

NAGULAT sila mommy nang makita si skyrile na natutulog sa sofa. Halos magha-hating gabi na rin nang makauwi sila kaya nang ako ang nagbukas nang pinto ay nagulat sila ng makitang gising pa ako.

"Is that skyrile villafontia?" Naguguluhang tanong ni lola. Bakas na sa mukha niya ang pagod at antok kaya imbis na sagutin ang tanong niya ay iginaya na lamang siya ng mga lalaki sa kwarto niya. Makahulugan lamang akong tiningnan ni kuya. Ang mga pinsan ko naman ay nanatili ang kaseryosohan sa mga mukha nila.

"You have to rest, 'la." Rinig kong sabi ni kuya.

"Victoria?" Napalingon ako kay mommy at daddy na nanatiling nasa harap ko. "What is he doing here?" Seryosong tanong ni daddy.

Napatingin muna ako kay jethro na nakatayo sa tabi ko. "He's drunk, 'dy." Sabi ko.

"Ako po ang nagdala sa kaniya dito, tito. Kasalanan ko po. I'm sorry." Pagpapatuloy ni jeth.

Malakas na bumuntong hininga si mom. "Why jethro? Alam mo namang sinaktan ng asawa niya si victoria." Napahilot ng sintido si mommy. Pinagmasdan ko sila. They look tired. Nakaramdam na naman ako ng guilt. Dapat ay nagpapahinga na sila ngayon imbes na problemahin pa ako.

"Divorce na po sila tita..." Napayuko si jethro sa sinabi niya.

Siniko ko siya at pinanlakihan ng mga mata. Kinunotan niya lang ako ng noo na para bang sinasabi niyang walang mali sa sinabi niya. Napailing nalang ako.

"Seriously, ano ito victoria?" Mahinahong tanong ni daddy.

Napalunok na lamang ako at matapang silang tiningnan. "N-Nakipag-hiwalay po siya kay s-sam para sa akin..." Iyon lamang ang nakaya kong sabihin. Mukhang nakuha naman nila ang ibig kong sabihin dahil sa pagtitinginan nilang dalawa. Kinabahan ako.

"Kaya siya nandito? Hahayaan mo siyang bumalik sa buhay mo kahit nagpakasal siya sa ibang babae habang nag-aagaw buhay ka, victoria?" Napatingin ako kay kuya vlane nang lumabas ito ng kwarto nila. Hindi pa ito nagbibihis.

"H-He has reason,kuya." Halos pabulong ko nang wika. Naninikip ang dibdib ko sa bahaging iyon ng buhay ni skyrile. Bakit kasi hinayaan niyang manipulahin siya ng ibang tao? Bakit...hindi niya muna sinugurado na buhay pa ako?

"Kung ano man 'yon ay hindi pa rin tamang magpakasal siya sa iba gayong ikaw naman ang mahal niya." Ani ni kuya.

Nangilid ang mga luha ko. Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya at hindi na nakapag-salita. Tama siya. Hindi pa rin tama ang ginawa ni skyrile, pero para sa akin ay walang tama at mali sa ginawa niya. Hindi ko man alam ang ibang rason kung bakit siya nagpatali sa iba ay hindi ko na iisipin pa iyon, ang importante nasa akin na siya ulit.

"Victoria," Napatingin akong muli kay daddy nang mahinahong pa rin itong nag-salita. "Sigurado ka bang nakipag-hiwalay na siya?" Tanong niya.

Mabilis akong tumango. Hoping that they will understand. "Pinakita niya po ang divorce paper sa akin." Sabi ko.

Bumuntong hininga ang daddy. "Okay, then.." Napatingin siya kay mommy. "Kung inayos na talaga lahat ni skyrile...hayaan na natin sila. I want our victoria to be happy." Naluha ako sa sinabi ni daddy. I mouthed 'thank you' to him.

Napatingin naman ako kay mommy. Please 'my. Sana pati ang suporta niya ay makuha ko. Ngayon ko sila higit na kailangan ni daddy. Ngayon kung kailan nag-desisyon na akong lumaban para kay skyrile at para sa mundong pina-pangarap naming buo-in.

"Do you really love him, victoria?" Tanong ni mommy na nag-pangiti sa akin.

Tumango ako at sumulyap kay skyrile. "So much..." Bumaling akong muli kay mommy at daddy. "Mahal na mahal ko po siya. Noon pa man ay si skyrile na talaga ang lalaking gusto kong makasama. Siya lamang ang gusto kong  makasama sa lahat ng hirap at saya mommy, daddy." Tumingin ako kay kuya. "Hindi ba't sinabi mo noon na, kapag mahal mo gagawin mo ang lahat para makasama siya. Kuya, gagawin ko ang lahat para sa kaniya." Muling tumulo ang mga luha ko. "Parati nalang siya ang gumagawa ng paraan para sa aming dalawa, ngayon ako naman po." Hikbi ko.

Nangako ako na lalaban din ako para sa aming dalawa. Ayoko nang maulit ang nangyari dati. Na-realize ko din na hindi kaya ni skyrile ang lumaban ng mag-isa. Kailangan niya ko. Sa lahat ng bagay at laban.

TANGHALI na akong nagising kinabukasan. Hindi ko alam kung sinadya ba talaga nila akong hindi gisingin o ano dahil naabutan ko na lamang silang tapos nang mag-usap. Ngumiti sa akin si skyrile nang makita akong lumabas ng silid.

Maayos na ang itsura niya at nakapag-palit na din ng damit. Hindi ko alam kung bumalik ba muna siya sa kwarto niya para magpalit o pinahiram na lamang siya nila kuya ng damit.

"Good morning." Nagulat ako nang lapitan niya ako at walang ano anong hinalikan sa noo. Namula ako at napatingin kayla mommy na nakatutok ang mga mata sa amin.

Napailing si daddy, ngumiti si lola, nag-iwas sila kuya vlane nang tingin at si mommy naman ay makahulugan lamang akong tinitigan. Napalunok ako. Ayos lang ba talaga sila? Hindi nila pipigilan na ganito kalapit si skyrile sa akin? Hindi sila tututol? Hindi nila kami paghihiwalayin? Andaming tumatakbo sa utak ko na mukhang napansin naman ni skyrile. "Okay na. Nakausap ko na sila." Bulong niya na ikinalingon kong muli sa kaniya. May kakaibang emosyo ang bumalatay sa mga mata niya, happiness, determination, and adoration. Nangilid ang mga luha ko. "Didn't I told you that i'll fix everything." You really did. Masaya akong inuna niya ang pamilya ko. Mahalaga ang opinyon nila sa aming dalawa. By now, I know that they are with us.

"T-Thank you..." My voice broke. Hindi ko alam na kahit malapit siya sa akin ay pwede pang magdugo ang puso ko. Ang pagkakaiba nga lang ay nagdurugo ang puso ko sa sobra sobrang ligaya.

"Anything for you, my love..." Masuyong bulong ni skyrile.

Tumingin ako sa pamilya ko. Hindi ko alam kung paano ko sila pasasalamatan sa lahat ng ginawa nila para sa akin. Ngayon ay buong puso pa rin nila akong sinusuportahan kahit na alam nilang magiging mahirap ang lahat.

"READY?" Tanong ng baklang organizer ng fashion show ni mommy.

Tumango ako. Malapit na ang finale kaya ako naman ang nilapitan niya. Sanay na ako sa mga ganito dahil parati akong sinasali ni mommy bilang pang-finale niya. Gusto ko rin naman ang ganito kaya hindi ako tumatanggi, atsaka natutuwa akong makita ang proud nilang mga mukhang nagchi-cheer sa akin sa harap.

"Ang ganda mo talaga!" Tili ng bakla habang nakatingin sa akin.

"Thanks," sabi ko kahit na alam kong sinabi niya na 'yan sa lahat ng modelo dito.

Ngumiti siya at inayos ang dress na suot ko. Kulay pula ito na may haba hanggang tuhod. May maliit na slit sa parehong gilid na nagpapakita ng legs ko tuwing naglalakad. May hati rin sa likod na nagpapakita ng kaunting likod. Sa harapan naman ay nandon ang mga  beads na kumikinang kapag natatamaan ng ilaw. Bumagay din ang suot na 5 inches red heels sa aking kasuotan. Ang daming namamangha sa mga disenyo ni mommy at rinig kong lahat ng mga modelong nauna nang lumabas ay nabili na ang mga mino-model na damit.

"Tiyak na maraming magbi-bid dito! Ang ganda ganda at napaka-elegante tingnan!" Puna ng bakla.

Ngumuso ako. Lumingon ako sa isa pang organizer nang senyasan ako nitong ako na ang susunod na lalabas. Tumango lamang ako at ngumiti.

"Ikaw na girl! Goodluck!"

Ngumiti lamang ako sa bakla bago tuluyang lumabas. Napatili ang mga tao nang buong husay akong naglakad sa taas ng entablado. Sanay na ako sa mga ganito kaya nang igala ko ang aking mga mata sa paligid ay hindi na ako kinabahan.

"She's pretty!"

"That dress is so fcking....perfect!"

Ngumisi lamang ako sa mga naririnig. Tumingin ako sa table nila mommy at daddy. Nandon silang lahat at nakangiting nanonood sa akin. Kinindatan ko si cain na ikinabungisngis nito. Ang mga pinsan ko naman ay himalang tahimik pero malakas naman ang mga palakpak. Kulang nalang ay magtatalon sila doon. Nginitian ko si jethro bago bumaling sa katabi niya. Kanina ko pa nararamdaman ang titig nito sa akin. Mainit at punong puno ng paghanga. Nginitian ko siya bago bumaling sa lamesa nila samantha. Sana ay mapatawad nila ako sa mga nagawa ko. Pinagdarasal ko na sana mawala ang galit nila sa akin at mabuhay sila ng payapa at masaya.

Sa huli, bago ako tumalikod para tapusin ang paglalakad ay muli akong tumingin sa aking pamilya na nanatili lamang sa aking tabi. Kumaway muna ako sa kanila bago tuluyang bumalik sa backstage.

"Congrats!" Salubong ng bakla. "Andaming nag-bid ng dress!" Aniya.

Ngumiti lamang ako. "Maraming bata ang matutulungan kung ganon." Sabi ko.

Masaya naman itong tumango. Iginaya niya ako papasok muli sa dressing room at pinagbihis. Kakain lamang ang mga bisita habang nagpe-perform si jethro pagkatapos ay ako naman ang susunod. Handa na ang mga gamit ko at ilalabas lamang ang mga iyon kapag oras ko na para mag-pinta ako.

"Hey..."

Napatingin ako sa may pinto nang bumukas-sara ito. Napangiti ako nang makita siya. Ang gwapo niya sa suot na pink na polo, and who said na pambabae lamang ang pink? Para sa akin ay mas lalo pa siyang naging lalaki sa suot niya ngayon. Lahat naman kasi ay bagay sa kaniya. Wala akong mapipintas pa.

"You did great." Komento niya atsaka binalot sa akin ang tuxedo na nakasabit sa braso niya. "But....you show too much skin. Ayoko non." Tiim bagang niyang bulalas.

Napangiti ako. "Conservative pa rin namang tingnan." Ipinilig ko ang ulo habang nakatitig sa kaniya. "Are you gonna stay here with me?" Tanong ko.

Tumango siya. "Yeah." Matiim ang mga mata niya habang nakatitig sa akin.

Napaka-seryoso. Ang striktong mga mata niya ay hindi aprobado sa suot ko ngayon. Mukhang ito na ang huli kong makakapag-suot nito. I-try ko kaya ang mga jeans at shirt ni mommy? Mukhang kahit ang medyo disenteng dress ay hindi niya magugustuhan. He's possessive. And i like it.

"Magbibihis na ako?" Sabi ko.

Ngumuso siya. "Better." Aniya.

Ngumisi ako at 'di nakatiis na tumingkayad para hagkan siya sa labi. Saglit lang dapat ang halik na iyon pero nagulat nalang ako nang hapitin niya ako sa baywang at mas nilaliman pa ang halik. Hindi ako makasabay!

Pumikit na lamang ako at tumugon sa kaniya. Payapa ang pakiramdam at puso ko ngayon. I feel contented and satisfied. Ayoko nang matapos ang oras na 'to. Kung pwede lamang akong manatili nalang sa mga bisig niya, pero alam kong marami pa kaming haharapin at kailangang ayusin.

Ngumiti ako nang magtama ang mga mata namin. Hinaplos niya ang buhok ko at hinalikan sa noo. "Change your dress, baby. I'll wait here," Aniya.

Tumango ako at lumayo na sa kaniya. Sumandal naman siya sa lamesa kung nasaan ang mga make up habang nakabantay sa akin. Ngumiti siya at nginuso ang banyo, senyales na magbihis na ako agad.

Dali dali na lamang akong pumasok ng C.R dala ang pamalit ko. Its a cocktail dress na si mommy rin ang nag-disenyo. Mas kumportable itong suotin dahil kaunting balat lamang ang nakikita sa akin. Malayo ito sa mga damit na sinali sa fashion show kanina.

Nag-ayos na rin ako ng sarili sa loob ng banyo. Sinuklay ko ang buhok gamit ang mga daliri ko. Hindi ko na pinakilaman ang make up ko dahil babagay din naman ito sa suot ko.

Pagkatapos kong mag-ayos ay lumabas na rin ako ng banyo. Naabutan kong inaayos na ni skyrile ang mga gamit ko at nilalagay 'yon sa maliit kong bag. Ang cellphone ko naman ay nakapatong na sa taas ng make up table.

"You don't have to do that," komento ko.

Mabilis naman siyang humarap sa akin atsaka tiningnan ang suot ko. "I like that dress." Tango niya.

Nagpigil ako ng ngiti. 

"Gusto mong i-try?" Nagpipigil ng tawang tanong ko.

Nalukot naman ang gwapo niyang mukha, kapagkuwan ay napailing na lamang. "Bully."

Natawa na ako ng tuluyan nang sumimangot siya at kinunotan ako ng noo. Lumapit na ako sa kaniya at inabot ang kamay niya. Isa sa mga gusto kong gawin noon ay mahawakan siya ulit ng ganito. Iyong kahit anong mangyari ay alam kong walang bibitaw. Gusto kong makasama si skyrile sa bawat laban.

"I love you..." bulong ko.

Lumambot ang expression ng mukha niya nang titigan niya ako. Ngumiti siya at pinatong ang noo sa noo ko. Nagkadikit ang mga ilong namin.

Pumikit ako at dinama ang oras na ito. Yayakapin ko muna ang kapayapaang nararamdaman ko ngayon kasama siya. Susulitin ko muna ang oras na ito dahil alam kong paglabas namin sa kwartong ito ay marami kaming haharapin.

"I love you so, so much." Tugon niya.

Sana lang ay mabilis naming makamit ang pag-unawa at pagtanggap ng lahat.

Hi guys! Sorry ngayon lang ako nag-update sobrang busy kasi. Kung may mga error man sa part na 'to ay humihingi na ako ng paumanhin. Tinapos ko na ito ngayon. Sana ay magustuhan ninyo😃😃😃😃😃

Continue Reading

You'll Also Like

110K 1.8K 75
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
44.9K 3.5K 41
[Completed] Jade Kyrie Archer is a beautiful and smart woman but she experienced to much pain from the past. Her parents and her older brother died b...
4.5K 138 62
Luxwell Delavrin is a famous actor nowadays. Everything is in his, million of fans, luxury life, overflowing talent, wealth, fame, a good image in pu...
183K 10K 24
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.