Nasaan Na Ang Pag-ibig? (Form...

Von PollyNomial

458K 8.2K 567

Sa pagbabalik ni Mikaella Buenzalido Santos sa Pilipinas, may isa siyang napagtanto at kailangan tanggapin. I... Mehr

Nasaan Na Ang Pag-ibig?
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Kabanata 61
Kabanata 63
Kabanata 64
Kabanata 65
Kabanata 66
Kabanata 67
Kabanata 68
Kabanata 69
Kabanata 70
Wakas
Hiram Na Pag-ibig
Formosa Series #3 Update

Kabanata 62

3.9K 87 4
Von PollyNomial

KABANATA 62 — Laban

Thank God. Kahit gusto ko man ang napakagandang suhestyon ni Vincent, ito pa rin ako at nagpapasalamat na napilit kong 'wag muna naming ituloy ang kasal ngayong araw. I have so many things to do in my mind. Marami akong napag-isipan habang hinahalikan niya ako kanina. Sa unang pagkakataon, nakapag-isip ako ng tama kahit na nakakaadik na ang mga halik na binigay sa akin ni Vincent.

I want us to be legal. Hindi lang sa batas at sa mata ng Diyos kundi pati na rin sa mata ng mga magulang naming dalawa. That’s the most important thing. Ang matanggap kami ng mga tao sa paligid namin.

Napag-isip isip kong 'wag nang ituloy ang plano ko na kasama si Zac. I don’t need that anymore. Dapat nga kahit kailan ay hindi ako humantong sa ganoong isipin. No. I can’t let my mother believe that I don’t love Vincent any longer. I can’t let her think that I am already dating Zac. Hindi ko hahayaang isipin niya na siya ang nasunod at natalo ako.

What I need to do is to fight for this. I have to fight for us. Our love and our future. Kailangan kong makumbinsi si Mommy, whatever it takes, na hayaan na kami ni Vincent. To stop manipulating me and let me have my own decisions, my own life. Masyado nang mahaba ang panahong siya parati ang nasusunod. This time, I can’t let her in my way again. Lalo na kung ang pag-ibig ko at ang future ko na ang nakasalalay rito.

Vincent makes me happy. No one else does except him. And I am not allowing anyone to take that happiness from me. Masaya kami sa isa’t isa at pananatilihin ko iyon.

I will talk to mom. I will convince her with all the best I can. Siyempre pati na rin si Daddy. At kung kinakailangan, pati si Auntie Kristin ay kakausapin ko tungkol dito.

That is what I am gonna do right now.

Sinulyapan ko ang repleksyon ni Vincent sa salamin ng elevator. Nakapamulsa siya at hindi ko mabasa ang iniisip niya. Alam kong disappointed pa rin siya ngunit alam ko rin na naiintindihan niya ako. If we want us to be legal, then we have to wait and do this. We need to talk to each other’s parents.

 

“I still haven’t change my mind, Mika.” Sabi niya nang nakalabas kami ng elevator. Naaninag ko si Zac na tumayo mula sa couch na inuupuan niya nang makita kami. Halos dalawang oras siyang naghintay sa akin.

“Vincent.” Nginitian ko siya. “Gustong gusto ko ang offer mo. Kung alam mo lang kung gaano ko na kagustong pakasalan ka ngayon mismo. Pero… gusto ko rin na ipaglaban ka sa pamilya ko lalo na sa mommy ko. 'Di ba 'yon naman talaga ang ginagawa natin? Pinaglalaban natin ang isa’t isa? And we have a promise, remember? Hindi tayo susuko. This is the right thing to do.” Paliwanag ko sa kanya. Nilingon ko ulit si Zac na hindi pa lumalapit sa amin.

“Alright.” Buntong hinga niya. “Pero kung magbabago pa ang isip mo, I am ready. Anytime. Anywhere, Mika.”

Hindi ko mapigilan ang ngisi ko. Ginaya niya ako at saka hinatak para halikan ang aking noo. “I want you so bad right now. Pero may naghihintay na ibang lalaki sa’yo.” Sambit niya habang nasa noo ang labi. Naramdaman ko ang hanging nagmula sa bibig niya.

“Hindi ibang lalaki si Zac, Vincent. He is my best friend. I hope he can be your friend, too.” Sana ay mangyari nga iyon balang araw.

“It will take a long time for that to happen, Mika. Masyado akong na-threaten kay Zac noon at wala pa akong tiwala sa kanya.” Pag-amin niya. “But I’ll still try. For you.” Pinadausdos niya ang daliri sa aking pisngi. Uminit ang mukha ko nang gawin niya iyon.

Narinig ko ang isang tikhim.

“Ella, we need to go.” Nilingon namin si Zac na nakahalukipkip at ilang metro na lang ang layo sa amin.

Malalim na humugot ng hininga si Vincent bago niya binalik ang tingin sa akin. “I can’t believe that I have to do this.” Bulong niya. Pero alam kong narinig iyon ni Zac dahil sa pagkunot ng noo nito. “Kagabi, kay Terrence kita pinaubaya. Ngayon naman sa kanya.” Nag-igting ang panga niya sa sariling sinabi.

Hindi ko mapigilan ang pilyang ngisi ko. Naiisip pa rin pala niya ito. Ayaw pa rin niyang hayaan ako sa kamay ng ibang lalaki. At natutuwa ako sa isiping baka nagseselos si Vincent sa tuwing may kasama akong iba bukod sa kanya.

Narinig ko ang eksaheradong singhap ni Zac at napatingin ako sa kanya. “Sa’yo pa rin naman siya sa huli, pare. For now, I need to take her home. Baka kung ano nang isipin ng mommy niya sa kanya.”

Lumayo ako ng kaunti kay Vincent at bumagsak ang kamay niya. Kinagat ko ang aking labi.

“Sige na, Vincent. Aalis na kami. Tatawagan kita. I’ll talk to mom. And then tomorrow, sabay natin siyang kakausapin.”

Tumango si Vincent at isa pang beses na lumapit sa akin para halikan ulit ako sa noo. Nang alisin niya ang labi roon ay akala ko lalayo na siya pero lumipat lang ang bibig niya sa tainga ko.

Bumulong siya. “I love you. So much, Mika. I will forever be in love with you. You…” Naramdaman ko ang hintuturo niya sa aking dibdib. “Must not forget that.” Halos makuryente ang balat sa tainga ko dahil sa haplos ng hanging nagmumula sa bibig niya.

Hindi ko na iyon ininda. I need to answer him. Tumingkayad ako at inabot din ang tainga niya. “I love you, too. So much.” Panggagaya ko sa sinabi niya. “I will forver be in love with you, Vincent. Tandaan mo palagi iyan.”                                  

Panay ang singhap ni Zac. Naiiling siya at panay ang ngisi. Hindi ko maintindihan kung bakit siya ganyan. Kanina pa, mula nang makalabas kami ng condominium ay ganyan na siya. Namumula ang tainga niya na kitang kita ko dahil sa nakatagilid niyang mukha. Diretso ang tingin niya sa daan.

“What’s wrong?” tanong ko sa kanya. Kumunot ang noo ko nang matawa siya.

“I didn’t know that the both of you could be so cheesy.” Umawang ang bibig ko at nahiya. Pakiramdam ko ay nangangamatis ang buong mukha ko.

Umiwas ako ng tingin at hindi sumagot. Sana, hindi na lang ako nagtanong!

“Nahihiya ka?” bintang niya. Mas lalo akong umiwas ng tingin. Binaling ko ang atensyon sa bintana ko.

“Well, I must know. If I were him, ganun din siguro ako.”

 

Hindi ko siya pinansin. Pinaglaruan ko ang aking singsing.

“Now, I realized that I did the right thing.” Doon ako napatingin sa kanya. Huminto kami sa trapiko. Hindi ako nagsalita at hinintay ko lang siyang sundan ang sinabi. “Ngayon lang nakita mismo ng mga mata ko kung gaano ka kasaya sa piling niya. I never saw that when you’re with me.”

 

“Zac…” maaaring totoo iyon pero nakipagtalo ang isip ko na hindi. Masaya ako kay Zac. Noon, masaya ako sa tuwing kasama ko siya. Kahit naman ngayon. Anong pinagkaiba? And then it hit me.

“That’s true, Ella.” Tila alam niyang makikipagtalo ako. “Mahal na mahal mo si Vincent na kahit problemadong problemado ka na, you still have this smile that’s just for him. I am jealous. I don’t know how he does that but I am glad that he do. Masaya ako kapag masaya ka.” Nawala ang nakangising mukha ni Zac kanina at nabasa ko ang lungkot sa kanyang mga mata.

Gusto kong magsisi. Gusto kong sisihin ang sarili ko dahil dalawang lalaki ang nasasaktan dahil sa akin. Pero ano bang magagawa ko? Ang tanging magagawa ko lang ngayon ay ang tulungan silang makalimutan ang kung anong nararamdaman nila para sa akin. I need to make them realize that I can never reciprocate their feelings. Isa pa 'to sa kailangan kong ayusin bago kami tuluyang lumagay sa tahimik ni Vincent.

Hindi na ako nakapagsalita. Wala na akong masabi dahil sa hiya ko sa mga pangyayari. May kasalanan ako at wala akong magawa kundi manahimik na lang.

Hanggang bahay, sa pagsalubong sa amin ni Mommy, ganoon pa rin.

“How’s your date?” masiglang tanong ni Mommy. Hindi siya sa akin nakatingin kundi kay Zac. Nang ilipat niya ang tingin sa akin at tinaasan niya lang ako ng kilay.

Hindi ako makapaniwala. How can she act this way in front of someone she merely knew. Hindi ko sinasabing masamang tao si Zac at hindi dapat magtiwala rito pero hindi ba dapat ay kilalanin muna ng lubusan ng isang ina ang lalaking gugustuhin niya para sa anak niya?

Walang maisagot si Zac at kinabahan ako roon. Nagtatalo ang utak ko. Papaalisin ko na lang ba siya nang hindi sinasagot si Mommy o hahayaan ko siyang ituloy ang unang plano namin? But I have already decided.

Nagpasalamat ako nang tingnan ako ni Zac. Bahagya kong kinunot ang aking noo at umiling. Napansin iyon ni Mommy at mas lalong nagtanong ang kanyang mga mata sa aming dalawa.

“Ahm, Mrs. Santos—”

 

“Tita, Zac. You can call me tita.” Lumunok ako sa utos ni Mommy.

“Tita. I have to go. May aasikasuhin pa po kasi ako. Hinatid ko lang si Ella.” Sabi ni Zac nang may buong galang.

“Oh, alright.” Naglakad si Mommy palapit kay Zac at inilapat ang palad sa balikat nito. “Shall we?”

Siya ang naghatid kay Zac sa pintuan ng aming bahay. Ilang saglit lang ay nagbalik siya nang may kunot sa noo.

“M-mommy.” Nautal ako kaya naman inayos ko ang mga susunod na salita ko. Ngunit naunahan niya akong magsalita.

“I’m upset, Mikaella.” Kinagat ko ang aking labi sa pahayag niya. What else does she wants to say? Because I have a lot.

“Mommy, please. Tama na ito. Tanggap mo naman si Vincent 'di ba? Sinabi mo na 'yan, e. You’re happy for me. Ikaw pa nga ang mag-aayos ng kasal ko, 'di ba?” nilapitan ko siya at hinawakan ko ang kamay niya.

Nabigla ako nang ipiglas niya ang kamay. Naiwan ang kamay ko sa ere.

“No, Ella. Nagbago na ang isip ko. That man’s family is not good for you. For us. Hindi mo ba naisip na madadamay lang tayo sa mga problema ng pamilya nila?”

Umiling ako. Sunod sunod akong umiling. “Mommy, aayusin naman 'to lahat ni Vincent. Tutulong ako sa kanya. We’ll fix everything before we get married. Pipilitin namin si Auntie Kristin na tanggapin si Carrive. Gagawin namin ang laha—”

 

“You’ve got nothing to do with their problem, Mikaella! Madadamay ka lang!”

“Then let it be, Mom! Mahal ko si Vincent at handa ko siyang damayan sa lahat. Kahit dito pa. Kahit masali pa ako sa mga huhusgahan ng mga tao. I don’t care! As long as I’m with Vincent, magiging okay ako. Trust me on this, Mom. Kahit dito na lang.”

Nasayang ang mga paliwanag at pakikiusap ko sa kanya nang sa huli ay umiling pa rin siya. Buo na ang loob ni Mommy. Walang emosyon ang kanyang mukha. Kahit awa manlang para sa akin ay wala. Ni katiting na pagmamahal para sa anak niya ay wala.

Hindi ba niya ako mahal? Naalala ko sila Terrence at Zac. They both loved me. At ang gusto nila ay maging masaya ako kaya hinayaan na nila ako. Kahit masakit para sa kanila. Kahit labag sa loob nila, pinalaya nila ako. They wanted me to be happy. They wanted me to have a better life with Vincent, with the one I love. They told me that I deserve the best and Vincent is the best for me.

Pero bakit si Mommy ay hindi iyon makita at magawa? Doesn’t she love me?

“Zac is better—”

 

“You don’t even know him.” Putol ko sa kanya.

“You know him. Marami na kayong napagdaanan sa France at New York. Kaibigan mo siya and he will be good for you. And I want the best for you.”

What? She want’s the best for me? Si Vincent iyon!

Gusto kong sabihin ang mga iyan ngunit hindi pa ako handa sa pakikipagtalo. I will still try. Papakiusapan ko pa rin siya. Kaya ko pa.

“Hindi ko gusto si Zac, Mommy. He’s just my friend.” Deklara ko sa kanya. Tinaas ko ang aking noo at buo ang loob ko nang sabihin ko iyon. “I don’t like anyone except for Vincent. It’s him that I love.”  

Disappointment was all over her face. “Hindi ikaw ang magdedesisyon, Ella. Your dad and I have talked about this.”

 

“No!” sumabog na ang dibdib ko. Hindi ko inakalang pati si Daddy ay pipilitin niya rito. “Pati si Daddy dinadamay mo dito! I can’t believe you, Mom! How could you do this to your daughter? Only child?” pumalatak ako. “What? This is the best for me? You only want the best for me?” Nagbadya ang mga luha. Pinigilan ko ito. “Another unacceptable reason, Ma!”

Bagsak ang panga ni Mommy sa malalakas kong sigaw. Nakita ko ang mga katulong at si Nanay Linda na patakbo dito sa living room. Wala si Daddy. Mabuti, dahil wala rin naman siyang magagawa rito. Hindi ko naman alam kung kanino siya kakampi. Sa akin ba? O sa kanya? Sa tingin ko ay wala sa aming dalawa.

“M-mikaella! How could you talk to me that way!”

 

“At paano mo 'to nagagawa sa akin?!” sigaw ko pabalik. Nanginig ang boses ko at napahagulgol na ako sa iyak. Natahimik siya. Tulala at natigilan siya. Wala akong sinunod sa mga sinabi ko dahil ang gusto ko sagutin niya ang mga tanong ko.

“I-I…”

 

“You’re unbelievable, Mom.” Wasak na wasak ang puso ko dahil sa nakikita kong itsura niyang walang pakealam sa akin. “Hindi ko alam kung hahangaan ko ba ang mga ginagawa mong pagpapatakbo sa buhay ko. 'Coz I can’t even appreciate it. Lalong lalo na ito!” tinuro ko pababa ang sahig na parang ito ang tinutukoy ko.

Nanginig ang nakaawang na bibig ni Mommy. Malapit na siyang umiyak. Nakikita ko ang nagbabadyang luha sa kanyang mga mata. Ako ay tuluyan nang napaluha. Umiyak ako ng umiyak sa harap niya pero wala siyang ibang ginawa kundi titigan ako.

                

Nanlulumo akong tumalikod. Hinang hina ang mga tuhod ko. Wasak ang mga pangarap ko. Parang unti unting nabubura ang mga binuo kong pangarap para sa aming dalawa ni Vincent. Pero hindi ito pwede. I will still fight for us. This is just a test. I will never give up.

But… I’m tired of my mother. Gusto ko na munang tumigil ngayon. Bukas naman. Kapag may lakas na ulit ako. Hindi ko na kayang harapin ulit si Mommy. Masyadong masakit ang mga gusto niya para sa akin. Wala siyang pakealam. Masakit. Sobrang sakit. Hindi ko alam, kung nanay ko ba talaga siya. Sa simula’t sapol, ganito na. Wala siyang ibang gusto kundi ang sarili niyang mga desisyon. At nagsasawa na ako. I need time to rest.

Umakyat ako ng aking kwarto. Tiningnan ko ang cellphone ko at maraming nang mensahe mula kay Vincent. Isa isa ko iyong binasa.

Vincent:

Nakauwi ka na ba?

Vincent:

Is Zac still with you?

Vincent:

Nakausap mo na ba ang mommy mo? How was it?

Vincent:

Mika, I’m worried. Kumusta ang usapan niyo ng parents mo?

At marami pa. Ang mga huling message niya ay tungkol na pagtatanong niya sa usapan namin ni Mommy. Hindi ako nag-reply. It’s bad news at ayaw kong malaman niya iyon. Gusto ko, kapag binalitaan ko siya, maayos na ang lahat. This will be another problem for him. Ayaw ko nang makadagdag pa ito sa mga problema niya.

Humiga ako ng kama. Nanghihina ang buong katawan ko. Inalala ko si Vincent. Humuhugot ako ng lakas sa mga alaala naming dalawa. Sa pagmamahalan naming dalawa. I can’t give up. I don’t want to. Bukas na bukas, haharapin ko ulit si Mommy. At pati na rin si Daddy. Susubok ako hanggang sa matanggap nila kami. Gagawin ko ang lahat matuloy lang kami. Gagawin ko ang lahat makarating lang kami sa hinaharap na gusto ko para sa amin. Para sa walang hanggang pagsasamang inaasam ko para sa aming dalawa.

Pero sa ngayon, magpapahinga muna ako upang makaipon ng lakas para sa laban na haharapin ko.

Weiterlesen

Das wird dir gefallen

4.5K 729 34
Violet fell in love with her brother's best friend but there's a catch...They have a secret past. [COMPLETED]
1.5M 58.8K 59
WARNING: THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR READERS BELOW 16/ NARROW MINDED PEOPLE/ HOMOPHOBICS/ BIGOTS. THIS IS A TRANSGENDER WOMAN X STRAIGHT MAN STOR...
4K 249 38
Gabriella Dela Cruz is a very famous model and brand ambassadress who will unexpectedly work for a project with her "almost boyfriend" Ethan Meechael...
19.1M 225K 36
Meg is a bitch--and she continues to be one upon knowing that Daniel only married her for his wealthy grandfather's inheritance. But when secrets fro...