It Might Be You [Fin]

By YGDara

3.2M 62.1K 4.4K

Barkada Series #5: Vin Fortez Ano nga ba ang kaya mong gawin para sa mahal mo? Vin Fortez is Erin Romualdez's... More

It Might Be You
Prologue
One
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Message
Sixteen
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty-one
Twenty-two
Twenty-three
Twenty-four
Twenty-five
Twenty-six
Twenty-seven
Twenty-eight
Twenty-nine
Thirty
Thirty-one
Thirty-two
Thirty-three
Thirty-four
Thirty-five [1]
Thirty-five [2]
Thirty-six
Thirty-seven
Thirty-eight
Thirty-nine
Forty
Epilogue

Nine

67.7K 1.3K 73
By YGDara

Hi guys! Gusto ko lang ipaalam na sa July 26 na ang pa-game ng mga admins ko sa FB GROUP KO. Kung gusto niyo pong humabol, sali na kayo sa group ko na YGDARA STORIES WATTPAD and naka-pinned post po iyong mechanics ng game.

Tandaan ang mga prizes.

100p load and a chance to be the next heroine of my story, 50p load and 30p load for the 1st,2nd and 3rd winners respectively.

--------------

Kanina pa nag-iikot mag-isa si Erin sa mga kalye ng Metro. Nabobored kasi siya sa café niya kaya naman naisipan niyang maglibot sa kabuuan ng Metro. Trip niya ngayong mag-food trip. Nang may madaanan siyang ice cream shop ay pumarada siya sa tapat nito at pumasok sa loob.

Tinignan niya ang menu board sa may counter at namili ng klase ng ice cream. Sa dami ng masasarap tignan hindi niya tuloy malaman kung ano ang gusto kaya napag-isipan niyang orderin lahat ng gusto niya. Tinignan siya ng babae na nasa may cashier na para bang sinasabing patay gutom siya sa dami ng order niya.

Umupo siya sa may dulo na tapat sa aircon ng shop at hinintay ang order niya. Hindi naman siya naghintay ng matagal nang ilapag na sa harap niya ang mga order niya.

"Ano kaya ang uunahin ko?" Tanong niya sa sarili. Nasa harapan niya ngayon ang isang choco chip fudge, oreo overload, strawberry flavors at ang pinaka-favorite niya sa lahat ang choco caramel madness.

Kinuha niya ang kutsara at sinimulan na ang pagkain. Sarap na sarap siya sa mga ice cream na nasa harapan niya. Pakiramdam niya ay nasa langit siya sa sobrang sarap ng mga kinakain niya. Wala talagang mas sasarap sa pakiramdam sa pag-satisfy ng mga cravings mo.

Mabilis niya namang naubos lahat ng ice cream na inorder niya pero mukha atang maling ideya ang pagsabay-sabayin ang chocolate, caramel at strawberry dahil nararamdaman niya ang paghilab ng kanyang tiyan. At talaga nga namang napamura siya ng may kumawalang mahinang tunog sa pwetan niya.

Mabilis na tumayo siya at sumakay sa kotse niya. Mahigpit na napahawak siya sa kanyang manibela dahil sa masakit na paghilab ng kanyang tiyan. Tama nga ang kasabihan na masama talaga ang sobra dahil heto siya at masama na ang tiyan. Pinagpapawisan na siya sa pagpipigil. Paano pa ngayon? Ang layo niya sa kanyang café at condo, pero kung bibilisan naman niya siguro ang pagda-drive ay makakarating siya roon ng mabilis.

"Shit!" Napamura siya nang makita ang mahabang traffic. Mas humigpit pa ang hawak niya sa manibela at ang isa naman niyang kamay ay sapo ang tiyan niya. Mabilis na binuksan niya ang bintana ng kotse niya nang mangamoy na ang loob ng kanyang sasakyan.


Napalinga-linga siya sa kanyang kinaroroonan para maghanap kung may gas station o kaya mga restaurant pero puro establishments lang ang nakikita niya. It's too late para bumalik pa siya sa ice cream shop dahil malayo pa ang U-turn. Nang mapagtanto niya kung nasaan siya ay mabilis na kinuha niya ang phone niya. Malapit lang siya sa opisina ni Vin, sana lang ay naroon ito.


"Hello?" Sagot ni Vin sa kabilang linya.

"Vi-in!" Nahihirapang tawag niya rito. Bigla kasing humilab ang tiyan niya. Masakit na talaga.

"Erin? What's wrong? Ano'ng nangyayari sa'yo?"

Hindi sigurado ni Erin kung panic nga ba ang naririnig niya sa boses ni Vin. Hindi niya sigurado dahil distracted siya sa sakit na nararamdaman niyasa tiyan.

"Erin! Answer me!"

Nakayukyok na siya sa may manibela habang sapo ang tiyan niya. Panira pa na maliliit lang ang usad ng traffic.

"Na.. Nasa opisina ka ba?" Tanong niya rito.

"Oo nandito nga ako. Nasaan ka ba?" Naririnig niya sa kabilang linya ang mga ingay na tila nagmamadali si Vin.

"No.. no! Ah, pupuntahan kita diyan. Hintayin mo ako."

"No, susunduin nalang kita. Nasaan ka ba? Don't make me ask again, Erin." Vin's tone is very commanding. Ibang-iba sa madalas nitong tono na calm and friendly. And she somehow likes Vin 'the serious' than Vin's original character.


Umiling si Erin kahit alam niyang hindi naman siya nakikita ni Vin. "Hindi na nga. I'm on my way."

Hindi na niya hinintay ang sagot ni Vin at tinapos na ang tawag. Nakahinga siya ng maluwag nang umusad na ang mga sasakyan sa harap niya pero bigla nanamang kumirot ang tiyan niya at napa-utot nanaman siya. Her breathing is getting ragged. She swears that she'll never eat ice cream that much. Ngayon, alam na niya na ang chocolate, caramel at strawberry ay hindi compatible sa isa't-isa.

Mabilis na nag-drive siya papunta sa office ni Vin. Hindi na siya dumiretso sa underground parking dahil masakit na talaga ang tiyan niya at feeling niya lalabas na ang kanina niya pa pinipigilan. Pinark niya ang kotse sa tapat ng entrance ng building ni Vin.

"Ma'am, hindi po pwedeng mag-park diyan." Sita sakanya ng guard pero mabilis na nilagpasan niya ito.

Dire-diretso lang siya sa may elevatpr at narinig naman niya ang tawag ng receptionist. "Miss! Bawal pumasok nang walang appointment!" Malakas na tawag nito sakanya. Pero hindi niya iyon pinansin, wala siyang oras para pansinin pa ito at masakit na talaga ang tiyan niya.


"Miss!"

"Pwede ba! Masakit na ang tiyan ko at hindi ko na kaya! Bwisit!" Sigaw niya rito mabuti nalang at mabilis na nagsara na ang elevator papunta sa floor kung saan naroon ang opisina ni Vin.


Dali-daling naglakad siya papunta sa personal office ni Vin at sinalubong naman siya ng sekretarya nito.

"Yes, miss? Ano pong kailangan nila?" Magalang na tanong nito.

Naiinis na siya dahil ang dami nang humaharang sakanya sa building na ito. Dapat pala ay noong niyaya siya ni Vin rito ay sumama nalang siya para pamilyar na sakanya ang mga empleyado nito. Kaya lang may zumba class siya nang mga panahong iyon kaya hindi siya sumama. At ito nga ang unang beses niyang tumapak sa opisina ni Vin.

Napabuntong-hininga nalang siya. "Look, miss. Kaibigan ako ni Vin, itanong mo pa sakanya. Sabihin mo nandito si Erin. Pakibilisan lang, please kasi masakit na talaga eh." Pakiusap niya rito.

Bago pa mapindot ng sekretarya ni Vin ang intercom ay bumukas na ang pinto ng personal office nito at lumabas nga si Vin na parang ready na umalis.

"Erin, hahanapin na sana kita. You weren't answering my calls." Sabi nito.

Hindi na niya muna ito sinagot at mabilis na nilagpasan niya lang ito at pumasok sa loob ng opisina nito. Naririnig niya pang may binibilin si Vin sa sekretarya nito pero wala na siyang oras para makinig dahil hinahanap niya ang banyo sa loob ng kwarto. Nakahinga siya ng maluwag nang makita ang banyo. Mabibilis na kilos ang ginawa niya at nang maupo siya sa toilet bowl ay talaga nga namang ginhawa ang naramdaman niya.

When she was finished, napansin niya ang red stain sa may panty niya. Kaya pala sobrang sakit ang naraamdaman niya, dinatnan na siya ng kanyang monthly period. She checked her bag para maghanap kung may baon siyang napkin pero wala.

Ano na ngayon ang gagawin niya?

------

Napatalon si Vin sa gulat nang sumigaw si Erin mula sa loob ng banyo.

"Vin!!!!"

Mabilis na pumunta siya sa may pintuan ng banyo. Kumatok siya ng mabibilis.

"Erin? Bakit? May nangyari ba sa'yo diyan?" Tanong niya.

Hindi nito alam kung gaano siya nag-alala nang marinig niya ang boses nito sa kabilang linya nang sagutin niya ang tawag nito. Iyong boses ni Erin na tila ay nahihirapan ay nagpa-panic sakanya. Kahit na maraming trabaho siyang kailangang tapusin ay handa niyang iwan para kay Erin.

Kanina nga nagmamadali siyang iligpit ang mga gamit niya para sunduin ito kung nasaan man ito pero sinabi ni Erin na pupunta siya rito sa opisina. Tapos ay binabaan pa siya nito ng tawag. He was uneasy and paranoid. Paano kung nadisgrasya pala ito? Mga larawan ni Erin na tila'y nahihirapan ay ang nagpapatayo sakanya mula sa kinauupuan. Hindi siya maghihintay sa kanyang opisina lalo na hindi niya alam kung ano ba ang nangyayari kay Erin kaya naman naisipan niyang hanapin nalang ito, tutal may tracker naman siya nito. Just then he was about to leave ay saka naman ito nagpakita sa opisina niya at dumiretso sa banyo.

Ngayon nga ay may hinala na siya kung bakit tila nagmamadali ito at sa banyo pa ang unang pumunta ito imbis na batiin siya.

"Vin..uhm, ano.. kasi.." Nahihiyang sabi nito.

He leaned his ear to the door para marinig kung ano ang sasabihin ni Erin.

"What Erin? Hindi kita maintindihan."

"Ano,kasi.. pwede bang humingi ng favor?"

"Ano iyon?"

"Ano, pwede bang.. ano.."

"What Erin? Tell me." He urges her pero sa totoo lang ay nangingiti na siya.

"Wait lang kasi! Nahihiya ako eh." Sigaw nito.

Tumawa siya sa sinabi nito. Kung nakikita lang niya ngayon si Erin, he is sure as hell na namumula na ito sa hiya. "It's okay, Erin. Sa akin ka pa nahiya."

"Ano pwede mo ba.. shit, nakakahiya talaga!"

"Erin.."

"Pwede mo ba ako bilhan ng napkin?!" Mabilis na sabi nito.

He stopped for a second. Inintindi niya pa kasi ang sinabi nito.

"What? I mean why?"

What a dumb question Vin! He mentally slapped himself. Of course it must be the period.

"Okay, I get it. Don't answer that. Sige, bibili ako."

"No, kahit iyong secretary mo nalang ang pabilin mo."

"Hintayin mo nalang ako. Kakatok ako sa'yo." Sabi nalang niya.

"Okay."

Napangiti nalang siya sa mga nangyayari ngayon. He grabbed his wallet and shove it inside his back pocket. Tinignan lang siya ni Kate na busy sa pagta-type ng computer.

"Do you need anything, sir?"

"No. Huwag ka magpapapasok sa opisina. And please cancel all my appointments today. May bibilin lang ako." Sabi niya rito.

Tumango at ngumiti si Kate bilang sagot at ibinalik na ang atensyon sa computer. Bumaba na siya sa lobby. Mabuti nalang at may convenience store sa may tabi ng building niya. Kaya naman pumasok siya at hinanap ang kailangan ni Erin.

Napkin. Oh, eto. Wings, no wings, clean and dry, modess, whisper.. what the fuck?!

Hindi niya naitanong kung ano'ng klase ang hinahanap ni Erin kaya naman lahat ng klase at brand ay kinuha niya. He smiled at the woman who's behind the cash register that gave hima weird look.

Nang nasa may lobby na siya ay nakita siya ng guard kaya binati siya nito. Napansin niya ang kotse ni Erin na nakapark sa tapat ng building. Marahil ay napansin siya ng guard na tinitignan ang kotse kaya nagsalita ito sa tabi niya.

"Sir, may babae kanina na bigla nalang pumasok eh. Pina-check ko na po sa cctv sir."

He raised his hand to stop the guard. "No,it's okay. Leave it here. Kilala ko iyong babae."

Tumango nalang ang guard at siya naman ay bumalik na sa kanyang opisina. Kumatok siya sa pintuan.

"Erin? Eto na iyong mga pinabibili
mo."

-----

Nang marinig ni Erin ang tawag ni Vin ay binuksan niya ang pinto na konti lang ang uwang. Isang kamay ni Vin ang lumitaw na nakakawit ang isang plastic bag sa daliri nito. Mabilis na kinuha niya iyon at isinara ang pintuan. Nagulantang siya sa daming napkin ang binili nito.

"Vin! Ikaw ang bumili ng mga ito, ano?!" Sigaw niya rito.

She heard Vin chuckled outside. "Yeah, I don't know what type you use so I just bought a few."

Few? So, few na pala ang tawag sa dami ng binili nito. Napailing nalang si Erin at mabilis na kumilos at ginawa ang mga dapat gawin. Nang matapos na ay lumabas na siya sa banyo.

"Okay ka na?" Tanong sakanya ni Vin.

"Yeah, thank you talaga." Nahihiyang sabi niya.

Vin crinckled his nose and fanned himself. "Ano ba iyan, ang baho parin."

Napanganga siya sa sinabi nito. Halos maubos na nga ang mamahaling pabango niya sa kaakspray sa loob ng banyo para mawala ang amoy. And then she saw Vin's playful grin proving that his messing with her. Mabilis na inihambalos niya ang plastic bag na puno ng mga sanitary napkins kay Vin.


"Nakakainis ka!"

Tawa lang ng tawa si Vin pero nang makita nito na masama na talaga ang tingin niya rito ay tumigil narin ito. "Sorry. Hindi na mauulit." Nakangiting sabi nito.

"Ano naman kasi ang kinain mo at sumakit ang tiyan mo?" Tanong nito.

Kahit na hindi niya sinabi kay Vin ang sitwasyon niya, alam niyang malalaman nito iyon dahil hindi niya itatanggi na may kaunting amoy din.

"Nasobrahan sa ice cream."

Napapalatak si Vin. "Ayan kasi, katakawan mo umiiral."

She rolled her eyes at him. "Malay ko bang mangyayari ito. Tsaka teka nga, ang dami nitong mga binili mo. Ano'ng gagawin ko sa mga ito?" Tukoy niya sa isang bag ng sanitary napkins.

Vin just shrugged his shoulders. "I don't know, keep them o kaya ibenta mo."

She gave Vin a weird look. Ewan niya pero naalala nanaman niya ang boses nito na may tonong kaseryosohan at intimidating. Siguro'y once in a blue moon lang ganoon si Vin. Mabait kasi talaga itong kaibigan niya eh. Hindi pa nga niya ito nakikitang magalit na katulad ng sa mga kaibigan nito. Kung nagagalit man ito, it's either tahimik lang ito o kaya'y idadaan sa tulog. Ganoon si Vin.

"Tara!" Hinawakan siya ni Vin sa kamay at hinila palabas ng opisina. Nginitian sila ng sekretarya nito nang lumabas sila.

"Teka, saan tayo pupunta?" Tanong niya rito.

"Kain tayo ice cream." Natatawang sabi nito.

------

Vote amd comment.
Follow me @kendeyss on instagram and twitter.

Continue Reading

You'll Also Like

354K 18.6K 30
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
50.5K 3.3K 13
El Amor De Bustamante Book 4: WATER UNDER THE BRIDGE An anti-social strategy and planning director. A bright and sunny assistant. What does fate hav...
2.2M 57K 45
Barkada Babies Series #3 Calix James Santillan is Elisha Min Illustre's closest among her childhood friends. Palagi siya nitong hinihintay tuwing uwi...
5.3M 136K 62
Can I be the missing piece, if he was damn broken?