One Beautiful Mistake (Elling...

By asteraoth

2.9M 75.1K 27.9K

Desdemona Astrea Costello, an ordinary girl as well as a scholar student. She is very obedient and well-loved... More

One Beautiful Mistake
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Wakas
OBM -PUBLISHED UNDER PSICOM

Kabanata 3

69.3K 2K 769
By asteraoth

Kabanata 3

Punch



Buong araw ako naging tulala pagkatapos ng nangyari sa canteen. Si Van ay patuloy akong inuusisa kahit na wala naman akong alam kung paano ko siya sasagutin. Hindi ko rin naman alam kung bakit gano'n si Leader dahil ang huling usap namin ay noong nakaraang taon pa.

"Baka naman kursunada ka ni Leader?" biglang sabi ni Van habang inaayos ko ang aking gamit dahil papauwi na kami.

"Imposible 'yan, Van."

"Paanong imposible? Maganda ka at malaman!" pinasadahan niya ang katawan ko. I immediately blush because of what he said. "Ang sexy mo pa nga! Mukha kang 18!"

Umiling ako at sumunod na lang sa kaniya papalabas ng classroom. Patuloy siya sa pagsasalita habang ako ay tahimik lang at nakayuko habang naglalakad. Biglang tumigil si Van sa paglalakad kaya napaangat ako ng tingin sa kaniya.

"Bakit?" nagtataka kong tanong. Ngumuso siya sa harapan namin. Nasa labas kami ng court at mukhang may laro ngayon ang mga Grade twelve.

Tumili si Van kaya napatalon ako sa gulat. Hinatak niya ako papunta sa loob ng court at hinayaan ko lang siya. Hindi naman ako aarte dahil mukhang gusto niya lang manood.

"Go Edrick!!" sigaw ni Van sa aking gilid. Inayos ko ang salamin ko para makita ang mga naglalaro. Puro ito Grade twelve at mukhang practice game pero nakasuot sila ng jersey.

Nakita ko kaagad si Leader na may suot na Ellington 05. Kalaban ng grupo nila sila Jameson at mukhang seryoso silang pareho.

Sa kalagitnaan ng hiyawan ng mga nanonood ay nanatili akong tahimik. Nakatingin lang ako sa kanila pero ilang lingon ang ginawa ni Leader hanggang sa tumigil ang kaniyang titig sa pwesto ko. Kumindat siya at kasabay noon ang pagwawala ng buong sistema ko.

Ano 'yon? Para saang ang ginawa niya?

"Kinindatan niya ako!" sigaw ng isang babae na nasa ibabang harap ko.

Nakanganga si Van at niyugyog ako. "Haba naman ng hair mo?"

Nagkalapit si Jameson at Leader. Bantay sarado si Jameson kay Leader na ngayon ay nakangisi pa rin. Kahit nasa malayo ay kumikinang ang kaniyang hikaw.

Lumapit si Leader sa tainga ni Jameson at mukhang may binulong. Mabilis ang buong pangyayari dahil biglang sinuntok ni Jameson si Leader.

Nagtilian ang lahat at isa-isang umawat ang mga kasamahan nila. Kinakabahan ako pero nanatili akong nakatayo at nalilito na rin. Hinawakan ako sa kamay ni Van na naguguluhan din.

"Fuck you, Ellington! I told you to back off!" dinig kong sigaw ni Jameson habang hawak siya ng mga kasamahan niya.

Leader is smiling like nothing happened. He touched the side of his lip. Pumutok ito pero hindi ko alam kung bakit nakadagdag lang ito sa kapogian niya. Iniwas ko ang tingin ko.

Hinawakan ko ang aking dibdib. Mas tumindi ang kabog nito.

Humalakhak si Leader at 'yon ang huli kong narinig bago kami namin nilisan ang court. Tipid kong nginitian si Van.

"May sapakan pa talagang ganap, 'no? Ano kayang problema?" nagkunwaring nag-iisip si Van pero nakatingin naman sa akin. "Baka ikaw?"

Sinimangutan ko siya. Nababaliw na ba talaga ang isang 'to? Baka may makarinig sa kaniya at pagmulan pa ng tsismis!

Tawa lang nang tawa si Van hanggang sa makarating na kami sa parke para sa mga bike. Hinalikan ako sa pisngi ni Van at tsaka nagpaalam. Normal naman na iyon sa amin dahil wala naman itong malisya.

Habang kinakalagan ko ang bike ay may humawak sa kabilang handle nito. Malaki at maugat ang kamay. Lalaking lalaki.

"Uwi ka na?" baritonong boses ang ginamit niya sa tanong.

Nilunok ko ang bara sa aking lalamunan. Kagat labi akong tumatango, hindi makatingin.

"Hatid na kita,"

Napatingin ako sa kaniya at nagtataka. Hindi ako makasagot. Nakasuot na siya ngayon ng isang black tshirt at maong pants. Amoy ko rin ang panlalaking pabango niya.

Nginitian niya ako at sumilay ang kaniyang malalim na dimple.

"Dea..."

"May dala akong bisekleta," bulong ko sabay iwas ng tingin.

"I'll drive you home," hindi niya yata narinig ang sinabi ko? Napanguso ako at akmang magsasalita pero naunahan niya na ako. "Using your bike."

Hinawi niya ako ng marahan at tsaka sumakay sa aking bike. Tinapik niya ang gitna bago ang kaniyang inuupuan.

"Dito ka."

Napailing ako. Gusto niya akong umupo sa unahan niya at kung sakali ay makukulong ako sa dalawang bisig niya. Iniisip ko pa lang na ganoon ay nag-iinit na ang pisngi ko.

"Leader..."

"What?" tinaasan niya ako ng kilay.

Luminga ako sa paligid. Wala pang tao gaano pero may iilang mga napapahinto kapag nakikita kami.

"I don't like rejections, Dea. Take it or leave it?" nanlaki ang mga mata ko. Anong ibig niyang sabihin na kapag tumanggi ako ay kukuhain niya pati ang bisekleta ko? Ganoon ba ang gusto niyang mangyari?

"Pero kasi maraming makakakita sa atin," bulong ko.

"So what?" preskong sabi niya. Inatras niya na ang bisekleta at gwapong gwapo na nakasakay doon. "Let them see us then. I don't really care,"

Wala akong choice kung hindi ang sumakay. Gusto ko sanang sa likuran kaso ayaw naman niya. Naiilang pa ako at mabagal ang kilos. Mukhang hindi na siya nakapaghintay nang hinapit niya na ang aking baywang at inupo sa harapan niya.

Para akong napapaso sa tuwing didikit ang balata niya sa akin kaya iniiwas ko ito kahit na talagang didikit ang balat ko sa kaniya.

"God, you smell so good." aniya at naramdaman ko ang pagsinghot niya sa aking buhok.

Tinakpan ko ang aking mukha ng dalawa kong palad. Narinig ko ang paghalakhak niya.

Marami kaming nadaanan na estudyante. Nakayuko lang ako kahit na alam kong makikilala naman nila ako. Napalunok ako nang mas naamoy ko si Leader. Lalaking lalaki talaga ang amoy niya. Sobrang bago kahit ang kaniyang pawis.

"You look so good in my arms, Dea. Ako na lang dapat." bulong niya na narinig ko naman.

"Leader, ano ba 'tong ginagawa mo?" hindi ko na natiis na magtanong.

Nakakabigla lang dahil buong araw siyang ganito. Noong nakaraang taon naman ay napapansin ko ang patingin tingin niya sa akin pero hindi naman niya ako nilalapitan. Madalas nga siyang may kasamang babae.

Baka ako ang gusto niyang gawing flavor of the week niya? Kaya ba pursigido siya ngayon sa akin para ako naman ang subukan? Maaari kaya 'yon?

"Baka magalit ang girlfriend mo," utas ko.

"I don't do girlfriend." simpleng sabi niya.

Ano niya pala ang mga babaeng nakakasama niya noon? Iyong si Sasha, Thea, tapos ang latest ay itong si Eva. Marami pang babae pero hindi ko naman kilala ang iba. Ano sila kung ganoon?

"Pero ang dami mong babaeng nakakasama noon?" napakagat labi ako sa sinabi ko. Ano naman ito ngayon sa akin? Buhay naman niya 'yan!

"They are not qualified to be my girlfriend, Dea. That's what you called fling."

Fling? Iyon ba 'yung tawag kapag may something kayo pero walang namamagitan sa inyo? Napaawang tuloy ang bibig ko.

Pabagal nang pabagal ang kaniyang pagmamaneho ng aking bisekleta. Ten minutes lang naman ang biyahe ko minsan papunta sa bahay pero bakit ang tagal ata ngayon?

Walang nagsalita sa amin. Medyo nangangalay na ang binti ko dahil hindi kumportable sa posisyon pero tiniis ko.

"We're here."

Napanganga ako. Kaagad akong bumaba ng bisekleta at nabangga ang kaniyang braso na tumama sa aking dibdib. Hindi man lang siya natinag doon pero nakita kong nagulat din siya.

"S-Sorry..." sabi ko.

Bumaba na rin siya sa bisekleta at pinasadahan ang buhok. Kahit na may sugat ang gilid ng kaniyang labi ay gwapo pa rin. Hindi man lang naapektuhan nito ang panlabas niyang anyo.

Paano siya uuwi ngayon? Lalakarin niya kaya? May dumadaan naman na mga tricycle sa labasan at pwede siya doon kung gusto niya.

"I'll go ahead." pagpapaalam niya bago ako tinalikuran. Winagayway niya pa ang kamay niya sa ere.

Hinawakan ko ang aking dibdib na kumakabog pa rin na para bang gusto na kumawala ng puso ko. Papasok na sana ako sa bahay nang may bigla akong naalala.

Paano niya nalaman ang daan papunta sa bahay namin?

Ipinagkibit balikat ko ito at pumasok na sa loob ng bahay. Una kong nakita si Mama na nanonood ng isang teleserye sa TV. Umiiyak pa siya at umiiling.

"Ma," tawag ko sabay lapit para magmano. Nginitian niya ako at niyaya na manood pero umiling lang ako dahil hindi ko rin naman maiintindihan iyon.

Pumanhik ako sa aking silid. Biglang bumlis ang tibok ng aking puso. Bakit ba ako ginaganito ni Leader? Anong pakay niya sa akin kung gayong hindi naman niya dapat ako nilalapitan?

Umupo ako sa kama at kinuha kaagad ang laptop. Nag search ako tungkol sa mga murang phone. Nakakita ako doon ng isang local brand pero maganda na mismong kabuuan. Malaki na rin ang storage at may freebies pa.

4,700 ang presyo dahil sale daw sila. Binili ko ito through online at sa susunod na araw ko pa ito makukuha. Siguro sa Friday ay makukuha ko na ito. Cash on delivery kaya hindi na rin ako mahihirapan.

Wala sa sarili akong napapangiti sa ginawa ko. Bakit ba ako bumili ng phone?

Continue Reading

You'll Also Like

20.1K 835 43
Munimuni Series #2 Sorscha Viorice Monteliya, a biology student who was pressured by her parents to take that course. She is a happy-go-lucky girl, c...
57.3K 3.8K 32
Matsona Series #1 Irene Avylile Matsona, a typical broken hearted girl slash bitter. Her ex turned her into cold and stone hearted woman, but what if...
633K 10K 53
Eligible Heiress Series Book 2 [Completed] In a relationship, with love, time will tell... it always does. But how elusive heart can be? The story i...
128K 6K 74
"OH MY GOSH SINO KA?! Bakit mo ko ginagaya! Hoy!" Gulong gulo ang isip ko habang nakatingin sa lalakeng nasa harapan ko. Bawat buka ng bibig ko ay na...