Chapter-10

1.5K 23 0
                                    


Isabel's POV


"Ano bang pinakain sayo ng gago na yan at naisipan niyo pang magpakasal!?" Sigaw ni Dad rinig sa bawat sulok ng bahay namin ang sigaw nito pilit naman siyang pinapakalma ni Mommy, si Ate Yna naman ay tahimik lang sa may isang tabi at si Diana ay nasa tabi ko naka-yuko habang hawak-hawak kamay ko.

Sinabi kasi namin sa kanila ang plano naming magpakasal. Hindi na kami nagulat sa ganitong eksena dahil simula palang ay tutol na ang pamilya ko sa pakikipagrelasyon ko kay Diana pero dahil nirerespeto nito ang pamilya na pinanggalingan ko pinaalam pa rin namin sa kanila ang plano namin.

"Dad mahal ko si Diana at sa ayaw at sa gusto niyo itutuloy namin ang kasal. Gusto lang namin ipaalam sa inyo ang plano namin dahil kahit papaano nirerespeto namin kayo bilang magulang ko" Matapang na tugon ko.

Malakas na tinulak naman ni Dad si Mommy mabuti nalang sa sofa ito bumagsak hindi sa sahig. Mabilis namang lumapit sa kanya si Ate Yna.

"Narinig mo ba ang sinabi ng anak mo Martha! Naririnig mo ba!? Sinabi ko na kasi sayo noon pa ipadala na natin siya sa America para ipagamot! Tignan mo ang nangyari sa ka pa bayan mo!" Singhal ni Dad.

"Wala akong sakit! Walang kasalanan si Mom! At hindi sakit ang magmahal ka nagkapwa mo! Nagmahal lang ako Dad nagmahal lang ako!" Sagot ko saka binuhos ang mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan.

"Jusko naman po Isabel naririnig mo ba yang mga sinasabi mo? Alam mong kasalanan yan kahit saang aspeto mo tignan mali yan" Saad ni Mom.

Ngumiti lang ako kay Mommy ng malungkot. Kung sino pa ang inaasahan mong dapat unang tatanggap sayo sila pa unang manghuhusga sayo.

"Sorry Mom pero hindi niyo na mababago ang desisyon ko" Tugon ko saka mabilis na hinila si Diana papalabas ng bahay.


"Hinding hindi kami pupunta sa kasal mo! Tandaan mo yan!" Rinig naming sigaw ni Dad.

.

"I'm sorry Love" Nakayukong saad ni Diana pagkapasok na pagkapasok palang namin ng kotse .

Mabilis ko namang hinawakan ang mukha niya.

"Dont be sorry. Mahal kita kaya ipaglalaban kita, okay? Lalaban tayo hanggang dulo" Tugon ko saka masuyo itong hinagkan sa labi.

.
.
.

Agad naman akong napabalik sa reyalidad nang marahang hinawakan ni Diana ang kamay ko.


"Love.. may problema ba tayo?" Tanong ni Diana.


"Kasi kung meron pwede mo namang sabihin sa akin. Hindi yung ganito kasi nahihirapan akong manghula kung ano ba talagang estado natin. Minsan ang lambing lambing mo pero madalas para lang akong hangin sayo. Ano ba talagang nangyayari sa atin Isabel?" Dagdag pa nito.


Ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya dahil sa mga ginagawa ko.


I'm so sorry Diana..


Nasa tabing dagat kami pinapanuod ang paglubog ng haring araw. Kaming dalawa lang ang magkasama ngayon requested na rin niya.


"I'm sorry kung ganyan ang nararamdaman mo.. Pero wala naman tayong problema, sadyang abala lang tayo sa mga kanya-kanya nating trabaho" Tugon ko.


"Alam ko naman yun pero iba na tong nararamdaman ko Isabel. May mali na sa mga nangyayari" Saad niya.


Bigla naman akong nakaramdam ng kaba sa sinabi niya.

Hindi pwedeng malaman niya na niloloko ko siya. Kasi kung mangyari man itong kinakatakot ko baka ilayo nila sa akin si Ysabelle mahirap sa part ko iyon dahil isa siyang Carlos kaya ayaw siyang tanggapin ni Dad.


"Hah? Ano namang mali? Okay na okay nga tayo" Tanong ko naman. Pilit kong tinatanggal ang kabang nararamdaman ko.


"I.. I dont know. Maybe ienjoy nalang natin itong bakasyon natin together. I love you" Tugon nito saka ito lumapit sa akin at niyakap ako.


Gumanti naman ako sa yakap niya. Ang mga yakap at halik na dating kinakabaliwan ko ngayon wala ng epekto sa akin.


Wala na nga ba talaga?


"I.. I love you too" Sagot ko.


.
.
.


"Guys! Ito na ang pinakahihintay nating magbabar na tayo mamaya! Wohh!" Masayang saad ni Jus habang kumakain kami ng hapunan.


Lahat naman kami ay napasigaw sa tuwa dahil duon. Para kaming mga teenagers na sobrang excited ngayon.


"Ayan na! My favorite part! Finally! Makakainom na ulit ako ng alak! Woah!" Sigaw ni Maris habang sumasayaw pa.


Natawa nalang kami sa naging reaksyon niya. Well she deserves this break lalo na't single parent siya. Lahat kami bilib sa determinasyon niyang palakihin ng mabait at magalang ang anak nito at kita naman namin na nagbubunga ang mga iyon dahil sobrang bait ni Francis her 3 years old baby boy.


"Sus! Mukhang tigang na tigang kana sa alak girl, baka pati rin ata sa anes Maris tigang kana" Kantyaw ni Jus.


"Hindi bale tutulungan ka naming maghanap ng Fafa dyan mamaya. Diba girls?" Sabat naman ni Ate Pia.


"Yes na yes ka dyan yan! Ate Pia. Anong malay natin baka super yummy ang mahanap natin fafa tapos pwede mo narin siyang maging instant lovelife diba!" Segunda ni Jesma na parang kinikilig pa.


Mabilis naman siyang binato ng kutsara ni Marian.


Napangiwi nalang si Maris dahil sa mga pinagsasabi nila. Maski ako siguro ganyan rin magiging reaksyon ko ganyan ang mga pinagsasabi nila. 


"Hay.. Ewan ko sa inyo. Masaya naman na ako ngayon sa Anak ko yun lang naman ang mahalaga" Proud na sagot nito.


"Ayan mas mabuti yan. Baka mamaya sa kakahanap natin ng boylet para dito kay Maris eh another baby boy ang ibigay sa kanya. So no" Saad ni Jus.


"Love" Kalabit sa akin ni Diana.


"Hmm..?"


"I think maganda this is a perfect time para sundan na natin si Ysabelle" Bulong nito.


Nagulat naman ako sa sinabi nito kaya napa-ubo ako mabilis naman niya akong inabutan ng tubig.


Bakit bigla nalang pumasok sa isip niya ang ganyan?

"Wala pa sa isip ko na sundan na si Ysabelle masyado pa siyang bata para sundan, gusto ko ipamper na muna natin siya baka kasi magselos siya pag agad siyang nasundan" Pagpapaliwanag ko.

Mukhang nagets naman niya ang sinabi ko dahil tumango ito.

"Sabagay tama ka. Pero if ever na gusto mo na sabihan mo ako ha? This time I want a baby boy naman" Masayang sabi nito.

_________________________...

Thank you for reading.

I'm not the only one (ToLine) Where stories live. Discover now