I'm not the only one (ToLine)

By iamcertifiedtorpe

105K 1.7K 136

Hindi sa lahat ng pagkakataon masaya ang buhay mag-asawa. Dadaan at dadaan kayo sa mga pagsubok na kung saan... More

Note.
Chapter-1
Chapter-2
Chapter-3
Chapter-4
Chapter-5
Chapter-6
Chapter-7
Chapter-8
Chapter-9
Chapter-10
Chapter-11
Chapter-12
Chapter-13
Chapter-14
Chapter-15
Chapter-16
Chapter-17
Chapter-18
Chapter-19
Chapter-20
Chapter-21
Chapter-22
Chapter-23
Chapter-24
Chapter-25
Chapter-26
Chapter-27
Chapter-28
Chapter-29
Chapter-30
Chapter-31
Chapter-32
Chapter-33
Chapter-34
Chapter-35
Chapter-36
Chapter-37
Chapter-38
Chapter-39
Chapter-40
Chapter-41
Chapter-42
Chapter-43
Chapter-44
Chapter-45
Chapter-46
Chapter-47
Chapter-48
Chapter-49
Chapter-50
Chapter-51
Chapter-52
Chapter-54
Chapter-55

Chapter-53

1.6K 36 5
By iamcertifiedtorpe


Celine's POV...

Mabilis pa sa alas kwarto na itinulak ko si John Vic palayo sa akin. Napalakas pa nga ata ang tulak ko dahil halos maoutbalance ito.

Sht! nakita kami ni Diana.

Hindi ako pwedeng magkamali siya yun.. si Diana yun! Kilala ko yung boses na niya pati na rin yung built nito.

"Celine!!" Hindi ko na pinansin pa ang pagtawag sa akin ni John Vic mabilis ko nalang sinundan si Diana.

Paano ko ipapaliwanag sa kanya na hindi ko naman ginusto yung nangyari?

"Diana!" Sigaw ko para patigilin ito pero parang hindi ako nito naririnig dahil patuloy lang ito sa paglalakad.

Mas binilisan ko pa ang pagtakbo hanggang sa maabutan ko siya, mabilis kong hinawakan ang kamay nito para patigilin siya.

"Ano Celine.. Bakit mo ako sinusundan bumalik kana duon!" Taboy nito sa akin, agad nahagip ng mga mata ko ang mumunting luha sa kanyang mga mata para namang sinaksak ang puso ko dahil duon.

"No, ayoko.. Gusto ko magpaliwanag sa nakita mo" Paliwanag ko naman.

Hindi ko ginusto yung nangyari nabigla lang ako.

"Magpaliwanag para saan? Eh hindi naman tayo.." Sagot nito sa akin, alam kong galit lang ito pero nasaktan pa rin ako sa sinabi niya.

Calm down Celine... Calm down..

"Iniisip ko nga baka naprepressure ka lang sa gusto ng mga kaibigan mo" Dagdag pa nito. Napailing nalang with disbelief.

"Naprepressure, Tanga kaba!? Hindi ako pinipressure ng mga kaibigan ko, ganun lang talaga sila" Sagot ko sa mga patutyada niya.

Kahit ganun yung mga kaibigan ko mang-asar hindi naman nila ako pinipressure kay Diana, mukha lang pero hindi. Itong nararamdaman ko ay kusa kong naramdaman at walang namilit.

"Okay.. I have to go, naghihintay na sa akin si Ysabelle" Aalis na sana ulit ito pero mas hinigpitan ko pa ang pagkakahawak ko sa braso niya.

"Hindi ka aalis hanggat we don't settle things first" Pagmamatigas ko.

"Ano ba Celine, pauuwiin mo na muna ako.. Gusto kong magluksa sa nakita ko. Naiintindihan mo ba yun?" Pakiusap nito.

Pero umiling nalang ako.

"Pakshit naman oh!" Paltak nito, hindi ko naman maiwasan na hindi mapatawa sa itsura nito ang cute kasi.

"Why are you laughing? Akala mo ba nagbibiro ako na nasasaktan ako sa nakita ko.. Nagseselos ako Celine alam mo ba yun?" Napipikon nitong sabi.

"Then me out..." Pakiusap kong muli.

Napabugtong hininga nalang ito mukhang napagtanto niya na hindi ko siya paalisin hanggat hindi ako nakakapagpaliwanag sa kanya.

"Fine.. Talk" Utos nito.

"Okay.. I invited John Vic para lumabas ngayon" Panimula ko.

"Fck!"

Hinampas ko naman siya sa braso na kinagulat niya. Maski ako ay nagulat rin.

"Sorry.. Makinig ka muna kasi.." Saway ko naman. Hindi naman ako nito pinansin kaya nagpatuloy nalang ako sa pagsasalita.

"Gusto ko siyang makausap regarding sa panliligaw niya..

"Kasi sasagutin mo na siya?" Putol nito sa susunod kong sasabihin. Tinaasan ko naman ito ng kilay.

Bakit ba ang tigas ng ulo nito?!

"Makikinig kaba o mag aassume nalang ng kung ano ano dyan?" Pagtataray ko. Paano kami matatapos nito kung puro siya sabat.

Again hindi nanaman ito nagsalita kaya nagproceed na ako.

"So ayun na nga.. We had a dinner, after that kinausap ko siya kung pwedeng itigil na niya yung panliligaw sa akin for good kasi-- I'm in love into someone and hindi siya yun" Sobrang kabado talaga ako noong sinabi ko kay John Vic yun, pero naiinis parin ako sa ginawa nitong pagnakaw ng halik sa akin at nakita pa ni Diana.

"Ouch! Stop there Celine, ayoko ng marinig kung kanino ka nafall" Hinto nanaman nito sa kung ano pa man ang mga sasabihin ko.

Napabugtong hininga nalang ako bago napahilot sa aking sintido.

Ugh! Sobrang kulit naman nito babaeng to dinaig pa si Ysabelle kung mag tantrums!!

"Hoy! San ka pupunta!?" Nagtataka kong tanong kasi sa pangatlong pagkakataon ay naglakad nanaman to palayo sa akin.

"Uuwi na ako.. Nilalamig na ako masyado" Sagot nito at nagpatuloy sa paglalakad. Mabilis ko naman itong hinabol at tumakbo lang din ito.

Ugh! Sht naman..

Hindi ko na alam ang gagawin ko kaya dumampot nalang ako ng snow at ginawa itong bola bago pwersahang binato ito sa kanya, hindi ko naman inaasahan na sa ulo niya ito tatama kaya napatumba siya.

Kinakabahang lumapit ako sa gawi nito, no choice na ako ayaw niya kasing tumigil sa pagtakbo.

"May bato ba yung snow na binato mo sa akin Celine? Ang sakit!" Daing nito habang hawak hawak ang parte ng ulo niya na natamaan ko.

"Sorry, Hindi ko lang sure.. Look, makinig ka muna kasi sa akin Diana" Nagpapasensya kong saad. Kahit nagsisimula na rin akong mainis sa kakulitan nito.

"Fine.. 5 minutes kasi uuwi na ako"

Kumuha nalang ako ulit ng snow at binato ito sa mukha niya.

Naiinis na ako sobra!

"Tanga ka ba talaga Diana!? Kaya ko binasted si John Vic kasi gusto ko na magsettle down kasama ka! Dahil gusto kita pero ayaw mong makinig sa explanation ko kaya naiinis ako ng sobra!"

Hindi ko na alam kung paano pa magpapaliwanag sa kanya. Kung ano ano nalang nasasabi ko.

"What? Tama ba ako ng narinig gusto mo na magsettle down kasama ako?" Pag-uulit nito.

"Oo, uulitin ko gusto rin kita Diana, kahit pa ang tigas tigas ng ulo mo! dahil hindi mo man lang ako patapusin sa mga sasabihin ko!" Pabalang na sagot ko.

Nakakainis! Hindi naman ganito yung gusto ko way na magconfess sa kanya. Hayy..

Para naman itong siraulo na ngingiti-ngiti.

"So mahal mo ako?" Nanukso nitong tanong.

Tignan mo to may gana pang inisin ako lalo.

"Paulit ulit? Oo nga.. mahal kita"


"Talaga, walang halong biro?" Panigurado nito. This time naningkit na ang mga mata ko sa kanya.

"Gusto mo bang bawiin ko?" Paghahamon ko.

"No! No! Hindi lang ako makapaniwala" Mabilis na sagot nito, bago ako hinila papalapit sa kanya para yakapin.

Napangiti nalang ako dahil hindi naman ito ang ginusto kong way ng pag-amin ang mahalaga nasabi ko sa kanya ang nararamdaman ko.

...

Sa bahay niya na kami dumiretso pauwi, dito na muna ako ulit magpapalipas ng gabi. Naabutan naman namin si Ysabelle na nakatulog na kakahintay sa may sala, binuhat naman siya ni Diana at dinala sa kwarto.

Ako naman ay dumiretso sa kwartong tinutuluyan ko ng ilang araw rin, agad kong napansin na bagong palit ang mga bedsheets pati ang punda nito, mukhang nag-ayos sila pagkaalis ko. Hinubad ko na muna yung pandoble ko pang winter jacket ko bago humiga sa kama.

Ugh! Sa wakas nakahiga na ulit.

Mga ilang minuto ay pumasok si Diana ng kwarto.

"Magbihis ka na baka magkasakit ka pa" Saad nito, nakabihis na rin pala ito.

"Wala na akong gamit dito.. Naiuwi ko na diba" Sagot ko naman.

Sino ba naman kasi ang nag-eexpect na babalik ako agad dito, wala naman.

"Humiram ka nalang ulit ng damit ko.. Wait ikukuha kita" Paalam nito.

Pero bago pa man ito tuluyang makalabas ay hinila ko ito papalapit sa akin at masuyong hinalikan sa labi.

Hindi naman ako ganito ka-clingy sa kanya before pero ngayon na nasabi ko na ang nararamdaman ko, mas nagcrecrave ako sa atensyon at haplos niya.

Medyo nagulat ito sa ginawa ko dahil naramdaman ko ang pag stiff ng katawan nito pero kinalaunan ay nakabawi na ito at nagsimula na ring gumalaw ang kanyang mga labi.

Ako naman ang parang mababaliw sa paraan niya ng paghalik sa akin. Napakalambot ng kanyang mga labi at sobrang banayad ang paggalaw nito towards my lips.

"Mahal na Mahal kita Diana" Masuyong bulong ko nang kelangan na naming lumanghap ng hangin.

"Mahal na mahal din kita Celine.."  Puno ng pagmamahal nitong tugon bago muli akong hinalikan. At this time mas agresibo at mapanghanap ang kanyang mga labi.

Hindi ko na nga namalayan na nasa paanan na kami ng kama, dahan dahan naman ako nitong inihiga ng hindi naghihiwalay ang aming mga labi.

"Ahmm.. Di-ana" Hindi ko na napigilang mapa-ungol nang lumipat ang mga labi nito sa kanang tenga ko pababa sa leeg ko. Ramdam na ramdam ko ang bawat dampi ng kanyang mga labi sa balat ko.

Napahawak nalang ako sa kanyang ulo at marahan sinabunutan ang kanyang buhok, nakikiliti kasi ako at kung may anong hindi ako maipaliwanag na nabubuo sa puson ko sa ginagawa niya.

"Celine..." Masuyo nitong tawag sa pangalan ko habang gumagapang ang kamay nito sa loob ng damit ko, nais ata nitong tanggalin ang hook ng bra ko.

Napakagat labi nalang ako habang nagpipigil ng sarili na bumigay.

"We--wait lang Love" Awat ko sa kanya. Napatigil naman ito at tumingin sa akin, kita ko sa mga mata nito ang matinding lust and desire.

I know ganun rin ang nakikita niya sa mga mata ko pero, nanlalagkit kasi ako kelangan kong maligo.

"Shower muna ako.. Ayoko naman ng magmake love tayo ng hindi ako fresh" Paalam ko.

Nagulat naman ako ng sumubsub ito muli sa leegan ko. Nakikiliti ako.

"Hmm.. Hindi ka naman mabaho ahh?"

"Eh nanlalagkit ako Love... Give 5 minutes mag-ayos lang ako" Saad ko nalang.

"Fine..." Napipilitang sagot nito bago umalis sa ibabaw ko at nahiga sa kama.

"Mabilis lang din ako magshower Love" Agad na rin akong pumasok ng banyo para makaligo.

Medyo nanakit nga ang puson ko dahil nabitin ako ng sobra kaya mas binilisan ko pa ang paglilinis ng katawan.

I know part ito ng relasyon pero hindi ko maiwasan hindi kabahan.

What if I didn't satisfy her?

Paano kung mas magaling pala yung ex-wife niya kesa sa akin?

Inalis ko nalang sa aking isipan yung mga ganung klase ng bagay, dahil iba iba naman tayo ng ways para ipakita at iparamdam sa mahal natin kung gaano natin sila kamahal at hindi yun makakatulong sa magiging relasyon namin ni Diana.

Hindi ko namalayan na mahigit limang minuto na pala akong nagbabad dito sa banyo kaya dali dali akong nagpunas ng katawan, tanging bathrobe lang ang bumabalot sa katawan ko since wala nga akong dalang damit.

Napahugot muna ako ng isang malalim na hininga bago lumabas ng banyo pero naabutan ko si Diana na mahimbing ng natutulog.

Napailing nalang ako dahil hindi ko inaasahan na tutulugan niya ako sa unang gabi namin bilang mag-on.

Dahan dahan nalang ako sa kanya at pinagmasdaan ang maamo nitong mukha.

Hindi ko alam kung anong klaseng karisma ang meron ka dahil nabihag mo ang puso ko.

Marahan ko naman itong hinalikan sa noo, pababa sa tungki ng kanyang ilong at panghuli sa kanyang mga labi. Mabuti nalang at hindi ito nagising. Umayos na ako ng higa at niyakap siya.

Mukhang hindi unan ang yayakapin ko sa pagtulog.

.
.
.


"Oh my g! Really?" Masayang tanong ni Carly.

Halos mapa-tili pa nga ito sa loob ng faculty room. Nagback to normal na kami makaraan ng ilang araw.

Na-ikwinento ko rin kasi sa kanila ang mga nangyari lately except sa almost rated +18 scene, sa amin nalang ni Diana yun.

"Pano ba yan panalo ako sa pustaan!! Akin na mga pera niyo" Natutuwang saad ni Kyle habang nakalahad ang kanyang  kamay sa mga kaibigan namin.

Isa isa namang naglabas ng pera sila Heather at labag sa loob na inabot iyon kay Kyle.

"Mga siraulo talaga kayo.. Pinagpustaan niyo pa kami" Hindi makapaniwalang sita ko. Akala ko naman tumigil na sila sa kakaganyan nila, patago lang pala nilang ginagawa. Hayyy.

"So back to the topic congrats girl" Masayang bati ni Kyle at nakipagbeso sa sa akin binati din ako ng iba pa naming kaibigan.

"Nako! bukas makalawa niyan magpapakasal na rin itong si Celine" Saad ni Ate Jie na ikinapula naman ng mga pisngi ko.

"Nako! Matagal tagal pa yan Ate Jie" Sagot ko naman.

Besides ang sisimula palang naman kami ni Diana pero open naman ako sa ganung usapan lalo na kung sa kanya naman ako ikakasal.

"Grabe! Hindi na taga-sana all si Celine kasi may bebe na siya" Singit ni Heather.

Napailing nalang ako, kung normal na tao ka lang at makikita mo kaming nasa ganitong estado ng biruan iisipin mo hindi kami mga teacher hayy..

"Another thing guys.. Pwede bang huwag niyo munang mababanggit kay Ysabelle ang tungkol sa amin ni Diana. Napag-usapan kasi namin na sabay naming ibabalita sa kanya ang tungkol sa relasyon namin" Remind ko sa mga kaibigan kong may class subject kay Ysabelle, baka maidaldal nila mahirap na.

"Noted, we all know na sobrang matutuwa    si Ysabelle sa ibabalita niyo. Remember nung una palang gustong-gusto ka na maging Mommy nun" Komento ni Ate Pons.

Well tama naman siya kundi dahil na rin sa kautuhan ni Ysabelle, ng mga kaibigan ko even Marian ay hindi kami magkakaroon ng lakas loob sabihin ang naming nararamdaman para sa isat-isa.

"Yeah, sa totoo lang ang swerte ko sa kanilang mag-ina parehas silang sobrang ma-alaga at mapag-mahal" Sobrang nakakataba talaga ng puso yung mga maliliit na effort nung dalawa para sa akin.

"Halata naman duon sa dalawa na sobra silang mapagmahal.." Sang-ayon ni Carly.

"Nga pala Celine.. Ayaw ko man ispoil itong moment mo pero gusto ko lang itanong if Diana opens up to you yung about sa ex-wife niya? I mean kung she's legally separated naba ganun?" Napatigil kaming lahat sa tanong na yun ni Ate Jie.

Napansin ko naman ang pasimpleng pagsiko ni Ate Pons sa kanya. Yung ibang mga kaibigan naman namin ay pinili nalang na huwag umimik.

"Look, wala naman akong masamang intensyon para itanong sayo yan Celine.. Alam mo naman kung gaano ka namin kamahal and we all want the best for you" Paliwanag naman agad ni Ate Jie.

"Thank you Ate Jie sa concern and sa totoo lang hindi pa namin yan napag-uusapan" Pag-amin ko.

Hindi ko rin naman alam kung paano sisimulan sa kanya, mas mainam na siya ang magbukas ng usapaing iyon.

"Try to ask her about it.. for assurance na rin diba?" Suggest ni Ate Pons.

Tama siya para narin sa ikakatahimik ng kalooban ko toh .

_______________________________....

Thank you for reading and supporting.

Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 24.9K 57
What can be more painful than watching the person you love, fall in love with someone else and there is nothing you can do? Hanggang saan pa ba ang k...
32.2K 1.3K 42
"I wish that I had let myself be happier. -Kaori Oinuma, 27 years old.
42.3K 1.5K 100
Classmates turns to Lovers. "I will always love you, FOREVER"
Beauty and Harots By L

General Fiction

160K 4.8K 188
More of MikChel one shots/ short series.