The Mind Reader Hunk(Complete...

By Wild_Amber

502K 16.5K 915

MICHAEL JEB HERNANDEZ(GSB-12) 'The real tarzan in the city.' By:Wild Amber More

Teaser
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30

Chapter 8

15.6K 555 45
By Wild_Amber

MATAPUS maghapunan nila Vixen sa bahay ng pinsan niya ay agad din siyang bumalik sa bahay ni Jeb. Sa pagkakataong bubuksan na niya ang pinto ay may biglang tumikim sa likod niyang siyang kinalingon niya.

"Yes?"

Mataray niya itong hinarap.

"Who are you?" Mataray namang tanong ng kaharap niya. "I'm Vixen. And you are?" Taas kilay nitong sagot.

"Tina," maarti nitong sagot. "Where is Jeb?" Maya ay tanong nito matapus nitong suriin mula ulo hanggang paa si Vixen.

"Wala siya dito." Anito kay Tina na tila hindi naniniwala sa naging sagot niya. "Tsk! Don't lie with me, dahil alam kung nandyan siya sa loob," saad nito sabay paikot nito ng mga mata. "Umalis ka nga dyan." sabay tabig niya kay Vixen." Napanganga naman si Vixen sa inasta ng babae na tila pag-aari nito ang bahay at tuloy-tuloy itong pumasok sa loob ng kabahayan. Kaya napasunod naman dito si Vixen.

"Jeb, where are you honey?" Malanding tawag ng babae kay Jeb. Ngunit walang Jeb na sumagot sa kanya. "Nasaan si Jeb?" Mataray nitong tanong kay Vixen ng balingan niya ito.

Nagkibit balikat naman si Vixen bilang sagot habang nakahalukipkip ito. "Alam kung alam mo kung nasaan siya, kaya sabihin muna sa akin." Anitong tinaasan lang niya ng kilay.

'At bakit ko naman sasabihin sayong higad ka kung nasaan siya'. Gusto sana niya ditong sabihin. "Hindi ko nga alam kung nasaan siya. Ang alam ko lang meron siya dinner with his parents." Malumanay niyang sagot.

Tila naiinis naman itong tumalikod sa kanya. Ng ihakbang nito ang mga paa para lumabas ay siya namang pagdating ni Jeb.

"Jeb. Honey. Mabuti naman at nandito kana, saan ka ba galing? I miss you." Ani Tina sabay pulupot nito ng mga kamay sa binatang napakunot ang noo.

Napailing naman si Vixen na tinalikuran ang dalawa.

"Wait. Who are you?" Naguguluhang tanong ni Jeb kay Tina na biglang bumagsak ang balikat ng itulak niya ito bahagya. "Honey. Nakalimutan muna ba, diba dinala mo nga ako dito. And we fck here." Walang prenong sagot ni Tina sa kanya na siya namang kamuntikang ikadapa ni Vixen habang paakyat sa hagdan dahil sa narinig.

"I'm sorry. Pero hindi kita matandaan. " Anitong kinadismaya ni Tina. "At paano ka nakapasok dito? I mean sa loob ng subdivision?" Nagtataka nitong tanong dito. Hindi kasi basta-basta nakakapasok ang kung sino-sino lang sa loob ng subdivision.

"Pinapasok ako nila Austin." Malungkot nitong sagot. "That moron." Naisatinig nito sa isip. "Humanda ang gago na yun sa akin." Mahina nitong aniya sabay tingin sa gawi ni Vixen na mukhang hindi makapaniwala sa tinuran ni Tina na narinig niya. Maya't maya ay naiiling itong tumalikod at tuluyang iniwan sina Jeb at ang nagpakilala sa kanyang si Tina.

"Jeb. I really miss you. Hindi mo ba ako namiss?" Malambing niyang aniya kay Jeb sabay yapus niya sa binata. Ngunit muli din binaklas ni Jeb ang kamay ni Tina na nakayapus sa kanya.

"I'm sorry. Dahil hindi kita kilala at hindi ko rin matandaan na dinala kita dito." Saad nito kay Tina sabay kuha niya ng tawagan.

"Hello. Pumunta kayo dito sa bahay." Anito ng meron sumagot sa kabilang linya na agad din niyang pinatay ang tawagan.

Minuto ang lumipas ay agad na dumating ang tinawagan niya. "Sir?" Anang mga ito kay Jeb.

"Get her out here." Tangi nitong aniya bago tumalikod. "Yes, sir." Pagtalima ng mga ito.

"Hoy. Jeb, hindi mo pweding gawin ito sa akin." Biglang pagpupumiglas ni Tina ng hawakan ng dalawang guards ang mga kamay niya. Tila wala namang narinig si Jeb na tumatawag sa kanya. Tuloy-tuloy na umakyat ito sa ikalawang palapag ng bahay niya kung saan ang silid niya. Wala siyang pakialam kung sino man ang babaeng nakaharap niya. Kung totoo man ang sinasabi nitong meron nangyari sa kanila ay wala din siyang pakialam dun dahil hindi naman niya pinilit ito.

"Hayop ka Jeb. Humanda ka talaga sa akin. May araw ka rin sa akin. Pagkatapus mong pagsawaan ang katawan ko ay ganun-ganun mo na lang kung baliwalain ako." Sigaw ni Tina ng hilain siya ng dalawang guards. At dahil mas malakas ang dalawang guards ay kaya walang nagawa si Tina ng tuluyan siyang maisakay ng mga ito sa dala nilang sasakyan.

Agad na umakyat si Jeb sa kwarto niya at nagbihis. Matapus niyang magbihis ay muli din siyang lumabas ng silid at tinungo niya ang silid ni Vixen. Bahagya muna siyang huminga ng malalim bago siya kumatok.

Papasok na sana sa loob ng banyo si Vixen ng makarinig siya ng katok mula sa labas ng silid niya. Kaya kunot noo siyang lumapit sa pinto bago niya pinagbuksan ito.

Ng mabuksan niya ang pinto ay ang mukha agad ni Jeb ang nabungaran niyang nakabihis pambahay na. Nagtatanong naman ang mga mata niyang humarap sa binata. Kaya napakamot bigla si Jeb.

"Ahm," tila di nito alam kung ano ang sasabihin. "About dun sa girl. Hindi ko talaga siya kilala." Tila asawa itong nahuli ng misis niya sa akto kaya nagpapaliwanag para ipagtanggol ang sarili.

"You don't need to explain. Dahil wala naman akong pakialam sa personal mong buhay. Nandito lang naman ako dahil sa sinabi niyong kailangan ko ng proteksyon. So, kahit dalhin mo dito ang girlfriend mo, fling girlfriend or kahit na sino ay wala akong pakialam." Anito sa binata na napakamot ng ulo.

"Wala ka ba talagang pakialam?" Anang kabila niyang isip. "Yeah. Kung wala e but naghihimutok ang kaluoban mo." Sabat naman ng kabila niyang isip.

"I'm sorry." Tanging nasabi ng binata. "Kumain kana ba?" Pag-iiba nito sa usapan.

"Oo, tapus na," sagot nito. "Kumusta ang dinner mo with your parents?" Maya ay tanong nito.

"It's fine." Tipid namang sagot ng binata.  "Uhm. Okay."

"Sige. If you need something, tawagin mo lang ako. Nandito lang ako sa bahay." Anito sa dalaga na agad naman tumango. Ng tumalikod si Jeb ay kibit balikat namang isinara ni Vixen ang pinto bago tuluyang pumasok sa loob ng banyo.

Matapus makausap ni Jeb si Vixen ay agad naman siyang nagtungo sa mini office niya. Agad niyang binuksan ang laptop pagkaupo niya. Ng bumukas ang sariling laptop ay agad rin niyang kinuha ang tawagan at may tinawagan ito.

"Hello. Anong balita sa trabaho niyo dyan?" Agad niyang tanong sa tinawagan. "Boss, sa ngayon ay nanahimik si Mayor Roxas. Pero hindi kami tumitigil sa pagmamanman sa bawat galaw niya at ng mga taohan niya." Paliwanag naman sa kanya ng kausap.

"Good. Wag niyo hahayaang makawala sila sa inyong mga paningin. Wag niyo sila hayaang magtagumpay sa anumang binabalak nila." Utos nito sa kausap na agad namang tumalima.

Matapus niyang makipag-usap sa kausap ay agad din niyang pinatay ang tawagan at hinarap ang laptop. Dahil sa busy siya sa pagiging extra agent niya ay napapabayaan na niya ang sariling kumpanya.

Hindi namalayan ni Jeb kung ilang oras din siyang nakaharap sa sariling laptop. Kung hindi pa siya nakaramdam ng antok ay hindi niya ito papatayin. Matapus niyang pataying ang laptop ay agad siyang lumabas ng mini office niya at nagtungo sa kusina para uminom ng tubig bago matulog.

"Ouch!"

Biglang daing ni Vixen na palabas ng kusina ng bumangga siya sa kung anong matigas na bagay.

"Are you okay?"

"Y-yeah!"

Alanganin niyang sagot sabay himas niya sa noo na bumangga sa katawan ni Jeb. Dahil dito pala siya bumangga.

"Why your here?" Maya ay tanong ng binata kay Vixen matapus niyang i-switch on ang ilaw sa kusina. "I can't sleep, kaya uminom ako ng gatas." Mabilis naman nitong sagot na kinatango ni Jeb. "Ikaw?" Balik tanong naman niya sa binata.

Sasagotin na sana ni Jeb ang tanong ni Vixen ng biglang tumunog ang tawagan ni Jeb. Ng makita niya kung sino ang tumatawag ay agad naman niya itong sinagot.

"What?"

"Gising ka pa?"

"Hindi. Natutulog na ako." Sarcastic nitong sagot na kinatawa ng nasa kabilang linya. "Okay. By the way, nakita nga pala namin yung dinala mo dating girl dyan sa bahay mo. Hinahanap ka niya kaya pinatuloy namin. Baka kasi tigang kana at gusto mong magpainit." Anang kausap niya.

"You moron. Humanda ka talaga sa akin, kung hindi lang siguro kita kadugo ay naipasalvage na kita at bukas ay pinaglalamayan kana." Iiling-iling niyang turan sa kausap. Tahimik lang naman na nakikinig sa kanya si Vixen na hindi makalabas ng kusina dahil nakaharang sa daraanan niya si Jeb.

"Dapat pala akong magpasalamat dahil pinsan kita." Tatawa-tawa paring anang kausap niya. Dahil alam niyang inaasar lang siya nito ay agad niya itong pinatayan ng tawagan.

"Uhm. S-sige aakyat na ako sa room ko." Hindi makatingin ani Vixen kay Jeb na agad naman binigyang daan ang dalaga para makadaan. "Okay. Good night." Ani Jeb dito.

"Good night too." Tipid ngiti itong sumagot sa binata bago siya umalis ng kusina. Napangiti namang kumuha ng maiinom niyang tubig si Jeb pagkaalis ni Vixen.

Habang umiinom ng tubig si Jeb ay nakapaskil na ang ngiti sa kanyang mga labi. "Tsk! Anong nangyayari sayo moron? Are you getting crazy?" Iiling-iling nitong sita sa sarili dahil sa hindi malamang kadahilanan ay siya'y nangingiti.

Matapus niyang uminom ng tubig ay agad din siyang umakyat ng silid niya at nagpahinga.

Mahihiga na sana si Jeb ng tumunog na naman ang tawagan niya. Kaya wala itong nagawa kundi sagotin ang tawagan.

"Hello."

"Boss, may balita kami sayo." Anang tumawag. "Ano yun?" Kunot noo niyang tanong dahil halos ilang oras lang ang lumipas ng makausap niya ito.

"Si Mayor Roxas, nasa hospital ngayon." Imporma ng kausap niya. "Oh! Anong nangyari sa kanya?" Mas lalong lumaki ang gitla ng pagtataka sa kanyang noo.

"Lasing daw siyang nagmaniho, kaya bumangga ang sasakyan niya sa nakasalubong nitong sasakyan." Pagbabalita ng kausap niya.

Dahil sa narinig niya ay hindi niya malaman kung ano ang sasabihin. Napabuntong hininga na lang siya. "Sige, balitaan niyo na lang ako sa mangyayari. At kahit na ganun ang nangyari sa kanya ay hindi parin tayo dapat maging kampante." Utos nito sa kausap na agad naman tumalima.

Matapus makipag-usap ni Jeb ay agad niyang inilapag ang tawagan sa side table ng kama niya. At sa halip na mahiga siya para matulog ay kinuha na lang niya ang tinatago niyang yosi sa isa sa mga drawer sa kwarto niya. Agad niyang binuksan ang sliding door sa loob ng silid niya palabas sa maliit na terrace sa labas ng silid niya. Sinadya niyang ipagawa ito upang doon magpahangin kung hindi siya makatulog o meron siyang malalim na iniisip.

Magsisindi na sana siya ng yosi nang biglang bumukas ang sliding door sa katabi niyang silid. "Can't sleep?" Agad niyang tanong dito.

"S-something like that. Ikaw?" Balik tanong nito sa kanya. "Um. Hindi rin ako makatulog." Anito.

"I see."

Dumaan ang segundo na walang umimik sa kanilang dalawa. Tila nagpakiramdaman ang mga ito kung sino ang unang magsasalita.

"Ehmm," maya't maya ay biglang tumikim si Jeb. "So, babalik ka pa ba sa states? Dahil narinig ko, tapus na kana daw ng course mo dun." Tanong niya kay Vixen.

"I don't know. Maybe kapag okay na ang lahat ay dito na lang ako maghahanap ng trabaho sa Pinas." Anito. "Para mas malapit ako sa parents ko." Dagdag pa nito.

"Bakit ayaw mo bang i-managed ang negosyo ng pamilya niyo? Your the only daughter of Mr Cataluna." Anitong ipinagkibit balikat naman ng dalaga.

"Ewan ko, ang gusto ko kasi ay magtrabaho ako bilang regular employee. Yung hindi ako umaasa kahit kanino. At yung mga katrabaho ko ay ituturing nila akong kagaya rin nila hindi dahil kadugo ko ang may ari ng pinagtratrabahuan ko." Paliwanag nito. Tatango-tango naman ang binatang nakikinig sa kanya.

Maya't maya ay muling natahimik ang dalawa. "So, ikaw. Ano ang iba mong trabaho bukod sa pagiging protector mo sa gaya naming mga nangangailangan ng protection?" Curious nitong tanong sa binatang nakatanaw sa kawalan.

"I have a own company," bahagya itong tumigil sa pagsasalita. "At dahil gusto kung makatulong sa mga taong nangangailangan ng tulong ay nagtratrabaho rin ako sa agency ng kaibigan ko bilang secret agent." Sagot nito sa tanong ni Vixen.

"Kung isa kang secret agent e paano ang company mo? I mean sino ang nagmamanaged?" Taka niyang tanong kay Jeb.

"May tiwala naman ako sa mga employee ng kumpanya ko na hindi nila ako niluluko at ginagawa nila ng maayos ang trabaho nila habang wala ako." Sagot naman nito.

'May sarili siyang kumpanya pero nagtratrabaho pa siya bilang secret agent. Hanip!' Anang isang isip ni Vixen.

'Tama. At bukod pa dun ay gwapo pa siya.' Segunda naman ng malandi niyang utak.

Dahil sa pinagsasabi ng isip at utak niya ay agad niyang pinilig ang ulo.

TBC.

->Ako ay nagpaparamdam muli sa inyo....pasensya na po kayo kung minsan na lang ako makaupdates dahil busy ang niyong lingod. At dahil nga panay ang ulan dito sa kamaynilaan at hindi naman ako makalabas ay nagsipag na lang ako magsulat. Pero, pasensya na rin po kayo sa mga wrong typo at grammar...

Nandito nga po ako sa Manila at sana bago ang flight ko ay meron akong mameet kahit isa man lang po sa inyo....jejeje!!!!

Yun lang po.......Godbless you all. Ingat po kayo palagi and always don't forget your umbrella bago kayo lumabas ng bahay dahil sa maulan na panahon.

FB:Shane Ashley

Continue Reading

You'll Also Like

6.9M 140K 51
PUBLISHED UNDER POP FICTION (SUMMIT BOOKS) The Neighbors Series #2 Highest Rank: #1 in General Fiction ** Meet the rich, gorgeous, hot and sexy Sapph...
70.3K 1.1K 57
Ayara Terrise Monterio a fresh graduate, trying to find herself in the world of filming. Not knowing that following her dreams will lead her to the p...
13.2K 268 24
Hanggang saan ang kaya mong habulin para sa pag-ibig? LANGUAGE:English & Tagalog SERIES:Vallejos 1:Justin Vallejos GENRE:General Fiction STATUS:Compl...
253K 14.1K 35
"You're mine Pinky. Makipaghiwalay ka man sa akin ngayon pero sa akin pa rin ang balik mo.." -- Cedric Dalawang taon ng hiwalay si Pinky sa kanyang e...