Himitsu Academy

By demigodsimel

5.1M 138K 15.5K

Have you ever heard about Himitsu Academy before? Of course you haven't heard it yet, unless you are one of t... More

Himitsu Academy
Chapter Two.
Chapter Three.
Chapter Four.
Chapter Five.
Chapter Six.
Chapter Seven.
Chapter Eight.
Chapter Nine.
Chapter Ten.
Chapter Eleven.
Chapter Twelve.
Chapter Thirteen.
Chapter Fourteen.
Mga KAENGENGAN ni AUTHOR habang nagsusulat :D *Pwedeng hindi basahin xD*
Chapter Fifteen.
Chapter Sixteen.
Chapter Seventeen.
Chapter Eighteen.
Chapter Nineteen.
Chapter Twenty.
Chapter Twenty One.
Chapter Twenty Two.
Chapter Twenty Three.
Chapter Twenty Four.
Chapter Twenty Five.
Chapter Twenty Six.
Chapter Twenty Seven.
Chapter Twenty Eight.
Chapter Twenty Nine.
Chapter Thirty.
Chapter Thirty One.
Chapter Thirty Two.
Chapter Thirty Three.
Chapter Thirty Four.
Chapter Thirty Five.
Chapter Thirty Six.
Chapter Thirty Seven.
Chapter Thirty Eight
Chapter Thirty Nine.
Chapter Forty.
Chapter Forty One.
Chapter Forty Two.
Chapter Forty Three.
Chapter Forty Four.
Isang Makapal Mukhang Mensahe HAHAH
Chapter Forty Five.
Chapter Forty Six.
Chapter Forty Seven.
Chapter Forty Eight.
Chapter Forty Nine.
Chapter Fifty.
Chapter Fifty One.
Chapter Fifty Two.
Chapter Fifty Three.
Chapter Fifty Four.
Chapter Fifty Five.
Chapter Fifty Six.
Chapter Fifty Seven.
Chapter Fifty Eight.
Chapter Fifty Nine.
Chapter Sixty.
ANNOYED.
Chapter Sixty One.
Chapter Sixty Two.
Chapter Sixty Three.
Chapter Sixty Four
Chapter Sixty Five.
Chapter Sixty Six.
Helloooo?! It's meee.
Chapter Sixty Seven.
Chapter Sixty Eight
Chapter Sixty Nine.
Chapter Seventy
Chapter 70.2
Epilogue
I have something to tell

Chapter One.

236K 4.5K 1.7K
By demigodsimel

Dedicated to myself 'coz I'm the Author HAHAHA oha? geh eto na ^.^ matagal kong pinag-isipan 'to at sa wakas matutuloy na xD.

~~~~~~~~~~~~**************************************~~~~~~~~~~~~

~~~~~~~~~~~~**************************************~~~~~~~~~~~~

Kana's POV

Umaga nanaman, ano pa nga ba? Pasukan e natural papasok nanaman.

"Kana baby, baba na! 8:00 na o! Kaninang 7:00 pa klase mo" Alas otso na pala. Mabuti naman, ayoko ng maaga pumapasok. Hindi rin ako pa-VIP dahil hindi naman ako sa entrance gate pumapasok.

"Yes mom coming." Sabi ko, nakaligo na ako at naka-uniform na kanina pa. Ayoko lang talaga pumasok ng maaga kaya tumambay muna ako sa kwarto ko.

Bumaba na ako sa hindi ordinaryong bahay namin. Masyadong maka-greek mythology ang parents ko. Ang desenyo ng bahay hindi talaga ordinaryo. Pag nasa labas ordinaryo gaya ng mga nakikita mong bahay, pang mayaman. Pero sa loob doon na, may lahi ba kaming myths? Pati gamit hindi ordinaryo pang-Japanese ang mga gamit namin.

"Stop noticing our house's structure." Weirdo kong daddy, papaano nya ba nababasa ang nasa-isip ko? "And I'm not weird." Dagdag pa nya.

"You really are weird Dad." Sabi ko. Magsasalita pa sana si daddy kaso sumingit si mommy, kesyo tumigil na daw si daddy sa pag-daldal sakin kasi super late na ako BLAH BLAH.



FAST FORWARD.

Nakapagtataka, napakataas ng bakod ng likod ng school na ito pero nakakaakyat ako ng walang kahirap-hirap. Parang lumulutang lang ako sa hangin kapag umaakyat ako dito.

Naglakad na ako sa campus matapos kong makababa. Walang tao, may klase nga. Papasok na ako, bahala na kung anong sabihin ng teacher na iyon. Napakasungit, nananakit sya ng estudyante nya.

Pagpihit ko ng pintuan, boses nya agad ang narinig ko. Napakalakas.

"HINDI KA PUMASOK NG FIRST CLASS MO, 20 MINUTES LATE KA PA SA KLASE KO, LABAS!" Hindi ko sya sinunod, hindi ako gaya ng ibang kaklase ko na takot sa kanya.

Nagdire-diretso ako sa upuan ko, at narinig ko nanaman syang sumigaw. Naramdaman ko ring parang may kung anong gamit ang papalapit sa ulo ko. Naramdaman ko din na parang may nagbago sa mata ko. Ano iyon?

"PASAWAY KANG BATA KA!" Sabi ni ma'am habang papalapit sa akin ang kung anong bagay. Lumingon ako at ang eraser iyon. Dalawang dangkal na lamang ang layo niyon sa akin, pero ewan ko ba at kusang kumilos ang kamay ko at ibinato iyon pabalik sa teacher ko.

Walang kurap, nakita kong bumagsak at nakatulog ang teacher namin. Anong nagawa ko?

Tumingin ako sa mga kaklase ko at nakita ko ang takot nila sa akin, bakit sila natatakot? Nagsilabasan sila at hinila si ma'am palabas ng classroom. Narinig ko pa ang bulungan ng iba habang nagmamadaling lumabas.

"Nakita nyo ba yon? Nag-iba ang kulay ng mga mata niya!" Sabi ng isa. Si David iyon.

"Color red diba?" Sabi ni Ynna. Ano daw? Ang mata ko kulay pula? Wala naman akong sore eyes ah?

"Anak sya ng demonyo!" Demonyo? Papaanong wow huh? Anong nangyayari? Alam ko anak ako ng mga magulang ko hindi ng demonyo.

Lalabas sana ako ng classroom nang mapuna kong dumami ang tao sa, lumabas din ang ibang section at center of attraction ang section namin lalong-lalo na ako. Anong nangyayari sa akin?

Hindi ako makalabas. Demonyo, demonyo lang ang naririnig kong tawag nila sa akin. Kahit hindi naman ako demonyo. Wala naman akong mahaba at itim na sungay gaya ng kay Maleficent.

~Tama iyan Kana, palabasin mo ako.~

~Malapit na akong makalaya.~

Ano iyon? Tinawag nya akong Kana, ang lamig ng boses nya, parang maamo... Pero, wala namang ibang tao dito ah?

"Ms. Yamaguchi. Principal's office." Napasama na lang ako kay Ms. Perez, secretary ni madam principal.

Halos lahat sila ay nakatingin sa akin, pati ang mga taga elementary department ay nakatingin na rin ganoon ba kabilis na kumalat ang balita tungkol sa akin?

Pagpasok ko sa loob ng office ni madam principal ay pinalabas na agad si Ms. Perez. Bale kaming dalawa lang ng principal dito, natatakot ako kay madam masyado syang mataray tumingin. Hindi pa sya katandaan, parang kasing edad nya lang sina mommy at daddy. Pero anong gagawin nya? Suspended na ba ako? Or worse expelled na ba ako dahil sa ginawa ko dun sa teacher kong may microphone sa bibig? Pero wala talaga akong alam, ni hindi ko nga alam na kikilos yung kamay ko at ibabato sa kanya pabalik yung eraser.

"Sa wakas, nahanap din kita." Napatingin ako dahil sa sinabi ni madam, nahanap? Sino ako? "Oo ikaw nga Kana." Papaaanong? Nababasa nya rin ako gaya ni Daddy? "Oo nababasa ko ang nasa isip mo Kana. Alam kong magulo para sa iyo ang lahat. Pero mauunawaan mo rin ang lahat pagdating mo sa Himitsu." Okay, oa na pero Himitsu ano yun? Ngayon ko lang narinig yung ganung word. May ganun ba? Pero familiar sya, parang may nabasa akong ganun sa bahay.

"Himitsu po?" Parang nabasa ko na talaga pero hindi ko matandaan kung saan.

"Doon ka nababagay pumasok, nasa Himitsu Academy ang mga kagaya mong hindi normal." Hindi ba ako normal so abnormal ako? Pero nagdududa na rin ako sa sarili ko. Nitong mga nakaraang araw madaming nangyayari sa aking kakaiba tapos ngayon nangyari pa 'to. "Paparating na dito ang parents mo. Sila na ang magpapaliwanag sayo."

Mga sampung minuto sigurong tahimik sa loob ng principal's office nang may kumatok sa pintuan. Si daddy at mommy. Ang bilis naman nila.

"O, Takeshi, Kairi biruin mo nga naman, kayo pala ang magulang ni Kana." Papaanong kilala ni madam ang mga magulang ko? Friends ba sila?

"Matagal-tagal na din Akira." Sabi ni mommy, kilala nya din si madam? Hindi naman sila pumupunta dito ah! Paanong kilala nila ang isa't-isa? Friends nga siguro sila. "Ayos ka lang baby?" Baling ni mommy sa akin. Ayos lang naman ako kaso, kamusta na yung teacher na binato ko?

"Ayos lang mommy. Pero... May narining po akong naging kulay red daw po ang mga mata ko kanina." Sabi ko na ikinalaki ng mata nilang tatlo. Kwago alert.

"Unbelievable. Akala ko dark blue lang!" Sabi ni madam.

"Kairi, ibig sabihin si Kana ay..." Sabi ni daddy habang seryosong nakatingin pa din sa akin.

"No, hindi pwedeng isa si Kana sa inheritors. Ayoko, hindi ko kaya. Hindi ko matatanggap yan!" Halos panic na sabi ni mommy, Himitsu... Inheritors... Na-o-OP ako sa kanila.

"Pero Kairi! Kung totoo ngang kulay pula ang mga mata nya wala na tayong magagawa kasama sya sa mga napili." Sabi ni madam. Napili saan ba?

"Kana anak kaya mo bang baguhin ulit ang kulay ng mga mata mo?" Tanong ni daddy. Hindi ko alam kung papaano. Kusa lang yong nagbago kanina, ni hindi ko nga naramdaman e.

"I don't know how dad." Napabuntong-hininga si daddy.

"Ganito anak magfocus ka lang." Nag focus si daddy at nakita ko kung paano nagbago ang kulay ng mga mata nya. Nakakamangha... Napatingin ako kay mommy at madam. Kulay dark blue na din ang mga mata nila.

Sinubukan ko pero imbis na magbago ang kulay ng mga mata ko nagluluha lang ang mga mata ko dahil sa hindi ko pagkurap. Tae, focus daw e sumunod naman ako pero bakit nagluha lang ako?

"Wag na muna nating pilitin." Sabi ni madam "Bukas na bukas din lilipat sya sa Himitsu, ihatid nyo sya doon. Alam na ni Arashi na dadating si Kana doon bukas." Bakit parang puro Japanese na pangalan ang naririnig ko? "Doon sya sasanayin. Pipilitin nina Fuu na mapalabas ang kulay ng mga mata ni Kana doon para malaman natin kung inheritor nga ba sya o hindi." Bakit parang big deal ang pagiging inheritor ko o hindi. Ano ba yan! Pero lilipat ako ng school? Mas ayos yan nakakasawa na dito, simula pagkabata dito na ako nag-aaral. Hoho, so expelled na nga ako. Bye alma mater.

Pinaupo ako ni madam sa sofa medyo may kalayuan sa kanila. Seryoso silang nag-uusap-usap at tumitingin pa sa akin. Hindi naman ako ibebenta ng mga magulang ko para sa pera diba? May pera naman kami. So ano kayang pinag-usapan nila? Pero hindi ako normal. Ano ba talaga kami? Bakit nagbago ang kulay ng mga mata ko kanina? Bakit nagbabago ang kulay ng mga mata nila?

Ayoko mang isagi sa isip ko 'to dahil unang-una hindi naman ako naniniwala dito, pero posible ba na may magic sila? Ako? Kami? May mga ganon ba talagang nilalang sa mundo? Diba sa comic books at sa TV lang merong ganun? Parang ang hirap paniwalaan pero may ganun ba talaga?

Maya maya pa ay umalis na kami. Tahimik lang sa byahe. Nakakabingi ang katahimikan sa loob ng sasakyan. Parang lahat kami may iniisip na kung ano. Naririnig ko pa si papa na ang lalalim ng buntong hininga tapos tingin ng tingin sa akin mula sa rear view mirror. Naiilang tuloy ako, para akong bata na may nagawang kasalanan tapos papagalitan pag-uwi sa bahay. Nakakaloka 'tong araw na 'to dapat pala di na lang ako pumasok kung two hours lang naman pala ang ipapasok ko at uuwi na.

'''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''

Continue Reading

You'll Also Like

89.1K 4.9K 50
Highest Ranks Achieved: #1 investigation, 17 detective, #2 logic, #2 deductions, #1 wannaone, #10 police, #7 dead Yonhwa Province acquired a new name...
CODEPLAY | #Wattys2021 By 틴

Mystery / Thriller

42.3K 2.5K 60
The mysterious band that you will ever know! Detective club is banned in Northville High school and there's a rule that every student shall join a cl...
24.8M 1.1M 123
The third and final volume of Project LOKI. Join Lorelei, Loki, Jamie, and Alistair as they bring down Moriarty's organization. Looking for VOLUME1...
650K 33.4K 78
When everyone thought that they figured out all the puzzling mysteries that surround them and that everything has its own scientific explanation, Col...