Opposite Attracts (Heartthrob...

Par CesMusickera

2.4K 91 56

We are very opposite. She loves to sing but I love to dance. She is very noisy pero ako yung tipong hindi m... Plus

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Epilogue

Chapter 26

57 1 1
Par CesMusickera

Vincent's POV

"Ilang buwan na rin matapos ang nangyari sa inyo ha. Ano nang plano mo, pare?"si James. Nakipagkita ako sa kanila after ng office hours para magkamustahan.


"Wala ka bang balak na pakasalan na si Bianca?"si Migs.

"Meron syempre. Pero gusto maging memorable ang magiging proposal ko sa kanya kung sakali."sabi ko saka ininom ang kape na inorder namin.


"Kailangan pa bang bonggahan, pare? May anak na kayo at nagsasama na kayo sa iisang bahay."si James na lagi na lang panira sa ganda ng usapan.

"Hindi porket ganito na ang sitwasyon namin, hindi ko na gagawing espesyal ang proposal ko sa kanya. Syempre, gusto ko din na maranasan niya ang mga naexperience nina Myan at Oshin kina Stanley at Garren."

"So, kakantahan mo siya?"si Migs.

"Gusto ko ng kakaibang proposal. Kasi sina Stanley at Garren, kinantahan mga asawa nila noong nagpropose sila."suhestyon ko.

"I have an idea, pare. Di ba dance  group tayo. Uso ngayon yung FLASH MOB."si James.

"Ano 'yung Flash mob?"sabay naming tanong ni Migs dito.

"Yun ang tawag sa proposal na idinadaan sa sayaw."

"Sigurado ka ba d'yan, James?"

"Subukan n'yong isearch o panoorin sa Youtube ang proposal na ginawa ni John Prats kay Isabel Oli. Flash mob ang tawag dun."

Agad kong kinuha ang phone ko saka nagpunta sa site na Youtube para mapanood ang sinasabi ng kumag kong kaibigan. Nang mahanap ko ang video ay agad naming pinanood ni Migs ang sinasabi ni James na Flash mob.

"Hanep ka, bro. Dalasan mo paggamit sa utak mo ha."si Migs matapos batukan si James.

"Naniwala na ba kayo sa akin?"pagmamalaki pa ni James.

"Oo na!"bulyaw ko. "Saan tayo hahanap ng mga taong marunong sumayaw para sabayan ako?"tanong ko.


"Syempre, kasama kami ni Migs d'yan."si James.

"Anong—? E bakit nandadamay ka pa?"reklamo ni Migs.

"Syempre, magkakasama tayo sa dance troop noon. Tatawagan ko na rin sina Eman, Jeric at Cris para sa gagawin natin."si James.

"Sige na nga. Basta para sayo Vincent. Malakas ka sa akin e."Si Migs.


"Ayun, salamat."

"Magpapaalam muna kami sa aming komander ha."si James.

"Langya ka. Akala ko pa naman okay na."natatawa kong sabi dito.

"Papayag 'yun."si James.


"Siya nga pala. Kulang kung tayo lang ang sasayaw." Napaisip kasi ako. Aanim lang kami.

"No problem. Aanyayahan ko mga estudyante ni Yna."si Migs. Si Yna ang asawa ni Migs na nagmamay-ari ng isang school kung saan tungkol sa sayaw ang itinuturo. "Marami kasi  ang nasa dance class niya ngayon. Marami din nag-enroll for a one month workshop para mamaster ang iba pang genre ng sayaw."dagdag pa ni Migs.

"Good idea. Ichecheck ko lang mga sched ko. Then, I'll call you kung paano magiging set-up natin at kung saan ang magiging venue ng proposal ko."excited kong sabi.

"Sige, pare."

"Aasahan ko kayo ha."

——————————————

Maging sina Myan na bestfriend ni Bianca at ang pinsan nitong si Oshin ay kinausap ko din. Nakalatag na ang plano. Kulang na lang ay ang management ng amusement park na napili ko para sa gaganapin kong proposal.

Hindi na ako makapaghintay sa araw na iyon. Ngayon palang ay natetense na ako. Kinakabahan pero excited. Syempre, pati ang Calvin namin kakutsaba ko. Haha.

"Anong gagawin ko do'n Daddy?"tanong nito.

"Tuturuan kitang sumayaw. Sasayawan natin si Mommy mo, okay lang ba sa'yo?"

"Opo."

Game na game naman ang anak ko sa ginagawa naming practice. Masasabi kong sa akin nagman ang anak ko. Tatlong taon palang ito ay hataw at magaling na ding sumayaw. Nakakasabay siya sa mga step na ginawa namin. 'Hindi na ako makapaghintay na makasama kayo habang buhay.'



———————————————

Bianca's POV

Nakakapagtaka na napapadalas ang uwi ng mag-ama ko na late na. Kapag tinatanong ko naman si Baby Calvin, palagi niyang sagot.... galing silang office ni Daddy niya. Minsan naman, kasama daw siya sa business meeting nito. Pero hindi pa din naaalis sa akin na magtaka. Pwede naman nila ako isama. Palagi silang may dahilan para 'wag lang akong sumama. Kaya naman, madalas ko ding binibisita sina Bes at Beshy.

"Kamusta naman kayo? Ikaw?"si Colleen.

"Well, katulad nga ng sinasabi ko sa'yo. Parang may isinisekreto ang mag-ama ko sa akin."

"Ano ka ba, Bes? Don't be paranoid. Baka nga madalas ang pagdalo nito sa mga meeting. Saka, alam mo naman ang trabaho sa office. Madami siyang reports na aasikasuhin."mahabang paliwanag nito.

"Siguro nga."


————————————————

Umuwi ako sa bahay na walang nadatnang Vincent at Calvin. Nasaan na kaya ang mag-ama ko. Hindi ko tuloy maiwasang malungkot. Pakiramdam ko, wala nang oras ang mag-ama ko sa akin.

"Bianca?" Agad akong napalingon dahil alam ko kung sino ang tumawag sa pangalan ko. Nagulat ako nang makita ko si Vincent na may dalang bouquet ng rosas habang si Calvin naman ay may dalang chocolates. Natawa na lang ako sa kanila dahil hindi naglalayo ang hitsura nila.


"Ano 'yan?"natatawa kong tanong habang papalapit sa akin ang mag-ama ko.

Hinalikan ako ni Vincent sa labi saka iniabot ang bulaklak. Magkahalong pagtataka at saya ang reaksyon ko. "Anong meron?"


"Every girl deserves to be courted. Naisip kong ligawan ka."si Vincent.



"Ligaw? Haha. Magkasama na tayo. Hindi mo na ako kailangan ligawan. Ano ka ba?"natatawa kong sabi.



"Gusto kong maranasan mong ligawan kita. Hindi kita naligawan noon."



"As long as kasama ko kayo ni Calvin, okay na sa akin 'yun."



"Mommy, chocolate?"si Calvin saka iniabot ang dala niyang chocolates.



"Salamat Cal. Pahalik nga sa baby ko."paglalambing ko saka ko siya hinalikan sa pisngi.



"Mommy! I'm a big boy now."reklamo nito dahilan para kami ay matawa ni Vincent.


"Cal kahit lumaki ka na, you're still our baby no matter what."si Vincent.


"Ayoko. I am a big boy now. I promise Mommy, I will protect you sa mga bad guys. Even kay Daddy." Nagulat ako at napangit sa narinig ko.




"Me??"si Vincent na nakakunot ang noo.



"Yes. Kapag pinaiyak mo si Mommy, ako ang makakalaban mo Daddy."pagmamalaki pa nito.




"Ang bait at ang tapang ng baby boy ko."natatawa kong sabi.




"Mommy?!"reklamo pa ulit nito.



"Don't worry, hinding-hindi na iiyak dahil sa akin si Mommy."


"Naku! Tara na nga kumain. Maghahanda na ako para sa hapunan." Akmang tatayo sana ako nang pigilan ako ng mag-ama ko.



"Hep, hep, hep! Kami na ang maghahanda for dinner. Bawal lang mapagod at mastress."si Vincent.




"Papangit ka n'yan Mommy."




"May kasalanan siguro kayo sa akin kaya ang babait n'yo."nakapamewang kong sabi.




"Wala."sabay na sagot ng dalawa saka naunang maglakad papuntang dining area.



Paano na lang kung hindi kami binalikan ni Vincent? Magiging ganyan kaya kasigla at kasaya ang anak ko? Napapangiti na lang talaga ako kapag ganitong nakikita ko silang magkasundong-magkasundo. Kaya lang minsan, ako talaga ang kawawa sa mag-ama. Sana tuluy-tuloy na ito. Paano kung tama ang nasa isip ko? Paano kung may babae nga si Vincent kaya nalelate silang umuwi?





"Bianca, stop! Nag-oover thinking ka na naman."sambit ko saka sumunod sa dalawa.






—————————

Unedited.

Continuer la Lecture

Vous Aimerez Aussi

1.5M 58.6K 59
WARNING: THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR READERS BELOW 16/ NARROW MINDED PEOPLE/ HOMOPHOBICS/ BIGOTS. THIS IS A TRANSGENDER WOMAN X STRAIGHT MAN STOR...
137K 1.7K 46
There is this one girl who pisses you off to the limits. May amo naman akong naninigaw kapag nagjoke. Pano kaya ipagsama sila sa isang storya? Gulo g...
27.8M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...
My Hot-Tempered Boss Par ATHENA

Roman pour Adolescents

63.7K 1.4K 36
Masungit si Gray, matalino at may pagka-bipolar. Samantalang si Ysha naman ay may pagkabobo at tanga. How should Ysha's foolishness deal with Gray's...